Share

Chapter 2.1

Venus POV

"Ehem.., pwede na ba kaming makisali?" Sabat ni Penny kaya sabay kaming natawa ni KD. 

"Akala namin jowa mo si KD!" Natatawang sabi ni Hailey. 

"We're cousins. You must be Hailey?"

Nakangiting sabi naman ni KD at inilahad ang kamay. 

"Ay! Oo! Ako si Penny, hihi!" Agad na sabi ni Penny at nakipag shake hands kay KD. 

"So, ibig sabihin ay anak ka ng mayamang negosyante?!" Gulat na sabi ni Penny ng marinig ang sinabi ni KD patungkol sa akin. 

"Gano'n na nga, napilitan lang akong umalis dahil gustong kontrolin ni daddy ang buhay ko. Lahat ng mga bagay ay naka plano na para sa kanila." Sabi ko naman at nakita ko pang napailing ang dalawa kong kaibigan. 

"Iyan ang mahirap kapag only child! Buti nalang lima kami!" Natatawang sabi ni Penny kaya saglit din akong natawa.

"Ang sabihin mo hindi ka kasi peyborit ng nanay mo!" Sabat naman ni Hailey. 

"Ano palang trabaho mo ngayon?" Tanong sa akin ni KD. 

"As of now, freelancer. May mga client ako online and so far okay naman ang sahod. Actually, sobra pa nga! Kaya nga sina Hailey at Penny ganoon nalang din ang ginawa." Paliwanag ko at napatango si KD sa narinig. 

"Well, that's good! At least magiging kampante na ako." Sambit nito. 

Matapos ng mahabang usapan ay nag luto muna ako ng soup. Para naman tuluyan ng mahimasmasan si Penny. Hinintay rin ni KD ang soup na niluto ko dahil excited siyang tikman 'yon! 

Na-miss niya raw ang luto ko lalo na ang bicol express! Favorite dish n'ya iyon pati na ang kare-kare. 

"I'm so proud of you!" Saad nito matapos kumain. 

Nandito kami ngayon sa rooftop habang nakatanaw sa mga ilaw na nag liliwanag sa baba. Maganda rin ang kalangitan ngayon dahil sa kitang-kita ang mga bituin. 

"Proud? Bakit? Eh, hindi ko pa nga natutupad ang gusto kong makapag publish ng mga story ko!" Nakanguso kong saad pero ngumiti lang ito. 

"I'm proud, dahil nakaya mo! Imagine, ako pa ang nag uudyok sayong umalis! Pero takot na takot kapa dahil nag aalala ka sa mga mangyayari." Sabi nito kaya naman napangiti rin ako. 

He's right! Totoo na takot na takot akong umalis at iwan sina mommy at daddy dahil alam kong mahahanap parin nila ako. Madaming kilalang private investigator si dad, at hindi malabong mahanap ako ng gano'n kadali. 

"Pero napilit ni Tita Elizabeth si Tito David na hayaan ka muna. Naniniwala siyang babalik ka pa rin, mahal ka nila. Mahal na mahal ka nila." 

Alam ko, alam kong mahal nila ako. Pero pakiramdam ko ay wala na akong karapatang mag desisyon para sa sarili ko. Palagi nalang against si dad sa lahat ng mga gusto ko. 

Ang gusto niya ay mag focus ako sa negosyo namin. Ang totoo n'yan ay nag aaway-away pa ang relatives ko noon dahil nga sa mga kayamanan at hindi iyon ang gusto ko. 

Gusto ko lang ng simpleng buhay, gusto kong matupad ang mga pangarap ko. Gusto kong mag umpisa sa mababa. Si dad, lahat nalang puro koneksyon ang ginagamit niya. Palagi niyang sinasabi sa akin noon na kahit kailan ay hindi magiging pantay ang batas at ang mundo para sa simple at mayayamang tao. 

"Mahal ko din sila, KD. Babalik din ako, pero hindi pa sa ngayon. Gusto ko munang patunayan kay dad na kaya kong tuparin ang lahat ng mga pangarap ko. Gusto kong ipakita sa kan'ya na mali s'ya..," malungkot kong sabi. 

He let out of sigh before tapping my back. 

"Naiintindihan kita, kaya nga ako kahit nawala ka noon pinilit kong matupad lahat ng mga pangakong binitawan ko noon! Dahil kapag bumalik ka, walang araw na hindi ko iku-kwento sa iyo ang lahat ng mga achievements ko na pinag sikapan ko para sayo!" Nakangiting saad nito. 

