Share

Chapter 5: The Love Story of Novie

Chapter: 5

“Kringg kringgg…” tumunog ang cellphone ni Novie. Napangiti ito nang makita ang pangalan ni Justine sa screen.

“Uy! Tulog na! Hating gabi na kaya!’’ bungad nito kay Novie.

Agad naman nitong tiningnan ang oras at nagulatpa siya mag aala-una na ng umaga.

              ‘’Uo nga, hindi ko napansin ang oras!’’ Sagot niyang nag aala-la.

‘’Paano naman kasi hindi ka mapakali! Hulaan ko naligo ka na ano? Para magbibihis ka nalang  bukas, aminin!’’ Pangungulit nito sa kaibigan.

              ‘’Sige na Justine kailangan ko na talaga matulog. See you bukas.’’ Bilin ni Novie bago ibinaba ang telepono na walang balak patulan ang kakulitan nang kaibigan.

’Novie goodluck!  Ito na ang simula ng pagbabago nang buhay mo! Fighting!’ Paalala niya sa kanyang sarili habang nakahinga at naktitig sa kulay puti na kisame. Bigla namang nagbago ang anyo nang kanyang mukha nang maalala ang mga trahedyang nangyari sa kanilang buhay ng kanyang anak. Apat na taon nang namatay si Nathan at sumunod ang kanyang ama pagkalipas ng dalawang taon. Pero sariwa parin sa kanya ang pait at ang sakit nang pagkawalan. Naputol ang kanyang pag-iisip nang tumunog ulit ang kanyang telepono.

             

‘’Kringg..krinngg..’’

 ‘’ Bakit ba? Ano nanaman? Kung atyaw mo matulog magpatulog ka!’’  bulyaw niya sa tumawag.

‘’Gaga si Chai ito! Sino ba kaaway mo sa des oras nang gabi? Hmm mukhang LQ iyon ah! May hindi ba ako alam Novie Kuar? Aminin!’’ pang bibintang nang kausap nito.

 ‘’Chai?’’ Tanging sagot nito sa kaibigan.

‘’Uo, kamusta kana? Namiss kita.’’ Excited na tanong ni Chai.

 Si Chai isa sa mga kaclose niyang kaibigan maliban kila Nathan at Justine. Isa siya sa pinakatanyag sa aming paaralan nun elementarya pa lamang sila, ngunit ‘di masama ang kanyang ugali, di tulad ng ibang mga bata na mayayaman at proud sa sarili. Lumipat sila sa Europa para dun magpatuloy ng kanyang high school. Samantalang ako naiwan at sakto din nang mga panahong iyon nagkakilala kami nila Nathan at Justine.

              ‘’Ito opisyal na nanay ko na si Tita Cathy, tumatanda narin at walang kasama sa buhay. Gusto ko din mapalapit siya kay Styles.’’ Mahabang paliwanag niya dahil matagal-tagal nadin silang hindinag usap buhat narin nang time zone difference.

‘’Alam mo good news! Next year dyan na kami tityra for good sa ating lupang sinilangan! Permanent na si Kuya dyan as Cardiologist. Basta kukwento ko sayo ulit. Kukwento mo din sa akin ang love life mo. HAHAHHAAH!’’ Pang aasar nito kay Novie.

‘’Sira! Ewan ko sayo lahat nalang ng guapo pangaarap mo! Hindi ko maintindihan, maganda ka naman at mayaman professional.Habulin ka nga nung elementarya tayo pero single ka padin hanggang ngayon. Alam mo magbawas ka nang standard kaya.’’ Mahaba niya kuda sa kaibigan at ago pa man ito makasagot agad na siyang mag paalam dagil sobrang late na.

              Pagkatapos nang kanyang klase dali-dali siyang umuwi tsaka umupo agad sa kanyang swivel chair sa harap nang study table. Inikot-ikot pa niya ang upuan at humugot nang malalim na hiniga tsaka bumuga nang hangin. Nagbilang muna  siya hangang tatlo na nakapikit ang mata at pagkabukas nang kanyang mata dahan-dahan din niyang binuksan ang kanyang email para tingnan ang katuparan nang kanyang pangarap na maging shoes designer sa isang malaking company na halos pinapangarap nang lahat.

 ‘’Congratulations for being part of our designing team!’’ Mensaheng natanggap niya, binasa niya ito nang paulit-ulit tsaka sumigaw.

‘BINGGO!’ It’s really really happening!’ malakas ang kanyang boses na hindi parin makapaniwala sa magandang mensaheng natanggap.

