MY COVENANT WITH THE CEO
MY COVENANT WITH THE CEO
Author: JHAZPHER
CHAPTER 1 - WHO ARE YOU?

NARAMDAMAN ni Shy ang mga kamay ni Marcus sa kanyang bewang. Nagising ito sa mga mahigpit nitong paghapit sa bewang niya. Shy visibly feels sore after what she and Marcus did last night. She smiled and blushed with the thought of what happened. Kahit pagod ang kanyang katawan ay masaya siya. Pagkatapos ng mahabang panahon sa wakas naibigay niya rin sa taong mahal niya ang bagay na pinaka-iingatan. Sobrang masaya si Shy doon ni walang bahid na pagsisisi at pag-aalinlangan.

Shy have been in love with Marcus for 3 years now and she can still remember that everytime Marcus approached her to make love to him ay umaayaw siya not because na ayaw niya but it’s just that Shy thought if ever she gave herself and purity to Marcus it would be on a very special day. . 

And this time is different kasi lilipad si Marcus sa US sapagkat siya ang napili ng kanilang Kompanya na magtrabaho doon bilang isang Manager sa isang branch nito na magtatagal for 2 years.Tapos ika-25th Birthday niya na rin at 3rd year anniversary din nila, all at the same time. So, Shy thought that this would be the right time at gusto niyang eh surprise si Marcus.

With Shy's best friend's recommendation Shy booked the finest hotel that they have in the City and with that Shy gave her innocence to Marcus and they both amazingly cherished their first time.

Shy happily shifted position to face Marcus and wrapped her arms around Marcus’s waist too. She never expected that Marcus would be so good and not to mention how she drools over Marcus’s perfectly sculpted physique last night. 

She felt Marcus over her head and gave her a pecked kiss. “ You’re awake, Sheila?” After that Marcusl moved over into her neck and nibbled there for awhile, “You did a great job last night.”

“Huwag ka ngang ganyan Marcus, nahihiya ako but I am happy,” Shy said sweetly habang yakap ng mahigpit si Marcus.

“Sheila?”

“Marcus?”

Shy and the man said in unison. They both paused for a few seconds and the shock was evident within their tone of voice. Nagkahiwalay sila kaagad at nagpapanic na inabot ni Shy ang bed lamp para magkaroon ng ilaw sa loob ng kwarto. 

At nang magkailaw na, Shy was dumbfounded and surprised dahil sa isang estrangherong kaharap niya at di niya kilala. 

“Sino ka?!” sigaw niya dito at dali-daling ipinulupot ang h***d na katawan sa kumot.

“Kwarto ko ito! Sino ka at bakit ka nandirito?!” galit na singhal ng lalaki sa kay Shy. 

Halos mapatalon siya sa lakas ng singhal ng lalaki sa kanya kasabay nito ay nanlamig ang buo niyang katawan habang nag si-sink in sa kanya ang mga pangyayari. 

“Personal na inabot sa akin ng kaibigan ko ang card na ito, Room 420 at dapat ang kasama ko ngayon ay ang aking boyfriend!”

“Huh, seryoso ka?!” the man retorted na may panunuya sa tono nito. He is Daniel Lucas Monteverde isang sikat na business tycoon at CEO ng Monteverde Corp. 

Daniel can’t believe that someone could be so desperate to sleep with him. Mas lalo pa siyang natawa at nainis at the same time ng marinig ang rason ng babae. 

“I can’t believe na pati room number ko ay inalam mo just for you to fulfill your plans in sleeping with me! Did you forget that you willingly climbed into my bed and gave yourself to me?!” napangisi si Daniel ng pagak at tiningnan ng diretso ang babae. “ How much do you want?”

Unti-unting nag si-sink in sa utak ni Shy ang nangyari, binabalikan niya saan ba siya nagkamali sapagkat tama naman ang card number ng room na inabot niya sa kay Joanna na kaibigan niya. She even remembered that before coming to the hotel kung saan siya nagpa book ay uminom pa sila ng kaunti ni Joanna para naman mawala ang kanyang kaba at magkaroon siya ng lakas ng loob para sa surprise at regalo niya sa kay Marcus.

