Share

KABANATA 5

May kung anong malaki at makapal na bagay ang pinupukpok dahilan para lumikha ng malakas na ingay. Nagising siya dahil sa ingay na ‘yon.

Nang subukan niyang imulat ang kanyang mga mata, mabilis siyang nasilaw sa liwanag na hindi niya alam kung saan nanggaling dahilan para maipikit niya ulit ang mga mata niya.

Sinubukan niyang tumayo pero kaagad niyang naramdamang parang mabibiyak sa sakit ang ulo niya kaya napahawak siya rito sabay mahinang napaigik. “Arghhh! Ang sakit ng ulo!”

Binalik niya sa pagkakahiga sa malambot na kama ang katawan niya. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari kagabi pero lalo lang sumasakit ang ulo niya.

Nanatili muna siyang nakahiga ng ilang minuto habang nakahawak pa rin sa kanyang ulo.

“Ano ba’ng nangyari?” Mahinang tanong niya sa sarili. Pero maging siya ay hindi alam ang isasagot.

Dahan-dahan niyang iginalaw ang sarili patayo. Inalis niya ang makapal na kumot na nakabalot sa katawan niya. Nang maiapak na niya ang mga paa niya sa malamig na sahig, muli na namang kumirot ang ulo dahilan para tumigil siya sa paggalaw.

Ilang segundo pa’y kahit sumasakit ang ulo ay pilit niyang inilibot ang tingin sa kinaroroonan niya.

Nasa malaking silid siya. May mga gintong palamuti ang silid tulad ng isang ‘di kalakihang chandelier ang nasa gitna. Mayroon ring mga vase na may gintong kulay. May mga seashells na kulay pilak ang nakasabit sa mga dingding maging sa paligid ng chandelier. 

Bumaling ang tingin niya sa kanyang likuran. May mahabang sofa sa kabila ng kama na malapit sa glass wall. Purong salamin ang dinding na nasa likuran niya at nakikita niya ang mga naglalakihang puno ng niyog sa labas maging ang karagatan. Medyo malayo ang karagatan mula sa kinaroroonan niya.

May dalawang pinto ang magkatabi na katapat lamang ng kama.

Napakaengrande at sobrang ganda ng silid na kinaroroonan. Halatang para sa mga mayayaman.

Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong lugar dahil minsan na siyang nabuhay na napapaligiran ng mga ginto at pilak na palamuti.

Biglang bumukas ang pinto na nasa harap niya dahilan para dahan-dahan siyang mag angat ng ulo rito.

Isang maskuladong pangangatawan ng lalaki ang bumugad sa kanya. Napatigil ito sa paghakbang nang makita siya. Topless ito at naka-maong shorts lang . Hindi niya sinasadyang pasadahan ito ng tingin. Kita niya ang pag-uunahan sa pagdulas ng mga pawis nito sa dibdib pababa sa abs nito. Ang gwapo rin ng itsura nito. Ang tangos ng ilong at namumula ang hugis puso nitong labi. Parang kaharap niya ngayon ang isang hollywood actor na saksakan ng gwapo na siyang pinag-aagawan ng mga kababaehan.

“Done eye-raping me?” Tanong nito. Pamilyar ang boses nito.

Napatingin siya sa mukha nito.

Bahagyang namilog ang mga mata niya sa nakikita. Nabibigla at naguguluhan siya sa nangyayari ngayon sa kanya. “S-sino ka?” Kinakabahan niyang tanong rito.

Kahit masakit ang kanyang ulo ay kinapa niya ang damit niya sa katawan.

She immediately felt a relief nang makapa niyang may damit siya.

“Don’t worry. I didn’t do anything to you”. Anito bago humakbang papalapit sa isang silid na sa tingin niya ay banyo.

Tiningnan niya ang kanyang suot na damit. Biglang namilog ang mga mata niya sa nakita.