"Alam mo, ako dapat itong maging proud sayo! See? Nagawa at natupad mo ang lahat ng mga pangarap mo, mag mula sa negosyo na pangarap mong ipatayo! Sa mga naging achievements mo." Masaya kong sabi. 

"Yeah, I know. Kaya nga sobrang saya ko ngayon dahil nakita ulit kita! That time you entered to my Pub, alam ko ng ikaw 'yon!" Nakangiti n'yang sabi. "Anyway, sure ka na bang ayaw mong lumipat? I have condo na hindi pa natitirhan!"

"Nah, thanks but no thanks. Alam mo namang nag iingat ako mula kay dad. Mahirap na at baka makita n'ya 'ko. Hindi pa ako ready." Kaswal kong sabi. 

"I understand. Anyway, I have to go, may kailangan akong asikasuhin ngayon!" Saad nito kaya naman ay marahan akong tumango. 

"Sige, mag-iingat ka!"

"Alright, basta i-unblock ko na ako sa social media accounts mo!" Ngumisi pa ito sa akin kaya naman ay mabilis akong tumango. 

Hinatid ko na s'ya kung saan naka park ang sasakyan niya at muling kumaway. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyang lulan n'ya ay agad na akong pumasok sa loob. 

Naabutan ko pa sina Penny at Hailey na naka abang sa akin sa loob! 

"Baks? May jowabels na ba 'yong si KD? Grabe! Sobrang pogiiii!" Tili ni Penny kaya naman ay napangisi ako sa narinig.

"Talagang pogi 'yon 'no! Magaganda at gwapo kaya ang lahi namin!" Nakangising sabi ko at humagalpak naman sila ng tawa. 

"Tangina, akala ko ako lang 'tong mahilig mag buhat ng sariling bangko!" Si Hailey na naiiling pa. 

Natawa na rin ako sa mga naging reaksyon nila, iba ang sayang nararamdaman ko ngayong gabi! Finally, nagkita ulit kami matapos ang limang taon. 

At masaya rin ako dahil wala na akong kailangan pang itago sa mga kaibigan ko. Matapos ng mahaba at nakakapagod na gabi ay kanya-kanya na kaming pumasok sa mga kwarto namin. 

Malaki naman itong apartment, may tatlong kwarto at nakapag pundar din kami ng gamit. Hindi naman ganoon ka-mahal ang binayaran naming upa sa apartment pati na sa tubig at kuryente dahil hati-hati kami sa bayad. 

Kaya kahit papano ay nakakapag ipon ako para makapag ibang bansa. Matagal ng alam iyon ng mga kaibigan ko, ang plano kong mangibang bansa. Sa katunayan ngang 'yan ay nag iipon rin sila para makasama sa akin. 

Bago ako natulog ay in-unblock ko muna si KD sa mga social media accounts ko. 

KD_Panget: good night, your secrets are safe with me :)

Nag reply lang ako ng heart emoji at natulog na. 

"ANG SAKIT NG ULO KOOO!" Rinig kong maktol ni Penny ng makalabas ako ng kwarto. 

"Ikaw ba naman na halos laklakin na ang mga alak don sa Pub Palace! Ewan ko lang kung hindi ka magka-hangover!" Masungit namang sabi ni Hailey at inihahanda ang agahan. 

"Good morning!" Nakangiti kong bati sa kanilang dalawa! 

Tinulungan ko naman si Hailey at ako na mismo ang nag timpla ng mga kape. 

"Pero don't worry mga bff! Hindi na ako iinom dahil nand'yan na si KD! Grabe, pati ata sa panaginip ko dinalaw niya 'ko!" Kinikilig pang sabi ni Penny. 

Kaya naman ay nakita ko rin kung paano ngumiti si Hailey, mukhang may tinamaan talaga sa pinsan ko ah? Tsk. Good luck nalang talaga! 

"Kain na!" Saad ko at nag umpisa na kaming kumain. 

Nag luto si Hailey ng tocino, scrambled eggs at tortang talong at siyempre hindi mawawala ang masarap na kape at tsaa. 

-

A/N: I hope you liked it! Ratings and comments are well appreciated! Thank you for supporting my story♡ Stay Safe and God bless!(。♡‿♡。). 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
si KD ba ah bakla Kasi panong GOOD LUCK na lang haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status