Share

Chapter 4

Ethan POV

Hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa bahay kaya agad kaming pumasok sa loob ni Agatha. Naabutan namin si Dad at Tita na nakausapo sa sala habang nagkwekwentuhan.

"Nandito na pala kayong dalawa." nakangiting saad ng mama ni Agatha.

Nakita ko naman ang magaling kung kapatid na pababa ng hagdan. "Bakit ang tagal niyo naman yata?" tanong niya sa amin.

"Akala ko ba ay may meeting ka?" balik tanong ko sa kanya.

"Meron nga pero hindi din  naman nagtagal." sagot niya sa akin.

Gusto ko siyang suntukin kung wala lang sa harap namin si Dad, maaga naman pala siyang uuwi bakit kailangan niya pa akong utusan na sunduin si Agatha?

Kahit kailan talaga ay wala akong tiwala kay Luke kahit pa sabihin na kapatid ko siya, simula pa lang bata kami ay may ugali na talaga siyang hindi ko nagugustuhan. 

Agatha POV

Labis ang takot na naramdaman ko dahil sa nangyari sa amin ni Ethan at nagulat pa ako ng makita kung may baril siya sa kanyang sasakyan. Kahit na masunget siya ay hindi pumasok sa isipan ko na marunong siyang gumamit ng baril.

Mas lalo pa akong kinabahan ng sinabi niyang ako muna ang mag drive ng kotse, hindi ako gano'n ka marunong pero dahil nga sa nangyari ay kailangan kung tatagan ang sarili ko kaysa mamatay kaming dalawa. Hindi ko alam kung sino ang mga taong 'yon at kung ano ang pakay niya sa amin.

Ang akala ko ay wala talagang pakialam sa akin si Ethan dahil sa simula pa lang ay hindi na naging maganda ang pakikitungo nito sa akin at alam kung may galit siya sa akin pero dahil sa nangyari kanina ay nakita ko ang pag aalala sa kanyang mukha.

Sabay sabay kaming kumain ng hapunan at pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto para makapagpahinga.

Dumiretso ako sa banyo para maligoat makapagbihis. Hindi din naman ako nagtagal dahil nakakaramdam na din ako ng antok. Akmang hihiga na sana ako ng may kumatok sa kwarto ko kaya napatayo ako para buksan ito.

"W-why are you here?" nagtatakang tanong ko ng makita kung si Ethan ang kumakatok.

"I just want to talk to you about what happen earlier." seryosong saad niya at pumasok na sa kwarto.

Sinara ko naman ang pinto at umupo sa kama ko habang siya ay naupo sa upuan malapit sa mini table.

"Ano ba ang gusto mong pag usapan?" tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko na kanina siguro naman ay hindi ka bingi diba?" pagsusungit niya.

"Alam ko ang ibig mong sabihin ang tinatanong ko ay kung bakit kailangan pa pag usapan ang bagay na 'yon." irap ko sa kanya.

"Don't tell to anyone about what happen earlier." 

"And why?" takang tanong ko sa kanya, hindi ba ay dapat sabihin niya ito sa Dad niya?

"Sunduin mo lang ang sinasabi ko at huwag kana madami pang tanong. Gusto mo bang mag alala ang mama mo kapag nalaman niya ang tungkol sa nangyari kanina?"

Bigla naman ankong natigilan sa kanyang sinabi, tama siya alam kung mag aalala si Mama kapag nalaman niya na muntik na kaming mapahamak kanina. Ayaw ko naman maging pabigat pa sa kanila.

"Okay, hindi na ako magsasalita ng tungkol sa nangyari." pagsuko ko.

"Mabuti naman at nagkakalinawan tayo." pagkasabi niya no'n ay tumayo na siya at naglakad papunta sa pintuan pero bago pa siya tuluyang makalabas aya tinawag ko siya dahiulan para mapatingin siya sa akin.

"What?"

"Gusto ko lang magpasalamat." nahihiyang saad ko.

"Don't mention it. Huwag mong isipin na niligtas kita dahil hindi. Ayaw ko lang mamatay." huling sambit niya bago tuluyang lumabas.

Napabuntong hininga na lang ako, kailan ko kaya siya makakausap ng hindi nagsusunget. Tiningnan ko ang oras at masyadong gabi na kaya nahiga na ako sa kama at natulog.

Ilang beses na akong nagpagulong gulong sa kama ko pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok, baka mamaya tanghali na naman ako magigising nito. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isipan ko nangyari kanina, halos himatayin na ako sa kaba at takot. Sino ba naman kasing hindi kung malaman mong may humahabol sa inyo na hindi niyo alam kung sino at mukhang balak pa kayong patayin.

Minsan iniisip ko kung hindi siguro kami lumipat sa bahay ng mga Hernandez ay hindi ako makakaranas ng ganito, pero hindi ko naman kayang tanggalin ang kasiyahan ng mama ko. Sana lang ay hindi ko na maranasan ang bagay na 'yon ulit dahail baka mahimatay na talaga ako ng tuluyan.

Tumayo naman ako at hininaan ang aircon dahil masyadong malakas at nilalamig ako, lumapit din ako sa mesa para inumin ang tubig na nasa baso, nakalimutan ko pala itong inumin kanina dahil na din sa sobrang pag iisip. Pagkatapos ay humiga na ako ulit sa kama at baka sakaling makatulog na ako ng tuluyan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
may pagkasungit si eithan pero mabait nman pala
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status