Hindi niya damit ang suot niya. Isang blue long sleeve ang suot niya na umabot hanggang sa tuhod niya. Mabilis niyang kinapa ang dibdib kung may suot pa ba siyang bra at suot pa nga niya iyon, kinapa na rin niya pati panty niya at salamat sa diyos, suot niya rin iyon.

Bumukas ang pintong pinasukan ng lalaki kanina. May tuwalya ng nakasabit sa leeg nito.

“Nasukahan mo kagabi ‘yung damit mo. Actually, pati ako sinukahan mo. So, I have to change your clothe or else mangangamoy ang kama ko”. Paliwanag nito sa matigas na tagalog. May accent ito.

Naguilty at nahiya naman siya sa sinabi nito. Nalasing ba talaga siya ng sobra kagabi? Hindi siya makatingin ng deritso rito. Nanatili siyang tahimik.

Humakbang ulit ang lalaki papalapit sa isang silid na sa tangin niya ay walk-in closet. Sinundan niya lang ito ng tingin.

Nanatili lang siya sa pwesto niya. Pinipilit ang sariling alalahanin ang nangyari kagabi.

Hanggang sa parang kuryenteng mabilis na pumasok sa isip niya ang mga nangyari.

Mula sa nangyari sa may batohan hanggang sa paglalasing niya kagabi.

Lalong sumakit ang ulo niya sa naaalala niya.

Dahan-dahan siyang tumayo. Lumabas ang lalaki sa walk-in closet nito. Naka-hawaian shorts na ito at isang poloshirt na hindi nakabutones kaya kitang-kita niya ang maskuladong dibdib nito.

Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam ang pangalan nito.

“How are you feeling, by the way?” Tanong nito. Humarap ito sa kanya. Nasa tapat na ito ngayon ng pinto, sa tapat niya.

Tipid siyang ngumiti. “Hangover. But I can handle it”. Sagot niya.

Tumango-tango naman ang kausap.

“S-salamat nga pala. S-salamat sa pag alaga sa’kin”. Aniya.

Nginitian siya nito. 

Napansin niyang lalo itong gumwapo sa pag ngiti nito.

“I’m Vishnu, by the way. Vishnu Lloyd Conception. But, Vish for short”. Pagpapakilala nito sabay lahad ng palad nito. “And, you?”

Kaagad niyang tinanggap ang kamay nito.

“Dahliah. Dahliah Sandejas”. Aniya.

Bahagya itong tumango-tango. “A beautiful name for a beautiful lady like you”. Anito ng nakangiti.

Ngumiti siya pabalik rito. “Salamat. You surely have a unique name for a unique looking guy like you”. She jokingly said.

Mahina itong tumawa. Sabay na naghiwalay ang mga palad nito.

Namulsa si Vish sabay tingin ng deritso sa kanya.

“Free for today? Wanna spend the day with the ‘unique looking guy’?” Tanong nito.

“Uhm..I actually don’t know. But, I'm totally free today. Can I go to my cabin first?”

Ilang segundong hindi nagsalita ang kaharap. Tila nagdadalawang isip itong sagutin siya.

“Cabins are too far from here and...” Tiningnan nito ang wrist watch, “It’s only seven a.m. Golf carts are only available during ten a.m in this area”. Paliwanag nito.

Nagtaka naman siya sa sinabi nito. “Nasaan pala tayo?” Deritsong tanong niya rito habang nakatutok sa mga mata nito.

“This area is for V.I.P customers only. And so, it's far from those regular ones. It would take twenty minutes to arrive at your cabin if you’ll be walking all the way”. 

“Uhm..” Iniwas niya ang kanyang tingin rito. Hindi niya alam kung anong isasagot rito.

Bigla ulit nagsalita si Vish. “Your clothe is already dry. I washed it last night. You can wear that. You can also take a bath first. If you want to just leave, it’s fine with me. But, I would actually love it if you'd choose to stay and eat breakfast with me”. Mahabang anito ng nakangiti.

Napangiti siya rito.

Ang bait naman ng isang ‘to.

“Sige”. Tanging sagot niya. Lumawak naman ang ngiti ng lalaki sa sinabi niya.

