One Last Chance
One Last Chance
Author: Neazaleia
PROLOGUE

DAHAN-DAHAN na iminulat ng batang si Zariyah ang mga mata niya at ang kulay puting ceiling ang unang bumungad sa kanya. Napangiwi siya ng maramdaman kumikirot ang bandang noo niya. She couldn’t move her body at maski ang likuran niya ay kumikirot rin.

Napalingon siya sa gilid nang marinig ang boses ng kanyang ama. Kasalukuyan itong nakikipag-usap sa kaibigan nito, who was also her friend’s dad.

“I think it’s better this way,” narinig niyang sabi ng ama ng kaibigan.

Hindi maintindihan ni Zariyah ang pinag-uusapan ng dalawang matatanda but none of those matters to her. Gusto niyang malaman kung nasaan na ang kaibigan niya at kung kamusta na ito. Sa sobrang pag-aalala ay kahit ang kasalukuyan sitwasyon niya ay nakalimutan na niya.

“Ta… tay,” tawag niya sa ama. Parehong napalingon sa kanya ang dalawa at ganun na lang ang tuwa ng kanyang ama na makita siyang gising na.

Mabilis siyang nilapitan ng ama at hinawakan nito ang kamay niya. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. When they were kidnapped, palagi niyang tinatawag ang kanyang ama at ipinagdadasal na sana ay maligtas na sila agad. She was too scared and at a young age, she wasn’t expecting she would experience something traumatic. Guns, knives, and even those big bad guys na sa kanyang alaala ay tila nanlilisik pa ang mga mata ng mga ito habang binabantayan silang dalawa ng kaibigan niya. It sent chills down her spine.

“I’m sorry, hija,” ani Mr. Fontanilla.

“B-bakit po?” mahina pero kinakabahan niyang tanong. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa ama at kay Mr. Fontanilla.

“I don’t think you and my son can play any longer,” malungkot na saad nito.

Sa pagkakataon na ito ay tuluyan ng napahagulhol ng iyak si Zariyah. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng matanda. May nangyari rin bang masama sa kaibigan niya? Gaya rin ba niya ay nabaril din ito at hindi nagawang iligtas ng mga doktor? 

“Sir Dan, mas maigi pang sa susunod na lang po,” it was her dad.

Hinawakan niya ang kamay ng ama. “Nasan po si Kylian, ‘tay?” Panandaliang huminto para huminga. She was already struggling to breathe. “L-ligtas naman po siya di ba? Galit po ba siya dahil sa ginawa ko? Yun po ba ang dahilan kung bakit ayaw na niya pong makipaglaro sa akin?”

Nagkatinginan ang dalawa at pagkaraan ay napabuntong-hininga ng malalim si Mr. Fontanilla. Ito na ang sumagot sa tanong niya. “My son has dissociative amnesia. He has no memories of the kidnapping incident… and so do you, hija. Kylian has no recollection of you.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status