Share

Chapter 1

"Papasok ka na ba ngayong semester?"

Busy ako sa paglalagay ng leche flan at putong puti sa styro nang marinig ko ang tanong ni nanay sa akin. Nakaupo nalang ito at namamahinga pagkatapos lutuin ang mga paninda.

"Nay, wala pa po tayong ipon. Diba sabi ko, mag-aaral naman po ako kapag naka luwag-luwag na." I looked at her and smile.

"Pasensya ka na at hindi sapat ang kinikita natin sa pagtitinda para makapag-aral ka sa kolehiyo." nahimigan ko agad ang malungkot niyang boses.

Palagi na lang siya nag so-sorry sa akin kapag nauuwi kami sa topic ng pag-aaral. Kahit ilang beses kong ipaintindi sa kanya na ayos lang talaga ay patuloy pa rin siya sa paghingi ng tawad.

Hindi naman kasalanan ni nanay na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapasok ng kolehiyo. Nakikita ko naman na talagang naghihirap si nanay para makapag ipon.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Binitawan ko muna ang mga ginagawa. "Nay naman, wala kang kasalanan, okay? Basta pangako, kapag gumanda-ganda na ang kita, mag-aaral ako at pagbubutihan ko para makaahon tayo."

After nun ay tumahimik na ulit si nanay. Alam ko ang nararamdaman ni nanay dahil kung ako ang nasa katayuan niya, ganun din ang mararamdaman ko.

"Nay, saan ko po pala ihahatid 'to?" tanong ko sabay angat ng plastic bag na may lamang limang leche flan.

"Basta ibigay mo kay manong guard. Isa raw sa mga nanunuluyan sa condo ang nagpa order niyan."

Buti na lamang at kahit papaano ay kilala na kami sa Samantello Condominiums. Mabait din kasi yung may-ari at pinapayagan kaming magtinda ng leche flan at puto sa pamamagitan ni Kuya Alfred, ang guard sa nasabing condo.

"Magandang umaga, kuya Alfred!" masigla kong bati sa kanya.

"Oh, hija ayan na ba yung order na lima?" he asked me. Tinaas ko pa ang plastic at humagikhik.

"Charan!" inilapag ko ito sa tabi niyang lamesa at kaagad naman sa aking inabot ang bayad.

Napahinto ako nang mapagtanto na sobra-sobra ang ibinigay na pera sa 'kin. Bakit may lilibuhin?

"Kuya Alfred. 150 lang 'yan bakit may three thousand pa 'to?"

Nginitian niya ako at nag thumbs up pa. Lalo akong naguluhan.

"Nabanggit ko kasi kila sir Anthony na estudyante ang nagtitinda niyan at nag-iipon para makapag-aral kaya nagbigay sila ng kaunting tulong para sa'yo." his smiles never faded. Habang sinasabi niya ito ay nakangiti lang siya sa 'kin.

"Hala! Talaga ba? Naku, baka scam 'yan kuya ha! Sino sila nang mapasalamatan ko."

Sobrang saya ko na para na akong maiiyak. Ito ang unang beses na may nagdagdag ng ganitong kalaking halaga. Mayroon na nagbigay na additional twenty pesos, fifty hanggang 100 pero ang umabot sa libo ay tunay na nakakatuwa.

"Kuya Alfred, 'yan na ba yung order namin?" nagulat ako sa bagong dating na grupo ng kalalakihan.

Apat sila at sa mga pormahan palang ay malalaman mo nang nakakaangat sila sa buhay.

"Eto na nga, sir! Nandyan nga po pala si Hydra at gusto hong magpasalamat sa inyo." sabi ni Kuya Alfred.

Humarap siya sa akin kaya nag harapan din ang mga kalalakihan sa gawi ko.

Shet! Oo at tindig palang ang nakita ko kanina pero hindi ko makakailang napaka gwapo nila. Parang nakaka hypnotize ang mga titig nila sa akin.

"Uhm, gusto ko lang pong magpasalamat dito sa extra pong pera na ibinigay niyo. Sana po magustuhan niyo yung gawa ng nanay ko." sa sobrang hiya ko ay hindi ko na alam kung ano pa ang sinasabi ko.

"You're welcome. Pagbutihin mo pag-aaral mo. Actually, my friend right here can make some leche flan, too pero tinatamad. Sige, we'll get going." sabi ng medyo morenong lalaki.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanila. Pumasok na kaagad sila dala ang isang supot na dala ko kanina.

I'm sure na matutuwa si nanay sa ibabalita ko. Madadagdagan na rin ang ipon namin. Malaking tulong na rin ito lalo na at kapag nag-aral ako ay dalawa ka kami ng kapatid kong si Lezzie ang aatupagin ni nanay.

Noon at binalak ko mag working student pero naisip ko na bakit sa iba pa ako tutulong kung pwede namang si nanay ang tulungan ko.

