MULA sa ginagawa sa computer ay nag-angat ng mukha si Zariyah nang sa sulok ng mga mata’y makita ang pagdating ni Mr. Laxamana, her boss. Dumagundong sa kaba ang puso niya nang makita ang nakasimangot nitong mukha kaya awtomatikong napaayos siya ng upo.
“Good morning, Mr. Laxamana,” kinakabahan niyang bati rito. She was wondering if she did any mistakes at ganun na lang kalalim ang pagkakunot ng noo nito. She groaned inwardly. Isang katakot-takot na sermon ba ang makukuha niya mula rito?
“Do I have an important appointment this morning, Zariyah?” tanong nito nang mapatapat sa mesa niya.
Napatayo siya at hinugot ang memo pad mula sa ilalim ng crystal paperweight. Sandali siyang natigilan nang makita ang pagdating ng anak nitong si Grey. Sa pagkakataon na yun ay nakahinga na siya ng maluwag dahil alam na niya ang rason kung bakit umaga pa lang ay tila hindi na maipinta ang mukha ni Mr. Laxamana. And it wasn’t because of her but his son.
“Ngayon umaga ay wala,” aniya at naikalma na ang sarili. “But you have a two o’clock meeting with Mr. Santos sa Locavore.”
Bahagya niyang sinulyapan si Grey at isang matamis naman na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Hindi niya ginantihan ang ngiti nito at sa halip ay ibinalik ang tingin sa ama nito.
“I could use a cup of coffee, Zariyah,” ani Mr. Laxamana at nagtuloy-tuloy papasok sa loob ng office nito. Grey followed him inside.
Pagkasara ng pinto ng office nito at nahilot kaagad ni Zariyah ang sentido niya. Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng ma-hire siyang sekretarya at aaminin niya na there’s still immense pressure in her part. Pinag-iigihan niyang mabuti ang trabaho niya as she didn’t want to lose this job. Bukod sa magandang benefits ay mataas rin ang sahod niya. Malaking tulong na rin sa para sa hospital bills at gamot ng kanyang ama.
Dinampot niya ang tasa at nagsalin ng kape mula sa coffee maker. Matapang, kaunting creamer at asukal. Kabisado na niya ang timpla na gusto ni Mr. Laxamana.
Ilang sandali ay pabalik na siya sa loob ng office nito dala ang tasa ng kape. Saktong pagkapasok niya sa loob ay dumagundong ang boses ni Mr. Laxamana. Sa gulat ay muntikan pang mabitawan ni Zariyah ang hawak na tasa.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na magtino ka na! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandyan ako para linisin ang kalat mo.”
‘Must be about a woman,’ sa isip-isip niya.
Ipinatong niya sa mesa ang kape nito at tahimik na tinungo ang pinto pero bago tuluyan makalabas ay sinulyapan niya muna si Grey. Napakunot ang noo niya nang makitang parang wala lang rito na nagagalit ang ama.
Sinubukan niyang ibalik ang atensyon sa ginagawa niya kanina but she kept getting distracted with his boss’ voice. Sarado man ang pinto ng opisina nito but it was not entirely soundproof.
May ilang sandali rin siyang nakasandal sa kinauupuan niya at nakikinig sa boses ng boss niya. Hindi na bago sa kanya ang scenario na yun. Grey Laxamana—the eldest son of Mr. Laxamana and also the heir of the company. He had quite a reputation of being a playboy. Halos hindi na nga niya mabilang ang mga babaeng nagdaan dito.
Napaayos siya bigla ng pagkakaupo nang marinig niya ang pagbukas ng pinto at kaagad ibinalik ang tingin sa computer niya.
“Such diligence, Ms. Castañeda,” it was Grey.
Zariyah glanced up and met his gaze. Ngingiti-ngiti ito sa kanya na akala mo ay hindi nakatanggap ng mahabang sermon mula sa ama. She almost rolled her eyes at his apparent flirting. Maski rin siya ay mukhang hindi papalagpasin nito.
She was about to response pero saktong biglang lumabas si Mr. Laxamana ng office. He stared at them with a frown.
“Not my secretary, Grey,” he warned.
Grey shrugged his shoulders. Ang ngiti sa labi nito ay hindi pa rin nawawala. Mas tumalim ang tingin ni Mr. Laxamana sa anak nito.
“Fine,” Grey said. Itinaas nito ang dalawang kamay na tila ba sumusuko. “It’s not like I’m doing anything bad to her,” dugtong nito saka tumalikod at tuluyang umalis.
“Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Zariyah. Maski ako ay hindi na alam kung anong gagawin sa lalaking yun. Kung hindi ko lang talaga anak yun ay baka matagal ko ng ipinatapon sa dagat yun.”
She gave a little chuckle. “No worries, Sir,” she replied. Sa loob-loob ay nagpapasalamat siya na sa wakas ay kalmado na rin ito.
“WILL you be sleeping here again?”
