CHAPTER 10 PHOEBE'S POV ILANG ARAW na pero pakiramdam ko ay namumula parin ang pisngi ko tuwing naaalala ko ang nangyari sa may pool. Matapos kasing sabihin ni Keyden ang mga salitang iyon ay bigla nalang akong tumakbo palayo sa kaniya at hindi na lumabas maghapon. Hindi rin kaming sabay kumain tulad ng dati dahil bumababa lang ako kapag alam kong wala na doon si Keyden at natutulog na. Ewan ko ba, ilang na ilang ako sa kaniya at the same time ay nahihiya din. Ngayon ay nagi-impake na ako ng mga damit dahil ngayon ang uwi namin ni Keyden sa aming bagong tayong bahay. Excited na akong makita ang disenyo nito at the same time ay kinakabahan dahil ngayon nalang ulit kami magkikita ng binata dahil sa loob ng natitirang tatlong araw namin dito ay wala akong ginawa kung hindi ang iwasan siya at mukhang nahalata naman iyon ni Keyden at lumayo nalang din. Pagkatapos kong magimpake ay agad ko iyong hinila palabas ng kwarto at ibinaba sa may sala. Agad binundol ng kaba ang
CHAPTER 11PHOEBE'S POVTAMA NGA ako ng iniisip habang papasok kami ng bahay. Mas maganda nga talaga sa loob. Simple lang pero napaka-elegante. Buhay na buhay ang loob dahil sa kulay ng pintura. Siguradong mas magkakaroon ng buhay ang bahay na 'to kapag nagkaanak na kami ni Keyden. Mapait akong napangiti. Napaka-imposibleng mangyari ng iniisip ko dahil first, hindi ako maaaring magbuntis dahil sa kalagayan ng puso ko. Ilalagay ko lang sa kapahamakan ang sarili ko at ang nasa sinapupunan ko kung nagkataon na may ibang mahal si Keyden at hindi ko sisirain ang buhay niya dahil lang sa nagkaroon siya ng anak sa akin. Hindi kami pwedeng magkaanak dahil maghihiwalay din kami."Grabe, parang masyadong malaki itong bahay para sa ating dalawa." Kumento ko habang inililibot ang paningin sa paligid. Hindi ko naitago ang paghanga sa boses ko nang magsalita ako kaya hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang halakhak ni Keyden pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagyakap nito sa ak
CHAPTER 12PHOEBE'S POV NAKAKAILANG siguro ang tamang word para ma-idescribe ang sitwasyon namin ngayon. Nasa harap namin si Charity na napakalapad ng ngiti habang nakaupo kaming tatlo sa sofa. Magkatabi kami ni Keyden na kataka-takang masama ang bukas ng mukha habang nakatingin kay Charity. Para bang hindi ito masayang makita ang dalaga. Hindi ba dapat ay halos magtatalon ito sa tuwa dahil sa wakas ay nakita niya ulit ang babaeng mahal niya?"So, how's your honeymoon? Masaya ba?" Masiglang tanong ni Charity. Base sa tono ng boses nito ay para lamang itong kaibigan na excited na magpakwento sa mga nangyari sa amin ni Keyden pero alam kong sarkastiko iyon dahil sa talim ng kaniyang mata na ibinibigay sa akin. Para akong nahiya habang kaharap ang kaibigan ko. Pakiramdam ko ay trinaydor ko siya. Nangako akong ilalakad si Keyden kay Charity kahit na ba parang hindi na kailangan iyon dahil halata namang sila na dahil sa usapang narinig ko noon. Ang tanong, bakit parang
CHAPTER 13 PHOEBE'S POV RAMDAM ang ilangan sa pagitan namin ni Keyden. Mula nang umalis si Charity ay sinubukan ko nang umiwas sa binata. Hindi siya nakakabuti sa pagkakaibigan namin ni Charity at mukhang napansin din naman iyon ni Keyden dahil napapansin ko na kapag magkakasalubong kami dito sa loob ng bahay ay tipid lang siyang ngingiti sa akin tyaka siya babalik sa pinanggalingan niya. Pakiramdam ko ay nagi-guilty ako dahil wala namang kasalanan si Keyden pero nadadamay siya sa gulong pinasok ko. Kapansin-pansin na nawalan ng buhay ang mga mata ni Keyden simula nang iwasan ko siya. Dahil ba iyon sa akin? Sige, mag-assume ka pa, Phoebe. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa duyan para pumasok sa loob ng bahay nang maramdaman ko na medyo masakit na sa balat ang araw. Medyo matagal-tagal na din akong nakatambay doon para makaiwas kay Keyden na hindi pala pumasok sa opisina. Alam ko naman na hindi ko siya maiiwasan habang buhay pero mabuti nang ganito kesa nama