"Nay!" nasa labas palang ay sumisigaw na 'ko. Naiimagine ko na kaagad yung tuwa ni nanay kapag sinabi ko.

"Hydra, nandito ako sa kusina!" dinig kong sigaw niya pabalik.

Naabutan ko siyang nakatalikod at naglilinis ng mga kalat. Lumapit ako at yumakap sa kanya.

"May good news ako sa'yo, nay!" mukhang nakuha ko ang atensyon niya dahil tinitigil niya ang ginagawa at nakangiting bumaling sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at ikinuwento ang nangyari kanina. Mula sa pagpunta ko sa Samantello Condominiums hanggang sa binigyan ako ng extra pera nung mga gwapong lalaki kanina.

"Naku, sino ba 'yan at nang mapasalamatan ko rin ng personal. Hulog ng langit. Naku, kapag may umorder ulit na nakatira sa condo, bigyan natin sila ulit ng pagkain. Para kaunting pasasalamat ba." maganda nga ang ideya ni nanay.

Tumango ako sa pagsang-ayon. Nagkwentuhan pa kami ni nanay nang marinig namin ang tunog ng tricycle ni manong bert na naghahatid-sundo sa kapatid kong si Lezzie.

"Hello, bunso!" kahit 1st year high school na siya, gustong gusto ko siyang bine-baby.

Lumapit siya sa amin ni nanay at hinalikan kami pareho sa pisngi.

"Musta klase? Pinansin ka na ba ng crush mo?" nagulat ako nang bigla siyang namula at tinakpan pa ang kanyang mukha. 

"Tumigil ka nga, ate! Nakakahiya kay nanay." narinig ko ang biglang pagtawa ni nanay.

"Kung mahiya ka sa 'kin parang hindi ako naglaba nung panty mo noong unang araw na dinatnan ka." pati ako ay natawa na sa sinabi niya.

Mas lalong namula ang mukha ng kapatid ko. Naku, dalaga na talaga.

"Sige na, magbihis ka na at mag meryenda. May sandwich pa dyan tapos nakabili kami ng pancit."

Tumango si Lezzie at pumasok sa kwarto nila. Ako naman ay tumulong nalang sa paglilinis.

Kalaunan ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Sino kaya 'to? Dinampot ko sa lamesa at nakita ko kaagad ang pangalan ng bestfriend ko simula nung elementary pa.

"Hello, bes?" narinig ko kaagad ang sigaw niya sa kabilang linya. Lagi nalang ganito si Trixie parang hindi nauubusan ng energy.  

"Wala ka namang gagawin bukas, diba?" tanong niya sa akin na hanggang ngayon ay parang may kung sinong kumikiliti sa kakatawa.

"Meron pero sa umaga lang. Magde-deliver pa 'ko ng paninda."

"Can we go out? Birthday nung classmate ko and invited ako. Ayoko naman magpunta roon ng walang kasama. I don't want to feel lonely." sa boses palang ay mahihimigan mo na ang pag-iinarte.

"So isasama mo ako hindi dahil gusto mo ako makasama kundi ayaw mo magmukhang mag-isa? Pssh manggagamit!" pabiro kong sabi sa kanya.

"Of course not! I want to be with you kasi miss na kita. Tagal na nung huli tayong hindi nagkita dahil busy ako sa pag-aaral." totoo yun.

Si Trixie kasi ay galing sa may kayang pamilya kaya hindi siya nahirapan na magpatuloy sa kolehiyo samantalang ako ay kailangan muna mag-ipon bago makapag-aral.

"Saan ba ang venue nung birthday?"  tanong ko kay Trixie.

Kahit magpaalam ako kay nanay ay papayagan ako nito. Pero uulanin muna ako ng paalala.

"Sa rest house nila. Maraming rooms dun kaya pwede mag overnight. Can we, please? Isang gabi ka lang naman hindi uuwi eh."

"I'll text you kung pinayagan ako ni nanay ng overnight. Tsaka hindi ko kilala kaklase mo kaya baka mag dalawang isip pa si nanay."

"Okay, I understand. Basta text ka kaagad ah! I miss you!" may pagtawa pa ang sabi nito.

Hindi pa ako nakakapagsalita ulit ay binabaan na niya ako ng linya. Tignan mo 'to ang bastos.

Ngayon palang ay magpapa-alam na ako at baka makalimutan ko pa mamaya.

Nang tinanong ko naman si nanay ay nag aalangan pa siya pero pumayag din siya kalaunan nang sabihin ko na si Trixie ang nagyaya sa akin. Marami nga lang siyang bilin.

KINABUKASAN ay sakto lang ang oras nang pagdating ng bestfriend ko. Tapos na ako sa mga gawaing bahay, nakapag deliver na ako ng paninda at nakabihis na rin ako.

