Piniling umupo ni Sandra sa labas ng coffee shop kung saan malaya niyang natatanaw ang napakaraming bituin na 'di niya maiwasang tingnan. Bukod kase sa magandang ambiance ng lugar ay magandang spot ito para sa mga taong ayaw sa maingay na paligid na siyang kailangan niya ngayon. All she needs today is silence and peace to calm her mind kahit ngayon lamang. Alam niya kasi na pagbalik niya sa Manila ay babalik din lahat lahat ng stress na naghihintay sa muli niyang pagbabalik. Ipinikit niya saglit ang kanyang mga mata saka malayang nilanghap ang sariwang hangin sa dalampasigan.
Um-order na lamang siya ng isang dark coffee na madalas niyang inumin lalo na kapag nasa duty siya sa ospital. Pagkatapos niya ulit tumingin sa kalangitan at tahimik na paligid ay doon na niya sinimulang buklatin ang dalang libro para basahin ito.
At dahil sa tahimik na lugar na 'yon kaya di na niya halos napansin ang paglipas ng oras. Kung 'di pa siya napatingin sa relong pangbraso niya ay di niya malalamang halos dalawang oras na pala siyang naaliw sa pagbabasa. Kaunti nalang din ang napapansin niyang tao sa coffee shop kaya naman pagka-tiklop niya sa libro ay tumayo na rin siya para bumalik sa hotel niya.
Bukas naman ang huling araw niya sa islang ito kaya naman dapat ay lubos-lubusin niya na ito. Bigla na naman siyang nainis ng maalala ang nangyari kanina at ang lalaking bastos at pakialamerong sumira ng hapon niya.
Pinilit na lamang niyang 'wag itong isipin at magfocus na lamang sa mga dapat niyang gawin bukas ng buong araw. At para naman masulit niya ang stay niya sa islang ito bago pa man siya makabalik ng Manila. May mga nakita pa kase siyang bar at seafood resto na gusto niya pang subukan kung di lang siya pagod. Halos naubos din kase ang oras niya dahil sa pagkalibang niya sa pagbabasa kanina.
Pagkapasok niya sa kwarto ng hotel na tinutuluyan niya ay wala na siyang sinayang pa na oras. Nag-shower na siya agad para makatulog na din agad. Halos alas onse na rin naman at marami pa siyang balak gawin kinabukan. Sumulyap pa siya sa cell phone niya na naka-patong sa ibabaw ng kama niya. Simula ng dumating siya sa isla ay pinatay niya na iyon at balak niya na lamang buksan ito ulit pagkabalik ng Manila.
Kinabukasan naman ay maagang nagising ang dalaga. Wala na rin siyang sinayang pang oras dahil naka-schedule siya para sa maagang tour sa paligid ng isla. Kasabay niya ang ilan sa mga baguhan din at dayo dito para magbakasyon kagaya niya. May mga ilan-ilan ding foreigner kasama ang pamilya nila at ang iba naman ay kaibigan. Natuwa pa siya dahil sa napansing creative designs ng mga bangkang de motor na gagamitin nila sa paglilibot ng isla. Humanga siya sa malikhaing pagguhit ng mga lokal na alam niyang siya ding nagdisenyo nito.
She learned a lot about the island and people living here. How they survive the day and also how tourist afftect their small community. Bago kasi siya magpunta sa isla na ito ay nag-research siya ng bahagya para ma-familiarize niya kahit papaano ang lugar. Na-amaze lalo siya ng malibot nila ang paligid ng isla. Bukod kasi sa tahimik at medyo malayo ito sa ibang isla ng Romblon ay napaka-ganda nito. Idagdag mo pa ang napaka-linaw na tubig dagat nito kung saan tanaw na tanaw mo ang mga corals at mga isda, pati ang mapuputing buhangin sa ilalim. Kung hindi nga lang siya kailangan sa ospital ay siguradong mag-e-extend pa siya para mas malibot at ma-enjoy ang lugar na ito.
