Share

CHAPTER 05- THE SAVIOUR AND THE KISS

Sa buong buhay ko, hindi ko pinangarap na madamay sa ganitong gulo. Gusto ko lang naman ng isang tahimik na buhay. At ang orihinal ko na plano ay mag-deposit lang ng pera sa bangkong ito. Kung minamalas nga naman ako at ganito pa ang mararanasan ko sa araw na ito. At ang malala pa, kasama ko pa ang lalaking ito—si Jacob Castillo na walang ginawa kundi asarin ako. Buti sana kung iyon lang. Dalawang beses din akong n*******n ng mokong na ‘to. Well, technically isang beses lang. Kasi yung pangalawa, ako na ang h*****k sa kaniya. Ah basta! Nakakairita siya. Maling desisyon talaga ang pagpunta ko rito.

Sana sa ibang branch nalang ako nagpunta, edi sana ligtas ako at wala akong kasamang asungot ngayon.

“Nilalamig ka ba?”

Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya nang tanungin niya ako. Napansin yata niyang kanina pa ako nakayakap sa aking sarili. Kung bakit ba naman kasi napakatagal ng negosasyon ng mga robber na ito sa mga police. Ang daming hinihiling. Hindi ko tuloy maiwasang maawa roon sa lalaking mukhang college freshman na kanina pa hawak ng isang lalaking may hawak na kutsilyo.

“Ano naman sa’yo kung nilalamig ako?” pagtataray ko sa kaniya. Imbes na mainis siya sa paraan ng pagsagot ko sa kaniya, nginisihan niya lang ako. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

“You’re cold.”

Sinamaan ko siya nang tingin at sinubukang bawiin ang aking kamay sa kaniyang pagkakahawak. Pero hindi siya pumayag.

“Come one, Leandra. Let me just give you a bit of body heat.”

Nagsalubong ang aking kilay sa aking narinig. Body heat, really?

“If that means na yayakapin mo ako, hindi na lang ‘no!” Nakahalik na nga siya sa akin kanina, tapos ngayon, yayakap pa?

“No,” pag-uulit ko.

But he didn’t listen. Napasinghap ako nang maramdaman ang pagpaikot ng kaniyang braso sa aking beywang at mabilis na paghila sa akin para mapadikit sa kaniya.

“We’re husband and wife here, remember. Hindi ko puwedeng hayaan na malamigan ang asawa ko,” aniya at marahang inihiga ang aking ulo sa kaniyang dibdib.

Kanina pa ako nilalamig. And I admit, it really feels better to hug someone in times like this. Kahit paano, nakatulong ang init na mayroon ang katawan niya para kumalma ako.

“Feel better?” he asked.

Hindi naman ako sumagot. I stayed beside him. Habang ang kaniyang braso ay nakaalalay sa aking beywang, ako naman ay nakasandal sa kaniyang dibdib. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. I don’t know what brand is this but it really smells clean o baka sadyang mabango lang talaga ang kaniyang amoy. He is indeed clean, kanina noong hinahalikan niya ako, napansin ko rin ang kakaibang bango ng kaniyang hininga. Yung tipong para bang minu-minuto nagto-toothbrush. Alam kong OA yung description ko. Pero totoo ang sinasabi ko. May mga tao talagang ganoon.

“What are you thinking?” I heard him ask.

I sighed heavily.

“Ilang oras pa kaya tayo mananatili rito? I still have portfolio to do. I have to go to school tomorrow to submit documents. Gusto ko nang umuwi,” mahina kong sambit.  

Nag-aalala talaga ako. Hindi ko maiwasang isipin ang mga gawain ko na nasa bahay. Dahil malapit na ang graduation, kailangan ko nang asikasuhin ang aking portfolio. Hindi naman ganoon kadali makahanap ng kompanya na tatanggapin ka agad bilang arkitekto, lalo na at fresh graduate ka lang. My plan is to go to UK to follow my Dad but then, I realized that I have to have at least earn a year of experience here in the Philippines being an Architect bago ako pumunta ng ibang lugar. Just in case my dad would like to take me in, at least kahit paano makakatulong ako sa kanila kapag may trabaho na ako roon.

