ATANASHA“Anong tinitingin tingin mo diyan?” Nagtatakang tanong ni Angel nang makita niya akong nakatitig sa kung saan. “Ah— wala, tara na…” Aya ko sa kanya at hinila na siya papasok ng grocery store. Pag pasok palang namin ay hindi ko pa rin magawang maialis ang paningin ko sa kotse na nakita ko kanina. Parehong pareho kasi ito ng sasakyan na gamit ni Red noong araw na pumunta siya sa bahay. Hindi ako nakakasigurado na sa kanya nga iyon dahil ilang araw na rin ang lumipas simula noong pangyayaring iyon.Kanina pa rin ako pinagmamasdan ni Angel na tila ba’y inaaral nito ang mga kilos ko. Siguro ay nakakaramdam na siya sa kakaibang ikinikilos ko ngayong araw. Lumapit ako sa kuhaan ng shopping cart at kumuha ng isa roon. “Saan muna tayo?” Nakangiting tanong ko sa kanya.Tinitigan nya naman ako ng ilang sugundo at matapos iyon ay bigla na lamang siyang napa iling at napa yuko. Maya maya pa ay inangat nito ang kanyang paningin sa akin at sumilay ang matamis nitong ngiti. Patakbo siyang
ATANASHA"Beshy?" Halos mapatalon ako sa gulat sa biglang pag tawag sa akin ni Angel. Kabado akong napalingon sa kanya at nag hintay kung pagagalita ba ako nito dahil sa pag suway ko sa usapan na hinding hindi na ako makikipag kita o kahit makipag usap kay Red. "Angel…" marahan kong tawag sa kanya na para bang bata na hihingi ng tawad sa maling nagawa nya."Anong ginagawang mo rito? Sabi ko naman sayo hintayin mo lang ako doon 'di ba?" Nagtatakang usal ni Angel.Halos nag labasan ang lahat ng kaba sa aking katawang nang malaman kong hindi nya pala nakita si Red. "Mabuti na lang…" Aksidente kong naibulong sa aking sarili ngunit agad na napatingin sa akin si Angel, "What? May sinasabi ka?""Wa-wala… Tara na medyo parang inaantok na kasi ako kaya bilisan na natin para makauwi na." Sambit ko at nag simula ng itulak ang shopping cart. Nagtataka naman siyang napa sunod nalang sa akin."Ano pa bang hindi natin nabibili?" Tanong ni Angel habang iniikot ang paningin sa buong grocery store. In
ATANASHADali-dali akong lumabas ng kwarto at dahan-dahang isinara ang pinto upang makasigurado na hindi ko magigising si Angel. Mabuti na lamang at wala ng ka tao-tao kaya naman nag simula na akong bumaba ng hagdan. Napabalik ako sa taas ng bigla na lamang may dumaan na isang babae. Isa yata sa mga kasambahay, mukhang antok na antok pa ito at naalimpungatan lang. Nang makaalis na siya ay agad akong nag tungo sa likod ng bahay. Hindi kasi pwedeng dumaan sa main gate dahil paniguradong makikita ako ng guard.Mayroon kasing maliit na butas sa hardin ng mansion na ito na magdadala sayo papuntang ilog at kapag nakadaan ka tulay ay bubungad na sayo ang kalsada. Nang makarating ako sa tulay ay patakbo ko na itong tinawid at dali-daling binaybay ang madilim na daan.Wala kasing kailaw ilaw sa daang ito at liwanag lamang ng buwan ang magiging kasama ko sa paglalakad. Mabuti nalang din at dala-dala ko ang phone ko at ginamit ko ito bilang mag silbing flashlight ko.Wala ng ka tao-tao sa lugar
Makalipas ang ilang oras matapos makatakas ni Atanasha sa mansion ay bigla na lamang naalimpungatan si Angel mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ilang minuto niya munang hinayaan ang sarili na makapag adjust ang katawan bago siya dahan dahang bumangon.Agad siyang napahawak sa kanyang sintido ng bigla na lamang itong kumirot at nag dala ng sobrang hilo sa kanya, kaya naman muli niyang ipinikit ang mga mata at bahagyang hinilot ang kanyang ulo upang pawalain ang hilo na kanyang nararamdaman.Matapos ang ilang minutong paghihilot sa kanyang ulo ay muling iminulat ni Angel ang kanyang mata at bumungad sa kanya ang mga bote ng alak na kanilang iniinom kanina. Napansin niyang wala na si Atanasha sa kanyang tabi kaya agad siyang napatingin sa kama ngunit wala rin ito rito."Gaano katagal na ba akong natutulog?" Tanong niya sa kanyang sarili.Napag desisyonan niyang hanapin ang kaibigan kaya naman dahan dahan siyang tumayo at nag tungo sa harap ng banyo. Muntikan pa siyang matumba dah
