Share

Ch. 1

Atanasha POV

"Hayop ka Mark..." lasing na lasing na usal ko habang tumutungga ng beer. Nandito ako ngayon sa bar pagkatapos kong hiwalayan yung hayop kong boyfriend. Nahuli ko siyang kahalikan ang kapatid ko na si Faye. Mga walang hiya! Sobrang baboy nilang dalawa. Bagay na bagay sila sa isa't isa pareho silang makati. 

"Akala mo kapag iniwan kita ay hindi na ako makakahanap pa ng iba at tatanda na akong dalaga?!" sigaw ko habang nag uunahan sa pag tulo ang aking mga luha.

Pansin kong pinagtitinginan na ako ng mga tao ngunit wala akong pakialam sa kung anong isipin nila sa akin. Padabog kong ibinaba ang baso sa sobrang galit na nararamdaman ko. 

"Watch me immediately find a guy na maipapalit ko sayo..." bulong ko sa aking sarili. 

Pinagmasdan ko lahat ng tao sa bar, nag babakasakaling makakita ng isang lalaking pasok sa standards ko. At yun na nga, target spotted, napadako ang aking mga mata sa isang mala anghel na lalaki. Mayroon siyang itim na buhok at singkit na mga mata, sobrang tangos pa ng kaniyang ilong, ang ganda ng kanyang mga tindig at isa pa mukhang mabango. Shit! ang lakas ng dating. Kung siniswerte ka nga naman talaga. 

Nagulat ako nang bigla itong tumayo at tila ba ay maglalakad papunta sa akin. Dali-dali akong tumayo at sinalubong siya. Kumapit ako sa kanyang damit sabay sabi ng "Hey..." tinignan niya lamang ako kaya naman hindi na ako nag pa ligoy-ligoy pa. "Mr. pogi, how about pakasalan mo ako?" sabay ngiti ko sa kaniya. Ewan ko nalang talaga kung hindi pa siya maakit sa mga matatamis kong ngiti. 

Tinitigan niya lamang ako at maya-maya ay biglang niya akong tinulak. "Let go!" sambit nito sa akin.

Tumilapon ako sa dalawang lalaki sa lakas ng kaniyang pagkakatulak sa akin. Nakaramdam ako ng hilo sa nangyari buti nalang ay inalalayan ako ng dalawang lalaking aking na bangga. 

"Miss, paano kung kami nalang ang pakasalan mo? hahaha" tawa ng mga ito habang hinihimas-himas ang aking braso. Nakaramdam ako ng takot lalo na ng unti-unti na nila akong hinila. "Huwag ka nang mag pumiglas, sumama ka na sa amin..." ani nito sa akin.

Sisigaw na sana ako ng tulong nang biglang lumapit si Mr. pogi at hinawi ang kamay ng humihipo sa akin. 

"Get lost!" sambit nito sa mga lalaki. Shemay ka, ang manly ng boses. Nanlambot ang mga tuhod ko sa boses niyang iyon. Maya-maya pa ay nawalan na ko ng malay sa sobrang kalasingan.

-----------

Nagising na lamang ako na nasa kama na ako. 

Where... Wtf? Nasaan ako?! Ano ang nangyari?! 

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid. Napakalinis at lawak nito. Nasaan na ba ako? Hindi ko naman kwarto ito. Anong oras na ba? Baka hinahanap na ako nila papa. Hays, yari na naman ako nito.

Agad-agad kong hinanap ang aking bag at dinukot ang aking phone. Shit! 6 am na. 30 mins. nalang ay magsisigising na ang mga tao sa bahay.

    

Tumayo ako agad at sumilip sa bintana. Shemay, nasaang bahay ba ako? Nagulat ako ng biglang nag bukas ang pinto at may nag salita.

"You're awake?" tanong nito sa akin. 

"Ah!! Pervert!!" sigaw ko sa takot, agad-agad akong lumapit sa kama at kumuha ng unan at ibinato sa kaniya. "Sino ka?! Anong ginawa mo sa kin?!" mangiyak-ngiyak kong tanong sa lalaking nasa harapan ko.

Kinabahan ako ng nang bigla itong naglakad papalapit sa akin, sabay bulong "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong ginawa natin lahat ng gusto ko? Mukhang satisfied ka pa nga sa ginawa natin kanina." Natigilan ako sa kaniyang sinabi.

Sinipa ko siya nang bigla kong natamaan ang kaniyang alagang ibon. Namumula ako at napatakip sa aking mukha. Shemay, nakakahiya. Gusto ko nalang lamunin ng lupa sa mga oras na ito.

"Aray!" angal nito, mukhang nasaktan siya sa pagkakasipa ko. "Aren't you the one who was yelling at me last night, asking me to marry you?" sambit nito sa akin habang nakahawak sa kaniyang alaga. 

----FLASHBACK-----

"Mr. pogi, how about pakasalan mo ako?"

----END OF FLASHBACK-----

"Ah..eh..yun ba? hahaha bakit mo naman sineryoso yun? Kita mo na ngang lasing yung tao.." pag papalusot ko sa kahihiyang aking naalala.

"Any...Anyways, uuwi na ako!" sigaw ko sa kaniya. Hindi ko kayang tumingin sa kaniyang mga mata kaya agad-agad akong tumalikod.

Napaubo ito at biglang nag salita. "Bumalik ka sa boss mo and tell him to stop sending girls to my bed, this trick isn't working." walang emosyon nitong pagkakasabi.