“I have lost two meetings and client today,” pagod niyang sambit.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

“Businessman ka?”

He nodded.

“Yes, I am. At sa ilang oras kong pananatili rito, ilang milyon na agad ang nawala sa akin.”

Tinitigan ko siya. I studied his facial reaction as well. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Ganoon naman talaga ang mga businessman. Maraming appointments. Kada galaw, pera. Malingat lang sandali, mawawalan ng pera.

“Hey, wife. Stop staring at me. Baka isipin ko na may crush ka sa’kin.”

“Don’t call me wife. I’m just 21.”

Bumaling siya sa akin.

“But you said you’re already an adult. May magagawa ka ba kung gusto kitang tawaging wife? Lahat ng tao rito, they all think that you really is my wife.”

I rolled my eyes at him. Jacob Castillo is a handsome man, I could say. Kahit naman siguro sino mahuhulog sa ganitong klaseng tao. But in my case, I don’t fall for someone like him. Masyado siyang matanda para sa akin. nine years age gap? No way. Older men attract more drama in life. Mukha lang silang mature at kayang-kaya gawin ang lahat, but I swear. Most older people I know are all toxic in terms of relationship. Yes, they might be good in money, businesses and such. Pero lahat ng lalaking kilala ko na mayaman, they are all toxic. Just like most of my uncles—mga kapatid ng Mama ko.

“Wala kang girlfriend? Asawa?”

Tinitigan niya ako. Ilang sandali ang lumipas bago siya umiling.

“No, I don’t have both.”

Tumango naman ako.

“Eh flings?”

Kumunot ang noo niya.

“Flings?”

“Oo, flings. Kasi plural. Ibig sabihin marami. So marami ka bang fling? Huwag kang magsisinungaling, imposibleng wala. Sa guwapo mong iyan, sigurado akong marami kang babae.”

He raised one of his brows. Ngumisi siya na para bang nang-aasar.

“So, you’re interested in me now?”

“Nagtanong lang ako. Huwag kang assumero.”

Madali kasi akong ma-curious sa mga bagay-bagay. Hindi porket nagtatanong ako ay intresado na ako. Ang assuming din talaga nitong lalaking ito. Mahina siyang tumawa.

“Well, that’s a secret. Malalaman mo lang iyon kapag talagang magkakilala na tayo.”

I shrugged.

“If you don’t want to tell me, that’s okay. Hindi naman kita pinipilit. And I doubt if talagang magkakakilala tayo. I could swear this would be the last time that we’ll gonna see each other.”

Ngumisi siya.

“Are you sure about that?”

I nodded with conviction. Oo, siguradong-sigurado ako.

“Yeah, I’m sure.”

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumayo ako. I have this plan in my mind that I think I need to do.

“Saan ka pupunta?” agad na tanong ng lalaking may hawak na baril.

 “Iihi lang po sana,” mahinahong sagot ko. Tiningnan ako nito at pinagmasdang mabuti ang hitsura ko. Marahil ay inaaral nito kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

Tinawag naman nito ang isa niyang kasama.

“Hoy, samahan mo itong si Miss Ganda. Hanggang sa labas ng banyo ka lang ha? Magnanakaw lang tayo pero hindi tayo manyak at rapist. Nagkakaintindihan ba tayo?”

Tumango naman ang isang lalaki. Sumenyas ito sa akin na mauna na akong maglakad. Bumaling muna ako kay Jacob na ngayon ay naguguluhan sa ikinikilos ko. Ito ang plano ko. Hindi ko lang sinabi sa kaniya dahil hindi ko lang alam kung mapu-pull off ko o hindi.

 I can’t stay in here. Gabi na. Nagugutom na ako. Alam kong hindi lang ako kundi pati ang mga kasama namin. Kung mananatili kami rito at walang aksiyon na gagawin, baka mas lalo pang lumala ang aming kalagayan. If I have to sacrifice, I will do it.

“Bilisan mong umihi, ah!”

