Share

Pretty And Calm

The lady just ignored him like she didn't hear him asking. Sa halip ay parang wala ito sa sariling tumingala habang nakatitig sa nagkikislapang mga bituin na wari'y ngayon lang nito nakita. She even pointed the stars on air and giggled.

Napailing na lamang si Jann na itinuloy ang pagbubukas sa lata ng beer na kanina pa pala niya hawak saka ito ininom.

Crazy. Isip isip niya.

"Why is this place so pretty and calm? I think I want to live here."

Narinig ng binata ang sinabi ng babaeng nasa gilid niya kaya napalingon ulit siya dito. Di niya alam kung ano ang humila sa mata niya para tingnan ulit ito habang inaayos ang mahabang buhok nito. 'Di man niya ito maaninag gaano ay tila naaaliw siya sa ginagawa ng estrangherang katabi niya. Tila nahihipnotismong napapikit pa siya ng maamoy niya ang simoy ng hangin na napakabango na batid niyang dito nagmumula.

The strangers scent is too good for his system.

Tila naman natauhan si Jann ng marinig ang pagsinghot nito. He just look away and continue sipping his beer like nothing happened. He feels awkward kung iistorbohin niya ang pagmo-moment ng babae sa tabi niya na 'di niya alam ang pinagdadaanan. Ayaw niya namang matakot ang babae kapag nahuli siya nitong tinitingan habang tahimik na umiiyak. Baka kung ano ang isipin nito.

Few minutes have pass but he can still hear the lady. At ayaw man niyang isipin ito pero pakiramdam niya ay may mabigat itong dinadala dahil sa tahimik at patuloy pa rin nitong pagsinghot.

He opened the last two beer and looked at the lady again while holding it.

"Beer? It's all I can offer." Tanging lumabas sa bibig niya. Di niya rin kase alam kung anong unang sasabihin niya dahil ayaw niya namang sabihan siya nitong pakialamero o ano man kagaya ng babaeng masungit kahapon na gusto lang naman niyang makilala.

Maganda pa naman ito pero sobra naman ang sungit nito na kulang nalang ata ay sampalin siya kahapon kahit wala naman siyang sinabing masama. Ewan niya, pero napangiti na lamang siya habang naiisip ang mga nangyaring iyon.

Nawala si Jann sa iniisip niya ng biglang kinuha ng babae ang beer na hawak niya at tila uhaw na ininom iyon. Ni hindi nito nagawang lingunin pa siya.

"Hey, drink it slowly."

Bumalik naman sa pagiging tahimik ng babae sa tabi niya na 'di pa rin siya kinakausap o nililingon.

Tumikhim lang si Jann at tumingin sa langit bago inumin ang natitirang beer. "I dont have hanky or anything to offer you." Tanging nasabi ng binata.

"And I will not say 'thanks' or get your name and number, so we could hangout, so." Masungit namang sabat nito na ikinasingkit ng mata ng binata.

That intimidating voice is familiar.

Pag sinu-swerte nga naman. Kilala niya ang boses nito at sa sungit pa lamang ng sagot nito ay 'di siya pwedeng magkamali. The lady beside her is no other than the stranger he seen yesterday. Ito lang naman ang babaeng nagsungit sa kaniya dahil lang sa concern niya dito.

Yes, she's beautiful, but still, ito palang yata ang babaeng nagsungit sa kanya sa islang ito. Simula kasi ng dumating siya dito ay kabilaan ang mga babaeng nagbibigay ng number o humihingi ng pangalan niya.

That's why it amazes him. This weird drunk lady amazes him.

"This is unbelievable. You again?" Napahagalpak ng tawa ang binata. "We are really destined to meet." He said it while drinking his beer empty.

Nakita naman niya ang paglingon nito sa kanya na tila nag iisip kung ano ang sinasabi niya.

Di niya alam pero parang kitang kita niya ang facial reaction nito na di niya makalimutan nang tarayan siya nito kaninang umaga. Pakiramdam niya kase ay ganun na ganoon ang itsura nito ngayon. And he found it amusing. This lady is somehow pretty but weird because he finds it challenging... and adorable. Bahagya niyang ipinilig ang ulo niya.

"Wait... You again?! You---"

"Hey..." Nakita ni Jann ang bahagyang paggalaw nito na tila tatayo. "Hey! Don't curse okay?" Pagak na tawa ng binata.

