Share

Chapter 5

Adam...

NAPATULALA ako habang kitang kita kong naglalakad sila Sanya papasok ng campus.

Hindi nakakagulat na nandito sila, ang nakakapagtaka ay kasama nila yung kagrupo ko sa klase na si Lena na parang kaisa sa kanila.

'Di ko alam kung lumilipad bang isip ko sa pagkalito kaya nagulat ako pagpitik ng daliri ni Sanya sa harapan ko.

"Bulag?" sabi niya habang nasa harap ko. "Bakit nakaharang ka pa sa dadaanan namin?"

Tinararayan na naman niya ako, napatingin ako kay Lena. "Lena bakit kasama mo sila?"

"At bakit hindi?" napatingin na ako kay Sanya na tinaasan ako ng kilay. "Ikaw ba ang dapat magsabi sa kanya kung sinong dapat niyang samahan?"

Umakbay siya kay Lena. "She is one of us now, ano pang ginagawa mong bugok ka? Tabi!"

Hinawi niya ako sa daan at sunod-sunod akong tinabig nung mga dalawang kaibigan niya, nakita kong nilingon ako ni Lena at yumuko na lang.

PAGKATAPOS namin i-present ni Lena yung plinano namin ay naupo na kaming isang upuan lang ang nasa pagitan namin, may iba pang nagpe-present pero hindi ko na inisip pa yun.

"Bakit kasama mo sila?" tanong ko sa kanya at tumingin siya sa akin.

"May masama ba dun?" ngumiti siya. Meron! Dahil kung didikit siya sa mga yun hindi malabong isang araw maging kaugali na niya sila. "Ang cool kaya nila!"

"Cool? Anong cool sa bully?"

"They do it for a reason, isipin mo na lang na modern day gabriela's kami."

"Kami? So desidido ka na nga talaga na mapabilang sa kanila?" tumango-tango siya at napailing na lang ako.

"Hindi mo alam kung anong pinapasok mo Lena."

"It's Tora," napalingon ako sa kanya, ilang oras pa lang silang magkakasama pati ba naman pangalan iba na sa kanya at alam kong simula pa lang ito. "Isa pa Az--"

"Az?"

"Az Adam Zhymian, cool din kasi pakinggan eh, so yun na nga, sa itsura kong ito siguro alam mo na naman na mas matalino ako kaysa sa iniisip mo. Kung makapagsalita ka rin laban sa asawa m—oh shit!" tumingin siya sa paligid. Yumuko siya at napakagat-labi sabay pabulong na nagsalita. "Sorry pero yun na nga, kung makapagsalita ka sa kanya kala mo naman taong tinubuan ng sungay yung tao."

Na-brain wash na nga siya nung mga yun kaya napabuntong-hininga na lang ako ng malalim.

Biglang may pumasok sa classroom na mukhang nerd na lalaki at yumuko sa professor namin, "Sorry Sir late enrolee po," may ipinakita siya at tumango na lang si Sir, nag-usap pa sila bago pero hindi ko na pinakinggan.

"Ano ba?!" napalingon ako sa pagsigaw ni Lena. "Hindi mo ba nakita na nag-uusap kami?"

"Miss Tora ano yan?" tanong ni Sir.

"I didn't know!" sabi naman nung katabi ko. "Didn't you see I just came here so how the hell was I supposed to know that you guys were talking, this chair is vacant anyways."

"But you didn't even excuse yourself!" parang nanggagalaiti na si Lena. Sinasabi ko na nga ba, nagiging kaugali na rin niya sila Sanya.

"Well I'm sorry but you don't have to shout at me."

"The two of you! Mister Zedleer and Miss Tora, magsisigawan lang ba kayo? Ni hindi niyo na ako nirespeto dito bilang prof niyo," napatingin silang dalawa sa harap na parang natauhan.

Sinermunan pa ni Sir yung dalawa pero hindi ko na pinakinggan ang alam ko lang sa buong period na yun nagkakairitahan silang dalawa.

Pagkatapos ng klase ay dali-dali ng umalis si Lena, alam ko naman na sasama na siya dun kayla Sanya.

"Pre!" nagulat ako sa humabol sa akin, yung katabi ko kanina. Inabot niya ang kanang-kamay sa akin. "Andy Zedleer, Lee," pakilala niya.

Ngumiti ako sa kanya at tinanggap yung kamay niya. "Adam Zhymian."

"Galing, pareho pala tayong A at Z ang initials," naisip ko rin nga yun kanina, nagsabay na kami na bumili ng lunch at tumambay dun sa isang bakanteng area sa cafeteria. "Alam mo wala kasi akong mga kaibigan, last sem hindi ako nag-enroll kasi ayokong sumabay dun sa mga dati kong classmates kasi wala akong makausap masyado, yun din yung dahilan kaya nahuli ako mag-enroll, iniisip ko kasi na para lang akong loner geek, kung di pa ako tinakot ni Papa siguro hindi pa talaga ako papasok pero buti na lang may kagaya pala ako."