----

Samantalang si Miguel excited na ma meet ang kanyang naging surgeon sa France. Pareho silang may dugo na Filipino kaya siguro iba talaga ang pakiramdam pag alam mong connection na kayo agad by history.  Mahigit isang taon na raw itong lumipat sa pilipinas pero ngayon lang sila magkikita. May bagong surgeon na si Miguel pero iba padin iyong taong pinakautangan niya nang bagong buhay dahil sa successful na paghandle nito nang kanyang surgery. Hindi lingid sa kalam nang lahat na ang operasyon sa puso ay isang mapanganib na hamon kaya hindi niya nakakaligtaan lahat nang taong tumulong sa likod nang kanyang pangalawang buhay. Lalo na sa organ donor nito na hindi manlang niya nakilala kahit mga kamag anak nito.

Plano nito Pagkatapos niyang makipag kita sa kanyang dating surgeon lilipad ulit ito ng France para sa ilan pang mga business at ducumentong naiwan dun. Gusto din niya makapag aalam nang maayos sa mga kaibigan at kamag anak sa kanyang father side.

----

‘’Justine! Justine! Come for dinner tonight! Don’t be late!’’ sigaw ni Novie sa telepono habang kausap ang kaibigan.

‘’Napangiti si Justine, alam na nitong may good news sa ang kaibigan at alam din niya kung ano ito. Masasabi niyang kilala na nito ang dalaga sa tagal at lalim nang kanilang pinagsamahan. Napangiti ito habang na iimagine ang mukha nang kaibigan kung gaano ito kasaya. Naisipan niyang magdadala nang flowers to congratulate her.’’

Pagkatapos niya makausap si Justine kumaripas ito nang takbo sa hagdanan, walang pakialam matisod man ito o malaglag.

              ‘’Tita Cathy, Styles!’’ humahangos pa niyang sigaw.

‘’Bakit anyari?’’ nag-lalang tanong ni Tita habang mabilis na sinalubong ang anak-anakan. ‘’I passed! I passed!’’ maluha-luha nitong sambit. Sabay yakap sa dalawa at nag kaiyakan na, habang si Styles nakiiyak na rin kahit hindi alam kung ano ang mga nangyayari sa sandalling iyon.

              Dali-dali silang nag nag ayos sa kusina, hindi alintana ang pagod buong araw sa trabaho.

Kumakanta pa si Novie habang abala sa paghahanda nang biglang my pamilyar at malambing na boses na bumulong sa kanya. Napalunok pa siya sa sobrang lapit nito, ramdam niya ang init nang hininga ng lalaki.

‘’Conratulations!’’ Lumingon ito at tumambad ang makisig na katawan ni Justine habang titig na titig na nakangiti sa kanya. 

“Kanina ka pa ba dyan?” awkward na tanong ng dalaga.

“Sakto lang, habang pinapakinggan kang kumakanta.” Namula ang kanyang pisngi sa sinabi ng lalaki.

Niyakap siya ni Novie pero nag iba ang kanyang expression na tila balisa at hindi mapakali.

‘’Tin are you okay? Parang nakakita ka nang multo.’’ Kitang-kita ang lito sa kanyang mukha.

Hinga lang nang malalim ang kanyang tugon at inabot kay Novie ang dalang bulak-lak.

‘’I’m just happy for you,’’ mahinang sabi ni Justine

----

Sa mansion anng mga Stok saktong alas sais na nang gabi at dinig na ni Manang ang busina nang sasakyan sa labas. Dali-dali siyang naglakad tungo sa gate para pagbuksan si Jingky. May dala itong paper bag na medyo mabigat.

‘’Manang bilisan mo naman please ang bigat nitong dala ko!’’ Sabi nito na nakasimangot. ‘Mabuti nalang at may please ito kung hindi hahayaan kita dyan sa dala-dala mong yan.’ bulong ni Manang sa sarili.

‘’May sinabi ka ba?’’ tanong ni Jingky na halos mag pang abot ang kilay.

‘’Wala, sabi ko mukhang pagkain itong dala mo.’’ Sagot nang matanda na pilit ang ngiti.

Hindi na ito sumagot sa matanda instead nag paalam nalang ito sa humatid sa kanya tsaka iniwan ang matanda para magbuhat nang mga dala niya.

“Hello tita!” bati nang dalaga sabay halik sa madam. Naka maikling short ito at sexy na Croptop ang pang itaas. Niyakap niya ang Madam at hinalikan pa.