“Okay! Great! You can prepare yourself now. I’ll be waiting outside. You can freely use my stuff if you need them”. Nakangiting anito sabay labas sa kwarto.

Hindi niya alam kung may iba pa ba itong binabalak sa kanya dahil sa pagiging mabait nito sa kanya. Iniisip niya kasi, lahat ng lalaki sa lugar na ‘to, iisa lang ang balak sa mga babae. Pero sa tingin niya mali siya. Nakikita niya ang sinsiridad sa mga mata nito. Inalagaan pa siya nito kagabi at walang ginawang masama sa kanya.

Humakbang siya palapit sa banyong pinasukan kanina ni Vish.

Maging sa loob ng banyo ay maganda ang desinyo. May mangilan-ngilang seashells ang nakadikit sa mga dingding. Magkatapat ang inidoro at shower. Nasa kabilang gilid naman ng shower ang pabilog na bathtub. Nasa kaliwa niya ang lababo at may salamin.

Nakikita niya ang repleksiyon niya sa salamin.

Jusme! Mukha siyang miserable. Buhaghag ang buhok niya at namumutla ang kanyang mukha.

Siya na nahihiya sa sarili niya. Jusme! Humarap siya kay Vish nang ganoon ang itsura. Nakakahiya. Tinawag pa siya nitong maganda. Maganda ba siya sa lagay na ‘to?!

Inamoy niya ang kanyang hininga. Amoy alak pa rin iyon. Buti na lang medyo malayo ang distansya nila ng lalaki kanina.

Bumaling siya sa isang deriksiyon nang may mahagip siyang isang pamilyar na bagay mula sa kanyang peripheral vision. Nakita niyang nakasabit sa dingding malapit sa bathtub ang kanyang dress. Nilapitan niya iyon sabay hawak at amoy. Mabango iyon. Halatang bagong laba.

Naghanap siya ng tuwalyang malinis. Nang makakakita siya ng isa, kaagad niya iyong kinuha at lumapit sa shower. Isinabit niya ang tuwalya malapit sa shower.

Ini-lock niya muna ang banyo pagkatapos ay naghanap ng hindi pa nagagamit na body soap. Lahat ng gamit panligo roon ay panglalaki. Nang makakita siya ng sabon, kaagad niya iyong kinuha. 

Maghuhubad na sana siya ng biglang may kumatok sa pinto ng banyo. Napatigil siya sa ginagawa.

“It’s me”. Rinig niyang ani ng boses ni Vish.

Lumapit siya sa may pinto. Pinihit niya iyon pabukas. Tanging ulo lang niya ang inilabas niya.

“Why?”. Kaagad niyang tanong rito.

Biglang may inabot itong isang supot. Bahagya niyang nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Nagtatakang tinanggap niya ang supot. Sinilip niya ang loob. Kulay itim ang laman niyon.

Nag-angat siya ng tingin rito. “What’s this?” Tanong niya.

“It’s an undergarment. I just thought you needed them”. Anito sabay namulsa.

Nahihiya na talaga siya rito. Ramdam niyang papunta na sa pamumula ang mga pisnge niya.

“W-where did you get t-this?” 

“From a friend on the neighborhood. She bought them just this morning. I just thought you’re not fan of wearing the same undergaments everyday.” Kalmadong anito.

Awkward siyang ngumiti rito. “M-maraming salamat”. Nahihiyang anya.

“I’ll go now”. Pagpapaalam nito sabay alis sa harap niya. Mabilis niyang isinara ang pinto at ini-lock iyon.

Inilapag niya ang supot sa lababo. Inilabas niya ang laman niyon.

Kaagad na namilog ang mga mata niya dahil sa nakita.

“Oh my gosh!!” Nabibiglang bulalas niya. Isang sexy lingerie ang laman ng supot.

Tiningnan niya ng mabuti ang panty. T-back iyon. Ang bra naman ay tanging ut*ng lang ang matinong matatakpan.

