Share

Unforgettable Night With A Stranger

Nagising si Sandra dahil sa 'di maipaliwanag na kirot ng ulo niya. Nakapikit niyang hinilot-hilot ang sentido niya pero tila ata lalo lang itong sumasakit. Kinapa-kapa pa niya ang gilid niya para sana bumangon pero natigilan siya ng maramdaman ang paghigpit ng tila kung anong nakayakap sa bewang niya.

Dahan-dahan niyo itong nilingon at halos lumuwa ang mata niya ng bumungad sa harapan niya ang lalaking may balbas at bigote na tulog na tulog sa tabi niya yabang mahigpit na nakayakap sa kanya. Mabilis na natutop ng dalaga ang kanyang bibig bago pa siya mapasigaw sa tanawing bumungad sa kanya.

Pakiramdam niya ay lalong sumakit ang ulo niya ng piliting isipin kung ano'ng mga nangyari kagabi pero talagang hindi niya lahat maalala kung bakit at papaano siya humantong sa tabi ng estrangherong ito.

Nilibot ng paningin niya ang paligid at nang masiguradong wala siya sa kanyang kwarto ay napakagat-labi na lang siya da

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status