“DID I hear it right?” halos magsalubong ang makapal na kilay ni Kaden sa narinig.
Nikole giggled. Inaasahan na niya ang reaksyon na ito mula sa kanyang kaibigan. Paano na lang ang mga susunod niyang sasabihin?
“Yes, you heard it loud and clear. And for that, I need to prepare my bed skills. Ayoko naman na parang estatwa lang ako kapag nag-go-all-the-way na kami ‘di ba? I have to level up my game!” She sounded enthusiastic.
Kaden cleared his throat as if trying to calm himself. Mariin ito napapikit na para bang biglang sumakit ang ulo sa mga narinig mula sa kanya.
“Are you that desperate? Do whatever you want, bahala ka sa buhay mo. Malaki ka na, hindi ka naman nakikinig sa akin.” Nagbuga ng hangin ang binata.
“Cross is hot, don’t you think? Hindi rin naman siya lugi sa akin ‘no!” Namilog ang kanyang mata.
“You’re out of your mind. Umuwi ka na at magpahinga. You’re just exhausted.” Pagtataboy nito sa kanya.
“I’m not yet done, Kade. Ni hindi mo pa nga naririnig ang mga plano ko.” Nagningning ang kanyang mata sa mga itinatakbo ng isip.
“I’m not interested,” supladong anas ng kaibigan. Uminom ito ng tubig mula sa tumbler na nakapatong sa mesa nito.
“Come on, don’t be a killjoy! I expect you to help me learn the proper etiquette in bed. Sa ’yo lang naman ako may tiwala. Better teach me na. Or kung hindi ka naman papayag, I guess I need to hire at least five men, a harem. They’ll be useful, aren’t they?”
Biglang nasamid si Kaden at muntik nang maibuga ang tubig sa mukha ng dalaga. Nahaplos nito ang dibdib para makabawi.
“A what?! You’re crazy! Alam kong pasaway ka pero ni hindi ko inisip na aabot dito ang kabaliwan mo. Do that and I won’t hesitate to tell your dad.” Pinanlakihan siya nito ng mata.
“Are you threatening me? Oh, well. I don’t mind even if you tell Dad about this. As long na wala akong inaapakang tao, besides hindi ko rin naman ipapahamak ang sarili ko.” Inismiran niya ito.
Marahas na nagbuntong-hininga si Kaden. “I get it you are heart-broken right now. But being this wild is not the best solution to move on. Magpahinga ka muna, saka na tayo mag-usap.”
“Fine! I’ll go barhopping tonight. I’ll start looking for guys to fill my harem.” She rolled her eyes heavenward.
She witnessed how Kaden flexed his jaw, but he remained silent.
“Okay, do whatever you want. It’s your body. Just be careful,” anito pagkaraan ng ilang sandali.
She heaved a sigh. “Yeah, right. I’m going.” Tuluyan na siyang tumalikod sa binata. Laglag ang balikat na pinihit niya ang doorknob at lumabas sa opisina ng kaibigan.
Kaden might think that until now, she was immature. Siguro nga padalos-dalos siya pero kailanman ay lagi niyang pinaninindigan ang kanyang mga naging desisyon.
Kasalanan ito ni Alex, kung hindi lang siya nito niloko ay hindi siya makakaisip nang ganito. He loved that bastard! Nagtiwala siya at nagpadala sa matatamis nitong salita. Hindi talaga siya makapapayag na hindi makaganti sa panloloko nito. Naging matinong girlfriend naman siya rito, pero dahil lang masyado itong atat na matikman siya, hindi na nakapaghintay.
Hindi naman siya nagsisisi sa pagiging conservative niya dahil ganoon siya pinalaki ng kanyang ama. Although she constantly gave her father a headache when it comes to dealing with people. Wala kasi talaga siyang sinasanto at ramdam niyang halos lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya ay ilag na makabangga siya.
INIS na sinipa ni Nikole ang maletang dala niya nang makarating siya sa kanyang townhouse. Kapag ganitong hindi siya makapag-focus, hindi rin siya magiging productive. Nanginginig pa rin siya sa galit nang maalala ang kanyang manlolokong kasintahan.
Lalo siyang nangalaiti nang makita ang niyang rumehistro sa kanyang cellphone ang mukha ni Alex. Tumatawag ito gamit ang account nito sa social media. Malamang alam na nito na siya ang may gawa ng kaguluhan sa condo unit nito.
Damn! Nagtangis ang kanyang bagang at inis na ini-off and cellphone at ibinalibag sa kama.
