Share

CHAPTER 2 - UNFORTUNATE

KASALUKUYANG may kumakatok sa pintuan, “ Hello po Mr. Monteverde, this is customer service delivering your breakfast!” 

Napatayo si Daniel na nakabusangot at binalik ang checkbook sa bulsa ng coat niya at dumirestso sa pintuan ng kwarto para buksan ito.

Masarap ang pagkain na inihanda at kasabay nito ay napalingon siya sa babaeng nakaupo sa corner ng bed at niyaya itong kumain, “ Kumain muna tayo.” 

Pero hindi siya pinapansin ng babae bagkus humagulhol pa ito ng iyak. Nagkibit balikat na lang si Daniel at hindi ito pinansin. Masagana siyang kumain then he said, “ Ang nangyari kagabi, I can offer you 5 million or 10 million, name the price pero sa isang kondisyon… walang pwedeng makaalam  nito!” 

At sa puntong iyon ay napatigil si Shy sa pag-iyak dahil sa narinig. Napatingin siya sa harap ng lalaki at tiningnan niya ito ng masama.

 Anu ba akala ng lalaking ito na pukpok akong binebenta ang aking sarili?!

Binalewala ni Daniel ang tingin sa kanya ng babae at sa totoo lang ni hindi niya alam kung paano ba ito paaalisin sa kwarto niya. Ininsulto niya na nga at inofferan ng pera but still wala atang plano itong umalis.

Nanggigil si Shy sa ideyang tumatakbo sa utak ng lalaking kaharap. Kahit na may nangyari sa kanila ay wala sa isipan niyang magpabayad. Mas lalo lang siyang nanggagalaiti sa galit sa lalaking prenteng kumakain sa harap niya.

“Don’t worry, I won’t tell anybody!”

Ni hindi si Shy makapaniwala sa sinabi niya, tanga bakit ba niya kasi nasabi iyon!?

Tahimik na tumayo si Shy at kinuha ang mga damit niya at dumiretso sa bathroom. Nakatingin siya sa salamin na may namamagang mga mata at may magulong buhok. 

Nakakahiya…

Hindi ko inaasahan na ganito ang kalalabasan ng surpresa ko kay Marcus…

Tuluyan ng umalis ang babae at sa pagkakataong iyon ay walang pakialam si Daniel. Enjoy na enjoy siya sa pagkaing kinakain niya at habang nangyayar iyon ay nakita niya ang checking ini-offer niya sa babae na nakalatag sa kama. 

******

NAKALABAS na si Shy ng hotel ng mag vibrate ang kanyang cellphone. Ng tingnan niya ito ay text na nanggaling kay Marcus.

Hinintay kita kagabi sa room natin pero hindi ka dumating, may nangyari bang masama sa iyo kaya wala ka?Okay lang naman at maghihintay pa rin ako. My plane will take off now but the moment I came back ay bibigyan kita ng regalo’ – Love Marcus.

Nagulat si Shy sa nabasa, at totoo ngang wala talaga si Marcus sa kwarto na kung saan siya, kasi naghintay pa la ito sa kanya sa ibang kwarto naman.

Anu ba talaga ang nangyari kagabi?

Possible bang binigyan siya ni Joanna ng maling Room Card Number ?

Pero impossible namang gawin iyon ni Joanna ang ganoong bagay…

Ibinalik ni Shy ang kanyang cellphone sa bag niya at napatingin sa paligid, lahat ng tao busy at si Marcus magiging busy na rin siya sa oras na makaalis siya at sa pagbabalik nito walang kasiguraduhan kung magiging sila pa ba ni Marcus o hindi. 

Iniisip pa lang ni Shy na maghihiwalay sila ni Marcus ay pinipiga na ang kanyang puso.

Joanna may ginawa ka ba talaga?

Hindi pa rin mawala sa isip ni Shy na baka may kinalaman si Joanna sa nangyari kagabi. Pero iyon lang ang tanong sa isipan niya bakit naman gagawin ni Joanna iyon?

‘The number you dialed is not yet in service’...