Hindi maipintang pinagmasdan niya ang dalawang bagay na hawak niya.

Kahit nagdadalawang isip ay wala siyang ibang pagpipilian. Kapag lalabhan pa niya ang suot niyang undergarments, matatagalan pa siya kahit pa gamitan niya ng dryer iyon. Nakakahiya kay Vish kung paghihintayin niya ito ng matagal.

Inilapag na lang niya ang undergarments sa lababo at pumailalim na sa lang sa shower. Hinubad niya muna ang damit na suot niya.

Bigla at mabilis siyang napabaling sa kanyang isang tuhod nang bigla iyong kumirot.

Nakita niya ang maliit na telang pinunit niya mula sa kanyang dress na bumabalot sa sugat niya kagabi. Naaalala na naman niya ang nangyari sa batohan. Siya ang nahihiya sa nakita niya. Tinanggal niya ang tela.

Nabigla siya sa nakikita niya.

Bato lang naman ang sumugat sa tuhod niya pero bakit namamaga. Nangingitim na ang paligid ng tuhod niya. May maliit na hiwa sa gitna ng nangingitim niyang tuhod.

Ang tulis siguro ng batong ‘yon. Aning kanyang isip.

Binuhay na lang niya ang shower at mabilis na dumaloy sa balat niya ang malamig na agos ng tubig.

Mabilis lang siyang naligo.

She felt awkward habang sinusuot ang kinulang sa telang undergarments.

Ang kati no’n sa balat pero sinuot niya pa rin. Wala naman siyang magagawa.

Tiningnan niya muna ang sarili sa salamin habang suot-suot ang panty at bra. Siya nahihiya sa kasuotan niya.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang dress at isinuot iyon.

Nakita niyang may tissue sa lababo. Kinuha niya iyon at dahan-dahang binalot ang kanyang sugat.

Naghanap siya sa ilalim ng lababo ng bagay na magpapadikit ng mabuti sa tissue na nilagay niya sa kanyang sugat.

Habang kinakapa ang ilalim ng lababo,  may kung anong mga bagay ang biglang nahulog sa sahig dahilan para lumikha ng ‘di kalakasang ingay. Parang tunog bakal iyon.

Kinuha niya ang mga bagay na nahulog isa-isa. Ilang segundo siyang nagtatakang napatitig sa mga ‘yon.

Isang pusas, b****a, dalawang ‘di kalakihang kadena, lubid, at malaking scotch tape ang mga iyon.

“Teka, pulis ba siya?”. Mahinang tanong niya. “Bakit may mga ganitong bagay rito”.

Ibinalik niya sa ilalim ng lababo ang mga bagay na ‘yon maliban sa scotch tape. Ginamit niya ang scotch tape pandikit sa tissue na nasa sugat niya.

Ginamit na rin niya ang hair dryer nakita niya sa loob ng banyo. Hinayaan lang niyang nakalugay ang kanyang buhok.

Pagkatapos ay lumabas na siya.

Humakbang siya palapit sa pintong nilabasan ni Vish kanina. Pinihit niya pabukas ang pinto at bahagyang sumilip sa labas.

Bumungad sa kanya ang ‘di kalakihang espasyo na sa tingin niya ay sala dahil may dalawang mahabang sofa ang nasa gitna at may malaking flatscreen TV na nakadikit sa dingding. Mayroong isang maliit ngunit engrandeng desinyo ng chandelier ang nakasabit sa gitna. Mayroon ring mga seashells na decoration roon. Pareho lang desinyo sa kwartong kinaroroonan niya.

Lumabas siya sa kwarto ni Vish. 

Ipinalibot niya muna ang tingin niya sa lugar. May nakita siyang pinto sa kanyang kanan. May maliit na bintana sa tabi nito.

Lumapit siya sa may bintana at sumilip roon.

