Share

Love, Hate And Marriage
Love, Hate And Marriage
Author: Jane Vauclain

Chapter 1

Adam...

"Ano ba tumabi ka nga napaka-pangit mo!" sigaw sa akin ng isang napakagandang babae sabay tabig sa braso ko.

Siya ang bida, siya ang reyna, siya lang at wala nang iba.

Ako, ordinaryo lang sa mata ng karamihan, ordinaryong estudyante, ordinaryong mamamayan, ordinaryong tao, lahat na lang ordinaryo. Kailan kaya ako magiging bida?

Kailan kaya mangyayari yung ako naman ang hinahangaan at tinitingala nila? Yung ako naman ang sikat at minamahal ng mga tao, kahit dito lang sa school. Nakakapagod kasing lagi ka na lang ordinaryo, lahat ng bagay alam kong posible pero yun parang malabong mangyari.

May panahon ba na ganito ang naging pakiramdam mo?

"Hindi ba sabi ko tabi!" lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko at itinaas ng isang kamay ang aking kuwelyo.

"Susunod ka o mapapahiya ka," tinaasan niya ako ng kilay. Ang ginawa ko hinawakan ko siya sa mukha at hinalikan sa mga labi, nanlaki ang mga mata niya, lumayo ako at siya parang na-estatwa, ginawa ko ulit. Nahigit niya ang kanyang hininga.

Mali ito, maling-mali. Hindi dapat ginagawa sa isang babae ang ganito kahit pa gusto mo o hindi, kahit pa sino siya, kahit pa may kasalanan din siya, mali pa rin dahil napakabastos ng ganito. Nabastos ko siya kaya dapat itigil ko na, lumayo ako ulit at tinitigan siya,

"S-Sor-" bago ko pa man natapos ang sasabihin ko, lumagapak na ang kamay niya sa mukha ko.

"Ang lakas ng loob mo ng halikan ako!" sigaw niya sabay dura sa damit ko.

"Pagsisisihan mo ang araw na 'to," galit na galit niyang sabi, may dumaan na isang estudyante, kinuha niya ang juice na nasa baso at tray na na dala-dala nito sabay buhos sa mukha ko. Napayuko ako, maraming estudyante ang nakakita noon.

Iniisip ko siguro tama nga 'yon sa akin dahil nabastos ko din siya.

Kinabukasan papasok ako ng school may tumawag sa pangalan ko mula sa taas ng building ng school namin, pagtingala ko nakita ko siya at ang isa niyang kaibigan may hawak na timba sabay buhos ng laman noon, pinaghalo-halong putik, tubig, b****a at mga balat ng bulok na prutas, naikuyom ko ang aking kamao, hindi na ako nakapasok pa dahil sa kahihiyan.

Sumunod na mga araw akala ko okay na ang lahat, na wala na, na nakalimutan niya na ang mga ginawa ko pero habang kumakain ako biglang may lumapit sa akin at nilagyan ng mustard ang kinakain kong sisig, inubos niya lahat ng laman ng isang bote sa pagkain ko, napalingon ulit ako sa gumawa noon, walang iba kundi siya.

Aalis na sana ako, akala ko yun lang ang gagawin niya pero bigla akong hinawakan sa balikat ng dalawang kasama niya, kasabay noon ay hinila niya ang kwelyo ka at hinawakan ako sa ulo sabay inginudngod ang mukha ko doon sa pagkain.

Matapos iyon at tatawa-tawa silang umalis doon, lahat ng mata nakatingin sa akin, may nagbubulungan, may nagtatawanan, ang iba ay parang naaawa at gusto akong tulungan pero hindi magawa.

Nagalit ako, hinabol ko siya at nagulat sila sa kung anong maaring gawin ko, naabutan ko pa sila ng barkada niya na tumatawa-tawa, hinawakan ko ang braso niya sabay paharap sa akin at kinuyumos ng h***k ang labi niya. Ito lang ang naisip ko na ganti, pilit niya akong tinutulak at pinagsasampal pero hindi niya magawang kumawala.

Sunod na naramdaman ko hinila ako ng ibang lalaki doon at inilayo sa kanya sabay sapak sa mukha ko, natumba ako at may mga lumapit at bumugbog sa akin, sipa dito, sipa doon, suntok sa mukha, sa sikmura, hindi ko na alam, nakita ko siyang pinunasan ang mukha dahil nalagyan iyon ng mustard nung hinalikan ko siya. Kung hindi dumating yung mga guard baka patay na ako.

Kaya ko 'to, kaya 'to ng katawan ko, sabi ko sa sarili ko pero halos hindi na ako makatayo at habol ko na ang hininga ko, tinulungan ako ng isang guard at sinabing pumunta na daw ako sa clinic, tumawa pa ako pero hindi dahil sa sinabi ng guard kundi dahil sa sinapit ko.

Dumaan ako sa harap niya at tumitig sa mukha niya. "Ano? sasabihin mo na naman na ang lakas ng loob ko na halikan ka, na sino ako para gawin iyon at anong karapatan ko? Na pagsisisihan ko dahil ikaw si Chrisanya Evangelista 'di ba? Eh ako, ano lang ba ako? Sino lang ba ako?" binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

Hinila na ako ng mga guard papunta sa clinic, matapos iyon pinauwi ako at nagpahinga ng ilang araw, ayokong pumunta sa doktor dahil ayos lang ako, tatlong araw akong hindi pumasok at nagkulong sa kwarto.

Araw ng linggo, katatatapos ko lang maligo ng tumingin ako sa salamin puro pa rin pasa ang mukha ko, napabuntong hininga ako, lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa kusina, nagluto ng itlog, isang sausage, gumawa ng french toast at nagtimpla ng kape.

Kumain ako nang tahimik, walang pakialam sa mundo, walang pakialam sa kahit sino man ang nakatingin, walang pakialam sa babaeng nasa harap ko at tahimik na nakatingin, sa babaeng kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa ako nakahandusay dito, umirap siya at binato ako ng kutsara, sinamaan ko siya ng tingin, itong babae na 'to ang malas sa buhay ko eh.

Siya ang nagpapahirap sa akin, nagpapagulo sa tahimik kong mundo.

Siya si Chrisanya Evangelista-Zhymian.

Siya ang aking asawa.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Donabel Lotivio
wfhtezx bmhtff vnxdfgh
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status