First love? Eh halos magkamukha naman sila. Kumunot pa ang noo ko at pinagmasdang maigi ang mukha noong batang babae. Nasa gitna ako ng pag-e-eksamin ng larawan nang bigla niya iyong ilayo sa akin at agad na inilagay sa kaniyang bulsa. Ngumuso ako at sinimangutan siya. Ang damot. Parang tinitingnan lang eh.“Normal naman iyang ganyan. Usually, brothers’ first loves are their little sister.”Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.“What?” he asked. He looked so annoyed. Eh mas dapat nga, ako ang naiinis sa kaniyang ngayon.“Ang sabi ko, cute mo,” sabi ko nalang saka ibinaling sa dingding ng elevator ang atensiyon ko. Kung puwede nga lang makipag-usap sa elevator wall, ginawa ko na.Nang makababa kami roon. Naglakad pa kaming dalawa sa isang hallway at may inakyatan pang hagdan.Sumunod nalang ako sa kaniya. Hindi na ako nagsalita pa. Mahirap na, baka ilaglag ako ng lalaking ito mula rito sa taas. Mukhang nakakatakot siyang mapikon eh. Pagkarating namin sa helipad ng hotel, hindi ko maiwasan
“Maiwan na po namin kayo, Sir. Tawag nalang po kayo kapag may kailangan kayo,” saad ng lalaking kausap ni Jacob.Naunang bumaba si Jacob sa sasakyan para ma-check lahat ng mga gamit namin kung naibaba ba ito nang maayos. Ang ibang lalaki ang naghatid nito sa loob ng bahay na matatagpuan sa gitna ng maliit na lawa. Narinig kong tinawag ito ng lalaki na The Lake House. Pag-aari ito ng mga Castillo dito sa San Isidro.Nahuli lang akong bumaba dahil sinagot ko ang tawag ni Mama. Kinamusta lang ako nito kung safe ba akong nakarating dito sa Siargao. Tinted ang bintana ng sasakyan kaya hindi ko gaanong kita ang kapaligiran kanina, kaya nang makalabas ako, halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita.Ang ganda ng paligid. Puno ng berdeng halamang ang palibot ng maliit na lawa na kinatatayuan ng bahay. Yung bahay naman, kung hindi ako nagkakamali ay gawa sa puno ng narra. Malinis sa labas. At ang buong palibot nito ay mayroong hanging plants na namumulaklak. Ang daan patungo roon ay tulay na
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga rin kasi ako nakatulog kagabi. Malaki ang pasasalamat ko kay Jacob dahil hindi talaga siya umalis hangga’t hindi ako nakakapag-settle nang maayos sa kuwarto. He made me feel that I am safe with him just like he always says.Paglabas ko ng aking silid, agad kong nabungaran ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Inikot ko agad ang aking paningin sa paligid. Dumungaw rin ako sa nakabukas na bintana pero wala siya sa loob at labas ng bahay. Sandali kong naituon ang aking atensiyon sa papasikat na araw.Saan kaya siya pumunta?Pagbalik ko sa lamesa, nakita ko ang isang sticky note. Lumapit ako nang maigi para makita ko kung ano ang nakasulat doon.Eat your breakfast. See me at the seaside.Iyon ang nakasulat doon. Kinuha ko ang sticky note at marahang tinupi at nilagay sa bulsa ng suot kong denim na tokong na above the knee ang sukat.Gaya nang sinabi niya, kumain muna ako at nagsipilyo. Maliligo na rin sana ako, pero naisip kong huwag na muna dah
“Anong ginagawa mo?” Nang marinig ko ang boses ni Jacob, mabilis akong huminto sa ginagawa ko. Isinara ko ang drawing notebook at itinago iyon sa likuran ko at sinandalan ito.Nasa sala ako ngayon. Nakaupo ako sa sofa. Umaandar din ang TV pero kanina pa wala ang atensiyon ko roon. Abala kasi ako sa pagdo-drawing. Kanina pa wala si Jacob, nagpaalam ito na aalis muna para bumili ng kaniyang lulutuin para sa hapunan. Ang sabi ko ay dapat hindi niya makikita ang ginuguhit ko, ang kaso, nagkataong hindi ko napansin na dumating na pala siya.“What’s that you’re hiding, Miss Bernardo?”Napangiwi ako nang marinig ang pangalang tinawag niya sa akin.“Miss Bernardo? Why so professional?”Nginisihan niya ako. Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa kusina. Bitbit niya ang mga pinamili. Ang akala ko ay magtatagal siya roon, pero lumabas din siya agad.“Can I see what you’re doing?”“Wala naman akong ginagawa,” pagsisinungaling ko. Umayos ako sa pagkakaupo at umusod nang kaunti para matakpan ko n