The audacity of her ex-boyfriend to call her after spending the night in the arms of another woman! Malay ba naman niya kung matagal na siya nitong niloloko? Ang kapal ng mukha! Samantalang halos sambahin na siya nito noong nililigawan pa lang siya.
Namalayan na lang niyang tumutulo na ang kanyang luha dahil sa matinding sama ng loob. She trusted him. Kahit hindi masyadong pabor dito ang kanyang ama pero gumawa siya ng paraan para tuluyan itong matanggap ng daddy niya.
Nikole decided to take a hot shower to soothe her nerves. Inubos na niya ang luhang nais kumawala sa kanyang mata para gumaan ang pakiramdam niya. She was calm when she put on her night dress. Siguro nga kailangan na niya ang magpahinga.
Nakahiga na siya nang marinig ang sunod-sunod na doorbell. Kunot-noong bumangon siya at tiningnan kung sino ang nasa labas.
Lalo lang siyang napasimangot nang mapagsino ito. Rumehistro kasi ang mukha nito sa digital monitor sa gilid ng pinto.
Si Alex.
“Nikole, I know you’re in there. Please, let’s talk.” Tumingin si Alex sa camera.
Talk to your face! She raised her hand and made a dirty finger in front of the monitor.
Walang plano si Nikole na pagbuksan ito. Manigas siya!
Nagmartsa siya pabalik sa kanyang kuwarto at tahimik na nahiga. Kinuha niya ang kanyang earphone at nagpatugtog ng classical music. Wala siyang pakialam kay Alex. Wala na silang dapat na pag-usapan.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising siya bandang hatinggabi. Tinungo niya ang kusina at nagtimpla ng gatas.
Napapitlag siya nang muling tumunog ang doorbell.
What the heck?
“Hey, Nikole. Are you awake now?”
Si Alex ulit.
Bilib naman siya sa tiyaga ng lalaki at hinintay talaga siya. Nagkunwari siya na hindi ito naririnig hanggang sa nainis na siya dahil maya’t-maya itong nagdo-doorbell.
Sinaid muna niya ang tinimplang gatas bago nagdesisyong pagbuksan si Alex.
“What?” she said in an icy voice.
“Thank God! You finally open the door.” Tila naman lumiwanag ang mukha ng lalaki. Akma siya nitong yayakapin pero mabilis siyang umiwas.
“Don’t touch me, cheater!” Pinalakihan niya ito ng mata. Sinikap niyang maging kalmado.
“I’m so sorry. Let me explain, please.” Alex looked miserable. Kung paiiralin niya ang puso, tiyak na paiikutin na naman siya nito. Hindi na siya nito madadaan sa matatamis nitong salita, tutal ngayon kumbinsido na siyang eksperto rin ito sa panloloko.
“Explain what? That you’re having a one-on-one conference in bed with that bitch?” she chuckled and looked at him with disgust.
“Look, I wouldn’t be here if I’m not serious about our relationship. I admit what I did was wrong.”
Napaangat ang isang kilay ng dalaga. “So, are you expecting that I’d jump in joy just because you waited in front of my door for approximately four hours? How sweet.” Nang-uuyam niyang sabi. Akma niyang isasara ang pinto pero naging maagap si Alex na pigilan siya.
“Please, Nikole. I’m sorry, please forgive me. Hindi na mauulit. I love you so much. I won’t do it again, promise.”
Natawa nang pagak si Nikole. “Wow, saan ka ba humuhugot ng kapal ng mukha? What makes you think that I’ll forgive you? We’re done.”
Nagtangis ng bagang si Alex. “I only did it since you wouldn’t let me do it with you. May pangangailangan din naman ako, Nikole.”
Napanganga ang dalaga at hindi makapaniwala sa narinig. “I never knew you’re this shallow, Alex. I can’t believe you only stay in this relationship just because of my body. Tapos na tayo. Huh, this would be good riddance!”
Tumalikod si Nikole at bago pa niya tuluyang maisara ang pinto. Narinig pa niya ang huling sinabi ni Alex.
“No man can stay with a woman as frigid as you. Sex is normal between couples, and I can’t believe you’re so old-fashioned that I can’t stand it.”
Nangangalaiti si Nikole na hinarap ang lalaki. “Go to hell!”
Alex smirked. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at tuluyan na siyang tinalikuran.
Pabalibag niyang isinara ang pinto at mariin niyang ikinuyom ang kamao.
Frigid? How dare Alex says that in her face!
