Lucky's POV
"Tita Amanda." Sabi ko nang magising ako. Kasalukuyang nakaulo ako sa ulo niya habang sinusuklay naman niya ang buhok ko. "Anong ginagawa ko rito?"
"Sabi ko naman sa iyo, kapag kailangan mo ako, narito lang ako sa tabi mo." Sagot niya pero hindi ko maintindihan ang sinabi niya. "Alam kong nasasaktan ka kaya naman gumawa ako ng paraan para makarating ang diwa mo rito."
"A-ano bang tawag sa lugar na ito?" Pag-iiba ko ng usapan.
Ngumiti siya na para bang napansin ang ginawa ko. Wala talaga akong maitatago sa kanya dahil kabisado niya ang galaw ko. Halos siya na rin ang kasama habang lumalaki dahil busy si Mommy sa show business habang si Tatay naman ay sa negosyo ng pamilya namin.
Nakakahalata man, pinili pa rin niyang sagutin ang tanong ko. "Ito ang templo na ginawa ni Mariana para kay Dian Masalanta para mga ninuno nating naapektuhan ng sumpa." Tugon niya.
Lucky's POVPaglabas ko ng bahay ay nasira na agad ang araw ko nang bumungad sa akin si Magnus kasama ang magulang niya. Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain ng agahan.“Lucia.” Tawag ni Señora Rosario at sinenyasan akong sabayan silang kumain. “Mabuti naman at gising ka na. Halina’t daluhan mo kaming kumain ng umagahan.”Ngumiti ako bilang tugon pero mabilis din naglaho ang ngiting iyon nang mapansing ang upuan sa tabi ni Magnus ang tanging natitira. Binigyan ako ng isang tipid na ngiti ni Magnus pero inirapan ko lang siya.Napanganga ang mga tao nang bigla kong buhatin ang upuan at nilagay sa tabi ni Señora Rosario. Badtrip lang dahil katapat ko si Magnus. Gusto ko pa sanang lumipat ng pwesto kaso baka makahalata ang mga taong mayroong problema sa pagitan namin ni Magnus."Ito talagang bunso ko, naglalambing." Tanging sabi
Lucky's POVNagising ako sa sunod sunod na alulong ng mga kabayo. Wait! Alulong ba ang tamang term? Napakamot ulo ako na bumangon ng kama. "Tsk, pati ba naman iyon pinoproblema mo pa?" Tanong ko sa sarili ko.Dumungaw ako sa bintana at nasira na agad ang araw ko. Kita kong bumaba si Magnus ng kalesa kasama si Santiago. Bakit ba araw araw na nandito ang mga lalaking ito? Wala ba silang mga trabaho.Kamot ulo kong pinapanuod sila na inaayos ang sarili bago pumasok ng bahay. Sinalubong sila ni Ate Amor na may ngiti sa labi.Psh.Aga agang istorbo. Si Ate Amor lang naman ang masaya habang ako naman sira na ang buong araw ko.Babalik na sana ako sa pagtulog nang mahagip ng isang tao ang tingin ko. OMG! Hindi ba ako nililinlang ng mga mata ko? Agad kong kinusot ang mata ko upang masigurong hindi ako namamalik mata.Anong ginagawa niya dito? Ililigtas n
Lucky's POVLaking pasalamat ko nang wala na nangulo sa akin ngayong araw. Hindi na bumisita si Magnus o ‘yung pinsan niyang si Amado. Nahihiya ako na nakipag-away pa ako kay Magnus para sa maling tao pero at the same time naguguluhan ako dahil sa pag-aalala niya sa akin.Idagdag mo pa ang kakaibang reaction niya nang yakapin ko si Gio este Amado pala. Para siyang sasabog sa galit dahil sa ginawa ko.Possible kayang nagkakagusto na siya sa akin?Napailing ako. “Impossible.” Bulong ko sa sarili ko. Tulad ng sabi ni Tita Amanda, hindi pwedeng magsama ang dalawang kaluluwa sa iisang katawan. Nakakasiguro akong hindi rin pwedeng magsama ang kaming dalawa ni Juana sa puso ni Magnus.“Señorita, uminom ka muna ng tsaa.” Sabi ni Perlita at inabot sa aking isang tasa.Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang upuan sa tabi ko
Lucky's POV"Aray ahh." Reklamo ko habang inaayusan ako ni Perlita. "Sigurado ka bang wala kang galit sa akin? Parang nilalabas mo na sa buhok ko ang lahat ng sama ng loob mo.""Hindi 'yan totoo, Señorita." Sagot niya at ramdam ko ang biglang panginginig ng kamay niya."Kalma. Joke lang 'yun, huwag mong damdamin.""Joke?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Marahan kong tinapik ang kamay niya. "Binibiro lang kita, masyado ka kasing seryoso sa ginagawa mo." Sagot ko at doon lang muling nakahinga ng maluwag si Perlita."Bakit ko ba kailangang mag-ayos? Akala ko may unting salo salo lang sa bahay ng mga Alindogan." "Sinabi lang iyon ni Señora Isabel para pumunta ka." Sagot niya at nilagyan ng pearl hairpin ang nakapusod kong buhok. "Alam niya kasing hindi mo siya sisiputin kung isang malaking pagdiriwang ang gaganapin sa kanilang tahanan."Totoo ang sinabi ni Perlita. Ilang beses na akong ina-anyayahan ni Señora Isa