Nakita niya ang mga kalapit na cabin sa pwesto niya. Magkakasunod ang mga ‘yon. Nakita niya rin si Vish na nasa kalapit na cabin at nakikipag-usap sa isang babaeng mistesa at maganda. Nakalugay ang kulay pula at kulot nitong buhok. Nakasuot lamang ito ng two piece habang naka-cross ang mga braso sa dibdib nito. Napaka-visible ng cleavage ng babae, halatang pinagpala.

Nakita niya ang kanyang tsinelas sa may gilid ng pinto. Kaagad niyang kinuha iyon at isinuot.

Pinihit niya pabukas ang pinto at lumabas roon.

Kaagad na bumaling sa kanya si Vish. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa.

Isinara niya ang pinto. Nakita niyang kinausap saglit ni Vish ang babae at naglakad palapit sa kanya.

“Is that you? The girl I let sleep in my bed last night?” Pilyong tanong nito.

Ngumingiting inikot niya ang kanyang mga mata.

“Sino pa ba?!” Anya ng nakangiti.

“You look even more beautiful now”. Anito sabay ngiti sa kanya. Lalo itong gumagwapo sa tuwing ngumingiti.

“Thank you”. Anya. “Let’s go?”

“Let’s go”. Nauna itong maglakad.

Kinawayan pa nito ang babaeng kausap nito kanina. Kumaway naman pabalik ang babae.

Hinawakan ni Vish ang kamay niya at sabay silang naglakad.

Hindi siya nakakaramdam ng pagkailang sa kilos nito. Lalo na sa paghawak sa kamay niya.

Habang naglalakad, biglang nagsalita si Vish.

“What happened to your leg?” Tanong nito. Napatingin naman siya sa kanyang tuhod na nababalot ng tissue.

“I was being clumsy last night. I fell on a sharp rock while walking”. Pagsisinungaling niya.

“Does it hurt?” Tanong nito sa kanya habang nakatingin sa tuhod niya.

“No. It’s just a small cut”. She answered and slightly smiled.

Tumango-tango naman ang lalaki.

Tahimik silang dalawa habang naglalakad. Walang masyadong tao sa dinadaanan nila. Tanging mga malalaking cabin ang naroroon. Tunog lang ng hampas ng alon na nasa malayo ang naririnig.

Ilang minuto pa ay pumasok sila sa isang malawak na parang waiting shed na gawa sa kahoy. Gawa naman sa dahon ng niyog ang bubong niyon.

May ‘Cafe de t**i’ na signage ang nakasabit sa pinto.

Pinagbuksan siya ni Vish ng pinto.

Hila-hila nito ang kamay niya habang naghahanap ng mauupuan.

Nang makahanap sila ng bakanteng mesa, pinaghila siya ng upuan ni Vish.

Umupo ito sa harap niya pagkatapos ay nagtawag ng waiter.

“What would you like to eat?” Tanong ni Vish sa kanya nang abutan ito ng menu ng waiter.

“Brewed coffee and pancake” Sagot niya rito. Kaagad naman iyong inilista ng waiter.

“Make them two”. Aning Vish pagkatapos ay inabot sa waiter ang menu.

“Right away, sir and ma’am”. Aning waiter.

Nginitian siya ni Vish.

“Bakit ka nakangiti d’yan?”

“I’m just happy that I’m having a breakfast date with a beautiful lady like you”. Anito sabay malawak na ngumiti.

“Joker ka talaga noh! Ilang babae na ba ang sinabihan mo niyan?” Pabiro niyang ani.

Nagkibit-balikat ito. “Just you”. Anito sabay pilyo na ngumiti.

She jokingly rolled her eyeballs. “Maniwala ako sa’yo”. 

Tinawanan lang siya nito.

Habang hinihintay ang kanilang order, kwento ng kwento ng kung ano-ano si Vish. Nakikinig lang siya rito.

Pero habang nakikipag-usap sa lalaki, she suddenly felt uncomfortable. Parang may mga matang matulis siyang pinagmamasdan. Hindi na lang niya iyon pinansin.

Hanggang sa matapos sila sa pagkain ay gano’n pa rin ang pakiramdam niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status