Share

Chapter 3

Liahn’s POV

It happened all too fast – so fast that I thought my time had stopped.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na rin nagawa ang pumikit. First kiss ko ‘yon. Pero hindi ko magawang sampalin si Ethan na nakatingin sa akin. Hindi ko man maaninag ang mga mata niya, alam kong sa likod ng makapal niyang buhok ay nakatingin siya sa akin.

Hindi naman na lumalim pa ang halik na pinagsaluhan namin. Sa katunayan, parang ipinagdikit lang ang mga balat namin sa labi sa loob ng ilang segundo.

That’s right. That one could hardly count as a kiss.

Tinitigan ko siya. I still can’t see the face behind those ridiculous bangs and glasses. But I can clearly see the mouth that touched mine a few seconds ago. And those lips, for some reason, look unfamiliar. Why in the world is he smirking? Why does he look like he’s enjoying my cluelessness to kissing?

This is not Ethan Ramirez. He’s supposed to be a nerd and a weirdo.

Parang nabasa naman ng lalaki ang mga kaisipan na naglalayag sa maliit kong utak. Mas lalong lumawak ang tila ba nakakalokong kurba ng kanyang labi.

“Akala ko ba gusto mong matutong h*****k?” nakangising tanong niya. Ipinatong niya ang kaliwang siko sa study table sa harapan namin bago pumangalumbaba sa parehas na kamay at muling nilingon ako para magpatuloy sa pagsasalita. “Ayaw mo ba? And here I am, troubling myself with helping you.”

Natulala ako. I know this is what I had wanted – to have this tutor teach me the basics of kissing. But I feel confused. Who the fck is this person in front of me?

Has Ethan always been someone who’s capable of saying and acting and doing these things?

“If you’re fine with my help, then I’d be happy to. I’m quite the good kisser, you know,” he confidently says. “It scares me more that you might get addicted to it.”

Napalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Napaawang din ang labi ko. Saang lupalop niya nahuhugot ang confidence niyang ‘yan? More importantly, why is he suddenly like this?

No. There’s no point in wondering.

Buong tapang at confidence ko rin siyang tinignan bago nagpakawala ng isang ngisi. Papatalo ba ako? No way. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niyang kalahati lang ang nakikita ko. Sinigurado kong hindi niya mahahalata ang naguguluhan kong sarili dahil sa biglang pagbabago ng personalidad niya.

I have to completely disregard the fact that I am huge fcking novice to kissing.

“Don’t worry, I’m quite intolerant. I’ll never get addicted,” I confidently answered back.

“Then, I got nothing to worry about. Let me properly show you.”

“Ha?”

“Showing is teaching, Liahn.”

Tinanggal niya ang suot niyang eyeglasses at medyo nasama doon ang bangs niya, dahilan para saglit kong masilayan ang itim na mga mata niya. Sa ‘di ko malamang dahilan, pakiramdam ko ay nakita ko na ang matang iyon.

Pamilyar ang kulay, ang hugis... pero hindi ko maalala kung saan.

Ibinaba niya ang eyeglasses sa ibabaw ng libro sa study table. At nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya. Pero hindi naging dahilan ang pagkagulat ko para alisin ang paningin sa kanya.

Hindi ko magawang mag-iwas. At alam kong kahit hindi ko na ito nakikita pa, nakatingin din ang itim na mga mata niya ng diretso sa mga mata ko.

Unti-unting nabubura ang distansya na mayroon sa pagitan namin. At makalipas ang ilang sandali ay ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko. Damn, he smells really good.

Dahan-dahan niyang iniangat ang isang kamay at magaan na hinaplos niyon ang bandang pisngi ko, papunta sa batok ko. Nakakakiliti, pero mas nag-aalala ako dahil hindi ko alam kung kailan ba ang tamang timing para isarado ang mga mata ko.

“Close your eyes.”

Tila ba narinig ni Ethan ang katanungang kanina ko pa tinatanong sa isip. At kagaya ng isang masunurin na bata, isinarado ko nga ang mga mata ko. Pagkasara ko niyon, saka ko lang din naramdaman ang malambot na labi ni Ethan sa ibabaw ng labi ko.

Akala ko noong una ganoon lang ang isang halik – dalawang labing magkadikit. Pero medyo napaudlot ako nang maramdaman ko ang dahan-dahang paggalaw ng labi niya. Bago iyon sa pakiramdam, pero hindi naman ako nailang kaya hinayaan ko lang siya.

“You’re not a rock, so move your lips with mine,” bulong niya sa pagitan ng halik na iyon.

Muli niyang iginalaw ang mga labi niya. Pero... how the fck should I move?! It’s too awkward! Fck my virgin lips for being awkward!

Medyo itinulak ko siya at naglaho na ang confidence na inipon ko kanina sa sarili. “P-P-Pa’no...?” nauutal kong tanong.

Mahinang tumawa si Ethan nang tanungin ko iyon. Medyo lumabas din ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. Bipolar ba siya?

“Damn... you’re just too...” medyo nakangiti niyang sabi na ikinagulat ko. Nagtatanong ang mukha kong naghintay ng ano mang kadugtong ng salita niya. Pero hindi niya itinuloy iyon.

Ikinuyom niya ng kaunti ang isang palad bago itinapat iyon sa bandang bibig. Nilinis niya ang lalamunan at para bang isang bula, naglaho na ang napaka-unusual na ekspresyon sa mukha niya kanina.

I’m too... what?

Hindi na pinansin pa ni Ethan ang nagtataka kong ekspresyon. Sa halip, binigyan niya ako ng isang mabilis na halik sa labi.

“This...” pagtukoy niya sa mabilis na halik na iyon.

Magkalapit ang mukha namin. It feels kind of weird considering it’s like I’m looking at the back of his head instead of his face with all these hairs, but somehow, maybe I’m getting used to it.

“This is what you call a peck on the lips,” dugtong niya sa sinasabi niya kanina.

“And... the one earlier...?”

Ngumisi si Ethan sa katanungan ko. I flushed. I just can’t help but ask! It felt too good!

“Should we do it again?” he playfully asked.

“You didn’t answer my question,” I pouted.

“It’s called American kiss, baby,” nakangiting sagot niya bago ako muling hinalikan ng kagaya kanina. But this time, sinundan ko rin ang paggalaw ng labi niya.

We’re perfectly in sync.

Damn, Ethan. Where have you been my whole life? This could work. He has the knowledge, and he’s a good kisser too. Sa’n pa ba ako?

My ex better prepare himself. He’s so dead. Ang galing ng tutor ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status