Share

Chapter 02: It's Been A While

“Kylian… natatakot ako,” nanginginig ang boses na sabi ng batang babae sa kanya. “Uwi na tayo. Ayoko na dito,” patuloy nito at tuluyan ng naiyak.

Napalunok siya habang pinagmamasdan ang mga nagbabantay sa kanila. He was scared too. Gusto niyang pumalahaw ng iyak but if he did, baka mas lalong panghinaan ng loob ang kaibigan niya.

With his trembling hand, he took the girl’s hand and held it tightly. “Wag ka mag-alala, ililigtas din tayo nila daddy at mommy.”

Niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan at pilit na pinatahan. Pagkaraan din ng ilang sandali ay natahimik na ito. So silent that he couldn’t even hear her breathing. He called out her name but he didn’t get any response. And the next thing he knew, he saw blood in his hands. At ang batang babae na kanina yakap-yakap niya lang ay nakadapa na sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.

Umalingawngaw ang tunog ng baril sa buong paligid. He kept on calling the girl’s name but someone took him at pilit na inilalayo siya sa lugar na yun. He knew he was screaming pero walang lumalabas na boses mula sa kanya.

Pabalikwas na napabangon si Kylian. Bukas ang aircon sa loob ng kwarto niya pero halos maligo siya sa pawis niya na akala mo ay kagagaling niya lang sa marathon. He raked his fingers through his hair as he tried to catch his breath. Pagkaraan ay bumaba siya sa kusina nila para uminom ng tubig.

Napasandal siya sa kitchen island at pilit na inalala ang panaginip niya. Ilang buwan na rin ang nakakalipas since he started having those dreams. At sa tuwing nagigising siya ay ang bigat ng pakiramdam niya. In his dream, he was calling someone’s name pero nakakalimutan na niya ang pangalan na yun paggising niya. At sa tuwing pilit naman niyang inaalala ang pangalan nito ay nauuwi lang yun sa pagsakit ng ulo niya. Maski ang mukha ng batang babae ay malabo.

Naihilamos niya ang mga palad sa mukha niya. Why was he getting even worked up? It was just a dream anyway. He heaved a deep sighed at umakyat na lang pabalik ng kwarto niya. It was already past three in the morning when he checked the time. Nahiga siya at pilit na bumalik ulit sa pagtulog. Hoping this time he’d have a decent dream.

“THANK you,” nakangiting sabi ni Kylian sa katulong pagkatapos nitong punuin ng tubig ang baso niya.

Kasalukuyan siyang nag-aalmusal kasama ang kanyang ama. It was like their daily morning routine—ang sabay mag-almusal. They would usually talk while they ate but mostly just about business or work. But this time, his dad was silent. A small frown creased his forehead. Kahit hindi ito magsalita ay may ideya na siya kung ano ang nasa isip nito.

“Kylian.”

Napaangat ang tingin niya nang marinig ang boses ng ama. “Yes, dad?” kalmado niyang tanong. He had already expected the next thing he would hear from him. His engagement with Lexie.

“Kung hindi ko pa siguro napanood sa balita ay baka hindi ko pa malalaman ang tungkol sa engagement mo sa babaeng yun.”

Napakunot-noo siya sa sinabi ng ama. “Lexie is her name, dad. Don’t just simply call her as ‘that woman’,” inis niyang sabi sa ama.

“Well, I don’t care kung ano man pangalan ng kasintahan mong yan! How long have the two of you been engaged?”

He groaned inwardly. When he proposed to Lexie, inaasahan na rin niya ang ganitong reaksyon mula sa ama. His old man didn’t like Lexie. Halos lantaran nitong ipakita ang pagkadisgusto nito sa kasintahan niya, to which he didn’t understand why.

“Kylian, how long?!”

Napasandal siya sa silya at napabuga ng hangin. “I proposed to her last week,” wala sa loob na sagot niya.

“Break off your engagement.”

“What?” Napatayo bigla siya sa kinauupuan. “No fucking way! Walang dahilan para i-break ko ang engagement namin ni Lexie.”

“You need a reason? Well then, I can give you one,” his dad replied mockingly, and then added, his eyes narrowing with anger: “It’s because I don’t like that woman. Hindi ako makakapayag na siya ang makakatuluyan mo. So break that engagement off!”

Mahina siyang napamura. Hindi niya gusto na sirang-sira na agad ang umaga niya. “Hindi kita maintindihan, dad. Bakit ganun na lang ang pagkaayaw mo kay Lexie? She had done nothing wrong with you. Kung tutuusin ay ginawa na nga niya ang lahat para lang magustuhan mo.”