"Whatever... Just please. I am not in the mood for a conversation or a getting to know shit with a rude stranger." Tanging sagot nito bago bumaling sa alak na hawak niya.

"I am not rude." Simpleng sagot niya.

"Whatever. I am not hearing you."

Bumalik na naman ito sa pagiging cold at tahimik. Pinahid pa nito ang luha sa mata dahil siguro ayaw nitong makita niya na umiiyak ito.

"Will you stop looking?" Basag ang boses na sita niya ng magtama ang kanilang mga mata.

"Look, Miss. I am not here to like get your number or anything... And please, I am not rude." Naiiling na sabi niya.

"I was already here before you came in the first place." Hindi alam ni Jann bat kailangan niya pang mag explain dito para lang ipakita na di siya kagaya ng ibang lalaki na makikipaglandian o ano pa man.

"Will you just shut up? I can't think here. Kung hindi ka mananahimik, puwede kang umalis."

"W-what? You're unbelievable! Nauna ako dito."

"So, ako ang aalis? Ikaw 'tong napaka daldal at ang daming sinasab---"

"Fine." Singit ni Jann at ipinakita pa dito ang sign laguage na ipinapakitang pag-zip ng kanyang bibig.

"Isa pa, hindi ko kailangan ng kahit anong paliwanag mo, 'di tayo close!" Tila batang sabi nito at pakiramdam pa niya ay tinapunan siya ng nakamamatay na tingin. Kung nakikita lamang niya ito ay siguradong kanina pa ito nakairap o sinasaksak na siya sa utak nito.

"I am not talking to you, Mister. Okay?" Masungit na tumalikod ito sa kanya.

"Alright." Tumayo ang binata at saka naglakad papalayo dito.

Akala ng dalaga ay tuluyan na itong umalis kaya naman umayos ito ng upo at tahimik na pinakinggan ang hampas ng alon sa 'di kalayuan.

Napakadaming pumapasok sa isip niya at wala na siyang iba pang gusto ngayon kundi ay uminom para kahit papano ay mawala ang lahat ng gumugulo sa isip niya.

Iinumin pa sana niya ang alak na binigay sa kanya ng lalaki kanina pero tila lalo siyang nainis ng maramdamang wala na pala iyong laman. Marami na rin pala siyang nainom kanina pa pero tila 'di ito tumatalab sa kanya.

Tatayo na sana siya para maghanap ng mabibilhan ulit ng wine or beer ng may bulto ng lalaking biglang umupo sa tabi niya at ibinaba ang mga beer na bitbit nito.

Magsasalita pa sana siya ng maaninag ito pero naunahan na siya nito.

"Stop! You don't want any talking right?"

"Then let's drink without saying anything because I also need that. Let's pretend we are alone. I'm also here to think... May mga iniisip din naman akong problema. Hindi lang ikaw, Miss." Jann just opened the can he's holding and drink it without looking at her like she is not there.

"And Miss... I wont ask for your name or your number just to be clear, okay?" Jann cleared his throat.

Nagdadalawang isip si Sandra kung tatayo ba siya at aalis sa harapan ng lalaking ito o kaya naman ay uupo nalang dahil ito na mismo ang nagsabi na 'di nila kailangang mag-usap. Isa pa nabubwisit pa siya dito dahil sa pagiging pakialamero nito noong nakaraan na ikina-inis niya.

"And this is my peace offering for this morning. It's fine if you don't want it." Cool na sabi pa nito.

She left a deep sigh before sitting beside him and act like she never hear anything. She wants to clear her mind just for this night.

As a sign of accepting the guys peace offering, she gets one beer and opened it without any words. 'Di talaga siya ang tipo ng babaeng makikipag-usap o makikipagkilala sa isang lalaking kakakita niya pa lamang at hindi lubos na kilala. Pero dahil in-assure naman nito sa kanya na 'di siya nito aabalahin kaya naman hindi na siya nagsalita pa.

Wala ng iba pang nasa isip niya kung hindi ay ang uminom para kahit man lang ngayong gabi ay makalimutan niya lahat ng nasa utak niya. Kinabukasan din naman ay babalik na siya ng Manila at 'di na niya makikita pa ang estrangherong nasa tabi niya ngayon.

Mukha namang wala ring pakialam ang lalaking nasa tabi niya dahil ginawa nito ang sinabi niyang 'di nila kailangang mag usap'. Umiinom lamang ito at tahimik na nakaupo sa buhanginan kagaya niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status