Share

Chapter 03: A Favor to Ask

INIKOT ni Zariyah ang tingin sa restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Fontanilla. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakakain siya sa isang mamahalin restaurant. She even had difficulty sa pagpili kanina sa menu. Good thing Mr. Fontanilla was there at ito na mismo ang um-order ng makakain nila.

“Thank you,” nakangiti niyang sabi sa lalaking nagdala ng mga order nila.

Mabuti na lang at dito siya dinala ni Mr. Fontanilla at kampante siyang hindi niya makikita ang mga katrabaho rito. Kung makikita siguro siya ni Nadia ay baka kanina pa siya nabatukan nito. To think that she even said no nang ayain siya ng kaibigan na sumama sa company dinner. And yet, here she was, nasa isang mamahaling restaurant at kumakain kasama ang ama ng lalaking gusto niya.

“I was actually surprised nang malaman kong wala ka na sa dating kumpanya na pinapasukan mo,” Mr. Fontanilla started.

“I resigned from there since hindi na tumataas ang sahod ko. Four years and there’s still no growth.”

Minabuti na rin niyang umalis na rin doon dahil masyado ng toxic ang environment. Ang dami na niyang isipin sa buhay niya at ayaw niyang pati ang trabaho ay makadagdag sa stress niya.

“If I have known you left that company, kinuha na sana kita. Ayos naman ba ang bagong kompanya na pinapasukan mo?”

She nodded. “Yes, Mr. Fontanilla. Maayos ang salary at benefits pati na rin ang mga co-workers ko. Even my boss is nice,” nakangiti niyang sagot.

“Mr. Fontanilla?” Nakakunot noo nitong tanong. “As far as I remember, tito ang tawag mo sa akin. Since when did we become so formal to each other?”

“I… uh,” was all she could say. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na she felt awkward calling him tito after all this time. Ilan taon na rin yata ng huli silang magkita nito. Was it three years ago?

“You can still call me Tito Dan. I wouldn’t mind it, okay?”

Hindi siya kumibo at sa halip ay bumaba ang tingin niya sa pagkain sa harapan niya. Kanina pa niya iniisip ang dahilan kung bakit bigla siya nitong pinuntahan. Could it be about Kylian? Nais ba nitong ibalita sa kanya na engaged na ang anak nito? Well, he didn’t have to do that dahil alam niya na kagabi pa.

“Well, how’s Kylian, by the way?” she asked. Nag-angat siya ng tingin ng wala siyang narinig na tugon mula rito. And to her confusion, nakita niya ang pagdilim ng mukha nito.

“You know, Zariyah,” he started. Inabot nito ang wine glass at ininom ang laman nun. “Utang ko sa’yo ang buhay ng anak ko. And even if twenty years had already passed, I’m still grateful to you. Kung hindi dahil sa’yo ay baka wala na ang nag-iisa kong anak.”

“Matagal ng lumipas ang panahon simula ng insidente na yun, Mr. Fon… I mean, tito,” aniya. She was five years old nang mangyari ang kidnapping incident. And it was because of that incident kaya nakalimutan siya ni Kylian.

Twenty years and yet, malinaw pa rin sa kanya ang mga nangyari na akala mo ay parang kahapon lang nangyari. Ayun sa kanyang ama ay si Kylian ang target ng mga kumidnap dito pero dahil kasama siya ni Kylian ng mga oras na yun kaya pati rin siya ay nadamay. It was traumatic for her that she even had to undergo therapy to help her cope. Pero alam niyang mas labis ang naging epekto ng insidente kay Kylian lalo na’t sa harap siya mismo nito nabaril.

“He still doesn’t remember me, does he?”

Mr. Fontanilla shook his head. Mapait siyang napangiti. Well, that didn’t surprise her. Kahit siguro siya ay hindi na gugustuhin pang maalala yun. At kung sakaling naalala na siya nito ay matagal na sana siyang hinanap ni Kylian.

“Zariyah, hija. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Will you do me a favor?”

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. What could he possibly need from her? “What favor?” she asked.

Mr. Fontanilla was silent for a moment. While she waited anxiously for what he was going to say next. He looked serious. After a few moments, Mr. Fontanilla spoke. But what she heard next almost made her jaw drop.

“Marry my son, hija,” anito. Kung hindi lang sa seryosong tono ng boses nito ay aakalain niyang nagbibiro lang ito.

“I…” she started, shaking her head. Iniisip niya kung tama ba talaga siya ng pagkakarinig sa sinabi nito. “I don’t understand why you want me to marry Kylian. Hindi ba’t engaged na ito sa kasintahan nitong artista?”

“Oh, that woman! Hindi ko ito gusto para sa anak ko. There’s something about her that I don’t like.”

She gave a little chuckle. Para itong isang ina sa tinuran nito. “I don’t think I can do that,” wika niya. Though she found it very tempting.

“Why, Zariyah? I’m giving you a chance to be with him. If you turn this down, there won’t be next time.”

Nakagat niya ang labi. Ang sabi ng puso niya ay tanggapin ang alok nito pero ang isip naman niya ay labis ang pagkontra.

“Why… Why me?” Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nito gusto si Lexie. Lexie was… she was gorgeous, a famous personality, rich and so on. Malayong-malayo kung ikukumpara sa kanya. She was just average.

“I owe you my son’s life.”

She frowned at him. “Matagal ng panahon yun, tito. Malaking bagay na ang tulong na naibigay mo sa amin. And yes, thanks to your help at nakapagtapos ako ng pag-aaral. But this… I’m not asking for Kylian bilang kabayaran sa nangyari. I was young back then. Do you even know what you’re doing, tito?”

“Yes, I do.”

“Then why? May sarili ng pag-iisip si Kylian. Hindi tamang diktahan mo kung sino ang makakasama niya sa panghabangbuhay.”

“You still like him, right?”

Natahimik siya bigla sa tanong nito at hindi kaagad nakasagot. 

“It’s okay if you can’t give your answer right now. Pwede mo pa naman pag-isipan, hija.”

Hindi na niya kailangan pang pag-isipan iyon. Her answer would still be no.

“Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ‘to, Zariyah. Don’t you want to be by his side?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status