R-18 Ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong araw na ito. Maaga ako nagising para gisingin si Jacob. Alas singko palang nakapagligpit na ako ng mga gamit sa kuwarto. Paglabas ko, mabilis akong nagtungo sa kuwarto niya. Hindi siya nagla-lock ng pinto kaya mabilis akong nakapasok sa loob. Tulog na tulog pa siya kaya naman kinailangan ko pa siyang tapikin sa balikat.“Jacob, I think we should go to the seaside. I want to see the sunrise.”Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay naitakip niya agad ang braso roon dahil nasilaw siya sa liwanag ng fluorescent light. Mula sa pagkakahiga ay pumuwesto siya nang maayos para umupo.“Leandra, ang aga pa.”Hinawakan ko nang mahigpit ang isa niyang braso at umusod ako palapit sa kaniya.“Please. I needed to see the sunrise. I want to see the sunrise before I started the painting. I want to feel motivated today. Also, sasamahan mo ako mamaya sa bilihan ng canvas sa bayan para makasimula na ako sa
“You haven’t told me about your half-brother,” lakas-loob kong sambit habang naglalakad kami papasok ng bahay. Kanina ko pa siya gustong kausapin tungkol sa bagay na iyon. Okay naman siya kanina, pero magmula noong lumabas kami ng book store, nagsimula na siyang maging tahimik. And I don’t know what went wrong. Sigurado naman akong hindi ako ang problema. Maybe something happened about him and his brother. And he’s not telling me because he doesn’t want me to get involved.He stopped on walking and looked at me.“You never know anything about my family,” he said as a matter of fact.“Yeah, but I know Janina, your older sister.”His expression suddenly went blank. Parang mayroon siyang naisip at bigla siyang hinila noon sa kabilang dimensiyon.“Jacob?”Nang hawakan ko siya sa braso ay saka siya muling tumingin sa akin.“Sorry, I was lost. Uh, yeah. About Jace. Well, I plan to tell you about him. Kaso, nauna kayong nagkakilala bago ko pa nasabi sa’yo na mayroon akong half-brother.”He l
Ilang minuto na ang lumipas magmula noong umalis si Jace pero nakatayo pa rin ako sa may pinto ng bahay at nakatanaw pa rin ako sa labas. I swallowed the bile in my throat and stepped backward so I could close the door.Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad patungo sa living room. Imbes na bumalik ako sa kuwarto, naisipan kong umupo sa sofa. Doon na ako inabutan ni Jacob nang dumating siya.“Hey, baby. Are you okay?”Nilingon ko siya. Tumikhim muna ako bago nagsalita.“Yung kapatid mo palang si Jace, dumaan dito.”I saw the immediate panic in his eyes. Ibinaba niya ang bag ng laptop na dala niya sa lamesa at mabilis akong dinaluhan.“Did he say something? Ano raw ang sadya niya rito?”Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam. Tinanong niya lang ako kung Leandra Bernardo ba talaga ang pangalan ko. May sinabi rin siya tungkol kay Gabriella.”Kumunot ang kaniyang noo.“What about Gabriella?”“He said that she is important to all of you. And that Gabriella and I look somewhat similar.
“Is that my thing you’re holding?” tanong niya sa akin.Hindi ko ini-expect na maaga siyang makakauwi. Ang akala ko, kagaya kahapon ay gagabihin siya ulit.Nakagat ko ang aking ibabang labi. Gusto ko sanang itago ang hawak na album ngunit huli na. Lumapit na siya sa akin at bahagyang yumuko para kunin ang album sa pagkakahawak ko.Nakakunot ang kaniyang noon ang buklatin niya ito.“Naglilinis kasi ako. Tapos habang naglalampaso, nakita ko ‘yan sa ilalim na cabinet kaya kinuha ko. Sorry, I got curious. Hindi ko alam na iyan ang laman,” paliwanag ko sa kaniya.Inisa-isa niya ang pagbuklat at matamang pinagmasdan ang bawat litrato na naroon. Nakatungo ako at hindi tumitingin sa kaniya. Natatakot ako na pagalitan niya ako kahit alam ko namang iyon ang mangyayari.“Hindi ba sinabi ko sa’yo na may darating na tagalinis sa bahay. Dapat hindi ka na naglinis pa. Look at you, ang dumi-dumi na ng suot mong damit.”Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin sa kaniya. Sandali siyang tumitig sa akin