"Kagaya na ano?" Tumingin ako sa kanya, ibig ba niyang sabihin ay isa din akong loner geek?

"I know what you're thinking pero naisip ko hindi lang tayo sa initials magkaparehas, like me you're a loner, kanina parang may sarili kang mundo na walang makausap at sa unang tingin para kang weirdo sa suot mo," Tumingin siya sa suot ko. "I mean, ako nerd, ikaw parang ghetto hip-hop style, baseball cap at maluwag na suot. We try to look cool but we don't fit."

"Meaning?"

"Meaning parehas tayo na out of place. Bakit pa kailangan na magpumilit tayong maging in when we can still be ourselves, let them think we are weird 'di ba? Just don't give a fuck about it."

Tumawa na ako sa sinabi niya, magkakasundo nga kami. Isa pa, sinabi na nga ni Sanya na wala akong kaibigan pwes mali siya dahil meron na, nerd nga pero ano naman? Si Lena nga nasali sa grupo nila kahit nerd ito, ngayon may makakausap na ako.

"Anong course mo?" Tanong niya sa akin.

"Multimedia Arts."

"Ako IT," Halata naman, alam ko mahirap yung course na yun pero dahil nga mukha namang matalino itong si Lee tingin ko ay sisiw lang sa kanya yun.

Napatingala siya dun sa mga babaeng dumaan sa harapan namin. "Pre hindi ba classmate natin kanina yung isa dun?"

Sinundan nung mata ko yung tingin niya, sila Sanya na naman. "Oo."

"Tignan mo parang may mga nire-represent na personality sa kanila yung bawat isa, yung classmate natin yung medyo Nerd, yung isa naman na kayumanggi parang sporty tapos yung isa naman musician, tapos yung isa--"

"Kaartehan," dugtong ko nung si Sanya na yung ide-describe niya. "You should stay away from them."

Bumalik na yung tingin niya sa akin. "Bakit naman? 'Di ba kanina kausap mo nga yung nakaaway ko?"

"Bago lang siya sa grupo nila, hindi mo ba sila kilala?" umiling siya. "Sila ang pinakamasama ang ugali rito, particularly sa mga lalaki. Ilang beses na akong napahiya ng mga yan."

"Nakita ko na dati yung nerd pag nasa library ako at laging nagbabasa, kaya siguro 'di ko rin kilala yung iba kasi 'di ko naman nakikita saka alam mo naman sa library hindi pwede ang maingay," tumango na lang ako.

"Alis," napatingala ako at ang nagsalita ay si Sanya, ano na naman bang trip nito? Tumingin ako sa paligid at wala na ngang space dahil may mga nakaupo na rin pero kami ang nauna dito, bago pa man magsipagdatingan yung ibang nagla-lunch.

"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Sabi ni Sanya alis! Are you deaf?" pagtataray naman nung kaibigan niyang si Kyra. "Alis na."

Matalim na tumitig ako sa kanya. Hindi na tama itong ginagawa niya, papaalisin niya kami para sila may maupuan. Bakit nga ba hindi ko sinusumbong ito? Simple lang dahil pag ini-report ko ang nangyayari na ito baka tawagan pa ang parents namin tapos kakausapin kami at malalaman na nagpapanggap lang kami kahit sa kanilang magulang namin kaya hinahayaan ko lang siya at inaabuso naman niya.

Marami ring estudyante dito ang hindi rin makapag-report kahit na nga ba college na kami. Una dahil isa sa sponsor ng school ay ang mga Merced, at si Kyralle Merced ay myembro ng pamilyang yun. Pangalawa, Evangelista si Sanya, hindi naman lumabas yung issue na palugi na sila dahil na nga sa naging kasal namin, isa pa nga sa naging balita ay nakatulong ang mga Merced sa kanila na parang na-extend na rin sa amin kaya siguro ang taas pa rin talaga ng tingin ni Sanya sa sarili niya. Pangatlo, dakilang siga si Alexandria Cadriejo, kahit ano yatang gulo ang pasukin niyan matatakasan niya dahil isa siyang Cadriejo, kababaeng tao pero mas matapang pa sa lalaki at ngayon nga may mas dahilan pa para matakot ang lahat sa kanila dahil dumagdag si Selena Tora, sikat ang pamilya nila sa mundo ng Science, alam ko yun dahil lumabas sa balita na isa yung pamilya nila sa mga nagpapatayo ng mga science museums dito sa bansa, galing sa pamilya ng matatalino, ang alam ko hindi dumaan sa pangbu-bully si Lena na kadalasang nararanasan ng iba dahil na rin sa family background niya, wala akong gaanong alam pero wala na rin naman akong pakialam lalo na at myembro na siya ng grupo nila Sanya.

"Bakit kami aalis dito eh nauna kami?" nanlaki ang mata ko ng tumayo si Lee at tumingin sa kanila.