AtanashaTama nga bang sirain mo ang tiwala sayo ng mga taong nagmamalasakit sayo para lang sa kaisa isang taong minamahal mo?Narito ako ngayon sa sala at hindi ko na alam kung gaano na ba ako katagal na binubungangaan ni Auntie este Mommy. Hanggang ngayon pa rin talaga ay naninibago pa rin ako sa mga salitang itatawag sa kanila. Para bang nakakailang minsan, "Saan ka ba kasi talaga galing? Pinag alala mo kami, akala namin ay namin ay napahamak ka na." Tanong ni mommy sa akin habang hinahawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko."Sorry po… Hindi ko po sinasadya na pag alalahanin kayo. Nakaramdam lang po kasi ako ng gutom kanina at gustong gusto po kasi talaga ng tiyan ko ng instant noodles… Pampatanggal po sana ng tama ng alak, eh kaso wala naman po tayong ganon dito sa bahay…" Pabulong na sagot ko dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya sa mga sinasabi ko pero hindi ko naman pwedeng sabihin na nakipag kita ako kay Red. "Kaya lumabas ka ng bahay?" Kunot noong tan
ATANASHAMaaga akong nagising ngayong araw, pero sa totoo lang ay hindi nga ako sigurado kung nakatulog nga ba talaga ako. Nang kainin kasi ako ng aking antok ay para bang pumikit lamang ako ng sampung minuto at pag dilat ko ay umaga na agad.Humihikab akong bumaba sa first floor at sakto ay gising na rin si mommy. Umiinom ito ng kaniyang paboritong tsaa habang nag babasa ng magazine. "Magandang umaga po!" Magiliw kong bati kay mommy at 'saka ako lumapit sa kanya upang yakapin siya at bigyan ng halik sa pisngi."Oh, darling! Good morning! Nakatulog ka ba ng maayos?" Bungad na tanong niya sa akin."Opo, mommy." Tumatango kong sagot."Mabuti naman, kumain ka na ng breakfast mo, nauna na kaming kumain ni daddy nyo kanina." Sambit niya at muling nag basa ng kanyang magazine.“Oo nnga po pala, nasaan po pala si daddy?” Takang tanonng ko dito ng mapansin kong wala sa kanyang tabi si daddy. Nasanay kasi akong tuwing umaga ay magkatabi sila at halos hindi na mapaghiwalay.“Mag go-golf daw sil
Atanasha"Hello?" Bungad ko nang masagot ko na ang tawag.[Good morning, love! Nag breakfast ka na ba?] Masayang bati ni Red sa akin.Mukhang maganda ang umaga nitong mokong na to ah! Siguro dahil sa nangyari kagabi…"Kakain palang sana, kaso bigla kang tumawag."[Ay sorry! Akala ko ay kumain ka na, kanina pa kasi ako natapos kumain ng breakfast at hindi talaga ako mapakali kaya napatawag na ako sayo.] "Oo nga pala, wag kang tawag nalang nang tawag basta basta… Alam mo naman kung sinong mga kasama ko rito. Mas lalo tayong mahuhuli sa ginagawa mo."[I'm sorry, gustong gusto lang talaga kitang makausap ngayon. Missed na kasi kita…]Muntik ng lumabas ang kaluluwa ko ng bigla nalang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Agad kong itinago ang phone ko sa aking likuran, "Beshy? Ano pa bang ginagawa mo diyan? Nagugutom na ko, bilisan mo na at sabay tayong kakain!" Sambit ni Angel. Ilang segundo lang ay narinig ko na lamang ang yapak ng paa nito na papaalis na. Dali dali kong inilapit ang a
"Kanina ka pa ba naghihintay? Sorry medyo natagalan ako, hindi ko kasi talaga mahanap yung daan papasok dito, masyado palang tago ang lugar na ito." Napapakamot sa ulo na sambit ni Red.Napayuko na lamang si Atanasha at napangiti, "It’s fine, kailangan na pala nating umalis since two hours lang yung binigay na oras sa akin ni Angel para makagala at nagawa ko lang din makaalis dahil wala ang mga magulang ni Angel… at dahil na late ka ng thirty minutes ay isa at kalahating oras nalang ay mayroon tayo.”“Isa’t kalahating oras lang? Ano ba naman yan.” Angal ni Red at napapanguso pa ito dahil sa pag-aktong nagtatampo.“Oh sige, unahin mo pa yang paggaganyan mo at magiging isang oras nalang talaga yan,” Pinamaywangan ni Atanasha si Red. Agad na napakamot ng ulo si Red at ipinag bukas na ng pinto si Atanasha at inalalayan itong maka sakay. Nang siya rin ay makasakay ay agad niyang pinaandar ang sasakan, “Saan nga pala tayo pupunta ngayon? Kailangan doon tayo sa lugar kung saan walang makaka