Share

Chapter 1.2

Venus POV

Ang aga ko kasing pumunta kanina sa publication company pero hindi naman ako ang inuna. Ang dami kong na-realize sa bawat araw na nagdadaan sa buhay ko.

Biglang naging tahimik ang paligid, kaya naman ay napatingin ako sa dance floor. Kung kanina lang ay halos siksikan sila d'yan ngayon naman ay ni-isa wala ng tao doon.

Bakit? Ano kayang meron?

"Ladies and gentlemen, let's all welcome! The owner of Pub Palace! Mr. KD AMONTE!"

Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig, what?! Si KD ang may-ari nitong bar?! Halos magtago na ako sa kinauupuan ko, kahit na nandito kami sa madilim- baka nakita na n'ya ako!

Pinsan ko si KD. Anak s'ya ng kapatid ni papa. Simula kasi ng umalis ako sa amin ay wala na rin akong naging kontak kahit na kanino sa mga kamag-anak ko. Mas lalong hindi sa pinsan kong 'to!

"Good evening everyone! I'm so happy that you're all here to support me! To my friends, family and even to my staff's I'm very thankful for your support! Please, enjoy your drinks! Thank you!"

Agad itong umalis sa dance floor at muli na namang nagsimulang umingay.

"Tangina, ang pogi no'n ah?!" Si Penny na mukhang bigla nalang nawala ang kalasingan.

"Magka-apilyedo ata kayo bessywap?" Si Hailey na nasa gilid ko na pala!

"Ha?" 'yon nalang ang tangi kong nasabi habang sinusundan ng tingin ang pinsan ko.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot, galit kaya s'ya sa 'kin? Nagtatampo? Siguro baka nga ganoon! Bigla nalang akong umalis at hindi ko man lang ipinaalam sa kanya! Bakit ko nga ba kailangan pang itanong? Tsk.

Sa lahat ng pinsan ko ay si KD ang pinaka kasundo ko, kaya nga mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na umalis dahil sa kanya. Inggit na inggit ako dahil nagagawa n'ya ang mga bagay na gusto n'ya. Tulad nalang noon sa mga course na pwede niyang i-take, samantalang ako ay dinidiktahan ni daddy kung ano nga ba ang dapat kong gawin.

Bumuntong hininga ako at humarap sa dalawa kong kaibigan, hindi din sila aware sa totoong sitwasyon ko. Ang alam lang nila ay nasa probinsya ang mga magulang ko. Nakilala ko lang sila noon sa dati kong trabaho hanggang sa ayon, nagdesisyon nalang kaming magsama-sama sa iisang apartment.

"HUAAACKK--"

Bigla nalang akong napatayo ng sumuka si Penny ng malala! Maging si Hailey ay nataranta na natatawa sa nakikita.

"Gagi- wala na! Minus one hundred na 'ko sa langit!" Natatawang sabi ni Hailey habang nakatingin parin kay Penny na nagtatawag ng uwak.

"Tara na nga! Umuwi na tayo!" Aya ko sa kanya at agad naming inalalayan si Penny para malakad ng maayos.

Dahil maging ang pagtayo ay hindi na n'ya ata kayang gawin. Grabe naman kasi kung uminom. Ayaw magpa-awat!

Nang makalabas kami ng bar ay naghintay kami ng taxi, h'wag lang talaga s'yang susuka ulit dahil baka pababain kami sa kalagitnaan ng kalsada!

"Ayan! May taxi na ata!" Saad ni Hailey at itinuro pa ang sasakyang parating.

Dahan-dahan itong huminto sa harapan namin, ngunit hindi ito taxi! Kundi isang mamahaling sasakyan at agad na bumukas ang pinto sa driver seat.

Baka naman customer rin ng Pub Palace?

Nang bumaba ang may-ari ng sasakyan ay literal na nanlaki ang mga mata ko sa nakita, diretso itong tumingin sa akin at maging si Penny ay napaayos ng tayo.

"K-KD..," Halos bulong ko ng sabi.

Sobrang daming nagbago sa pinsan kong 'to, dati lang ay mukhang puro kalokohan lang ang alam. Pero ngayon ay ibang-iba na at seryosong-seryoso!

"Sakay!" Malamig nitong sabi at sinipat din ng tingin sina Hailey.

Nauna pang sumakay si Penny at mukhang nawala talaga ang kalasingan sa katawan n'ya, sumunod na sumakay si Hailey at muli akong napatingin kay KD.

"What? Don't give me that look, sakay Venus." Mahinahon ngunit seryoso n'yang sabi.

