Share

Chapter 1

Agatha POV

Maaga akong namulat sa katotohanan na hindi lahat ng anak ay nagkakaroon ng kompleto at masayang pamilya at isa na ako sa mga batang 'yon. Naghiwalay ang mga magulang ko dahil hindi na mahal ng tatay ko ang ina ko, no'ng una ay akala ko magkakaayos pa sila pero walang araw na hindi niya sinasaktan ang mama ko dahil ayaw nito pumayag na maghiwalay na sila. Hindi ako makapaniwala na nawawala ang pagmamahal sa isa't isa ng mag asawa.

At ngayon ay mag- aasawa ulit ang aking ina at wala naman 'yong problema sa akin kung do'n sasaya ang ina ko ay ayos lang dahil hangad ko din naman ang kaligayahan niya sa akin dahil buong buhay niya ay inilaan niya na sa pag aalaga at pagpapalaki sa akin. Kaya no'ng sinabi niya sa akin ay naging masaya pa ako dahil mayroon na tumanggap sa ina ko kahit na may anak na ito.

No'ng una na sinabi sa akin ni Mama ang tungkol sa lalaking minamahal niya ngayon ay naagdadalawang isip ako dahil nalaman ko na mayaman pala ito at kilala sa larangan ng business, hindi ako makapaniwala na magkakaroon sila ng relasyon ng ina ko dahil madami namang mga babae 'ryan. Nag aalala din ako sa mama ko dahil baka sa huli ay masaktan lang siya, pero pinaliwanag sa akin lahat ni mama na matagal na silang magkakilala dahil naging magkaibigan sila at kilala din nito ang naging unang asawa ng lalaki na namatay dahil sa sakit.

"Ano ba! Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin tapos riyan?" naiiritang turan ng matalik kung kaibigan na si Zey.

"Pwede sandali lang at huwag kang atat diyan?" reklamo ko, kasalukuyan kasi kaming nasa mall dahil may binili kami para sa project namin.

"Shunga! Kahit kailan talaga ang kupad mo. Kanina pa tayo pa ikot ikot dito pero hindi mo pa rin alam kung ano ba talaga ang bibilhin mo."

Hindi ko na lang pinakinggan ang mga sinasabi ng kaibigan ko dahil sanay na ako sa kadaldalan niya, binilisan ko na lang ang paghahanap sa mga bibilhin ko at pagkatap[os ay binayaran ko na ito.

Ng matapos na kaming bilhin ng mga kailangan namin ay nagpasya na kami munang kumain dahil tanghali na. Hindi din naman kami nagtagal dahil kailangan ko ding umuwi dahil aalis kami ng mama ko. 

Mag cocommute na sana ako pero sadyang mapilit ang matalik na kaibigan ko at gusto niyang ihatid na lang ako para hindi na ako mas matagal sa byahe. Alam niya din ang tungkol sa mama ko at boyfriend nito at todo suporta din siya.

Ng makarating na kami sa harap ng apartment na inuupahan namin ay agad na nagpaalam si Zey dahil may importante pa siyang pupuntahan. Minsan talaga hindi ko din maintindihan ang kaibigan ko na 'yon alam niya naman pala na may pupuntahan siya pero hinatid niya pa rin ako.

Bago ako pumasok sa apartment ay nagtaka ako kung bakit may nakaparada na kotse sa harap, imposible naman na pag mamay ari 'yan ng kapitbahay namin dahil sigurado akong walang makakaafford ng ganyan ka mahal na sasakyan dito sa amin.

Ipinagsawalang bahala ko na lang at pumasok na sa apartment, naabutan ko si mama na nakaupo sa sala habang may kausap na lalaki. Kung titingnan ko ay mukhang mayaman ito base na din sa pananamit niya. Hindi kaya siya ang may ari ng kotse na nasa labas? Pero sino ang lalaking ito at bakit nandito siya sa bahay namin?

Napansin naman ni mama na nakatayo ako kaya agad siyang ngumiti sa akin. "Nandito ka na pala anak, kanina ka pa namin hinihintay ng uncle mo." saad ni mama.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Uncle? May relatives pa pala tayo dito Ma?" takang tanong ko.

"Ano ka ba naman anak! Hindi ba at sinasabi ko na sayo ang tungkol sa kanya?" anas ni Mama.

Saglit akong natigilan at inaalala kung ano ang ibig niyang sabihin. Agad naman nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang lalaking nasa harapan ko. "Siya po ba ang sinasabi niyo sa akin? Iyong kaibigan niyo na ngayyon ay kasintahan niyo na?"

