Belle POV Ilang araw ko ng napapansin na parang may problema si Gian at kapag tinatanong ko naman siya ay palaging sinasagot niya sa trabaho lang pero nahuhuli ko siyang tulala o kaya may malalim na iniisip. Ayaw ko naman siyang kulitin dahil baka mainis lang siya. Hindi din kami madalas na nagkikita o kasama dahil pareho kaming na busy sa trabaho pero kapag may oras naman kami free time namin ay magkasama kami. Kagaya na lang ngayon na sabay kaming kumakain ng lunch. "Babe?" pagkuha ko sa atensyon niya. Tumingin naman siya sa akin. "Hmmm?" "Are you really sure na okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. "Yes babe, why?" "Ang lalim kasi ng iniisip mo eh, nakaraan ko pa napapansin na parang balisa ka kaya iniisip ko na baka may problema." anas ko. "Pagod lang ako sa work babe, alam mo naman na may bagong projects." Ngumiti naman ako sa kanya. "Baka naman masyado kang nagpapagod, bigyan mo din oras ang sarili mo makapagpahinga. Magkakasakit ka niyan eh." saad ko.
Belle POV Nandito ako sa condo ni Gian dahil may pupuntahan lang daw siya at babalik din agad pero dahil hindi ako matahimik kaya nakapag desisyon kung sundan siya kung saan siya pupunta hindi ko maintindihan sa sarili ko pero iba ang kutob ko. Binilisan ko ang pagbaba sa building ng condo at nakita ko pa ang sasakyan niya, hindi pa siya nakakasakay dahil may kausap pa ito sa phone. Hinintay ko muna na makaalis ang kotse niya saka ako pumara ng taxi hindi ko kasi dala ang sasakyan ko. Sinabihan ko ang driver na sundan ang kotse ni Gian kung saan ito pupunta at agad naman itong tumalima, habang nakasunod kami sa kanya ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba. Malaki ang tiwala ko sa boyfriend ko pero hindi ko lang maiwasan ang hindi mag isip ng mga bagay bagay. Nagtaka ako ng makita kung huminto ang kotse ni Gian sa isang condominium building. Anong gagawin niya dito? May kakausapin ba siyang kliyente? Nang makita kung bumaba na siya at mabilis akong nagbayad sa driver ng
Belle POVHindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga narinig ko, alam ko naman na hindi pa nakakamove on si Gian sa ex niya pero masakit pa din pala kapag narinig mo ito mismo sa kanya na mahal niya pa. Sabagay ano nga ba ang laban ko sa unang minahal niya kaysa sa akin.Nang mapansin kung nakita ako ni Maxine kasabay ng pagtingin at pagtawag sa akin ni Gian ay mabilis akong tumakbo paalis sa unit na 'yon. Ayaw ko naman magmukhang kawawa sa paningin nilang dalawa.Bago pa ako makasakay sa elevator ay hinigit na ni Gian ang braso ko."Let me go Gian." bulalas ko."No I won't! Let's talk please babe, let me explain.""A-ayos na sa akin ang mga narinig ko, hindi mo na kailangan pang magpaliwanag dahil naiintindihan ko naman." mahinang saad ko."Mali ka ng iniisip mo, hindi 'yon ang ibig kung sabihin."Napatingin ako sa kanya kasabay ng paglandas ng mga luha sa mata ko. "A-alam kung mahal mo pa siya kahit na hindi mo 'yon sabihin sa akin." wika ko.Nakita ko naman ang pag ilin
Gian POV Halos napako ako sa kinatatayuan ko ng umalis si Belle, hindi ko maihakbang ang mga paa ko para sundan siya dahil ayaw ko na mas masaktan ko pa siya. "Gian." rinig mung pagtawag sa akin ni Maxine. Alam kung nakatayo siya sa likuran ko kaya mabilis akong humarap sa kanya. "Are you happy now? Masaya ka na ba Maxine sa ginawa mo?" puno ng hinanakit na turan ko. "I'm sorry Gian. Hindi ko sinasadya, hindi ko alam nandito siya." "May magagawa pa ba 'yang sorry mo? Siguro ang saya saya mo na dahil iniwan ako ni Belle, siguro tuwang tuwa ka dahil matapos mo akong iwan at saktan noon ay sinira mo na naman ang relasyon na meron ako ngayon." panunuya ko sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano ako naging miserable noon Maxine no'ng iwan mo ako. Halos masira ang buhay ko dahil iniwan ako ng babaeng pinili kung mahalin and then Belle came, magkaibigan kaming tatlo nila Ethan since we are college siya ang naging sandalan ko ng mga panahong lugmok ako. Hindi niya ako iniwan at tinulungan n