Dinig na sabi ng automated system sa kay Shy when she attempted to call her best friend Joanna.

Sa kasamaang palad walang sumagot sa tawag niya.

******

SHY took a leave of absence sa company na pinagtra-trabahuan niya. Kasama ng durog na durog niyang puso at pagod na katawan ay sumakay siya ng bus pauwi sa kanilang probinsya. 

Naisip niya na sa pag uwi niya ng probinsya kahit papaano ay makakapag pahinga siya sa pagod ng katawan at sakit ng puso na kanyang nararamdaman sa ngayon.

Pero pagkabukas pa lang ng pinto ng bahay nina Shy sa probinsya alam na alam niya na hindi niya mahahanap ang pahinga na hinahangad niya– sana.

“Pag p****k talaga ang Nanay sadyang p****k rin ang magiging anak nito! Tingnan mo nga iyang magaling mong anak ka babaeng tao e’ siya pa talaga pumunta sa hotel ng lalaki at nakipagsiping!”

Nakita niyang nakaluhod ang kanyang Nanay at ang kanyang Lola ay may mga litratong tinapon sa pagmumukha nito. 

Nanginginig ang Nanay ni Shy sa dahilang matagal na itong nakaluhod, nakita rin ni Shy ang mga sugat nito sa mukha at noo nito.

Minamaltrato at sinasaktan na naman ng Lola niya ang kanyang Nanay pero sa ngayon wala siyang ideya kung bakit.

“Nay–” halos sigaw na sambit ni Shy, nailalag niya ang kanyang bag sa sahig at mabilis na lumuhod sa tabi ng kanyang Nanay upang ito ay alalayan at yakapin pagkatapos tiningnan niya ang Lola niya. 

“Anu ba ang nagawa ni Nanay sa iyo para saktan niyo na naman siya ng ganito?!”

Tiningnan si Shy ng masama at puno ng pandidiri ng kanyang Lola at may mga litratong kinuha mula sa lamesa at tinapon sa kanyang pagmumukha.

“Aba, may pagmumukha ka pa talagang ihaharap sa akin at tanungin ako anu!” madiin na sagot ng Lola ni Shy sa kanya habang dinuduro-duro siya nito.

Sabay silang tiningnan ng masama ng Nanay niya ng kanyang Lola na puno ng galit at pandidiri.

“At ngayong araw na ito may taong nagpadala ng mga litratong iyan na nakipagsiping ka sa isang lalaki sa isang hotel at ang gawain na iyan ay gawain ng mga putang kagaya niyo!”

Ng marinig ni Shy ang mga katagang sinabi ng kanyang Lola ay parang nawala lahat ng dugo sa kanyang katawan at agad na pinulot ang mga litratong nakakalat sa sahig. 

Paano ito nangyari? 

Bakit may mga litrato? 

Saan nanggaling ang mga ito?

At paano ito napunta sa Lola niya?

Napaawang ang bibig ni Shy sa sobrang gulat sa bawat pangyayari, “ Lo-Lola…”

Sinubukan niyang magsalita para sana magpaliwanag but unfortunately she couldn't utter even just a single word dahil sa totoo ang lahat ng nasa litrato. 

Narinig niya na lang na sinubukan ng Nanay niya na magsalita upang magpaliwanag. Pero bago pa makapag umpisa sa pagsasalita ang Nanay ni Shy ay naputol ito ng hampasin ng napakalakas ng Lola ni Shy ang kanilang lamesa ng mga kamay nito 

“Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan para magpaliwanag? Hindi mo ba nakikita ang mga litratong iyan na tadtad ng pagmumukha ng malandi mong anak!?” Pagsisigaw ng Lola ni Shy sa Nanay nito.

“Anu ba ang nangyayari sa mga babae sa pamilya natin, ni hindi niyo na binigyan ng kahihiyan! Una ang Nanay ngayon naman ang anak! Mga wala na nga kayong silbi dito puro pa kahihiyan ang binibigay niyo!” 

Pag hy-hysterical ng Lola ni Shy at hinampas ang Nanay nito ng baston na hawak-hawak nito.

