Share

Sexy Tutor
Sexy Tutor
Author: Kay

Prologue

Liahn’s POV

Piece of trash.

Siguro ay ‘yan ang tingin sa akin ng Daddy ko na napaka-perfectionist. Punong-puno ng dismaya akong tinignan ni Dad, bago muling ibinalik ang tingin niya sa aking report card. Well, hindi naman na ako nagulat sa mga numerong nakasulat doon. After all, I stopped going to class halfway this semester.

Nakakabwisit kasing isipin na ka-block ko ang saksakan ng gago at libog kong ex. Ayokong makita ang makapal na pagmumukha ng tarantadong ‘yun. You know how he broke up with me?

“I can’t spend my college life with a goody girl who doesn’t even know how to kiss like you.”

‘Yan! Ang pamatay niyang linyang tuluyang bumalot ng dilim sa dating nagliliwanag na pagkatao ko. Balang araw, isasampal ko ang mga salitang ‘yan pabalik sa pagmumukha niya. Kapag ako, natutong h*****k, sasalubungin ko talaga siya sa school corridor ng isang matinding torrid kiss. Iyong tipong mamamatay siya sa sobrang sarap.

“Well, Dad? Done with my report card? Pagod ako, I wanna take a rest.”

“Seriously, Li? What’s wrong with you? Pinalaki ba kitang gan’to? Hindi na nag-iimprove ang grades mo. Puro semplang. I even got a call from your university. Pa’no ko nalang haharapin ang Mommy mo na asa langit kung nagkakaganito ka?” magkahalong galit at pag-aalala ang tono ni Dad.

I rolled my eyes. “It’s not like you’re meeting mom anytime soon, Dad,” inis na sabi ko.

“I’m going to hire you a tutor, Liahn,” matigas na sabi ni Daddy sa akin.

“Then go, hire a tutor, a teacher, an alien or whatever,” walang-pakialam na sabi ko sabay abot nung report card ko sa kamay niya.

It’s not a bad idea, actually. I mean, pwede akong magpaturo sa tutor ko kung papaano ba h*****k at ng mai-sampol ko sa tarantado kong ex. It’ll be fun right?

“Just make sure it’s a guy. You know how I hate girls. Baka makaladkad ko pa ang kung sino mang iha-hire mo palabas ng bahay,” dugtong ko bago naglakad palapit sa hagdan papuntang second floor, diretso sa sariling kwarto.

Hindi ko maiwasan ang ngumisi habang binubuksan ang pinto ng kwarto ko.

It’ll be fun – having a kissing teacher.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status