Agatha POVNandito lang kami ni Ethan sa bahay dahil kararating lang namin kahapon galing sa bakasyon. Wala dito ngayon si Kuya Luke dahil binisita ang Hacienda Hernandez."Baby anong gusto mong tanghalian?" tanong sa akin ng asawa ko, nakabalik na kasi ang mga maids namin kaya hindi na ako ang nagluluto ng pagkain namin."Kahit ano na lang baby," sagot ko naman dito.Mayamaya pa ay lumapit sa amin ang isang maid namin. "Ma'am, Sir nandito po si Ms. Belle hinahanap kayo." Nakita naman namin si Belle na nasa manyang likuran. Kaya agad akong tumayo at naglakad palapit sa kanya."Hi Belle, kamusta?" bati ko sa kanya pero hindi naman ito sumagot at niyakap na lang ako bigla.Nagulat ako ng maramdaman kung imiiyak ito kaya hinagod ko ang kanyang likod."What happen?" tanong ko sa kanya at iginaya siya paupo. Nakita ko naman ang seryosong tingin sa amin ng asawa ko."Why are you crying Belle?" segunda naman ni Ethan ng makaupo ito.Napatingin naman si Belle sa asawa ko, ngayon niya lang ya
Nang makaalis ako sa bahay nila Ethan ay nag drive na ako papunta sa hospital, magpapacheck up kasi ako ngayon dahil ilang araw ng masama ang pakiramdam ko kaya mas mabuti ng magpatingin na ako sa doctor para alam ko kung may sakit ako o mabigyan ako ng gamot. Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot dahil alam kung galit si Ethan ngayon at hindi ko naman siya masisisi kung bakit, alam ko naman na naapektuhan siya sa nangyari dahil pareho niya kaming kaibigan ni Gian. Hinihiling ko lang na sana ay hindi masira ang pagkakaibigan nilang dalawa ng dahil lang sa akin. They are best friends since childhood at kahit wala pa ako sa buhay nila ay magkaibigan na silang dalawa at ayaw ko na ako ang maging dahilan para magkasira sila. Nang makarating ako sa hospital ay mabilis akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob dahil nakapagpaschedule na naman ako at isa pa kaibigan ko ang doctor. "Good morning!" nakangiting bati ko sa kanya ng makapasok ako sa opisina niya. "Hey Belle you're here." saad
Ethan POV Papasok ako ngayon sa condo ni Gian para kausapin siya, alam kung nandito siya dahil ng magpunta ako sa kanyang opisina ay wala siya do'n mukhang hindi pumasok ang gago. Nang makarating ako sa tapat ng kanyang unit ay hindi na ako nag abala pang kumatok at dumiretso na ako ng pasok dahil alam ko naman ang pass code niya. Ng makapasok ako ay nakita ko siyang nakaupo sa kanyang sala habang may hawak na alak, ng mapansin niya ako ay tumayo siya at naglakad palapit sa akin. "Why are you here fucker?" tanong niya. Agad ko naman siyang sinuntok ng walang pasabi. "After what you have done to Belle nandito ka lang at nagpapakalasing?" galit na saad ko sa kanya. Mabilis naman siyang tumayo at pinunasan ang kanyang bibig na dumugo dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko. "Galit siya sa akin at ayaw niya akong makausap, ayaw ko muna siyang pilitin dahil alam kung nasaktan ko siya kaya binibigyan ko muna siya ng oras para makapag isip. Alam kung galit ka sa nangyayari sa amin at hindi
Agatha POVIt's been three days simula ng magpunta sa amin si Belle at wala na akong naging balita sa kanya pagkatapos ng araw na 'yon ang alam ko lang ay pinuntahan ng asawa ko si Gian para kausapin.Sabay kaming kumakain ng almusal ni Ethan dahil may pasok pa siya sa opisina samantalang ako ay maagang nagising."Baby aalis pala ako mamaya." paalam ko sa asawa ko.Tumingin naman ito sa akin. "Pupunta ka sa Montreal?" tanong nito."Hindi, pupuntahan ko si Belle." saad ko.Tumango naman siya. "Much better baby if you visit her para naman may makausap siya.""Iyon nga din ang iniisip ko eh, malaki ang naitulong ni Belle sa akin ng mga panahong hindi pa tayo okay kaya gusto ko siyang bisitahin para kahit papaano ay maibsan ang lungkot niya. Did you talk to Gian right?" tanong ko sa kanya."Last time I akready talk to him in his condo, hindi kasi pumapasok ang gago sa opisina.""Sa tingin mo magiging okay pa sila?" mahinang bulalas ko."They will and I'm sure of it. Sinabi naman ni Gian n