Share

Chapter 2

Adam...

HETO na naman po kami ngayon. Nakakabwisit na, nakakasawa na talaga, hindi man lang naawa 'to sa akin. Siya kaya ang dahilan kaya halos mag 50-50 na ako noong isang araw tapos ngayon binato ako ng kutsara, syempre masakit tinamaan ako sa panga, may pasa pa yun.

"Sumusobra ka na talagang babae ka, pasalamat ka hindi kita pinapatulan diyan!"

"Hindi nga pinapatulan, pinapahiya at binabastos mo naman," nakasimangot siya sa akin.

"Hindi mangyayari yun kung hindi ganyan ang trato mo sa akin."

"Bakit? Hindi ba kasama iyon sa kasunduan na kung anong gusto kong gawin sa'yo magagawa ko since slave kita."

"Hindi mo ako slave asawa mo ako."

"Parehas na rin iyon."

"Pag asawa alila agad? Edi dapat maid ang kinuha mo."

"Sino bang unang humingi ng tulong?"

Naikuyom ko ang kamao. P*****a nga naman, ako nga pala yung unang lumapit sa kanya.

Nasa isang library siya noon at may hinahanap na libro ng lapitan ko siya, "Are you Chrisanya Evangelista?" Tumingin siya sa akin at parang natulala.

"Y-Yes?" tumingin siya sa paligid "...ako bang kinakausap mo?"

"Meron pa bang ibang tao dito sa part na 'to?" balik tanong ko, tumawa siya.

"And what do you need?" she crossed her arms and stared at me.

"Uhmm, Ah--" paano ko ba 'to sasabihin sa kanya

"You know what your just wasting my time?" mukhang nakita niya na yung librong hinahanap niya pero hindi niya maabot kaya inabot ko yun para sa kanya. Sobrang taas kasi ng part na yun kaya kailangan akyatin mo pero walang hagdan kaya ang ginamit kong hagdan ay yung mismong book shelves kaso nalaglag yung mga libro, nagtakbuhan yung mga usyusero't usyuserang estudyante at pinagpi-picturan kami.

Wala man lamang tumulong, ako nakaibabaw sa kanya siya napahiga, may mga libro at yung labi niya, hindi sinasadya n*******n ko yun at nanlaki ang mga mata niya. Pagtayo namin tumakbo siya palayo, hindi man lang ako naka-sorry at hindi ko nasabi talaga yung gusto kong sabihin, hinintay ko siya nung uwian, sa may parking lot nung school, naabutan ko siya at bago pa siya makapasok sa kotse niya ay hinawakan ko siya sa braso.

"Ms. Evangelista, sorry kanina pero I really need to say this to you," napatingin siya sa kamay ko na hawak-hawak yung braso niya kaya inalis ko yun doon.

"Sorry, I'm really sorry para kanina."

"Sabihin mo nang sasabihin mo because I don't have all day to waste my precious time with you."

"Okay, I'm Adam Zhymian, if you've heard all about the Z corporation na pagmamay-ari ng parents ko."

"Ahh, ikaw pala yung taga pag-mana, hindi halata sa itsura mo, ngayon ko nga lang nalaman na dito rin pala nag-aaral ang unico hijo nila Mr. and Mrs. Zhymian," sabi niya na tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"So ano ngang kailangan mo sa akin?" tanong ulit niya.

"I need you to be my wife."

"Your what?" sumigaw na siya buti na lang wala masyadong tao dun sa lugar na yun.

"My wife," mahinang sagot ko.

"Look, I don't know if your aware na nalulugi na ang Evanglista Inc. at ang Z Corporation at ang tanging paraan lang ay ang mag-merge ang dalawang kumpanya pero alam kong kahit magkanda hirap-hirap na ang parents ko ay hindi nila ako ipakakasal sa kahit sino dahil iniisip lang nila yung kaligayahan ko," tumango-tango lang siya, parang gulat siya sa mga sinabi ko.

"Narinig ko na nakikipagka-sundo na ang mga magulang mo sa mga magulang ko para doon pero ayaw ng mga magulang ko dahil baka ikagalit ko, kaya ngayon nandito ako, gusto kong pakasalan ka para matapos na lahat ng gulong ito, papalabasin na lang natin sa kanila na nagkagustuhan ta'yo."

"Sige dahil hindi ko rin naman kayang magbuhay mahirap at isa pa hindi rin naman ako naniniwala sa kasal pero may kondisyon."

"Ano iyon?"

"Walang makakaalam sa buong school ng tungkol sa atin, kahit ikasal man ta'yo."

Ngumiti na ako at tumango-tango.

Akala ko pagkatapos noon okay na ang lahat, na maayos na ang problema namin. Hindi pala mas lalong lumala dahil sa babaeng ito.

"So ano? Naaalala mo na ba?" tinaasan niya ako ng kilay. "Ikaw ang unang lumapit, unang nagtanong, kaya ako ang boss and you are my slave" Sabi niya at lumapit sa akin, kinuha ang baso ng tubig at tinapon sa damit ko at tumawa-tawa, aalis na sana siya ng bigla kong hilahin ang braso niya.

"Slave ba? Bakit hindi mo na lang dagdagan ng sex slave or boy toy?" mapait kong sabi pero ngumiti lang siya ng mapakla sa akin at pinadaan ang hintuturo sa mukha ko pababa sa leeg at d****b ko, bumaba pa yon sa puson ko pero huminto.

"Sorry, but not my type," sabi niya at tinabig ako.

"Oo nga naman kasi ang type mo yung mga lalaking pinagnanasaan mo at ng mga kaibigan mo sa basketball court," bumalik siya.

"Don't you dare speak to me that way!" sabi niyang nanlilisik ang mga mata.

"If I'm not your type don't worry the feeling is mutual, mas nagsisisi pa nga ako dahil ginawa kong lumapit sa'yo at i-offer ang isang bagay na dapat hindi ko ginawa dahil mas lalong lumala ang mga bagay-bagay," natahimik siya. "Huwag kang mag-alala hindi ko rin pinangarap makasama ka habambuhay at mas lalong-lalo ng hindi ko pinangarap ang magpakasal sa isang babaeng walang puso na kagaya mo."

Nilayasan at pumasok sa kwarto ko. Wala akong pakialam sa kung anong magiging reaksyon niya, masaktan man siya patas lang kami.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status