Makalipas ang ilang oras matapos makatakas ni Atanasha sa mansion ay bigla na lamang naalimpungatan si Angel mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ilang minuto niya munang hinayaan ang sarili na makapag adjust ang katawan bago siya dahan dahang bumangon.Agad siyang napahawak sa kanyang sintido ng bigla na lamang itong kumirot at nag dala ng sobrang hilo sa kanya, kaya naman muli niyang ipinikit ang mga mata at bahagyang hinilot ang kanyang ulo upang pawalain ang hilo na kanyang nararamdaman.Matapos ang ilang minutong paghihilot sa kanyang ulo ay muling iminulat ni Angel ang kanyang mata at bumungad sa kanya ang mga bote ng alak na kanilang iniinom kanina. Napansin niyang wala na si Atanasha sa kanyang tabi kaya agad siyang napatingin sa kama ngunit wala rin ito rito."Gaano katagal na ba akong natutulog?" Tanong niya sa kanyang sarili.Napag desisyonan niyang hanapin ang kaibigan kaya naman dahan dahan siyang tumayo at nag tungo sa harap ng banyo. Muntikan pa siyang matumba dah
AtanashaTama nga bang sirain mo ang tiwala sayo ng mga taong nagmamalasakit sayo para lang sa kaisa isang taong minamahal mo?Narito ako ngayon sa sala at hindi ko na alam kung gaano na ba ako katagal na binubungangaan ni Auntie este Mommy. Hanggang ngayon pa rin talaga ay naninibago pa rin ako sa mga salitang itatawag sa kanila. Para bang nakakailang minsan, "Saan ka ba kasi talaga galing? Pinag alala mo kami, akala namin ay namin ay napahamak ka na." Tanong ni mommy sa akin habang hinahawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko."Sorry po… Hindi ko po sinasadya na pag alalahanin kayo. Nakaramdam lang po kasi ako ng gutom kanina at gustong gusto po kasi talaga ng tiyan ko ng instant noodles… Pampatanggal po sana ng tama ng alak, eh kaso wala naman po tayong ganon dito sa bahay…" Pabulong na sagot ko dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya sa mga sinasabi ko pero hindi ko naman pwedeng sabihin na nakipag kita ako kay Red. "Kaya lumabas ka ng bahay?" Kunot noong tan
ATANASHAMaaga akong nagising ngayong araw, pero sa totoo lang ay hindi nga ako sigurado kung nakatulog nga ba talaga ako. Nang kainin kasi ako ng aking antok ay para bang pumikit lamang ako ng sampung minuto at pag dilat ko ay umaga na agad.Humihikab akong bumaba sa first floor at sakto ay gising na rin si mommy. Umiinom ito ng kaniyang paboritong tsaa habang nag babasa ng magazine. "Magandang umaga po!" Magiliw kong bati kay mommy at 'saka ako lumapit sa kanya upang yakapin siya at bigyan ng halik sa pisngi."Oh, darling! Good morning! Nakatulog ka ba ng maayos?" Bungad na tanong niya sa akin."Opo, mommy." Tumatango kong sagot."Mabuti naman, kumain ka na ng breakfast mo, nauna na kaming kumain ni daddy nyo kanina." Sambit niya at muling nag basa ng kanyang magazine.“Oo nnga po pala, nasaan po pala si daddy?” Takang tanonng ko dito ng mapansin kong wala sa kanyang tabi si daddy. Nasanay kasi akong tuwing umaga ay magkatabi sila at halos hindi na mapaghiwalay.“Mag go-golf daw sil
Atanasha"Hello?" Bungad ko nang masagot ko na ang tawag.[Good morning, love! Nag breakfast ka na ba?] Masayang bati ni Red sa akin.Mukhang maganda ang umaga nitong mokong na to ah! Siguro dahil sa nangyari kagabi…"Kakain palang sana, kaso bigla kang tumawag."[Ay sorry! Akala ko ay kumain ka na, kanina pa kasi ako natapos kumain ng breakfast at hindi talaga ako mapakali kaya napatawag na ako sayo.] "Oo nga pala, wag kang tawag nalang nang tawag basta basta… Alam mo naman kung sinong mga kasama ko rito. Mas lalo tayong mahuhuli sa ginagawa mo."[I'm sorry, gustong gusto lang talaga kitang makausap ngayon. Missed na kasi kita…]Muntik ng lumabas ang kaluluwa ko ng bigla nalang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Agad kong itinago ang phone ko sa aking likuran, "Beshy? Ano pa bang ginagawa mo diyan? Nagugutom na ko, bilisan mo na at sabay tayong kakain!" Sambit ni Angel. Ilang segundo lang ay narinig ko na lamang ang yapak ng paa nito na papaalis na. Dali dali kong inilapit ang a
