Share

Kabanata IV

Lucky's POV

Hindi maalis ang tingin ko sa papel na hawak ko. 

Sila kaya ang mga babaeng nabiktima ng sumpa sa pamilya namin? Kasama ang pangalan ko! Hindi ko alam kung totoo ba ang sumpa dahil hindi ko pa nararanasang magmahal.

Mabilis kong kinuha ang phone ko, "Hello." Sabi ko ng sagutin niya ang tawag.

"I swear to god Lucky kung hindi ito emergency makakatikim ka ng sermon sa akin." Bungad ni Gio sa akin, ang nag-iisa kong bestfriend.

"Sorry kung nagising kita."

"Really? Are you?" Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa naging sagot niya sa akin. Kilala talaga ako ng lalaking ito. "Ano bang kailangan mo ngayong dis oras ng gabi?"

"Gio, pwede mo ba akong samahan sa sementeryo?"

"Sementeryo? Lucky, ano namang gagawin mo doon?" Gulat na tanong nito sa akin. Pakiramdam ko nawala pa ang antok sa boses niya nang marinig ang sinabi ko. "Kung isa na naman ito sa mga pranks mo, please stop it."

"No, Gio. Hindi ito kalokohan, I promise." Sagot ko sa kanya.

Bumuntong hininga ito at narinig ako ang kanyang pagbangon. "Fine. I'll pick up in five minutes." Sagot nito bago binaba ang linya.

Dali dali akong umakyat sa kwarto para kumuha ng jacket. Matapos nun ay pumunta akong storage area para naman kumuha ng flashlight.

Wala pang limang minuto ay dumating na si Gio sa tapat ng bahay. Ang totoo ay kaya kami naging magbestfriend ni Gio dahil malapit ang magulang namin at magkapitbahay lang kami. Kaya palagi siyang nasa bahay noong bata pa lang kami at nakikipaglaro sa akin.

"Ready?" Tanong ko sa kanya at binuhay niya lang ang makina ng sasakyan bilang sagot sa akin.

Mabilis ang naging biyahe naming dalawa dahil hatinggabi na at wala ng sasakyan sa kalsada. "Sigurado ka ba sa binabalak mo?" Tanong nito sa akin at tumango naman ako.

Inalalayan niya akong lumabas ng kwarto at sabay naming tinungo ang daan papuntang mausoleum ng pamilya namin. Doon nakasulat ang lahat ng mga pangalan ng mga de Legazpi.

Binuksan ko ang gate ng mausoleum at hinila si Gio papasok. Tanging ang dala naming flashlight ang nagsisilbi naming ilaw.

"Ano bang hinahanap mo?" Tanong niya sa akin nang iniisa-isa ko ang pangalan na nakaukit sa marmol.

Hindi ko siya sinagot, sa halip inabot ko sa kanya ang papel napulot ko sa ilalim ng mesa ni Tatay. Hindi ko na kailangan nun dahil nakabisado ko na ang mga pangalang nakasulat doon.

Inisa isa ko na ang mga pangalan, nagsimula pa nga ako sa mga namatay ng 1600 pero hindi ko pa din makita ang pangalan nila. Nakapagtataka pa dahil maging pangalan ni Lola Felicilda at Lola Juana sa nakaukit doon.

"Bakit ngayon ko lang napansin ito?" Tanong ko sa sarili.

Hindi kaya mali ang iniisip ko? Siguro sadyang nagkataon lang ang lahat at hindi totoo ang sumpa sa angkan namin.

"Lucky." Rinig kong sigaw ni Gio, ginala ko ang paningin ko sa paligid pero wala na si Gio sa tabi ko.

"Nasaan ka?" Tanong ko at doon ko siya nakita na lumabas sa pader.

Hindi ko akalaing may secret passage pala itong mausoleum. Ngayon lang nag-sink in sa isip kong hindi ko pa pala tuluyang kilala ang pamilya ko. 

Inalalayan niya ako papasok at doon ako namangha. Hindi ko akalaing nasa sementeryo pa din ako dahil sa ganda ng nakikita ko.

Pagpasok mo ay unang bubungad sa iyo ang dalawang fountain. May pathway na papunta sa isang malaking puntod na nasa dulo.

Punong ng puno ang paligid nito ng mga bulaklak, hindi lang isang uri, iba ibang uri ng bulaklak na akala mo may flowershop dito. Mayroon ding balon sa hindi kalayuan. Halatang may-aalaga nito dahil wala kang makikitang lanta ng bulaklak o tuyong dahon na nakakalat sa paligid.