"Ano bang pinagsasabi mo? Anong boss? Anong trick? Sinasabi mo ba na isa akong bayarang babae?!" galit na galit kong sigaw sa kaniya.

Ang kapal naman ng mukha niyang pag isipan ako ng ganon! 

"Napaka kapal naman ng mukha mong galawin ako. Ako? satisfied?! I am Atanasha Felise Devon at hindi ako ganoon kababang klase ng babae, kung yan ang iniisip mo!" galit na galit kong sambit. Dumukot ako ng pera sa aking bag at itinapon ito sa pagmumukha niya. "Isang libo para sa isang gabi na ito, isipin mo na ang gusto mong isipin pero ayoko nang makikitang muli yang pag mumukha mo, goodbye!" Dali-dali akong lumabas ng kwartong iyon.

-----------

Nang makalabas si Atanasha sa mansion ni Mr. Buenavista ay agad-agad siyang umuwi sa kanilang bahay. Nang siya ay makarating ay nagdadalawang isip pa si Atanasha na pindutin ang doorbell. 

Paano kung nasa loob si Mark? Wag nalang kaya akong tumuloy? tanong nito sa kaniyang sarili.

Ngunit nag lakas loob pa rin siya at dali-daling binuksan ang pinto, hindi na siya nag abala pang pumindot ng doorbell. Pagkabukas ng pinto ay naabutan niyang magka yapos ang kaniyang kapatid at ang kaniyang fiancé. Agad siyang tumakbo palabas ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay bigla siyang tinawag ng kaniyang ama. 

"Atanasha Felise! Bumalik ka rito!" utos nito sa kaniyang anak.

Walang nagawa si Atanasha kundi bumalik at harapin ang kaniyang ama at kapatid, habang si Mark naman ay umalis ng bahay na iyon. 

"Atanasha, nag away ba kayo ni Mark kagabi? hindi ka namin ma-contact kagabi at nalaman pa naming gusto mong ipa-cancel ang marriage contract?" seryosong tanong ng ama nito. 

Napatingin na lamang si Atanasha sa kaniyang kapatid na nakaupo sa tabi ng kaniyang ama bago sumagot, "Opo papa." sagot nito.

"Go apologize to the Silva family right away, these kind of marriage things can't be reversed, hija!" saad ng kaniyang ama. Natigilan naman ang kapatid ni Atanasha sa kaniyang narinig.

"Papa! Mark and Faye are hooking up, nakita yun ng dalawa kong mata! Do you still expect me to apologize and continue the wedding na parang walang nangyari?!" angal nito sa kaniyang ama. 

Natigilan ang kaniyang ama at tila nag iisip. "Mark at Faye? Totoo ba iyon Faye? Totoo ba ang sinasabi ng ate mo?" tanong ng kanilang ama kay Faye, ngunit hindi ito nakasagot at tila iniiwasan ang tingin ng kanilang ama.

"Kaya ayoko na papa, wag na nating ituloy ang kasal." Pagmamakaawa nito sa ama.

"Kakausapin ko ng masinsinan itong kapatid mo. Ipapadala ko siya sa US pero ang kasal tuloy pa rin. Yan ang desisyon ko. Tandaan mo anak, ang kasal ninyo ang magpapalago sa dalawang kumpanya. Lalong-lalo na ng kumpanya natin, you can't just throw it away, hija." seryosong saad ng kanilang ama.

"Am I just a marriage tool, papa?" Maluha-luhang sagot ni Atanasha sa sinabi ng kaniyang ama.

"Manahimik ka! kung sisirain mo lang din naman ang kasal ninyo, then you can get out of my house!" galit na galit na usal ng kanilang ama. 

"Aalis talaga ako!" sigaw ni Atanasha habang nag uunahan ang kaniyang mga luha. Lumabas siya ng kanilang bahay at tumakbo palayo roon.

Atanasha POV

Ganon nalang ba talaga ang tingin sa akin ng aking ama? Handa niya akong gamitin para lang sa kapakanan ng kumpanya? Paano naman ako? Wala na ba akong karapatang tumanggi sa mga bagay na ayaw ko. 

Walang-wala na ako. Walang pamilya. Walang pera. Walang mapupuntahan. Kailangan ko ba talagang sapitin ang ganitong bagay? Naiiyak na lamang ako habang naglalakad at hindi alam kung saan tutungo. 

Damang-dama ko ang lamig ng hangin. Giniginaw na ako, malapit na ring lumubog ang araw  kailangan ko nang makahanap ng matutuluyan o malilipasan ng gabi. 

Nagsimula na akong tumawag sa aking mga kaibigan ngunit lahat sila ay hindi sumasagot. Nanlulumo na ako, wala na kong maisip na lapitan. Nakaka-drain pala ng utak ang sobrang daming problema.

Nagsisimula na akong mawalan ng pag asa nang biglang may tumigil na isang pulang Lexus RC F sa gilid ko. Dahan-dahan nitong ibinaba ang front window ng kaniyang sasakyan. Laking gulat ko na si Mr. Manyak pala ang nag mamay-ari nito.

"We meet again." ngiting saad nito sa akin.

"It's you! anong ginagawa mo dito?" inosente kong tanong sa kaniya.

"Get in. Niligtas kita kagabi at oras na para bayaran mo ako." sambit niya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
anu kayang bayad hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status