Marahang tango naman ang isinagot ko sa lalaki. Pagkapasok ko sa loob ng CR ay nagmadali ako sa pagtatali ng aking buhok. Chineck ko ang perang inilagay ko sa aking tagiliran kanina at ipinosisyon iyon nang maayos muli sa mas magiging kumportable ako. Inililinis ko ang dulong bahagi ng aking suot na pantalon. Mabuti nalang at stretchable itong nasuot ko. Humarap ako sa salamin at bumuga ng hangin.

Kaya mo ito, Andra!

“Matagal ka pa ba?” tanong ng lalaking nasa labas. Tumikhim ako at pumikit nang mariin upang mapakalma ang aking sarili.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay humakbang na rin ako at naglakad palabas ng banyo. Pagharap sa akin ng lalaki ay saktong pagsalubong ng aking kamao sa kaniyang mukha. Mukhang napalakas yata ang pagsuntok ko sa kaniyang mukha dahil natumba siya sa sahig. Aambahan ko pa sana siya ng isa pang suntok nang bigla siyang sumigaw.

“Tulong!”

Napakunot ang noo ko. Akala ko ba matatapang ang mga lalaki? Isa pa, siya ang may hawak na kutsilyo at kahit anong oras ay puwede niya iyong ibato sa akin. Kung mayroon mang nangangailangan ng tulong sa aming dalawa, ako iyon. Dahil sa totoo lang, ako ang lugi.

Inis na tinakdyakan ko siya sa kaniyang sikmura. Napaubo siya at nabitawan ang hawak na kutsilyo na agad ko namang kinuha sa kaniya. One thing I learned upon watching crime fiction drama, never let your opponent be able to walk again, or else he’ll run after you. Kaya ang ginawa ko, sinadya kong saksakin ang kaniyang paa.

“Pasensiya na, kailangan ko lang talagang gawin.”

“Hoy! Pucha, naisahan tayo noong babae!” sigaw ng lalaki.

Mabilis akong tumakbo sa isang kuwarto. Mabilis kong ni-lock ang pinto nito. Saka ko lang napansin ang dalawang babae na nagtatago sa ilalim ng kanilang lamesa. Pasimple nitong tinuro ang isang pinto bago muli itong bumalik sa pagkakatago sa ilalim ng kaniyang lamesa.

Connecting doors!

Napalingon naman ako sa pinto nang marinig ang malakas nitong pagkalampag. Paniguradong yung isa sa mga lalakin ang sumusubok sa pagbukas niyon. Tumakbo na ako patungo sa kabilang pintuan at sinubukang buksan iyon. Marahan lang ang pagpihit ko sa seradura. Nakiramdam muna ako kung may tao sa labas bago ako lumabas. Agad na napatingin sa akin si Jacob. Kasabay ng paglabas ko sa kabilang pinto ay ang pag-alingawngaw ng putok sa kabilang bahagi. Marahil ay ginamit nila ang kanilang baril para buksan ang pinto.

Agad naman akong tumakbo patungo kay Jacob.

“Tatayo ka lang ba riyan?” naiinis na tanong ko sa kaniya.

“Do you want my help? Mukhang kaya mo naman kahit mag-isa ka lang,” saad niya sa kalmadong tono. Nanatili siyang nakaupo sa sahig at nakatingin sa akin.

I scoffed. Grabe naman ang lalaking ito. Akala ko pa naman ay tutulungan niya ako.

“Just kidding. Ito na tatayo na.”

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Lahat yata ng tatlong lalaki ay sinusubukan pa ring buksan ang pinto. Walang nakabantay rito sa harapan. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa main door ng bangko at agad na binuksan ito. Sumenyas ako sa mga tao sa loob na lumabas na nang paisa-isa. Napatingin naman ako sa guwardiya na may tama ng bala. Lumingon ako kay Jacob at sinenyasan siyang tulungan ang guwardiya. Pero nagulat ako nang umiling ang guwardiya nang makita si Jacob. Para bang ilang na ilang ito nang makita niya ang lalaki.

“Kaya ko pa po, Ma’am. Maghihintay nalang po ako ng rescue. Okay lang ako, Sir Castillo.”

“Ano ka ba Norman, ayaw mo bang makita na kahit paano ay kumikilos ako rito sa bangko.”