Mas nagpintig ang tenga niya ng tanungin siya ng estrangherong nasa harapan niya na ‘Magkano daw ang perang kailangan niya’ ang walang hiya, nasa isip ni Shy.

 “Di ko kailangan ang pera mo!” galit niyang sigaw sa lalaki “ Nasaan si Marcus?!”

Napahilot ng batok si Daniel habang nagtitimpi sa inis at galit. The woman in front of him seems a little bit strange and unpredictable.

Kagabi naalala niya about scheduling a meet up with Sheila. Nauna siyang dumating sa kwartong ito. Patay ang mga ilaw at narinig niyang may nag swipe in ng card at pumasok sa loob.Buong isip niya si Sheila iyon kasi iyong pabangong gamit ay magkaparehos but unfortunately hindi pa la kasi ngayon lang nag sink in sa utak ni Daniel na ang babaeng nasa harapan niya ang pumasok sa kwarto na pina booked niya at hindi si Sheila. 

Magtatanong pa sana siya ulit sa babae ng timing naman na nag-ring ang phone niya and when he check, it’s Sheila.

“Sheila, anu ang nangyayari?”

“I’m so sorry Daniel, I wasn’t able to to meet up with you dahil pinadala ako ni Papa sa isang importanteng business meeting dito sa province at alam mo naman na pag si Papa mahirap talaga itong tanggihan, isa pa minsan lang siya ganito sa akin kaya sinamantala ko na.”

Nakikinig si Daniel habang panay ang buntong hininga nito, medyo nagtitimpi pero sa bandang huli ay naging okay rin siya at piniling intindihin ang pinupunto ni Sheila, napangisi siya ng pagak sa iniisip.

“Don’t worry meron akong magandang supresa sa iyo pagbalik ko!” humahalakhak na sabi ni Sheila sa kay Daniel.

“Tsss, surprise?” sagot ni Daniel sa kay Sheila kasabay nito ay napatingin siya sa babaeng nasa kama na, nakapulupot sa kumot at masama ang tingin sa kanya. Sa isip niya baka nga pinapatay na siya ng babaeng ito. 

“Syempre naman, ikaw pa ba makakalimot ako?” 

“Oh well, whatever it is I am looking forward for that,” sagot ni Daniel habang inaalala ang ginawa nila ng babaeng nasa kama last night. He can perfectly remember everything. “ Napaka thoughtful mo talaga kahit papaano.”

“Oo naman, and I know you kaya nga tayo nagkakasundo e.” 

“Sige, mag-enjoy ka diyan!” tanging tugon ni Daniel at nag hang up na. 

Sa kabilang banda di magkamaliw itong si Shy habang na-iisip ang katangahan niya habang inaabot ang bathrobe at sinuot iyon pansamantala. Sinubukan niya pang hanapin sa buong kwarto si Marcus pero wala siyang nakita. Para na siyang nababaliw. Hindi niya matanggap that she slept with a stranger. 

Anu pa ang mukhang maihaharap ko kay Marcus pag nalaman niya ito?

Nanlulumo si Shy sa nangyari sa kanya, umupo siya sa kama at isiniksik ang sarili sa sulok at umiiyak. Hindi niya matanggap sa sarili itong sinapit niya. Ramdam niya ang mga nanlilisik na mga mata ng lalaking naka diresto ang tingin sa kanya. Pero wala siyang pakialam dito.

Matapos ang pag-uusap ni Daniel at Sheila ay pinatong ni Daniel ang kanyang phone sa side table nito at nagsimulang magbihis. Wala siyang pakialam sa babaeng kaharap niya. It’s just a good thing that he doesn't need to feel guilty towards Sheila kasi they are purely friends with benefits. Regardless sa mga nangyari at kung sino man ito ay walang dapat makaalam. 

Nang matapos siyang magbihis ay kinuha at inabot niya ang kanyang coat at kumuha ng checkbook, he signed and gave it to the woman. 

“ Ilagay mo diyan kung magkano ang gusto mo at siguraduhin mo lang na walang makakaalam sa nangyari or else you’ll be dead!” mariin na sabi ni Daniel sa kay Shy na may pagbabanta. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status