Wala na akong nagawa kundi ang sumakay na din. Libo-libong kaba ang namumuo sa dibdib ko ngayon, malamang ay marami s'yang mga katanungan sa akin mamaya!

"Saan ko kayo ihahatid?" Kaswal nitong tanong ng mapaandar na ang sasakyan.

"Ah, kahit i-uwi mo nalang ako! Hihi." Malanding sabi ni Penny at pinandilatan ko naman ito ng mata.

Nagpipigil naman ng tawa si Hailey dahil umiiral na naman ang kalandian ng isa d'yan!

"Baks? Magkakilala pala kayo?" Bulong na tanong sa akin ni Hailey at tanging tango lang ang naisagot ko.

Si Hailey at Penny na ang sumasagot sa bawat tanong ni KD patungkol sa direksyon kung saan ba ang eksaktong address namin. Matapos ang mahigit isang oras ay nakarating din kami.

Kusa ng nag lakad ni Penny kasabay si KD at nauna nalang ako kesa sa kanila. Agad kong binuksan ang apartment na tinitirhan naming tatlo.

Nang makapasok ay naupo silang tatlo sa sofa habang nakatingin sa akin na mukhang nag-aabang ng mga eksplinasyon na kailangan nilang marinig.

"Ano?" Takang tanong ko dahil nakatitig sila sa akin.

Si KD naman ay inililibot ang mata sa kabuuan ng apartment, sabay namang tumayo sina Hailey at Penny.

"Ahh, papasok muna kami sa kuwarto namin! Baka kailangan n'yo kasi ng space! Este privacy!" Sabi pa ni Hailey at hinatak na si Penny papasok sa kwarto.

Hinarap ko si KD na sa akin na nakatingin ngayon, tumayo ito kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon nito at seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Are.., are you mad?" 'yan nalang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung paano nga ba uumpisahan ang usapan naming dalawa.

"Mad?" He raised his eyebrows and paused for a while. "Sino bang hindi magagalit kung pati ako hindi mo man lang sinabihan sa mga plano mo?"

Nakaramdam ako ng panlalamig ng marinig ko 'yon, wala akong mahagilap na sagot mula sa kanya.

"Wala kang ideya kung paano ako nag-alala noon! Hanggang ngayon ay sobrang nag-aalala ako sayo! When Tito David told us na umalis ka, hinanap kita Venus! I tried to contact you pero pati ang number mo pinalitan mo, binlock mo rin ako sa lahat ng mga social media accounts mo!" May hinanakit nitong sabi kaya nanatili akong nakayuko.

Dahil hindi ko ata kayang salubungin ang mga matatalim n'yang tingin sa akin.

"I'm, I'm sorry-"

"Sorry? Venus you're selfish! Kasama ka sa lahat ng mga plano ko! Lahat ng plano ko ay alam mo pero ikaw? You choose to hide everything from me!" May galit sa boses nito kaya naglakas loob na akong tumingin ng diretso sa mga mata n'ya.

Pero, ibang-iba ang nakikita ko sa mga mata n'ya. Hindi galit, kundi ang pangungulila.

Inihanda ko ang sarili para ipaliwanag sa kanya ang lahat. Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita. After all, he owe me an explanation.

"Ayokong madamay ka KD! Kilala mo si dad, anong gusto mo pati ikaw masangkot sa gulo ko? You know him! Ayokong utusan n'ya si tito Albert na ipadala ka sa France." Sabi ko at mukhang s'ya naman ang natahimik ngayon.

Bumuntong hininga muna ito bago tuluyang lumambot ang ekspresyon.

"Five years, five years kang nawala at hindi ko nakasama. Hindi mo man lang nakita ang lahat ng mga naging achievements ko." May lungkot sa boses nito at dahan-dahang naglakad sa direksyon ko.

Nang tuluyan na s'yang nakalapit ay bigla nalang ako nitong niyakap ng mahigpit. Niyakap ko rin ito pabalik at naramdaman ko pa ang luha nito na tumutulo na sa balikat ko.

"I miss you!" Mahina nitong sabi kaya naman ay bahagya akong napangiti.

"I miss you too, KD!" Saad ko at ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap naming dalawa.

"Kung alam ko lang na sa bar kita mahahanap, sana noon ko pa ipinatayo 'yon!" Nakanguso nitong sabi kaya naman agad akong natawa dahil sa narinig.

I miss this man!

Alam kong sobrang daming nagbago pero s'ya parin ang pinsan kong sobrang lapit sa puso ko, KD is my best friend!

-

A/N: I hope you liked it! Ratings and comments are well appreciated! Thank you for supporting my story♡ Stay Safe and God bless!(。

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
Buti nagkita kayo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status