“Hello Jingky! Welcome home iha,’’ Hinalikan pabalik nang Ina ni Miguel si Jingky.

“Manang please paki serve nito mamaya.” Bilin ni Jingky sa mayordoma bago sila tumalima papuntang living room para duon maghintay kay Miguel na nasa itaas.

Habang nag uusap sila sa living room sa harap nang malaking tv screen masayang nakangiti si Jingky sa nakikita nito ang malaking litrato ni Miguel na nakasabit duon. Sandali pa at naririnig na  nilang pababa na si Miguel kaya bigla itong tumayo at nagpaalam sa madam na tutulong sa paghanda nang hapunan.

              ‘’Manang baka naman pwede mong bilisan gumalaw, nasa baba na si Miguel, ang bagal eh!’’ Iritang sabi nito sa matanda.

Pilit namang hindi ipinapahalata ni Manang na hindi ito masaya pag nandyan si Jingky. Wala naman kasi siyang magawa kasi malapit nga ito sa mga amo.

Nang dadalhin na ni Manang ang pagkain para eserve agad itong inagaw ni Jingky na ikinabigla ng matanda na muntik pang matapon ang hawak nitong mangkok na may lamang ulam.

“Akin na yan! Ako na mag seserve, mag ayos at maglinis ka nalang dito.’’ At nagmamadali pa itong nagtali nang buhok at nag suot rin nang apron, kunwari siya ang naghanda nang lahat. Walang imik namang sinunud nang matanda ang utos sa kanya.

“Hello Miguel! Alam kong gusto ‘nyo ito ni tita, a seasoned salted crab. We used to have this in France kung naalala mo pa right?” Magiliw na pag-papaalala ni Jingky sa binata habang maingat na naglalapag nang pagkain sa mesa.

“Hi Jingk! Nag abala kapa, salamat dito.” Hinalikan ito ni Miguel sa pisngi, ngunit bigla nitong dinikit ang dibdib sa kaibigan. Medyo nabigla si Miguel nang maramdaman ang umbok nang dibdib nito pero hindi niya ito ipinahalata. Hindi niya alam kung sinadya ba ito nang kaibigan o aksidente lang lang talaga, dahil hindi naman ito ang pagkakilala niya kay Jingky. Samantalang abot tenga naman ang ngiti ni Jingky sa ginawa sa lalaki. 'Nagsisimula palang ako Miguel may love,' bulong pa nito sa hangin

Dahan-dahang tinanggal ni Jingky ang kanyang apron sa harap ni Miguel at ipinatong ito sa gilid nang mesa tsaka agad umupo sa tabi ng lalaki. Habang kumakain silang tatlo sinasadya ni Jingky na ipihit ang kanyang suot pang iba-iba na kitang-kita naman ni Miguel. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nang kaibigan pero pilit kinakalma ang sarili para hindi mahalata nang kanyang ina.

----

Araw-araw lalong lumalalim ang nararamdaman ni Justine kay Novie ngunit wala siyang lakas nang loob para ipaaalam ito.  Ayaw niyang mabigla ang kaibigan lalo pa at parang magkaptid ang turing nila saisa’t-isa.

Pagkatapos nila kumain niyaya ni Justine si Novie sa loob ng sasakyan. May kinuha siya at inabot sa dalaga.

‘’Ano to? Bakit ako yata ang na surpresa?’’ Gigil niya habang excited na binuksan ang paper bag. Tipid na ngiti lamang ang tugon ni Justine sa kanya habang magiliw na tinitingan ang kaibigan na sinisilip ang laman nang paper bag.

‘’Omg ang ganda ng dress! Akin to talaga?’’ Sinusukat-sukat pa ang lampas tuhod na kulay itim na damit. Sexy ito at mukhang mamahalin,Uumikot-ikot pa si Novie na tila nagrarampa habang nakatingin kay Justine. Si Justine naman parang lutang na nakaktitig sa kaibigan, hindi niya nilulubayan nang tingin ito at puro compliment lang ang sinasagot sa tanong ni Novie

  ‘’Iyan ang isusuot mo bukas at sasabay ka na sakin para hindi muna kailangan mag bus papuntang office!’’ Demanding na habilin na sabi sa kay Novie.

‘’Nope! Not tomorrow, ayaw ko makita nila magkasama tayo. Ibig kong sabihin ayaw ko isipin nila na natanggap ako dahil sa connection.’’ Nag aaligan na sagot nito na nasa damit parin ang atensyon.