Gulat naman akong napatingin kay Jacob nang banggitin niya ang pangalan ng guwardiya.

“Paano mo naman nalaman ang pangalan niya?”

Humarap sa akin si Jacob at ngumisi.

“Kasi palagi akong nandito. At required na alamin ko ang pangalan ng bawat empleyado ng bangko na pag-aari ng pamilya namin.”

Nagsalubong ang aking kilay nang marinig ang sinabi niya. Parang nag-loading pansamantala ang utak ko. Nang napagtanto ko ang sinabi niya ay agad na napaawang ang bibig ko. Ngumiti naman siya sa akin.

“Eh siraulo ka pala eh. Pag-aari mo pala ang bangko na ito pagkatapos hindi mo man lang naisip ang kapakanan ng mga trabahador mo.”

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at kumunot ang kaniyang noo.

“Bilisan mo na.”

Inis na tinulak ko si Jacob palapit sa guwardiya. Hindi pa man kami nagtatagal doon, ay nakarinig na akong muli ng malakas na putok ng baril. Nang mag-angat ako nang tingin ay nakita kong mabilis na naglalakad palapit sa amin ang isang lalaki na may hawak na baril. Ang ibang tao kanina ay nasa labas at nakuha na ng mga rescuer habang may ilan pang natitira.

 “Sige, gumalaw ka. Kung gusto mong sumabog ang bungo mo sa harapan nitong asawa mo,” aniya saka bumaling kay Jacob.

Pumikit ako at napatingala para kontrolin ang inis na nararamdaman ko.

“Sa totoo lang, hindi ko kayo maintindihan. Kung pera ang habol niyo. Sana kinuha niyo na lahat at umalis na. Mukhang hindi naman iyon ang plano niyo eh. Hindi man lang kayo prepared sa ginagawa niyo. That’s not a proper way to rob a bank. Pinag-iisipan iyang mabuti.”

Humakbang pa ito palapit sa akin at galit na tinutok sa aking leeg ang dulo ng kaniyang hawak na baril. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa loob.

“Ang dami mong sinasabi. Sayang ka, bata.”

Ngumisi ako sa kaniya.

“Mas sayang ka.”

Mabilis kong kinuha sa likurang bulsa ng aking pantalon ang kutsilyo na nakuha ko sa kasamahan nito at walang salitang itinarak ko ito sa kaniyang hita at mabilis na hinawi ang kaniyang kamay. Kaya nang kalabitin niya ang gatilyo nito ay sa bintana ng bangko tumama ang bala.

Napaluhod ang lalaki sa sahig. Mabilis akong umatras nang makita ang pagsirit ng dugo sa kaniyang hita.

“Hoy!”

Nang mag-angat ako nang tingin sa lalaking sumigaw ay saktong nakita ko ang pagbato sa akin nito ng kutsilyong hawak. Alam kong tatamaan ako niyon pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ang katawan ko ay biglang naparalisa. And that moment, I know that no one will save me. Pero nagulat ako nang biglang iniharang ni Jacob ang kaniyang kamay sa aking mukha, dahilan para sa palad niya tumama ang kutsilyo.

Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig nang makitang tumutulo ang kaniyang dugo sa sahig. Dahan-dahan akong bumaling sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at diretsong tumitig sa aking mga mata.

“I saved you, wife.”

Sunod-sunod na pumasok ang mga police at mabilis na inaresto ang lalaki. Ako naman ay mabilis na dinaluhan si Jacob. Hindi ko alam kung saan ako hahawak. Kung sa braso ba niya o sa kamay niya. I can see that he’s in pain. May mga medics naman na mabilis na lumapit sa kaniya. May isang lalaki na inalalayan siya.

“Jacob!” hindi ko napigilang tawagin siya. I have to know if he’s fine. He saved my life. Kung meron man na taong dapat na nag-a assist sa kaniya, dapat ako iyon.

Huminto siya at saka tumingin sa akin.

“Go home, Leandra. Magpahinga ka na. Ayos lang ako,” he said before turning his back on me.