Sandaling napahinto si Zariyah sa pag-aayos ng gamit at nilingon ang ama. Kasalukuyang naka-admit ngayon ang ama niya dahil inatake na naman ito sa puso. She nodded and returned back to what she was doing earlier.
"Hindi ba’t maliit ang couch na yan para sa’yo, anak? Baka mahirapan ka sa pagtulog.”
Napabuga siya ng hangin at inilapag ang dalang malaking bag sa gilid ng couch. “Si tatay talaga, oh. Ilang araw na akong dito natutulog, ngayon pa kayo nag-alala. And besides, mas komportable akong matulog dito kaysa sa bahay.”
Kahit anong lawak at lambot ng kama sa bahay nila ay mas pipiliin pa rin niya dito. Mas panatag ang loob niya na malapit siya sa ama at mas mababantayan pa niya ito.
“Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na kung oras ko na ay oras ko na talaga.”
Inis niyang tiningnan ang ama. Hindi niya gusto sa tuwinang sinasabi nito iyon sa kanya. Pakiramdam niya ay tila ba wala na itong pakialam sa kung ano man ang mangyayari sa kanya sa oras na iwan siya nito.
“And how many times have I already told you not to say that,” she said annoyingly.
“At ilang beses ko rin bang sasabihin sa’yo na mag-asawa ka na para bago naman ako mawala ay makita ko ang magiging mga apo ko.”
Hindi niya pinansin ang sinabi ng ama. Sa halip ay kinuha niya ang remote at binuksan ang tv. Wala sa sarili na pinaglipat-lipat niya ang istasyon at napahinto lang ng mapatapat sa isang news channel. Nakagat niya ang labi nang makita ang pamilyar na mukha sa tv screen.
“Kinumpirma ng aktres at model na si Lexie na engaged na ito sa longtime boyfriend nitong si Kylian Fontanilla…”
Zariyah felt as if the air in her lungs was sucked out. She struggled to breathe. She felt a thousand knives stabbing her heart. She was in pain pero wala ni isang luha ang pumatak sa mga mata niya.
“Siya pa rin ba ang dahilan, anak?”
Hindi siya sumagot. Bumaba ang tingin niya sa suot na bracelet. It was actually a bracelet she made twenty years ago. Hindi lang iisa ang ginawa niya kung hindi dalawa. She gave the other one to Kylian though she doubted that he still have it. Marahil ay naitapon na nito ang bracelet.
She couldn’t understand why even after all those years ay hindi pa rin niya ito magawang makalimutan. She thought that as time passes by, her feelings for him would eventually disappear. Pero mukhang kabaligtaran pa yata ang nangyari. She kept falling for him deeper and deeper. But Kylian didn’t even know her existence. At yun ang mas masakit para sa kanya.
“Twenty years and it’s still him. Bilib rin talaga ako sa’yo, anak.”
She heaved a deep sigh, “But what can I do?” mahina niyang tanong. Inilipat na lang niya sa ibang istasyon ang tv, trying to look for something entertaining to watch.
“Then… do you want to see him again?”
“Kylian… natatakot ako,” nanginginig ang boses na sabi ng batang babae sa kanya. “Uwi na tayo. Ayoko na dito,” patuloy nito at tuluyan ng naiyak. Napalunok siya habang pinagmamasdan ang mga nagbabantay sa kanila. He was scared too. Gusto niyang pumalahaw ng iyak but if he did, baka mas lalong panghinaan ng loob ang kaibigan niya. With his trembling hand, he took the girl’s hand and held it tightly. “Wag ka mag-alala, ililigtas din tayo nila daddy at mommy.” Niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan at pilit na pinatahan. Pagkaraan din ng ilang sandali ay natahimik na ito. So silent that he couldn’t even hear her breathing. He called out her name but he didn’t get any response. And the next thing he knew, he saw blood in his hands. At ang bata
INIKOT ni Zariyah ang tingin sa restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Fontanilla. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakakain siya sa isang mamahalin restaurant. She even had difficulty sa pagpili kanina sa menu. Good thing Mr. Fontanilla was there at ito na mismo ang um-order ng makakain nila. “Thank you,” nakangiti niyang sabi sa lalaking nagdala ng mga order nila. Mabuti na lang at dito siya dinala ni Mr. Fontanilla at kampante siyang hindi niya makikita ang mga katrabaho rito. Kung makikita siguro siya ni Nadia ay baka kanina pa siya nabatukan nito. To think that she even said no nang ayain siya ng kaibigan na sumama sa company dinner. And yet, here she was, nasa isang mamahaling restaurant at kumakain kasama ang ama ng lalaking gusto niya. “I was actually
“DON’T you know what time it is already?” Zariyah nearly jumped out of her skin when she heard Grey’s voice. Abala siyang tapusin ang pinapagawa sa kanya ni Mr. Laxamana kaya siguro hindi niya napansin ang pagdating nito. “I really admire your dedication in your work but Ms. Castañeda you shouldn’t overwork yourself. It’s already lunch time.” She glanced at her wristwatch and gasped when she saw it was already twelve in the afternoon. Sa sobrang busy niya ay hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. “Anyway, what brings you here Mr. Grey?” pormal niyang tanong dito. Hindi niya pinansin ang nauna nitong sinabi. “Wala dito ang ama mo. He’s in a meeting.”