‘’Sige, alam kong di kita mapipilit for now. See you tomorrow, pero huwag mong kalimutan na malalaman din nila na magkasabwat tayo kaya mabuti nang ngayon palang sanayin na natin sila.’’ Sigaw ni Justine na habang papalayo itong nagmamaneho pauwi, tiningnan naman siya ni Novie ng nakangiti hanggang sa mawala na sa kanyang panigin ang sasakyan.

------

              Pagkatapos nila kumain nang hapunan at dessert sa mansion duon nila sa living room hinintay ang Mommy ni Jingky na dadaan sa kanya.

 ‘’So balita ko bukas na ang flight mo sa Frace? I should join you kung pinaalam mo nang maaga saakin.’’

 Nagtatampomg lambing ni Jingky sa binata, napatingin naman ang ina nito kay Miguel. Medyo nagulat ito sa kalantaran ni dalaga pero sa isip niya dyan na rin naman sila papunta, hindi na sila mga bata. Bago pa man makasagot si Miguel naririnig na nila ang busina nang sasakyan sa labas nang mansion.

              ‘’Mom is here kung wala lang silang meeting mamaya gusto ko pa sana mag stay Tita pero alam mo na gabi yong meeting nila Europe time, so mauna na ako. See you Miguel pagkabalik mo!’’ Binigyan nito nang makahulugang ngiti ang lalaki bago lumabas ng pintuan.

-----

Habang nakadungaw si Novie sa bintana, tahimik ang gabi. Ang daloy nang hangin gumagapang sa kanyang balat. Ang langit na puno nang mga bituin na parang sumasayaw at huni ng mga krikit na parang nagsasaya. Lumingon siya sa kanyang study table kung saan nakapatong ang family picture nilang pamilya. Kinuha niya ito at tinititigan, kitang-kita ang saya sa mga mata ani Nathan.

’Babe please gabayan mo ako sa bagong buhay na tatahakin ko, I need this at ipapatuloy ko ang aking pangarap, I promise you!’ Habang kinakausap ang litrato. Hindi niya napigilang haplusin ang kanyang mukha na tila nakatingin at nakagiti sa kanya. Ibinalik nito study table ang litrato at inikot ang kanyang paningin sa buong kuarto. Nahagilap nang kanyang mata ang regalong damit galing kay Justine kong saan nakasabit ito at ready nang isuot para bukas.

Hindi na niya namalayang nakatulog siya at nagising nalang sa tunog ang pamilyar na alarm tone nang kanyang cellphone.

 ‘The day had finally come! Ang daming pumapasok sa aking isipan, but what more surprising was the sudden gosh of emotions I felt. I was excited about discovering the new face of my life, feared the unexpected and sense of feeling of loss and nostalgia. Ang mga pintuan nang aking kuarto tila walang mga sagot sa dami-dami kong naisip at mga tanong.’

Narinig niya ang mahinang katok ni Tita Cathy habang tinatawag ang kanyang pangalan. Dali-dali itong bumangon at lumabas nang kuarto na naka pajama pa. Naamoy agad nito ang mabangong almusal na hinanda ni Cathy.

‘’Kumain kana muna, ako na gigising at magpapaligo kay Styles.’’ Nakangiting tugon ng Tita Cathy niy habang inaayos ang baon ni Styles.

Limang minuto lamang ang tagal nang pagligo ni Novi, mabils itong nag bihis at naglagay ng kunting make-up. Umikot-ikot pa ito sa harap nang salamin bago lumabas.

‘’Beep..beep…’’ Good morning gorgeous see you later! Goodluck!’’ text message sa kanya ni Justine. Nag reply lamang ito nang thumbs up dahil nagmamadali.

 Kahit medyo medyo naging busy ito at hindi masyadong napag tuunan nang oras ang sarili pero litaw padin ang pagiging half-pinay at Punjabi nito.

Nakatayo siya sa harap ng kulay blue na gusali  na hindi mabilang kung ilang palapag ito sa taas nito. The atmosphere of the corporate world that seemed like a shroud around it that greeted her. Maaga pa pero marami nang emplayadong pumapasok sa building.

 Sa kwento ni Justine bigatin ang mga nagpapatakbo nang building na ito. It’s no secret that they also attracted the big investor. This place is no less than a palace!

As she walked through the lobby felt like the sound of her footsteps echoed through the building. Nakita niya ang receptionist maganda at elegante, inabot nito sa kanya ang kanyang approved application letter and she directed  her to the marketing department kung saan siya mag tatrabaho. May apat na empleyado na naka upo sa kani-kanilang pwesto pag pasok ni Novie. Tatlong babae at isang lalaki.