Lalo lang siyang nagkaroon ng lakas ng loob para isakatuparan ang naisip niya. Bubuo talaga siya ng harem para ma-enhance ang kanyang sexuality, at kapag natuto na siya. Una niyang target si Cross!
NAPAANGAT ang isang kilay ni Kaden nang bumungad sa kanyang harapan si Nikole. Wala sa loob na napatingin siya sa kanyang relong pambisig dahil himalang gumising ito nang maaga at sumulpot sa kanyang opisina. Sinipat niya ang ayos nito. She wore a black miniskirt and a red crop top. Puno rin ng kolorete ang mukha nito. Sandali siyang nanibago sa ayos nito pero sinarili na lang niya ang komento. Alam niyang may pinagdadaanan nito. Although he preferred her normal, badass self. Kung hindi lang ito maganda ay magmumukha itong trying hard sa itsura nito ngayon. “What brought you here this early? Hindi ka ba napuyat sa pag-barhopping mo kagabi?” Muli niyang itinuon ang atensyon sa makapal na papel na nasa kanyang mesa. Pasalampak na naupo ang dalaga sa receiving chair sa kanyang harap. “I didn’t go out last night. I’m too exhausted…and Alex dropped by.” Nikole heaved a sigh. Muling umangat ang kanyang tingin. “Don’t tell me you’re back together?” nananatiyang tanong niya. Pagbubuhulin
NAGDESISYON si Nikole na mag-celebrate dahil kahit paano nasimulan na niya ang plano. Magsisimula na siya sa susunod na linggo at tiyak na magiging madali na lang ang lahat kapag lagi silang nagkikita si Cross. Tinungo niya ang isang kilalang bar sa syudad at taas-noong naglakad. The ambience was nice, hindi gaanong maingay. “A glass of Bloody Mary, please,” aniya sa bartender. “Yes, ma’am!” magiliw na wika ng lalaking bartender bago ito nagsimulang haluin ang naturang inumin. Nilinga ng dalaga ang paligid. Pawang may mga sinabi sa buhay ang mga naroon habang marahang umiindak mula sa slow rock band na nagpe-perform sa stage. Ang iba naman ay mga grupo ng mga kabataan na nagsasaya. Nikole heaved a sigh. Malaki ang potensyal na makakuha siya rito ng lalaking maaaring pumayag na maging miyembro ng kanyang harem. At a right price, of course. Wala naman siyang problema pagdating sa pera. She never bragged about her unlimited balance. Bukod sa pera ng daddy niya, marami rin siyang mga
INIS na tinawagan ni Nikole ang kanyang ama. Tiyak na gising pa ito dahil dito malamang galing ang utos na bantayan siya. “Hello, sweetheart. Are you alright? I heard you were in trouble,” magiliw na salubong ng ama sa kabilang linya. “Dad, come on! What’s with these men? Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito? Hindi naman ako gano’n ka-exposed sa media para manganib ang buhay ko,” reklamo niya. “Okay, I’ll think about it. Let me talk to Jules.” The line went dead. Maya-maya pa ay narinig niyang may kausap ang driver. “Yes, sir. The princess is okay.” Pinaikot ni Nikole ang mata dahil sa narinig. Princess, my foot. Nanggigigil talaga siya. Kung matagal nang laging nakabuntot sa kanya ang mga bodyguards. Hindi kaya alam din ng mga ito na pumunta siya sa condo ni Alex dati at umuwing laglag ang balikat? Probably they knew even the smallest detail of her private life! Masyado siyang naging kampante sa sinabi ng daddy niya. “Rest assured, sir. We’ll take good care of her,” sabi
DUMATING ang unang araw sa trabaho ni Nikole kasama ang kanyang ama. Hindi naman siya nito pine-pressure basta raw matutunan niya ang pasikot-sikot sa negosyo nila. Alam naman nito ang kanyang kakayahan, sadyang hindi lang talaga siya nagseseryoso sa buhay. “We’ll attend a bidding today,” sabi ni Vicente sa anak habang inaayos nito ang pagkakabuhol ng kurbata. “Oh, sure.” Tumango si Nikole. Handa na siya para sa araw na iyon. She wore a maroon business suit paired with a skirt above the knee of the same color. Samantalang six-inched black stiletto naman ang napili niyang sapin sa paa. She looked intimidating, at iyon naman talaga ang nais niyang mangyari. “Just stay beside me and watch. This is a big project, and we need to choose a suitable contractor.” “Okay, Dad. Noted.” Sabay silang lumabas ng bahay. Awtomatikong napasimangot si Nikole nang makita si Julian sa tabi ng sasakyan at inalalayan siyang makapasok. Agad namang pumasok si Julian sa pulang kotse at naupo sa driver’s s