Nakamasid lang ako habang umaakyat siya pasakay ng ambulance. May isang police naman ang lumapit sa akin para imbitahan ako sa presinto. Kailangan ko raw kasing magbigay ng statement sa kanila ukol sa nangyari. Ginawa ko naman lahat ng kanilang sinabi.

Bago ako umalis sa police station, inabot sa akin ng isang babaeng police ang aking bag. Naroon pa rin naman lahat ng gamit ko. Ang perang nasa bulsa ko ay ibinalik ko sa aking bag.

Laglag ang mga balikat ko habang naglalakad palabas. Napahinto lang ako nang mayroong tumawag sa akin.

“Miss, miss!”

Nang lingunin ko iyon, nakita ko ang isang matandang babae. Iyon ang babaeng inabutan ko ng coat ni Jacob kanina. Kasama ng matanda ang isang batang babae na sa tingin ko ay mas bata lang sa akin ng ilang taon.

“Bakit ho?” tanong ko rito. Inilahad naman nito sa akin ang hawak niyang coat. Agad ko namang kinuha iyon.

“Gusto ko sanang magpasalamat sa iyo, lalo na sa asawa mo sa pagpapahiram sa akin nito. Nalaman kong nasa hospital siya. Kumusta siya? Malala ba ang nangyari sa kaniya?”

Tipid akong ngumiti saka umiling.

“Hindi naman ho malala. Tinamaan lang siya ng kutsilyo sa kamay. Hindi ko pa ho alam ang kalagayan niya ngayon. Papunta palang ho kasi ako sa kaniya,” pagsisinungaling ko sa matanda.

Marahan itong tumango. Nakiusap pa itong sabihin ko kay Jacob ang pasasalamat nito sa pagpapahiram ng coat na nagsilbing pananggan nito sa lamig kanina.

Pagkalabas ko ng station ay agad akong pumara ng taxi. Imbes na sa bahay namin ako dumiretso ay naisipan kong dumaan muna sa bar para ipaalam ang nangyari sa bangko na pinuntahan ko.

Oras lang ang lumipas pero pakiramdam ko ay napakatagal ko roon. Pagdating ko, dumiretso ako sa kaniyang opisina. Ikinuwento ko ang lahat ng nangyari sa kaniya. Noong una ay halos hindi siya makapaniwala. Pero napanuod niya sa isang news channel ang nangyari kaya kahit paano ay naintindihan niya ang kuwento ko. Nakita ko ang pag-aalala sa ekspresyon niya.

“I saved the money. Sorry, Ma. Hindi ko nagawa ang utos mo.”

Mom smiled at me.

“Ano ka ba, Leandra. Wala kang dapat ihingi ng paumanhin. Ako dapat ang humihingi ng pasensiya. Kung hindi kita inutusan na magtungo roon ay hindi ka madadamay sa nangyaring hostage taking.”

Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Hindi na rin ako nagtagal. Kailangan ko ring umuwi para asikasuhin ang mga kailangan kong gawin. I have to focus on making the plate na ilang araw nang pending. Kailangan ko nang tapusin iyon para kahit paano may mailalagay na ako sa portfolio ko.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kuwarto. Nagpadala na rin lang ako ng pagkain sa loob. Wala akong gana makipag-usap sa kahit kanino dahil ang utak ko ay nasa nangyari pa rin kanina. I tried to finish everything pero na-realize ko na kahit anong pilit ko ay wala ring mangyayari.

I can’t focus. Maya’t maya akong napapalingon sa coat na pag-aari ni Jacob na sinabit ko sa coat hanger.

Humugot ako ng malalim na hininga at iniwan ang mga ginagawa ko sa working table ko. Imbes na mag-isip pa ng kung anu-ano ay natulog nalang ako.

Kinabukasan ay nagtungo ako sa university para magpasa ng mga documents na kailangan para sa graduation. Nang matapos kong asikasuhin ang ibang papeles na pirmado na, nagdesisyon akong dumaan sa bangko para sana hanapin si Jacob doon. Ang kaso, nakita kong under construction ito.

Days has passed, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Palagi ko siyang naiisip. And as much as I want him to remove on my system, I can’t do it.