Nang makalapit kami sa puntod ay doon namin nakita ang mga hinahanap namin.

Maria de Legazpi

June 23, 1651 - May 03, 1684

Consuelo de Legazpi

April 07, 1718 - May 30, 1748

Maria Anastacia de Legazpi

January 01, 1758 - September 05, 1800

Paz de Legazpi

February 23, 1799- December 25, 1838

Trinidad de Legazpi

March 15, 1827 - March 15, 1849

Constancia de Legazpi

June 27, 1849 - August 20, 1860

Ramona de Legazpi

September 30, 1860 - December 30, 1888

Rosa de Legazpi

September 27, 1880 - May 09, 1905

Felicilda de Legazpi

July 08, 1900 - September 14, 1960

Juana de Legazpi

May 13, 1920 - December 01, 2010

"Bakit nakahiwalay sila?" Tanong ni Gio sa akin pero napailing ako. "Alam mo noon pa man, gusto ko ng itanong sa iyo kung bakit puro lalaki lang ang nakalibing sa mausoleum ng pamilya niyo, ngayon alam ko na ang sagot."

Ano ba ang dahilan kung bakit sinumpa ang angkan namin? May nagawa silang masama para isumpa ang angkan namin sa loob ng mahigit 300 na taon.

Dian Masalanta

Nakaukit sa ibabaw ng marmol na puntod nila at katabi nito ang isang statue ng babaeng buntis na nakahawak sa tiyan nito.

"Sino naman siya?" Tanong ko kay Gio.

"Hindi mo siya kilala?"

"Itatanong ko ba kung kilala ko?" Balik tanong ko sa kanya.

Sandaling nanahimik si Gio, ganyan kasi 'yan kapag nasusungitan ko. "Siya ang goddess of love, conception, and childbirth, and the protector of lovers ng Philippine mythology." Sagot nito.

Napapaligiran din ng bulaklak ang istatwa ni Dian Masalanta. Ibig sabihin ba nun ay inaalayan pa din siya ng mga kamag-anak ko ng bulaklak. Kung totoo siya, sana matagal na niyang naalis ang sumpa sa pamilya namin.

Umupo kami ni Gio para magpahinga sandali, naisipan naming sa gilid ng balon umupo. Namamangha pa din kami sa lugar na ito dahil buhay na buhay ang lugar na ito. Ultimo balon, hindi nawawalan ng tubig.

"Bakit kaya ito tinatago ng pamilya mo?" Tanong ni Gio sa akin.

"Hindi ko din alam." Tanging sagot ko sa kanya,naguguluhan pa din ako. Isang bagay lang ang tanging sigurado ko pag-uwi, kakausapin ko si Tatay tungkol sa sikretong puntod sa mausoleum. "Paano mo pala na-discover ang lugar na ito?"

"Hinawakan ko kasi 'yung family crest niyo sa may pader. Hindi ko naman alam na magbubukas pala iyon ng sikretong lagusan." Sagot nito sa akin. 

"Naku, Lucky baka mamaya may mga sikretong kwarto din sa bahay niyo ahh."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. "Saang crest?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Tara, ipapakita ko sa iyo kung paano ko nabuksan." Sagot niya at nauna ng maglakad papuntang pintuan.

Tumayo na din ako para sana sundan siya ngunit nadulas ako dahil sa lumot na natapakan ko. "Gio." Sigaw ko bago mahulog sa balon.

Marunong akong lumangoy kaya hindi ako natatakot sa balon.

Ngunit kahit anong langoy ko paahon ay hindi ko magawa. Parang may pwersang humihila sa akin pababa.

"Lucky!" Rinig ko ang nag-aalalang boses ni Gio mula sa itaas. "Umahon ka na dyan, wag mo naman akong biruin ng ganito!"

Sana nga ay nagbibiro lang ako pero hindi!

Kinakampay ko ang dalawang paa ko paakyat pero wala pa ding nangyayari. Habang tumatagal, pakiramdam ko pababa ako ng pababa sa balon.

Gaano ba kalalim ang balon na ito?

Bakit hindi ko pa din nararating ang kailaliman nito?

Unti unti na akong nauubusan ng hininga at lakas. Hindi na ako tatagal sa ganitong sitwasyon, kaya naman tinigil ko na ang paglangoy at hinayaan na lang ang sarili kong lumubog.

"Don't worry I already called for help." Rinig kong sigaw ni Gio. "Please, hold on."

I wish I can hold on but I think this is already the end.

Pinikit ko na lang ang mata ko at tinanggap ang kapalaran ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status