Pagkatapos di pa ito nakuntento at may isang bagay na hinablot ang Lola ni Shy ulit para ihampas ulit sa noo ng Nanay nito kaya dali-daling lumapit si Shy sa Nanay niya para iiwas ito at yakapin mula sa ihahampas ng Lola niya.

Isang matigas na bagay ay tumama sa likod ni Shy at nabasag ito sa sobrang lakas ng pagkakahampas ng Lola nito, naging pira-piraso ito at  isa-isang nahulog sa sahig. 

Nakaramdam si Shy nang sobrang sakit ng impact nito sa likod niya na para bang unti-unti itong napapaso sa sobrang init.

“Sh-Shy, anak!” Halos natatarantang sigaw ng Nanay niya sa kanya,” Sa-saan ba masakit anak?”

Tanging pagpilig lang ng ulo ang naging tugon ni Shy sa kanyang Nanay kahit na ramdam niyang namumula na ang kanyang mga mata sa sobrang sakit na nararamdaman niya sa likod niya. Napangiwi si Shy sa sobrang sakit.

Masakit?

Pero wala ito sa kalingkingang sakit na dinanas ng Nanay niya sa malupit niyang Lola ng mahabang panahon.

Shy’s grandmother just smirked and could careless sa sitwasyon nilang mag-ina. Naiinis ata itong makita ang pagmamahalan na meron silang mag-ina sa harap niya o kung anu pa man ay sadyang di niya talaga ito maintidihan kung bakit sobrang mainit ang dugo nito sa kanila ng Nanay niya. 

******

KINAUMAGAHAN isang palabas sa TV ang natapos at sinundan ito ng news, at tungkol ito sa mga litratong nakalap sa isang finest hotel sa syudad.

“This morning the CEO and the only heir of the Monteverde Corp. was secretly photographed in one of the finest hotels in the City and in these pictures he’s with a woman and everything is so messy…”

Tinitigan ng Lola ni Shy ang mga litrato na isa-isang pinapakita sa TV pero hindi siya nagalit bagkus ng makita niyang lumabas ng kwarto ang Nanay nito at si Shy ay binati niya pa ang mga ito ngunit ng insulto.

“Grabe na talaga ang mga makasalanan ngayon pati sa TV nakabalandra ang kasalanan at kahihiyan! Sobrang nakakahiya na may mga p****k sa pamilyang ito!”

At dahil sa tinuran ng Lola ni Shy ay napadako sa TV screen ang mag-ina. Doon nakita ni Shy na nasa TV ang mga litratong pinakita kahapon ng Lola niya sa kanila ng Nanay niya. 

Napayakap na lang sila sa isa’t-isa, wala na siyang oras para mag-isip kung paano at kailan nagsimula at bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa buhay niya. 

Pinagbawalan silang lumabas ng bahay ng Lola niya dahil sa kahihiyang naidulot ng scandalusong mga litratong iyon sa pamilya nila. 

Kaya walang may nangahas na lumabas kasi pag nagkataon sabi ng Lola niya hindi-hindi na raw sila makakablik pa dun at tuluyang ng palalayasin. Ayaw naman ng Nanay niya na umalis kaya inis na inis si Shy.

Bakas pa ang mga sugat na natamo nila ng Nanay niya galing sa Lola nito sa kanilang mga mukha at sa katawan ni Shy kagabi. Habang magkayakap ang mag-ina at magkaramay sa sakit at bigat ng kanilang sitwasyon ay may narinig ang mga itong yabag sa labas ng pintuan ng kanilang bahay. 

“Nay!” 

Dinig ni Shy sa sigaw ng isang lalaki at nang mapalingon ito sa may pintuang bumukas ay nagkaroon si Shy ng pag-asa sapagkata nakauwi na ang Tatay niya. Kahit papaano’y may kakampi sila ng nanay niya laban sa Lola nitong sadista.

Nagtama ang mga mata ni Shy at ang Tatay nito, and Shy is expecting na sana magawa silang ipagtanggol ng Tatay nito sa Lola niya pag makita ang kanilang sitwasyon at pagmumukha.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status