Lucky's POVTahimik ako naka-upo sa railing ng balkonahe ng bahay nila Magnus. Nakatanaw ako sa buwan na nagsisilbing ilaw ko sa madilim na kapaligiran. Pinili kong magtago dahil pakiramdam ko naubos ang energy ko sa pakikipag-socialize sa mga tao. Hindi ko sila kilala tapos kakaunti nalang dudugo na ang ilong ko sa lalim nilang magsalita ng Tagalog at Spanish.Idagdag mo pa ang pagtatapat ni Amado na nagpasakit ng ulo ko.“Woah.”Nagulat ako nang mayroong yumakap na braso sa beywang ko. Agad akong napakapit sa braso sa takot na mahulog, sementadong hagdanan pa naman ang babagsakan ko. Napahigpit ang kapit ko nang maramdaman kong hinihila niya ako pababa.Nang makatapak ang paa ko sa sahig ay agad kong hinarap ang damuhong nagpakaba sa akin. “Magnus?” Sabi ko habang inaaninag kung tama ba ang hinila ko.Tinaas niya ang bitbit niyang lampara at doon nakompirma ang hinala ko. Lumapit ako sa kanya at sa inis ko a
Lucky's POVFirst time kong gumising sa panahong ito na nakangiti. Nagawa man akong iwan ni Magnus sa balkonahe para sundan si Juana, masaya pa rin ako. Lumuluha si Juana bago tumakbo papalayo sa bahay ng mga Alindogan.Sa tingin ko, nakita niya ang magkahawak na kamay namin ni Magnus. Sinuman ang makakita sa amin sa ganoong posisyon ay iisipin na mayroon kaming relasyon. Napaka-malisyoso pa naman ng mga tao sa panahong ito.Sana naman tigilan na niya si Magnus matapos ng nasaksihan niya.Pinipilit ko naman ang sarili kong kalimutan ang pagtatapat ni Amado. Sigurado na akong hindi siya si Gio kaya naman kailangan ko na siyang layuan at mag-foucs sa mission ko.“Magandang umaga.” Bati ko nang pumasok sa hapag kainan at binigyan ng yakap ang magulang ni Lucia at Ate Amor na nagsisimula na kumain ng agahan.“Mukhang maganda ang gising ng aming bunso.” Nakangiting sabi ni Señora Rosario nang umupo ako sa pwesto ko. “Maaari ko bang malaman ang dahilan ng ngit
Lucky's POVReady na ang monologue ko kaso biglang hinila ni Magnus si Juana sa lugar na walang tao. Gusto niya ‘atang ma-solo ang girlfriend niya.Nagpasya kaming magtago ni Perlita sa isang malaking puno upang marinig ang pag-uusap ng dalawa. Kahit pa may kung anong nag-uudyok sa aking hilain ang buhok ni Juana at ilampaso sa sahig.“Kalma, Lucky.” Bulong ko sa sarili ko. “Hindi mawawala ang class mo ng dahil lang sa isang lalaki.”Hindi ko napigilan ang sarili kong tignan si Juana mula ulo hanggang paa. Tama nga si Perlita, kulay kayumanggi si Juana at napakamahinhin. Maihahalintulad mo siya kay Maria Clara pero napangisi pa rin ako.Ano naman kung isa siyang huwarang Pilipina, mas maganda naman ako sa kanya.“O aking irog, nadudurog ang aking puso sa tuwing nakikita kitang kasama mo si Lucia. Pakiramdam ko’y unti unti ka na niyang inaagaw sa akin.” Sabi ni Juana habang hawak ang kamay ni Magnus.Tinakpan ko naman ang bibig ko dahil kakaunti nalan
Lucky's POV“Hay!” Tanging sabi ko nang maupo sa hagdanan sa labas ng simbahan. Ngayon ko lang na-realize na hindi ako sanay na wala akong trabaho. Kadalasan, one month lang ang binibigay ni Mommy sa pagitan ng mga projects ko para magpahinga. Palagi akong nagreklamo dahil napakabilis lang at hindi ko nagawang i-enjoy ang bakasyon ko.Sa panahong ito naman, dalawang linggo palang ako pero para na akong mamamatay sa boredom. Pinilit ko pa si Señora Rosario na isama ako sa lakad niya ngayong araw. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang sabihin kong sasama ako sa kanya. Ayon kay Perlita, ito ang unang beses na nagkusang lumabas ng bahay si Lucia, palagi nalang kasi itong nagkukulong sa kwarto nito.Kaya naman pala si Magnus lang ang gusto niya dahil ito lang kilala niya. Kung sinubukan lang niyang lumabas,makikita niyang madami pang lalaki ang karapat dapat sa pag-ibig niya. Maganda naman siya, paniguradong maraming lalaki ang magkakagusto sa kanya.Sa limang minuto kong pag-upo sa