Share

Island's Doctor
Island's Doctor
Author: bleu_ancho15

Two-Days Vacation

Dahan-dahang ipinikit ni Sandra ang kanyang mga mata habang nilalasap ang lasa ng red wine na kanina pa niya iniinom.

Kasabay ng pagguhit nito sa lalamunan niya ay ang pagbalik ng imahe ng kanyang ama habang nililitanyahan siya nito dahil sa 'di niya pagsipot sa pamangkin ng business partner nitong gustong ipakilala nito sa kanya.

"Alam mong halos dalawang oras nang naghihintay sa'yo si Richard para sa dinner date ninyo kanina!"

"Kinancel pa niya ang flight niya papuntang Barcelona para lang ma-meet at maka-kwentuhan ka, for him to get to know you more..." tinapunan pa siya nito ng masamang tingin.

"What is wrong with you Sandra?"

"Dad, I told you. Marami akong pasyente kanina sa ospital. Alangan namang iwanan ko na lamang ang mga 'yon for the sake of that Richard na 'di ko man lang nakikita pa..."

"Sa hindi na nga ako magkaintindihan kanina dahil punong-puno ang ER dahil sa bus na nadisgrasya sa McArthur highway. I'm a doctor, that's why I need to be there and do my job right, rather than what? Going on a date while I'm leaving my ER full of people who needs my help?"

"Wala na bang ibang doctor 'don? Ano ba naman ang isang araw lang na break para magkaroon ka man lang ng oras para sa sar---"

"Para makipag-blind date Dad? Come on! I'm a doctor, and before I take the oath as a doctor alam naman natin na dapat patient first before anything. Saka sino ba kasi na naman iyang Richard na 'yan at bakit ba gustong-gusto niyong makilala ko?"

Humalukipkip naman ang ama niya habang nakatingin parin sa kanya.

"Anak, believe me, I understand you and your duty as a doctor... But this is different. You know how interested this man is."

"Hija, Richard really wants to meet you. And this guy is willing to wait for you if ever you finished earlier in your hospital duties. He's more interested in you lalo na noong nagkwento ako sa kanya on how dedicated you are pagdating sa profession mo..." 

Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng kanyang ama. 'Di talaga ito magpapatinag na ipilit ang gustong pakikipagkita niya sa Richard na sinasabi nito na kanina pa bini-build-up sa kanya.

"He just want to meet you Sandra. Pero paano mong makikilala si Richard eh ni hindi mo nga sinipot 'don sa dinner date ninyo dapat... I thought you are going to fit him in your schedule?" Nakita na naman niya ang seryosong mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"Please, Dad. I have no time for this..." Pakiusap niya sa ama niya na hindi man lamang binawi ang matiim na pagkakatitig sa kanya. She get a hold of herself before saying anything na magpapahaba ng usapan nila dahil alam niya naman na hindi magpapatalo ang kanyang ama sa mga valid reasons niya.

Pagkatapos niya sa kanyang huling pasyente kanina ay tumuloy siya sa bahay nila para kumuha ng ilang damit. Halos alas nuwebe na rin ng makarating siya sa bahay nila dahil dalawang oras ang layo nito sa ParaƱaque kung saan siya nagtatrabaho. Idagdag pa ang traffic na nadaanan niya sa airport road na di maiwasang daanan para makarating sa village nila.

Paalis na rin sana siya pabalik ng condo niya para umidlip ng madaanan niya naman ang Daddy niya sa sala na naghihintay pala sa kanya. Kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ay harapin ito kahit alam niya kung ano na naman ang sasabihin nito.

"Sandra ano pa ba ang gusto mo maliban sa halos pagtira mo sa Ospital? Wala kanang oras para tumigil man lang kahit dalawang araw dito sa bahay o sumama sa amin ng Mommy mo para maipakilala ka namin sa mga kaibigan namin kapag lumalabas kami..."

"Ni hindi mo nga maayos 'yang itsura mo. Look at you, natutulog ka pa ba?" Tanong ulit ng Daddy niya na parang sirang plaka dahil sa ilang ulit niya nang narinig ito dito.

"What is wrong with the way I look? Dad, you know how busy I am. Uunahin ko pa bang magpa-ganda at magpa-sexy habang maraming tao ang naghihintay at nangangailangan ng serbisyo ko?" Nagsimula na naman siyang mainis sa Daddy niya.

"What I'm saying is... Sandra anak, hindi ka na bumabata... You are already 29. Kailan ko ba makikita ang mga apo ko sa'yo? I think you need to start finding your man and marry him."

"Bukas-bukas niyan wala ka na sa calendaryo pero di mo namamalayan dahil busy ka sa mga pasyente mo sa halip na naghahanap kana dapat ng mapapa..."

"Oh, dear God!" Pina-ikot niya ang mga mata bago lingunin ang kanyang ama.

