Share

CHAPTER 8

Elaidia's POV

"Nakakahiya naman kay Xaito," biglang sabi ni Mommy. "Pagtapos ng nangyari, nagawa niya pa rin 'to."

"Aba'y dapat lang na tumulong siya. Matagal siyang nakinabang sa anak mo," biglang sabat ni Dad.

"Ano kamo Chris? Why are you like that? Bakit ganiyan ka makapagsalita?"

"Dahil kahit kailan, hinding-hindi mawawala ang galit ko r'yan sa anak mo!"

"Ano bang ginawa ng anak ko? 'Di mo ba maintindihan na kailangan din ng desisyon niya? Sarili mo lang ang iniisip mo!"

"Pamilya natin ang iniisip ko Edalyn! Para sa atin! Ngayon? Saan na tayo pupulutin?"

"Mom, Dad? Tama na po. 'Wag na po kayo mag-away," awat ko sakanila. "Mag-usap po tayo ng mahinahon. 'Di rin po mabuti sa inyo ang magalit ng sobra." Sinamaan lang ako ng tingin ni Dad. "Mom?" Ngumiti naman siya sa akin.

Makalipas ang tatlong araw, gano'n pa rin ang sitwasyon namin. Laging wala si Dad. Inaasikaso lagi ang business niya. Kahit malabo na 'tong umangat pinipilit niya pa rin. Uuwi siya ng galit at mag-aaway sila ni Mom.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status