‘’Good morning!’’ bati niya sa mga ito. Prang nakakita sila nang multo sa paraan nang pagtingin nila kay Novie. Sa mga oras na iyon parang gusto na rin nitong gumuho ang gusali at isama na siya, pero pinilit niyang lakasan ang kanyang loob.

‘’My name is Novie at baguhan po ako,’’

 nakangiting pag papakilala nang kanyang sarili. Bago pa man sila sumagot biglang bumukas ang isa pang pintuan sa gilid.  May lumabas na magandang babae. Naka heels ng mataas at naka skirt nang maikli, na kunti nalang lalabas na ang kaluluwa. Saglit itong napatigil sa paghakbang at tiningnan siya na parang sinusuri mula ulo hanggang paa.  Inikot ang tingin sa paligid bago tumingin ulit sa kanya nang isang beses tsaka ngumiti.

‘’Good morning, I’am Jingky at ako ang head ng Marketing team A, May dalawang team sa depart ng marketing at designing.  

‘’Welcome to Team A. Miss Kuar, and I hope you will enjoy working with us.’’

‘’Dito ang iyonang upuan Miss beautiful.’’ Agaw nang isang lalaki na nakaupo sa tabi nang bakanting mesa.

‘’May name is Christopher, but you can call me tep para sosyal tunog babae!’’ Dun niya napagtanto na binabae ito. Maputi at guapo siya at hindi sana niya nahalata kung hindi pa itong nagsalita at nagpakilala.

 Nagkatawan nalang sila habang si Jingky bumalik na sa kanyang mesa. Tahimik ang lahat habang busy sa mga ginagawa, napatingin si Novie sa bintana kong saan nakaupo si Jingky sa loob nang kanyang sariling opisina dahil bukas ang blinds na bintana nagulat ito nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Medyo awkward pero mabilis din na nakabawi at ngumiti sa team leader.

‘’Sis mabait naman yang leader natin, pero ingat ka sa mood niya, nangangain nang tao yan pag galit.’’ Bulong ni Tep habang nakataas ang kilay at pinaikot-ikot pa ang eye balls.

‘’Share ko lang sayo baka interesado ka,’’ dag-dag pa nito at pinagpatuloy na ang kanyang task.

‘’Miguel listen!’’ Sigaw ni Jingky sa kanyang kausap sa kabilang linya habang nagmamadaling lumabas sa opisina.

‘’Game over!‘’ sabat ni Tep. ‘’Kahit anong gawin mo bagay padin sila, kaya wag kang mag ilusyon namg game over ‘dyan!’’ Sagot naman ni Mara sabay ikot ng swivel chair sa harap ni Tep.

              ‘’Isa pang impaktang alepores!’’ bulong nito sa hangin habang inaayos ang papelees sa kanyang harapan.

Hindi ko alam kong ano ang pinang galingan pero ramdam ko agad ang preassure sa uang araw nang aking trabaho.

‘’Uo nga pala Novie first day mo ngayon so wag mong iisiping umuwi agad, iinom tayo at dahil wala ka pang sahod kami muna.’’ Nakapamiwang na habilin ni Tep.

‘’ Hindi ka pwede mag complain policy iyon!’’ dag-dag ni Sarah habang nakangiti sa kanya. Mukhang friendly at mabait ito hindi tulad ng Sarah na parang bugnutin.

‘’kilangan ba talagan ngayon araw? Pgkaka alam ko my formal dinner naman tayo next week para sa mga baguhan dito. Nag promise kasi ako sa aking anak na ako susunduin ko siya sa kanyang school after office.’’

              Paliwag nitong parang nakikiusap na tono, ‘’What did you say just now now? Tama ba ang narinig ko may anak kana niyan?’’

Nanlaki ang mga mata nila habang hinihintay ang isasagot niya.

              ‘’Baka maagang lumandi!’’  Umiinit an kanyang tenga sa narinig na iyon.

 ‘Asal hayop tong hindi naman kagandahan!’ bulong niya sa hangin. Pinilit kinalma ang sarili at tiningnan na lamang niya ito nang masama.

‘Hindi ang tipo mo ang dapat kung pag akasyahan nang aking oras!’ Paalala nito sa sarili. ‘Besides first day ko ngayon kaya ayaw ko masira ito.’’

Yvaine

Happy Reading!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status