Pagkatapos naman ng tour ay may kinainan silang floating rest house kung saan halos tumulo ang laway niya sa pagka-takam sa mga pagkaing nakita niya. Lahat na ata kasi ng klase ng seafoods ay nakahain na, pati ang mga gulay at prutas na kuha mismo sa isla. Pagkatapos naman nilang magpahinga ng kaunti ay dinala na sila ng tour guide nila sa isa sa mga white sand beaches nila para makapag-picture taking at swimming na rin. Gustuhin man niyang mag-scuba diving kagaya ng ilan ay mas pinili na lamang niyang panoorin ang mga ito dahil pagod na rin siya sa paglilibot.
Habang nakangiting nanonood sa mga nagsi-swimming ay nahagip ng mata niya ang isang tumpok ng grupo na may kung anong pinagkakaguluhan. Nang tingnan niya itong mabuti ay napansin niyang tila may naaksidente ata o kung ano man dahil sa taong nakahiga sa buhangin. Ibabaling na sana niya ang kanyang mata sa dagat para ituloy ang pagtitig sa magandang tanawin ng maulinigan niya ang lalaking sumisigaw na umagaw nang atensiyon niya.
"Is there any nurse, a doctor or medical staff here?" Palingon-lingon ito habang nagsasalita.
She wanted to ignore what she heard but it seemed like her conscience was prodding her, so she heard herself talking. "What happened?"
"There's a man bleeding, nadulas siya sa bato habang naliligo, are you a nurse?" Tanong nito sa kanya habang magkasabay silang naglalakad patungo sa lalaking nakaupo.
"I'm fine, no worries. It's just a little cut." narinig niya pang sabi nito.
"Give us space." Agad namang dumistansya ang ilang nakapalibot sa kanila. "What happened?"
Nakangiti lang naman ang lalaki habang nakatingin sa kanya. "It's just a little cut, I'll be fine."
Nang hindi siya sumagot dito habang tinitingnan ang mga galos nito sa paa ay nagsalita na din ito ulit. "I accidentally slipped. May nga naka-usli kasing oysters dun sa batong inapakan ko."
"And you're bleeding." Sagot ni Sandra na tiningnan siya saglit.
"Does it look bad?" Tanong ng lalaki sa kanya habang tinitingnan ang dumudugong paa. Siya naman ay kinapa-kapa ang dalang bag saka inilabas doon ang mineral water saka ang white t-shirt na di pa niya nagagamit.
"You'll live. This is just a minor cut. But I'm sure it will leave a mark even it healed." Ibinuhos ni Sandra sa paa nito ang isang bote ng mineral water na hawak niya. "This will reduce the risk of infection."
"Ahw! Ff..." pigil na bigkas ng lalaki ng maramdam ang bahagyang pagkirot ng sugat.
"If you're home or arrive in your hotel, apply a thin layer of an antibiotic ointment or petroleum jelly to keep the surface moist and help prevent scarring or atleast lessen." Ibinalot niya sa paa nito ng maayos ang white t-shirt na hawak niya. "Don't worry, I'm a doctor. This shirt is clean." Tumango naman ito nang makita niya na tila may pagtataka sa mata nito.
"Certain ingredients in some ointments can cause a mild rash in some people. If a rash appears, stop using the ointment." Tumayo si Sandra habang nakatingin pa rin sa paa ng lalaki.
"Change the dressing atleast once a day." Ngumiti siya bago tumalikod.
"Can I atleast get your name Doc?" Pahabol ng lalaki.
"You're welcome." Pagkasabi nito ay kumaway na lamang siya habang naglalakad palayo.