Nagpatuloy ako sa pagbalik sa bangko, pero wala siya roon. Hanggang sa napilitan nalang akong iwan sa manager ng bangko ang coat na pag-aari niya. Ilang linggo ang lumipas, halos araw-araw ay dumadaan ako sa bar na minsang kaming nagkita, pero wala rin siya roon. Ang malas ko yata.

Para akong tanga na umaasang magkikita pa kaming muli.  Hanggang sa dumaan ang graduation ko. Minsan ko na rin siyang sinearch sa internet. At gaya ng inasahan ko, lumabas ang kaniyang mga larawan doon. Hindi lang larawan niya kundi pati ng mga babaeng minsang na-link sa kaniya. Sumama lang tuloy ang loob ko. Totoo ang hinala ko na nagkaroon siya ng maraming babae. Normal lang naman siguro iyon. Mas magtataka ako kung ni minsan ay wala siyang babaeng natipuhan.

“Leandra, tumawag sa akin ang Mama mo. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya sa telepono mo,” saad ni Yaya Gina pagkapasok niya sa loob ng kuwarto ko.

“Ah, sorry po. Hindi ko po kasi na-charge. Dead bat pa. Pasensiya na po. May iba pa ba siyang sinabi?”

“Ang sabi niya, pumunta ka raw muna sa bar. Wala raw kasi siya dahil may importante siyang meeting sa Pasay. May parating daw siya na bisita. Ikaw raw muna ang humarap.”

Agad kong nasapo ang aking noo. Gusto ko sanang tumanggi, ang kaso ay hindi ko naman magawa. Minsan lang naman humingi sa akin ng pabor si Mama. Saka wala rin naman akong ginagawa sa kasalukuyan. Kahit ano naman kasing pilit ko sa sarili ko na gumawa ng plates o mag-drawing ng kahi ano, hindi ko pa rin magawa.

“Sige po, maliligo lang ako.”

Binilisan ko ang pagkilos ko. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako agad ng simpleng blouse at slacks na kulay krema. Light pink ang blouse na suot ko. Medyo maikli ang sleeves nito kaya litaw na litaw ang kaputian ng braso ko.

Yung sedan na sasakyan ang sinakyan ko patungong bar. Walang sinabi si Yaya kung sino ang bisita. Tinext ko naman si Mama pero hindi naman ito nagre-reply. Baka busy sa meeting.

Pagpasok ko sa bar ay agad akong sinalubong ni Kyla. Bakas ang excitement sa mukha nito habang papalapit sa akin. Ngumingiti-ngiti pa ito.

“Oh, bakit?”

“Naku, Miss Leandra. May bisita kasi ang Mama mo. At talaga namang napakaguwapo. Ikaw ba ang pansamantalang makikipag-usap sa kaniya?” tanong nito.

Kumunot ang noo ko.

“Guwapo?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya nang ilang beses.

Nginisihan ko siya at mabilis na kinurot sa tagiliran.

“Ayan, diyan ka magaling. Mukha kang guwapo. Bumalik ka na nga sa trabaho mo. Sayang naman pinapasahod sa’yo ni Mama kung puro guwapo ang hanap mo.”

Ngumuso siya at inirapan ako. Aba’t talagang!

Imbes na patulan ko pa ang kaartehan ni Kyla, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad patungo sa opisina ni Mama. Pagpihit ko ng seradura ng pinto ay dire-diretso akong pumasok doon.

Pagharap ko ng sofa kung saan naroon nakaupo ang bisita ay agad akong napahinto sa aking kinatatayuan nang makilala agad kung sino ang bisita ng aking ina.

“You must be surprised seeing me again, my darling wife.”

It was Jacob Xavier Castillo.

Para akong naestatwa nang ilang minuto sa kinatatayuan ko nang makita siya. Pero nakabawi rin naman ako agad.

 “Anong ginagawa mo rito?” mataray kong tanong.

Sa totoo lang, dapat ay masaya ako. Halos isang buwan ko ring hinintay ang pagkakataon na magkita kaming muli. Ilang gabi rin akong napuyat sa kaiisip sa kaniya.

“Hindi ka man lang ba masaya na narito ako sa harapan mo? Alam kong hinanap mo ako.”