Sandaling natahimik ang ama na tila ba nag-iisip ng isasagot. Pagkaraan ay bumuntong-hininga ito ng malalim. “Dahil hindi siya ang babaeng nararapat para sa’yo,” kalmado nitong sagot.

“Bullshit!” He ran his fingers through his hair and sighed out of frustration. “At sino naman ang babaeng nararapat para sa akin? Please, dad. Malaki na ako. Stop controlling my life!”

“Hindi ko kinokontrol ang buhay mo, Kylian Fontanilla!”

“Then what do you call this?!” he asked, his voice raising an octave. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkapagod. He felt as if all of his energy was sucked out of his body. And to think that it was just morning. Ngayon pa lang ay iniisip na niya kung paano siya makakapag-trabaho ng maayos mamaya.

“She’s just not the right one for you, son.”

He shook his head in disbelief. “Let’s… let’s just talk about this next time,” ang sabi na lang niya at tumalikod na. Palabas na siya ng dining room ng marinig ulit niyang magsalita ang ama.

“You’ll soon meet her.”

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito pero hindi na siya nag-abala pang lingunin ulit ang ama. He already had enough of this conversation.

NAKAGAT ni Zariyah ang labi habang tinitingnan ang orasan. It was already two in the afternoon at kanina pa niya inaabangan ang pagdating ni Mr. Laxamana dahil may kailangan itong pirmahan na payroll check para maihabol agad sa bangko.

“Zariyah, wala pa ba si Mr. Laxamana?”

Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Nadia, ang accountant nila and also her friend. Nakasilip ito mula sa pintuan. She gestured for her to come inside. Pagkapasok ay naupo ito sa silyang nasa harap ng mesa niya.

“Wala pa nga eh. Baka siguro na-traffic,” sagot niya.

Nadia shook her head. She frowned, at tila ba nag-iisip ng iba pang solusyon sa problema. “Baka kung anong oras na makarating si Sir. Lagpas alas dos na rin. Duda akong maihahabol pa sa bangko ang payroll check. Paniguradong hindi magugustuhan ng mga tao sa site kapag na-delay ang sahod nila.”

Hindi siya kumibo at tiningnan ulit ang orasan. Wala sanang problema kung hindi biyernes ngayon. Bukas ay sabado kaya naman sarado ang bangko.

“Baka naman—” Napahinto siya sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Laxamana. She finally let out a sigh of relief.

“Heavy traffic,” anito na tila ba nabasa ang laman ng isip nila.

Tumayo siya at sumunod dito dala-dala ang mga tseke na dapat nitong pirmahan. Pagkatapos mapirmahan lahat ay inabot nito ang mga tseke sa kanya. Palabas na sana siya ng silid nang bigla siyang tawagin nito.

“Yes, Mr. Laxamana?” she asked politely.

Napasandal ito sa swivel chair at matiim na tiningnan siya. He was silent for a moment. Ang akala niya ay seryosong bagay ang sasabihin nito, not until she heard his question.

“What do you think about my son?”

Her jaw almost dropped because of the sudden question. Hindi niya alam kung paano sasagutin ito at kung bakit bigla na lang naisingit nito si Grey. May ginawa na naman ba kayang kalokohan ang anak nito?

“I… I think he’s good,” ang tanging nasabi na lang niya.

Natatawa na napailing na lang si Mr. Laxamana. “Nevermind. Ibigay mo na yang tseke at ng maihabol ng dala sa bangko.”

Confused, she still did what he told. Agad na lumabas at inabot ang payroll check na kanina pa inaantay ni Nadia. She spent the rest of her day thinking of the reason why Mr. Laxamana asked her that question.

“SO where should we eat out?” Nadia asked her. “Nag-aaya pala ang iba na kumain sa labas. You should come.”

Nagkibit-balikat siya. “Maybe next time, Nad,” sagot niya sabay punch out. Dadaan pa siya ng ospital para ayusin ang ilang gamit niya dahil ang sabi ng doktor ay pwede ng ma-discharge ang kanyang ama.

“And why not? Wag mong sasabihin na wala kang pera gayun payday natin ngayon.”

Nginitian niya ito. “No, not that. May kailangan lang akong gawin. Bawi na lang ako sa susunod,” aniya.

Nadia pouted her lips pero wala din itong nagawa. “Fine, sa susunod ay kailangan mo ng sumama.”

She just nodded and bid her goodbye. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng company building nila pero napahinto rin bigla ng may humarang sa daan niya. Napasinghap siya ng malakas nang makilala ang lalaking nasa harapan niya.

“It’s been a while, Zariyah. How have you been?”

It was Mr. Fontanilla.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status