Mag-a-alas kuwatro na rin ng bumalik ang team na kasama niya sa hotel para naman sa dinner. Bitin man ang karamihan ay kailangan na rin nilang bumalik dahil palubog na ang araw. Nag suhistiyon naman ang mga tour guides doon na maganda din at mag-eenjoy sila sa mga bar at cafe sa paligid ng hotel.Mas minabuti na lang munang bumalik si Sandra sa hotel niya saglit para mag-shower at makapagpalit ng damit bago siya maghanap ng kakainan o tatambayan pansamantala habang pinapatay ang oras.Palabas na sana siya ng kwarto ng 'di niya maiwasang tingnan ang cell phone niya sa bedside table. Naisip niya din kasi kanina pa, na baka kino-contact siya ng mga co-doctors and nurses niya. Alam naman ng mga ito na nasa bakasyon siya pero 'di pa din minsan naiiwasang tawagan o itext siya kapag may mga tanong ang mga ito lalo na kung emergency o tungkol sa pasyente niya. Nagpakawala na muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago damputin ang kanyang cellphone.Hindi n
The lady just ignored him like she didn't hear him asking. Sa halip ay parang wala ito sa sariling tumingala habang nakatitig sa nagkikislapang mga bituin na wari'y ngayon lang nito nakita. She even pointed the stars on air and giggled.Napailing na lamang si Jann na itinuloy ang pagbubukas sa lata ng beer na kanina pa pala niya hawak saka ito ininom.Crazy. Isip isip niya."Why is this place so pretty and calm? I think I want to live here."Narinig ng binata ang sinabi ng babaeng nasa gilid niya kaya napalingon ulit siya dito. Di niya alam kung ano ang humila sa mata niya para tingnan ulit ito habang inaayos ang mahabang buhok nito. 'Di man niya ito maaninag gaano ay tila naaaliw siya sa ginagawa ng estrangherang katabi niya. Tila nahihipnotismong napapikit pa siya ng maamoy niya ang simoy ng hangin na napakabango na batid niyang dito nagmumula.The strange
"Maybe you are dumped.""What? Hell, no!""Me, dumped?" Natatawang sagot ni Jann sa dalaga.At first, the two is not really talking or answering each others questions but at the end they were talking like really close friends having a drink.Nagkasundo lang ang dalawa na 'di sila pwedeng magsabi ng totoo o 'di kaya ay sabihin ang totoo nilang pangalan, but they are free to tell stories or ask questions just for fun. Yung kaninang masungit na babae at makulit na estranghero ay tila magkakilalang magkakilala na dahil sa kanina pa nilang kwentuhan at tawanan. Nakakailang pababalik balik na rin si Jann sa grill dahilan para 'di nila mamalayang nakakarami na rin pala sila ng beer."Ang yabang mo, hoy! Eh ba't nandito ka sa isla na ito ng mag-isa at walang kasamang girlfriend. Then what? You are also drinking alone like a loner. Like the whole world left you.""Dumped agad kapag ganun? Di ba pwedeng gusto lang makapag relax?" Jan
Nagising si Sandra dahil sa 'di maipaliwanag na kirot ng ulo niya. Nakapikit niyang hinilot-hilot ang sentido niya pero tila ata lalo lang itong sumasakit. Kinapa-kapa pa niya ang gilid niya para sana bumangon pero natigilan siya ng maramdaman ang paghigpit ng tila kung anong nakayakap sa bewang niya.Dahan-dahan niyo itong nilingon at halos lumuwa ang mata niya ng bumungad sa harapan niya ang lalaking may balbas at bigote na tulog na tulog sa tabi niya yabang mahigpit na nakayakap sa kanya. Mabilis na natutop ng dalaga ang kanyang bibig bago pa siya mapasigaw sa tanawing bumungad sa kanya.Pakiramdam niya ay lalong sumakit ang ulo niya ng piliting isipin kung ano'ng mga nangyari kagabi pero talagang hindi niya lahat maalala kung bakit at papaano siya humantong sa tabi ng estrangherong ito.Nilibot ng paningin niya ang paligid at nang masiguradong wala siya sa kanyang kwarto ay napakagat-labi na lang siya da