CHAPTER 14 PHOEBE'S POV Buti nalang at isa lang ang manok na nasa kawali kaya isa lang iyong nasunog. Kung kanina ay desidido akong tanungin kay Keyden ang estado namin, ngayon ay nawalan na naman ako ng lakas ng loob lalo na nang matapos namin linisin ang kusina at nakapagprito na si Keyden- Yes, siya din ang nagpatuloy ng pagpiprito kahit pa ako iyong nagpapaturo- ay may biglang tumawag sa telepono nito at bumalik na naman iyong guilt ko nang malaman ko na si Charity pala ang tumawag. Bumalik sa akin ang mga sinabi nito sa akin at ang ipinangako ko dito. Kaya naman after kong hugasan ang pinagkainan namin na siyang tangi ko lang nagagawa dito ay dumiretso na agad ako sa kwarto para maiwasan si Keyden pero hindi ko alam kung sinusundan ba ako ng damuho na ito o ano pero makalipas lang ng ilang minuto mula nang pumasok ako dito sa kwarto ay pumasok din si Keyden na matamang nakatitig sa akin. May pagtataka ko naman siyang tinignan kahit pa sobrang kabado na
CHAPTER 15PHOEBE'S POV"I SWEAR to god, Keyden. Kapag hindi mo inalis ang ngiting 'yan sa mukha mo sisiguraduhin kong masusunog lahat ng gamit mo!" Sigaw ko kay Keyden dahil ang damuho mula nang alalayan ako pababa sa hapag at nagsimula kaming kumain ay hindi na nawala ang ngisi nito habang pasulyap-sulyap sa akin at may pilyong ngiti sa labi."What? What did I do?" Maang-maangan nito pero ang ngisi ay hindi maawat. Alam ko naman ang naglalaro sa isip nito kaya ganito ito makangiti eh. Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko nang dumako ang tingin ko sa braso nito na puno ng kalmot. Alam na alam ko na ako ang may kagagawan ng mga iyon at alam na alam ko kung paano nito iyon nakuha at kung bakit ko iyon nagawa.Mukhang napansin naman ni Keyden kung saan ako nakatingin at nang dumako ang mga mata nito sa braso niya at nakita ang mga kalmot doon ay mas lumaki ang ngisi ng damuho. "Oh, I know that you enjoyed gi
CHAPTER 16PHOEBE'S POVPINILIT KONG ngumiti kahit na ang gusto kong gawin ay ang magmukmok sa isang gilid at umiyak nang umiyak. Pakiramdam ko ay niloko ako, trinaydor. Pero alam ko naman na wala akong karapatan na maramdaman iyon dahil sa aming dalawa ni Charity, ako ang nanloko at nangtraydor. Kung tutuusin ay sa kaniya naman talaga si Keyden pero habang nakatingin ako sa dalawang taong sinira ko ang buhay... Pakiramdam ko ay sobrang liit ko. Talo na ako. Magkasama na ulit sila. Tapos na."S-sorry, nakaistorbo ata ako." Paumanhin ko at hindi ko inaasahan na kahit na anong pigil ko ay kusa paring tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko nang mapatingin ako sa mata ni Keyden.Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya magawa. Siguro gusto niyang umalis ako kasi nagkakasolohan sila ng totoo niyang mahal. Nasira ko ata ang moment nila. Siguro nga wala lang yung patawag-tawag niya sa akin ng baby, iyong ha
CHAPTER 17PHOEBE'S POVHINDI KO na namalayan ang oras. Basta ang alam ko lang ay nag-eenjoy ako nang sobra habang kakulitan si Andrei. Who would have thought na masaya palang mag-foodtrip? I've never experienced it before."Tara, kwek-kwek naman tayo." Aya nito tyaka hinila na naman ako. Madilim na pero parang walang kapaguran ang isang ito. Halos lahat ata ng stall ay napuntahan na namin at nakainan. Ang saya pa dahil libre niya ang lahat. Nang makita ko ang kwek-kwek na sinasabi niya ay parang bigla akong nag-alangan. Ang weird kasi nitong tignan dahil kulay orange at bilog siya pero nang makita kong kumuha si Andrei tyaka isinawsaw sa suka at agad na sinubo ng buo ay kumuha na din ako at sinubukang lasahan. Infairness, masarap."Hindi ko naisip na kumakain ka pala ng mga street foods." Narinig kong kumento nito kaya tinignan ko siya tyaka nilunok ang nasa bibig ko bago sumagot, "Hindi ko din naisip na makakaka