Share

Chapter 16: ALMOST GOT CAUGHT

Humikab ako atsaka humalukipkip habang hinihintay na bumubukas ang elevator. Medyo nahuhulog na rin ang talukap ng aking mga mata pero pinipigilan ko. Sinipat ko ang aking relo at tahimik na pumasok sa loob nang bumukas ang elevator. Si Xenon ang nagpindot sa button kung saang floor kami.

"Inaantok—"

"Excuse me," putol ko sa kanyang sasabihin nang magring ang aking cellphone.

"Oh. Sorry," he whispered.

Kinuha ko sa loob ng aking bag ang cellphone. Tumaas ang aking kilay dahil hindi ko kilala ang numerong iyon. Tinitigan ko lang iyon hanggang sa mamatay ang tawag. Nang sulyapan ko ang repleksyon ko sa pinto ng elevator ay napansin kong nakadungaw sa cellphone ko ang katabi ko. Nang mapansin niya 'ko ay agad siyang umiwas ng tingin at tumikhim.

"Good thing that you don't answer unknown numbers," he said.

"Yeah. . . I want to protect myself from people. Mahirap na baka maloko pa 'ko."

Tumango siya at nilingon ako. Tinago ko naman sa loob ng bag ang aking cellphone. Malapit na kami sa ami
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status