Buti kahit papaano ay mayroon akong mga dress na pang-alis kaya hindi ako mag mumukhang alien mamaya dahil sigurado ako na pa bonggahan ang mga suot nila lalo na at sinabi sa akin ni Trixie na mayaman ang kaklase niya.

"Mag-iingat kayo dun." bilin ni nanay bago kami umalis.

Hindi naman pala kalayuan ang venue dahil wala pang isang oras ay nakarating na kami. Wala rin gaanong traffic kaya mas napabilis.

"Invitation po, ma'am?" tanong sa amin ng babae na nag-aabang sa napakalaking gate.

And Trixie said that this is only a rest house. Paano pa yung bahay talaga nung birthday celebrant?

Iniabot ni Trixie ang invitation at sinabi na ako ang plus one niya.

5PM daw ang start ng birthday program and after that, pwede na magsaya. Kaya pala ako pinag baon ni bes ng extra na damit ay may swimming pool dito sa loob.

"Happy birthday, Prim! Here's my gift for you." sabay abot ni Trixie ng regalo niya na napaka ganda ng balot. Yung bagay na bagay dito sa enggrandeng event na 'to.

"Thank you, Trix!" sabi ni Prim at b****o pa sa kanya.

Nang tumingin sa akin ang birthday celebrant ay bigla akong nahiya. Parang gusto kong pagsisihan ang pagsama rito.

"Uhm, happy birthday." bati ko sa kanya. Nang ngumiti siya sa akin nang matamis ay nawala ang kaba ko. Mukha siyang anghel.

"Pasensya ka na at iyan lang ang nakayanan kong regalo. Huwag kang mag-alala at masarap yang specialty ng nanay ko."

Nagliwanang ang mukha niya at sinubukan pang buksan ang paper bag na iniabot ko.

"Oh my gosh. Leche flan ba 'to? Ang tagal ko ng hindi nakakakain nito. Thank you..." sabi nito na parang tinatanong kung ano ang pangalan ko.

"Hydra." inilahad ko ang kamay ko sa kanya na kaagad naman niyang tinanggap.

"I'm Prim. Baka gutom na kayo tara samahan ko kayo sa loob para makakain na kayo."

Hindi nga ako nagkamali. Kumikinang ang mga alahas ng mga nandito. Parang may kompetisyon na nagaganap at ang mananalo ay ang alahas na makakakuha ng maraming papuri at atensyon.

Mabilis na lumipas ang oras. Marami akong nakilala na alam kong pansamantala lang. May nakita rin akong pamilyar pero hindi ako sigurado kung sila nga.

Yung mga kalalakihan na nagbigay sa akin ng pera noong nagpunta ako sa Samantello Condominiums. I don't know why they are here pero siguro ay kakilala sila ni Prim.

Meron ding nagseserve ng wine dahil debut naman na raw ni Prim. Pa welcome sa tunay na pagka dalaga.

Kantahan, sayawan, tawanan at pati ang birthday celebrant ay nagperform kasama ang ate niya. Kumanta siya habang ang ate niya naman ang tumugtog ng gitara.

"Trixie, inaantok na 'ko at nahihilo na ri--" nang lingunin ko si Trixie ay hindi ko siya nakita sa tabi ko.

Mauuna nalang siguro ako sa kwarto naming dalawa. Napag-alaman ko na kaunti lamang ang mago-overnight kaya marami pang spaces ang matitira.

Ibinigay sa akin ni Trixie kanina ang susi ng kwarto namin. Dalawa naman kaming mayroon dahil nasa kanya ang duplicate.

Masyado ko yatang naenjoy yung wine. Hilong-hilo ako na para bang umiikot na yung mundo ko.

Nang makarating ako sa harap ng kwarto ay nagulat ako nang hindi naman naka lock ang pinto. Hindi ko rin maaninag ang number pero parang dito nga kami.

Pagpasok ko ay parang pabango ng lalaki ang biglang umalingasaw pero wala na akong pakielam. Hinubad ko ang heels ko at nahiga na sa kama.

"Hi, baby" dinig kong may nagsalita pero bago ko maibukas ang aking mga mata ay may umatake na sa labi ko.

Nagulat ako at gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa, bagkus ay pareho pa naming diniinan ang halik namin sa isa't-isa. Nakakaliyo ang pakiramdam, masarap at parang nasa ibang demensyon ako ng mundo.

"uhhmm ahhh" I can't contain my moan lalo na nang nagsimulang lumikot ang kanyang kamay. Mula sa likod, sa aking tiyan papunta sa aking dibdib.

The next thing I knew, I was pregnant with the man who took my virginity.

Lalaking hindi ko manlang alam ang pangalan at iniwan nalang ako bigla sa kama. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
ay don pala nabuo si baby jamie
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay saklap nman,yan talaga ang napapala ng umiinom ng sobra na hindi nman kaya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status