"Dad pwede ba? Give me a break! Bakit ba lagi niyo nalang pino-problema hanggang ngayon ang lovelife ko? If the right guy comes, then maybe it's time. But Dad, I have my priorities now at alam mo naman na nasa huli pa 'yang paghahanap nang kung sino mang lalaki para pakasalan." Nagpakawala siya ng buntong-hininga.

"Maybe I'm still not ready for that stage Dad. Maybe for now, doing my job as a doctor is what's making me happy."  Pakiramdam niya ay lalo siyang nai-stress sa naririnig na naman niya sa Daddy niya kaya pinutol niya na agad ang susunod na sasabihin pa nito.

"Ang sa amin lang ng Mommy mo..."

"Dad. Darating din tayo diyan... Isa pa, 'di naman ako nagmamadali. Napakadami ko pang iniisip ngayon para idagdag pa yang pag-aasawa o date date na 'yan.." Alam niya na magsasalita pa ulit ang Daddy niya kaya bago 'yon ay agad niya na itong hinalikan para magpaalam.

"Good bye Dad. Idadaan ko pa itong mga gamit ko sa condo bago ako bumalik sa hospital. Kulang yung duty resident ko for tomorrow that's why I have to be there early." Buntong hininga na lamang ang naisagot ng Daddy niya at walang nagawa kung hindi ay tingnan na lamang ang paglalakad niya papunta sa pinto. Pero bago pa man siya makahakbang palabas ng bahay nila ay nagsalita pa ito ulit.

"Just don't work too much anak okay? Wala ka pa ngang asawa o anak pero kung makasubsob ka sa trabaho tinalo mo pa ang may binu-buhay at pinapag-aral..."

"You should enjoy your life anak. Buti sana kung may asawa ka na at an---"

"I love you Dad... I need to go, and please, don't worry too much okay? I don't want to see you stressed lalo na sa kakaisip nang kung ano-ano. " Kumaway pa siya bago lumabas ng pinto. Pinangunahan niya na agad ang Daddy niya dahil alam niyang hahaba na naman ang mga sinasabi nito sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang siya bago lumagok ulit ng wine nang maalala ang pinag-usapan nila ng Daddy niya 4 days ago.

Kasalukuyan kasi siyang nasa isa sa mga isla ng Romblon para sa dalawang araw na bakasyon. Ni-recommend lamang ito sa kanya ng kaibigan niyang si Gianna na nagtatrabaho sa isang ticketing office at isa pa, talagang kailangang kailangan niya na ring umalis muna kahit ilang araw para lamang ma-relax kahit papaano.

She feels suffocated.

Stress na stress na rin kase siya sa trabaho niya bilang isang doktor sa isang pribadong ospital ng ParaƱaque. Dumadagdag pa ang mga magulang niya na wala nang ibang ginawa kung hindi ay kulitin siya, para lamang ma-ipakilala sa mga anak ng kaibigan o hindi kaya ay kakilala ng mga ito at itulak para mag-asawa na.

Sa edad kase na bente nuwebe ay wala pa siyang boyfriend na nadadala sa bahay nila na big deal naman sa mga magulang niya. Dahil na rin siguro sa tatlong magkakapatid ay iisa siyang babae at siya na rin ang bunso sa mga ito na wala pang asawa.

Dahil na rin sa pagiging abala bilang doktor ay 'di na rin niya namalayan na malapit na rin pala siyang lumagpas sa kalendaryo na siya namang iniisip niya ngayon. Wala na kasing ginawa ang Daddy niya kung hindi ay itulak siyang makipagkilala sa kung sino para daw makahanap na siya nang mapapangasawa dahil di na daw siya bumabata.

Hindi naman siya mapili sa lalaki. Hindi rin siya mataba at lalong di naman siya pangit pero hindi rin niya alam kung bakit kada may nagbabalak na ligawan siya ay agad niya itong bina-basted at iniiwasan. She's not even a perfectionist pero may mga katangian din kasi siyang basehan para sa lalaking magugustuhan niya kapag nagkataon. Maging 'yong anak ng director ng ospital kung saan siya nagtatrabaho ay sumubok na ring ligawan siya pero hindi rin niya alam kung bakit sa gwapo at yaman nito ay 'di niya naramdamang kiligin o magkagusto dito.

Marami na rin siyang naging pasyente na nagbalak ligawan siya. Yung iba pa nga ay nagpapadala ng kung ano-ano para lang magpa-impress sa kanya pero talagang wala siyang nagustuhan sa mga ito kahit isa. Masaya na siya na umiikot ang buong araw niya sa mga taong natutulungan niyang gumaling sa mga sakit nila. At nabubuo na ang araw niya kada may lumalabas na pasyente sa operating room niya at sinasalubong siya ng pasasalamat dahil sa buhay na naisalba na naman niya.

Ganun kasimple lang umiikot ang araw niya at masaya na siya doon.

Nasa gitna naman siya ng malalalim na pag-iisip nang may narinig siyang boses sa gilid niya.

"An ocean breeze puts a mind at ease..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status