Nakita ko naman na tumango si Mama kaya nakumpirma ko ang totoo. Tumayo naman ang lalaki sa pagkakaupo at lumapit sa akin. "Hi, I'm Mr. Hernandez. Masaya akong nakilala na din kita sa wakas. Ang daming naikwento sa akin ang mama mo." nakangiting turan niya.

"Hello po, magandang tanghali. Pasensya na po sa naging asal ko kanina, hindi ko po kasi alam na kayo ang tinutukoy ng Mama ko." hinging paumanhin ko.

"Ayos lang 'yon iha, ngayon lang din naman tayo nagkakilala kaya wala kanbg dapat ikahingi ng paumanhin."

"Ang mabuti pa anak ay magbihis ka na muna dahil may mahalaga akong sasabihin sayo." utos sa akin ni Mama at umakyat na ako sa taas.

Binilisan ko ang pagpapalit ng damit at agad din na bumaba, ayaw ko naman na paghintayin sila ng matagal dahil nakakahiya sa bisita namin.

Ng makababa ako ay nakita ko sila mama na masayang nag uusap kaya tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Sabay naman silang napatingin sa akin kaya lumapit ako sa kanila.

"Ma ano po pala ang sasabihin niyo sa akin? Mukha po kasing importante 'yon." anas ko.

Pinaupo naman ako ni mama sa tabi niya. "Anak alam mo naman na nagpropose na sa akin ang Uncle mo hindi ba? Napag usapan kasi namin na magpapakasal na kami next month kaya ang gusto niya sana ay do'n na tayo tumira kasama siya at ang mga anak niya." paliwanag ni mama sa akin.

"Pwede bang maiwan na lang ako dito ma?" anas ko.

"Bakit naman iha?" singit ni Uncle.

"Eh kasi po masyadong nakakahiya kung pati ako ay titira sa bahay niyo. Okay na ako na si Mama na lang dahil alam ko po naman na aalgaan at mamahalin niyo siya." saad ko.

"Hindi naman gano'n kadali 'yon iha. Hindi naman ako papayag na maiwan ka dito dahil alam kung mag aalala sayo ang mama mo." giit ni Uncle.

"Hindi po ba nakakahiya sa mga anak niyo? Inaalala ko din kasi sila at baka magalit sila kapag do'n kami tumira." ani ko.

"Mababait ang mga anak ko at alam kung masaya sila kung masaya din ako. Kilala naman din nila ang mama mo kaya walang magiging problema kung do'n kayo sa bahay tumira. Ilang buwan na lang din naman at ikakasal na kami ng mama mo at magiging isang pamilya na tayo." nakangiting turan niya.

Tumingi naman ako sa mama ko at kita kung hinihintay niya din ang magiging sagot ko. At dahil ayaw ko naman na mag alala pa siya kapag naiwan akong mag iwa dito ay tumango na lang ako tandan na pumapayag na ako sa gusto nilang mangyari.

"Mabilis naman akong niyakap ni Mama, alam kung masaya siya at deserve niya ang bagay na 'yon.

"Kailan po ba tayo aalis?" tanong ko.

"Actually kaya nandito ang Uncle mo dahil siya na ang nagsundo sa atin."

Nagulat naman ako dahil sa sinabi ni Mama. "Ngayon na po? Eh hindi ko pa naayos ang mga gamit ko Mama." nakangusong turan ko.

"Huwag mo ng isipin 'yon dahil nailigpit ko na ang ibang mga gamit mo, 'yong mga natitira pa ay ipapakuha na lang dito bukas."

Hindi na din kami nagtagal sa apartment at umalis na para hindi kami gabihin sa byahe. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako sa paglipat namin. At isa pa ay iniisip ko ang mga anak ni Uncle dahil ang rinig ko ay suplado ang isa sa kanila kaya hindi ako makapaniwala ng sinabi ni Uncle na ayos lang sa mga anak niya.

Halos isang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating sa kanilang bahay, pinagbuksan naman kami ng guard at diretso ng pumasok sa loob.

Hindi na ako nagtataka kung bakit parang mansion ang bahay nila dahil alam ko naman na mayaman sila at kilala ang pamilya nila sa lugar na ito at sa larangan ng business.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
yes tama si Agatha wala tayong hangad kundi ang kaligayan ng ating magulang
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status