Share

His Dark Love
His Dark Love
Author: Chowsow

PROLOGUE

PROLOGUE

Tahimik na nakaupo sa isang sulok ng bar counter ang dalaga habang sumisim-sim sa hawak nitong inumin. 

Marami ang nakatingin sa direksyon ng dalaga dahil sa kagandahang taglay nito. Nakalugay ang mahabang auburn wavy brown hair nito na bumagay sa porselanang balat nito. Natural na mapupulang labi at maliit na matangos na ilong na bumagay sa heart shape na mukha ng dalaga. Her brown hazel eyes looks so beautiful yet emotionless.

Lantad na lantad ang mapuputing hita nito sa suot na pulang above the knee red silk backless dress. Nakapatong ang isang hita nito sa kanang hita dahilan kung bakit maraming naglaway sa makinis at mapuputing hita nito. Kahit nakaupo ang dalaga ay mahahalata pa rin ang gandang taglay ng katawan nito.

She looks so dazzling hot in her dress.

Walang 'tong pakealam sa paligid nito at walang emosyon na nilibot ang buong paningin sa loob ng club.

Lahat ng mga tao sa loob ay sumisigaw ng salitang 'delikado' at kapangyarihan.

Isa 'tong club kung saan dinadayo ng mga criminal upang mag enjoy. Drug lords are everywhere with their sluts. Maingay ang paligid at maraming mga babaeng kulang nalang ang mag h***d at nakalingkis ang mga braso sa mga napiling papaligayahin ngayong gabi.

Ang kaninang maingay na mga tao ay bigla nalang nanahimik kaya napatingin ang dalaga sa may entrada ng club dahil dun nakatingin ang lahat ng tao. 

Pinilig ng dalaga ang ulo pa kanan at tinignan ang limang taong papasok.

Maraming mga babae ang nakatingin sa limang nag gwa-gwapuhang kalalakihan na seryoso at diretso lang ang tingin sa harap habang naglalakad. Lahat ng mga nadadaanan ng limang kalalakihan ay umiiwas ng tingin sa mga 'to.

Their presence silence the whole club.

Their aura shouts authoritative, power and danger. Pero ang nakaagaw ng pansin sa dalaga ay ang lalaking nasa gitna ng lima. Wala 'tong emosyon na naglalakad at seryoso lang ang asul na mga mata nito. Naglalakad 'to na para bang pagmamay-ari nito ang buong lugar.

Napatitig ang dalaga rito.

Halata sa mukha ng lalaki na may lahi dahil sa asul na mga mata nito. He has this messy taper fade haircut. Matangos na ilong at mapupulang basang labi na parang nangaakit na 'to ay halikan. 

Bagay na bagay rito ang suot na black ripped jeans at sa itaas nito ay isang simpleng puting polo na nakabukas ang dalawang butones sa itaas. Dahilan kung bakit medyo nakikita ang matipunong d****b nito.

Nakapamulsa 'to habang naglalakad.

Wala sino man ang nag tangkang humarang sa dinadaanan ng mga 'to.

Napangisi ang dalaga ng magtama ang mga mata nila ng lalaking nangunguna sa pagalalakad. Naramdaman siguro nito ang titig na pinupukol ng dalaga. 

Kahit medyo malayo ang kinaroroonan ng dalaga, nakikita parin niya ang asul na madidilim na mga mata nito.

She saw how his brows knitted to frown.

Nilalaro ng dalaga ang kamay sa lamesa ng bar counter at sumim-sim sa hawak inumin habang nanatiling nakatitig parin sa asul na mga mata ng lalaki.

Umangat ang gilid ng labi ng dalaga.

Naputol ang lang ang titigan nila ng tuluyan ng nakapasok sa loob ng VIP room ang mga 'to.

Pero bago pa 'to tuluyang makapasok sa loob ng VIP room, she saw his eyes gleamed.

Binaba ng dalaga ang hawak na inumin at umayos ng tayo sabay ayos nito sa suot na damit na medyo nagusot dala ng pagkakaupo.

Matapos nun hinawakan nito ang hikaw na suot.

"News?"

"Successfull."

She smirked.

"Good." after she said that she leave the place.

Mabilis na sumakay 'to sa itim na sasakyan na huminto sa harap nito at humarurot paalis.

C H O W S O W

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status