ABALA si Kylian sa pagbabasa ng ilang dokumento nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng office niya. Napaangat ang tingin niya at ang kaibigan na si Dylan ang nakita. He frowned at him, “What are you doing here?” he asked. Tumuloy-tuloy ito ng pasok sa loob ng office at naupo sa couch na nasa harapan ng desk niya. “And what do you think? Binibisita—damn! Why do you have dark circles under your eyes? That’s not the kind of look I was expecting from someone who just got engaged.” He looked at Dylan with his eyebrows raised questioningly, “What kind of look should I have?” Ikinibit nito ang balikat. “I don’t know. Siguro yung mukhang motivated man lang. Not unlike your look right now. Dinaig mo pa ang kakaga
NERVE WRACKING—that’s what Zariyah was feeling right now. Kaya kanina ay nagpunta siya sa powder room ay para pakalmahin ang sarili niya. She was able to but only for a bit. Hindi niya inaasahan na sa pagbalik niya sa mesa nila ay naroon na si Kylian. Inilahad niya ang kamay rito. “Hi, I’m Zariyah,” she greeted with a smile on her face. May ilang sandali nitong tinitigan ang kamay niya bago tinanggap iyon. She could her own heart pounding fiercely out of her chest as she took the seat beside him. When Mr. Fontanilla called her early this morning at inaya siya nitong kumain sa labas kasama si Kylian ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. Isang mabilis na oo ang ibinigay niya. She was excited at nagpaalam pa siya kay Mr. Laxamana na mag-u-undertime siya. “By the way, I already ordered Zariyah. Maya-maya ay darating
PINATAY ni Kylian ang makina ng sasakyan at napasubsob sa manibela. He had never been this exhausted before. Right now he just wanted to take a rest without his dad bothering him. And there’s only one place he thought he could go to. He took out his phone from his pocket and called the first person in his contact. Nakaka-dalawang ring pa lang ay agad din sinagot ang tawag niya. “Hey,” bati niya. “I hope I’m not disturbing you.” Lexie chuckled softly on the other line, “Why, of course no. You know I’ve always looked forward to your calls.” Napangiti siya sa sinabi ng kasintahan. For a moment he was silent at nanatiling nakatitig lang sa gate. But his sudden silence made Lexie worry, “Kylian, are you still there? Did something happen?” “No, nothing,” he replied, shaking his head. “I… I’m in front of your house right now.” “Wait, you are?” “Yes.” Ibinaba agad ni Lexie ang tawag niya. Ipinatong naman niya sa ibabaw ng dashboard ang phone niya. He clos
“THIS is not the file that I asked for, Zariyah.” Inihagis ni Mr. Laxamana sa ibabaw ng conference table ang file na dinala niya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? I said I need the file of Legazpi Mall pero ibang file naman itong dinala mo. What is wrong with you? Kanina ka pa nagkakamali.” Zariyah bit her lip at nakaramdam ng matinding pagkapahiya. Bukod sa kanilang dalawa ay naroon din sa loob ng conference room ang ilan sa architect at engineers nila. “I’m sorry, Mr. Laxamana. I’ll bring the file right away.” She hurriedly left the room to look for the file of Triangle Heights. Nang mahanap ay bumalik agad siya sa conference room at inabot kay Mr. Laxamana ang hinahanap nito. It was forty-five minutes later when the meeting was adjourned. Isa-isang nagsilabasan ang mga empleyado sa conference room at tanging sila na lang ni Mr. Laxamana ang naiwan. Abala siya sa pagsasalansan ng ilang mga gamit nang tinawag siya nito. Isang malalim na buntong-hininga
RAMDAM ni Lexie ang mga matang nakatingin sa kanya. Ang ilan naman sa napapadaan sa hotel lobby ay napapalingon sa direksyon niya. Inayos niya ang suot na sunglasses at tiningnan ang suot na relo. Since she didn’t have any schedule for today, nagpasya siyang bisitahin ito sa opisina nito para na rin yayain kumain sa labas. She decided to wait for him at the lobby at tutal naman ay malapit na rin ang lunch break nito. “H-Hello.” Napatingin siya sa babaeng nasa harap niya. Isang alanganin ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito na hawak-hawak ang phone. Napansin rin niya ang dalawang babae sa gilid nila na sa tingin niya ay kasama rin nito. “You’re Lexie Cuenca, right?” She nodded. The woman squealed, then she turned to look at her two friends who were also thrilled seeing her in the flesh. “Can I take a picture with you?” “Sure, why not,” she replied, smiling sweetly at her. Tinanggal niya ang suot na sun