"Hello! What can I do for you?"Bahagya namang ngumiti ang kanyang pasyente na kakapasok lamang."Good Morning Doctor. I don’t feel good.""Come and sit here." Pang-walo ito sa pasyente niya ngayong hapon. Kaninang umaga kasi ay nanggaling siya sa Makati at um-attend nang isang convention na madali din namang natapos. Sa halip na umuwi at magpahinga ay naisip ni Sandra na magstay na lamang sa kanyang opisina at tumanggap na rin ng pasyente."Open your mouth, please."Sumunod naman ito at nag-umpisa na si Sandrang gawin ang pakay. Pagkatapos ilagay ang result sa hawak na papel ay nagsalita ito habang nakayuko at binabasa ang ilan pang nakalagay doon. "Since how long are you not feeling well?""Since yesterday, Doc.""Well, theres no problem. Did you have motions yesterday?" Sagot niya pagkatapos silipin ulit ang la
"Hoy! Bes!" Nagulat si Sandra sa pagpitik sa hangin ng kaibigan niyang si Ella na titig na titig pala sa kanya."W-what?" She suddenly look away and try to concentrate on what her doing.Nagtataka namang sinundan siya ng tingin ni Ella at walang sabi-sabing kinuha ang laptop niya."Dra. Lessandra Olivares MD., ng cardiology department, at bestfriend ko. May hindi ka ba sinasabi sa akin? Are you hiding something important from me?""N... nothing. Ano naman ang itatago ko, aber?" Pilit niyang iniwasan ang mata ng kaibigan.Pero tinaasan lamang naman siya ng kilay ng kaibigan at tinitigan muli. "I know you Lessandra, from your cephalic to your phalanx. At alam ko kapag may hindi ka sinasabi sa akin. O kaya ay may mga itinatago ka sa akin.""Uh, huh! Kaya pala kada nagtatanong ako noong dumating ka at kahit noong mga nakaraan e wala kang ibang isinas
Nagmamaneho pa lamang si Sandra papunta ng Parañaque Doctors Hospital ng mag-ring ang kanyang telepono.'Good morning Dra Sandra, are you on your way?' Tanong ng nagsasalita sa kabilang linya.'Yes Doctor Rivera, napatawag po kayo?''We have a VIP patient, I think you assisted him once because he is asking for you, also one of my closest friend. Malapit ka na ba?''Few blocks away, Doc. Dadaanan ko lang 'yong coffee ko at derecho na ako diyan.' Paliwanang niya habang nakatingin sa kalsada.'Okay, dumirecho kana lamang dito after you fix your things. Don't let your patient wait okay?'Napakunot naman ang noo niya sa narinig. Sa huling tingin kasi niya sa wrist watch niya ay ahead pa siya ng lagpas isang oras. 8am dapat ang time-in niya samantalang 6:47 pa lamang.'Okay Do
"You've signed it, bes?" Nasa isang cafe' sina Sandra at Ella. Dito nila napiling magpunta pagkatapos nang halos 12hours na shift nila. Wala na rin kasi silang makitang bukas na kainan dahil pasado alas diyes na ng gabi."Yeah. 'Wag mong ipagsasabi ang tungkol dito, bes, ha. Nakalagay kasi sa contract na walang taong ibang dapat makaalam ng pagiging personal doctor ko ng mga Embarcadero. Alam mo naman ang pamilya nila."Kilala kasi ang mga Embarcadero bilang nagmamay-ari sa ilang malalaking establishment at sikat na brand ng sasakyan. Kasama na ang popular na air cargo carrier na nasa ilalim ng Embarcadero Holdings."This is big, bes. Pero hindi ba delikado? Nabasa mo ba 'yong news last year about doon sa pagharang at pagpapaulan ng bala sa sinasakyan nila na galing sa airport?""Of course I know. 'Di mo ba alam na sa hospital natin mismong dinala si Mr. Paul Embarcadero dahil nata