TAAS-NOONG bumalik si Nikole sa conference hall kasabay si Kaden. Naabutan niyang abala ang ama sa pakikipag-usap sa ilang miyembro ng Bids and Awards Committee. “You’re back. We’re going to have a lunch meeting.” Masiglang salubong ni Clive sa dalaga. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito. Feeling close ang loko. Hindi puwedeng malaman ng daddy niya ang kalokohang niluluto niya lalo na ngayong makaka-apekto ito ng malaki sa negosyo nila. She trained herself not to mix business with pleasure. Pero s’yempre, dahil kay Cross ay siya rin naman ang unang bumali niyon. Ika nga, for every rule, there should be an exemption. Nikole nodded. “We’ll go then.” “Shall we?” ani Kaden na sumabay kay Nikole. Sinasadya nitong dumikit sa dalaga dahil tiyak na may kung anong kalokohan na naman itong pinaplano sa utak. Kilalang-kilala niya ang kababata at alam niya ang hindi kanais-nais na tinatakbo ng isip nito. Samantalang tahimik naman na sumunod si Julian nang lumabas sila sa malak
NAGING maayos naman ang takbo ng lunch meeting. Magaling na host si Clive at siniguro nitong nag-eenjoy ang mga guest na imbitado nito. Kaunting formalities na lang ang nangyari at mas nakatuon ang lahat sa pagkain. It seemed that Clive was just giving back for getting the contract. Hindi naman ito masisisi ni Nikole, the contract involved multi-millions of moneys. Tahimik si Nikole habang kumakain ng wagyu steak. May kung anong tumatakbo sa isip niya pero pinag-iisipan pa niya kung gagawin o hindi. She had to weigh the situation, kailangang magmukhang aksidente ang lahat lalo pa at kaharap niya ang kanyang ama. Naiinis kasi siya kay Cross. Hanggang ngayon para siyang batang pinagkaitan ng paborito niyang candy. Hindi pa rin siya pinapansin ng lalaki. Ganito ba siya ka-worthless sa paningin nito? It’s now or never. Pasimple siyang huminga nang malalim at ‘aksidenteng’ natabig ang wine glass at gumulong iyon sa mesa. Saktong tumapon ang laman niyon sa hita ni Cross. Nikole’s calcula
MAAGANG nagising si Nikole kinabukasan. She had a beautiful dream with Cross—a wet dream, that her body ache for him. Mukhang tinamaan talaga siya kay Cross dahil pati sa panaginip ay hindi siya nito pinatatahimik. The man was fulfilling her desire in bed! Malinaw sa kanyang balintataw ang mga naganap. Mariin siyang napapikit at unti-unting inalala ang kanyang panaginip. As the thought lingered in her mind, her hands went inside her sexy red lingerie and Nikole touched her chest. “Shit. Cross,” she moaned. She gently massaged her breasts until she felt her hardened nipple. Nikole played to her crown while remembering how Cross satisfied her. Because in her mind, the man was sucking it like a baby. Bumaba ang isang kamay niya na humaplos sa kanyang tiyan at ipinaloob iyon sa kanyang mamahaling underwear. Bahagya siyang napaigtad nang maramdaman ang kanyang kamay sa pagitan ng kanyang mga hita. She started stroking herself. Mabagal lang sa una na tila ninanamnam ang init na dulot
SAMANTALA nang gabing iyon ay iba naman ang pinagkakaabalahan ni Clive. He was a bit worried about what happened during the lunch meeting with the CREC executives, lalo na kay Vicente Castellaneta. Pero agad din namang nawala roon ang atensyon niya nang dumalo siya sa kaarawan ng isa niyang kaibigan kinagabihan at heto siya ngayon nagpapainit sa babaeng nakilala niya roon.“Oh, fuck!” Clive groaned and hardly closed his eyes as soon as she felt Vanessa’s expert tongue sliding to his cock. Napahawak siya sa ulo ng babae at napasabunot sa mahabang at alun-alon nitong buhok.“Faster!” he commanded. Vanessa paused and seductively looked at his aching expression before she started sucking the tip of his manhood. They hooked up instantly when they met at the party. Ayaw sana niya itong patulan pero sadyang makulit ang babae kaya pinagbigyan na lang niya. He didn’t want to take advantage. Pero paano ba siya tatanggi sa mala-dyosang ganda nito gayong ito na mismo ang nag-aalay ng sarili sa