Uh oh, lagot na! gusto kong hilahin na si Lee dahil hindi niya alam ang gulong pinapasok niya.

Tumawa yung grupo ni Sanya. "Tora, dahil bago ka sa grupo, ikaw ng bahala sa isang ito" sabi ni Sanya sabay tumitig kay Lee.

Parang nagdadalawang-isip pa si Lena sa gagawin niya, Don't do it Lena. 'Wag kang makinig sa kanila.' gusto kong sabihin sa kanya yun pero huli na ng makita kong may inilabas siya sa bag at ini-spray yun sa mukha ni Lee.

"Anong ginawa mo?!" sigaw ko sa kanya at nagulat naman siya. "Ano yun?"

Lumapit ako kay Lee na sumisigaw habang nakatakip sa mata niya. "Don't worry, it's not oleoresin capsicum spray, pabango lang yun hindi pepper spray."

Naningkit ang mata ko at tumingin na si Lee sa kanila na namumula ang pisngi sa galit. "Alis na kasi," sabi naman ni Alexa sabay upo at taas ng paa sa table, nag-unat unat pa siya ng mga buto. "Pahiram nga ng drumsticks Kyra."

Inabot ni Kyra yung hinihingi ni Alexa. "Ok lang ba kung mabali ko ito?"

"Ok lang, marami naman ako niyan sa bahay," tumingin sa akin si Sanya at nagbigay ng makahulugang ngiti.

Kinuha ko yung gamit namin ni Lee. "Halika na Pre, hindi tayo mananalo sa mga kampon ng demonyo."

"May sinasabi ka?" tanong sa akin ni Alexa at itinaas yung drumsticks na hawak niya. Tumingin lang ako ng masama sa kanila at kay Lena. Napailing na ako bago hinila paalis si Lee doon.

Narinig ko pa ang tawanan nila at yung paghila ni Sanya paupo kay Lena, tumingin siya sa direksyon ko at nag-sorry. Tumingin si Sanya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Pre okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"You're right, we should away from them. Lalo na dun sa nerd na akala mo nice girl kung makaasta pag wala yung grupo niya," dumiretso kami ng wash room at sinuri niya yung mata niya.

"Sigurado kang ayos ka lang?"

"Yeah, my eyes are not severely damage, although medyo mahapdi nga naman," matapos maghilamos ay nagsabay na kami sa paglalakad papunta sa next class namin dahil pareho lang ang subject namin sa araw na ito.

"Pasensya ka na pre, unang araw mong mag-klase yun nang napala mo, tingin ko nadamay ka kasi akong kasama mo."

"Don't think about it, alam ko naman na kaya ako nasama sa gulo kanina ay dahil yung bagong kagrupo nila na sabi mo sa akin, mainit dugo nun kasi nagka-initan kami kaninang umaga ng dahil lang sa umupo ako sa pagitan niyo, malay ko ba na nag-uusap pala kayo di ba? Mga babae nga naman, simpleng issue pinapalaki, they're too complicated dahil na rin sa mga kaartehan nila."

"Tama."

"Eh ikaw bakit ka naman nila na-bully?" tanong niya.

"Sikreto lang ah," tumingin ako sa paligid bago yumuko at bumulong sa kanya, "Asawa ko yung isa kanina, yung sinabi kong maarte."

"Asa—" sumenyas na ako ng manahimik siya kaya napatikom siya ng bibig. Ipinaliwanag ko ang lahat sa kanya pati na rin yung set-up namin, kung bakit hindi ko magawang ma-ireport yung mga yun at agad naman niyang naintindihan.

"You see, dati naman talaga hindi ganito ang buhay ko, ni wala ngang pakialam sakin yung grupo na yun, oo dati nababalitaan ko na yung mga nangyayari dun sa ibang estudyante na nakaka-initan nila pero hindi ko naisip na isang araw isa na rin pala ako sa mapagti-tripan nila."

"Malaki nga yang problema mo pero pre magkaibigan na tayo, I got your back. Mahirap talagang sitwasyon mo, hindi ko rin gugustuhin na mapunta diyan sa posisyon mo pero makakaasa ka na walang laglagan, hindi ko rin ire-report yung mga yun, dapat na lang siguro lumayo tayo para iwas na rin sa gulo."

"Mister Zedleer and Zhymian!" nagulat kami kay Ma'am Mijarez. "May bromance bang nagaganap? Kanina pa kayo nagbubulungan habang magkalapit diyan na para kayong maghahalikan. Ano? Gusto niyo yatang lumabas na lang," napalayo kami sa isa't isa ni Lee, nagtawanan ang buong klase dahil sa pagkapahiya namin. "Last warning. Ikaw Mister Zedleer kapapasok mo pa lang sa klase ko, kailangan mo pang maghabol sa lessons tapos nagdadal-dalan lang kayo diyan. Makinig kayo kung hindi baka gusto niyong i-drop na ang subject ko."

"Sorry Ma'am," sabay naming nabigkas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status