Naningkit ang mga mata ko sa aking narinig.

“Alam mo naman pala, pero hindi ka nagpakita.”

He chuckled.

“Galit ka na agad? You’re so impatient, aren’t you?”

I scoffed. Akala niya yata natutuwa ako ngayong narito siya sa harap ko. Hindi no! Naiinis kaya ako. Kung kailan ko naman siya hindi hinahanap, saka siya magpapakita. Ano ‘to, lokohan?

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Napaatras naman ako hanggang sa tumama ang aking likuran sa pinto. He put his hands on the door while he’s leaning on me. Cornered na cornered ako sa posisyon naming dalawa ngayon.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag-lock ng pinto ng opisina. Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niya. Why would he lock it?

“So, namiss mo ako?” he asked in a playful tone.

“No!” mariiin kong sagot.

“Oh really? Kahit na araw-araw mo akong hinanap? Kahit na araw-araw na umaasa kang makita ako? Hindi pagka-miss ang tawag doon? Come on, Andra, sabihin mo na.”

Iniiwas ko ang aking sarili na mapatingin sa labi niya dahil nadadala ako niyon.

“Don’t look at my lips, Leandra. Look at me and answer my question. Namiss mo ba ako?”

Napalunok ako nang sunod-sunod nang maramdaman ang kaniyang mainit na hininga na tumatama sa aking mukha. Ang bango nito. Ito talaga ang isa sa nagustuhan ko sa kaniya.

“Don’t look at me like that. Baka hindi ako makapagpigil at mahalikan kita.”

Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin.

“Bakit ka nagpipigil? Kung gusto mo akong halikan, edi gawin mo.”

His brows furrowed in confusion.

“What did you just say?”

Humugot ako ng malalim na hininga at humawak sa kaniyang balikat niya.

“Kiss me if you want.”

Marahan siyang umiling. He’s confused, I know. Kahit ako rin naman. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumalabas sa bibig ko. Kanina lang naiinis ako, ngayon naman gusto kong magpahalik sa kaniya. Gusto ko ulit maramdaman ang labi niya sa akin.

“Do you want me to kiss you?” he asked me to clarify or maybe he’s asking me for consent.

Marahan akong tumango.

“Damn it! Mabuti nalang talaga at hinintay kong gumraduate ka bago ako nagpakita sa’yo. Gustuhin ko mang pigilan ang sarili ko, hindi ko magawa.”

Mabibigat ang kaniyang naging paghinga. Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa beywang at hinila palapit sa kaniya. Dahil sa pagkabigla ay napahawak ako sa dibdib niya.

Ang kaniyang mga mata ay pinagmasdan nang mabuti ang aking mukha. Hindi nagtagal ay sinakop na ng kaniyang labi ang akin. Noong una ay marahan lang iyon. Pero habang tumatagal ay unti-unti ko nang nararamdaman ang paglalim ng aming halikan. Nang ibuka ko ang aking bibig ay mabilis niyang ipinasok ang kaniyang dila at mabilis na naglumikot doon. He’s tracing every part of my mouth and all I can do that moment is to moan silently. Ang sarap. Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing magdidikit ang aming mga labi. Para akong nasa alapaap.

Mas napakapit ako nang mabuti sa kaniyang balikat at kusa ko nang idinikit ang katawan ko sa kaniya. In the middle of our heated moment ay bigla siyang huminto. Para akong hayok sa kaniyang labi dahil nagawa ko pang humabol. Pero hinarang niya ang labi ko gamit ang kaniyang hintuturo.

“Bakit?” naguguluhang tanong ko sa kaniya. Damn, it’s so frustrating! I want more!

Nakita ko naman ang unti-unti niyang pagngisi.

“Akala ko ba ay hindi ka intresado sa mas matanda sa’yo?”

Nang marinig ko ang kaniyang sinabi ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil bigla akong natauhan.

“Aminin mo na kasi, Leandra. You like me. You wouldn’t respond to my kisses if you don’t.”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
ganda,haba ng hair
goodnovel comment avatar
Dennis Peralta Silvestre
update n po miss A.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status