"Kanina ka pa ba naghihintay? Sorry medyo natagalan ako, hindi ko kasi talaga mahanap yung daan papasok dito, masyado palang tago ang lugar na ito." Napapakamot sa ulo na sambit ni Red.Napayuko na lamang si Atanasha at napangiti, "It’s fine, kailangan na pala nating umalis since two hours lang yung binigay na oras sa akin ni Angel para makagala at nagawa ko lang din makaalis dahil wala ang mga magulang ni Angel… at dahil na late ka ng thirty minutes ay isa at kalahating oras nalang ay mayroon tayo.”“Isa’t kalahating oras lang? Ano ba naman yan.” Angal ni Red at napapanguso pa ito dahil sa pag-aktong nagtatampo.“Oh sige, unahin mo pa yang paggaganyan mo at magiging isang oras nalang talaga yan,” Pinamaywangan ni Atanasha si Red. Agad na napakamot ng ulo si Red at ipinag bukas na ng pinto si Atanasha at inalalayan itong maka sakay. Nang siya rin ay makasakay ay agad niyang pinaandar ang sasakan, “Saan nga pala tayo pupunta ngayon? Kailangan doon tayo sa lugar kung saan walang makaka
Atanasha"Love!" Pasigaw kong pag gising kay Red ngunit hindi manlang ito natinag sa akin, "Red… Red!" Muli kong tawag sa kanya at sa oras na ito ay inuyog uyog ko pa siya para lang magising na siya at sa awa ng Diyos ay nagising din siya."Hmm? May… may problema ba?" Inaantok pang tanong nito."Problema? Sobrang laking problema! Four hours na akong wala sa bahay, paniguradong hinahanap na ako nila mommy. Sabi ko naman sayo na gisingin mo ako 'di ba?" Naiinis kong usal.Napakamot naman siya ng kaniyang batok at inayos ang kaniyang pagkaka upo, "Hindi pala tumunog yung alarm ko… Sorry, nakaramdam din kasi ng antok nang makatulog ka kaya nag alarm nalang ako sa phone kaso…" Ani nito at napakamot nalang sa kanyang ulo. "I'm so sorry, Love…""We need to go now!" Sambit ko at nag mamadaling inayos ang aking sarili at chineck ang aking mga dala. Nauna na rin akong nag lakad papalabas at nang makarating sa elevator ay napaka bagal pa nitong ayusin ang kanyang nagusot na damit dahil sa pag hi
"Just tell us kung saan pumunta ang kapatid mo, darling," kitang kita na ang pagiging frustrated ni Mrs. Martinez. Nag halo-halo na ang nararamdaman nito ngunit mas nangingibabaw sa lahat ang kanyang pag aalala."Mommy, I already told you everything. Kanina pa ako paulit ulit dito, nag paalam nga siya sa akin kanina na aalis siya kasi i don't know maybe she's bored here? She said na mamamasyal lang siya saglit at ayaw niyang may kasama so I let her but I said to her na two hours lang siya pwede sa labas at dapat makauwi na siya after two hours…" sambit ni Angel habang naka upo sa sofa at nakatingin sa sahig. Nakapalibot sa kanya ang kanyang mga magulang habang binabato siya ng iba’t ibang tanong tungkol sa biglang pag alis ni Atanasha na hindi manlang nagawang magpaalam sa kanila.“Anak naman, why did you do that? Alam mo naman na hindi pwedeng lumabas si Atanasha dahil sa Red na yun. What if kinidnap niya ang kapatid mo? What if naghahanap lang siya ng tyempo para makuha si Atanasha?
AtanashaMatapos ang iyakan serye namin ni mommy kanina ay bigla na lamang siyang tumawa sa kalagitnaan habang pinakalma niya ako at pinapainom ng tubig. Hindi niya raw inaasahan na magsisinungaling pa raw ako para lang makipagkita kay Red dahil pwede naman daw akong magpaalam ng maayos sa kanila at agad naman nila akong papayagan at ihahatid pa sa aking pupuntahan.Narito kami ngayon sa sala habang umiinom ng tsaa. Naikalma ko na rin ang aking sarili sa labis na pag iyak kanina. Hindi ko talaga inaasahan na ganito ang magiging bungad nila sa akin. Ni hindi manlang sila nagalit sa ginawa ko. Ngunit…Kung anong ikinaayos nila mommy at daddy ay siya namang pagiging weirdo ni Angel. Kanina pa siya nananahimik at wala manlang siyang sinasabi na kahit anong salita. Nanatili lang siyang naka upo sa sofa at parang walang pakielam sa amin.Siguro ay sobra ang galit niya sa akin dahil sa ginawa ko. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. "So… bakit hindi niyo naman agad sa amin sinabi na may