Share

CHAPTER 4 - PERSUASION

NAPAANGAT ang isang kilay ni Kaden nang bumungad sa kanyang harapan si Nikole. Wala sa loob na napatingin siya sa kanyang relong pambisig dahil himalang gumising ito nang maaga at sumulpot sa kanyang opisina.

Sinipat niya ang ayos nito. She wore a black miniskirt and a red crop top. Puno rin ng kolorete ang mukha nito. Sandali siyang nanibago sa ayos nito pero sinarili na lang niya ang komento. Alam niyang may pinagdadaanan nito. Although he preferred her normal, badass self. Kung hindi lang ito maganda ay magmumukha itong trying hard sa itsura nito ngayon.

“What brought you here this early? Hindi ka ba napuyat sa pag-barhopping mo kagabi?” Muli niyang itinuon ang atensyon sa makapal na papel na nasa kanyang mesa.

Pasalampak na naupo ang dalaga sa receiving chair sa kanyang harap.

“I didn’t go out last night. I’m too exhausted…and Alex dropped by.” Nikole heaved a sigh.

Muling umangat ang kanyang tingin.

“Don’t tell me you’re back together?” nananatiyang tanong niya. Pagbubuhulin niya talaga ang dalawa kapag nagkabalikan ito.

“No way! I’m just bothered. That bastard told me I’m frigid!” Nangangalaiting sumbong ni Nikole.

“If it isn’t true, why does it bother you?” Napailing ang binata.

Napatayo ang dalaga at itinukod ang dalawang kamay sa mesa.

“Of course, it bothers me! Ang lakas ng loob niyang insultuhin ako, siya na nga ang nagloko.” Nanlalaki ang matang wika ni Nikole.

“Is that what brought you here?” Tuluyan nang hinawi ni Kaden ang mga papeles at itinuon ang atensyon sa nagpupuyos na dalaga, “and what’s with that outfit? You’re showing too much skin.”

“This is the start of my transition to the wilder side of me. I’m here to remind you about my proposition yesterday. Will you teach me bedroom etiquette?”

“No,” walang gatol niyang sabi. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para pagbigyan ito sa kahibangan nito. “Watch porn instead,” dagdag pa niya.

Nikole pouted her lips. “I know you’d say that. Then I don’t have a choice but to hire men. I’m really serious about the idea of creating a harem. I can afford them anyway.” Nagkibit ito ng balikat at muling naupo.

“As I’ve said, it’s your body. Just be sure not to get pregnant.” Nagbuga siya ng hangin at nagpatuloy, “Don’t worry, I’ve decided not to tell your dad about this.”

Pinaikot nito ang mata. “Like duh, what’s the use of contraceptives? Hiring men doesn’t mean I’ll be sleeping with them. Well, at least not now. Hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko na dapat si Cross ang makauna sa akin.”

His eyes narrowed. “You are not his type. Remember that. Dahil kung gusto ka niya, noon pa sana niligawan ka na.”

“I know that. Kaya nga mas challenging ‘di ba?” her eyes sparkled.

“I bet it is. Here’s a tip. I heard he never had a penchant for virgins.”

“Great! I’ll give him the night he’ll never forget! An extraordinary experience coming from a virgin goddess.” She winked.

“Best of luck. Huwag mo akong dinadamay sa kalokohan mo, Niki. Ayaw kong kunsintihin ka, pero mukhang ‘di ka rin naman papipigil.”

“Anyway, I came here to personally inform you that I’m planning to be my dad’s personal secretary. Ito lang ang paraan para mas mapalapit ako kay Cross since lagi silang magkasama ni Daddy.” Nakagat nito ang pang-ibabang labi na para bang pigil nito ang excitement sa mga maaring mangyari.

“I guess you’d be the downfall of your dad’s empire. Hindi ka na bata, Niki. Magseryoso ka na sa buhay at pag-aralan mo na ang pamamalakad sa kumpanya n’yo. Hindi habambuhay nand’yan ang daddy mo para alalayan ka.”

Namilog naman ang mata nito na wari ay inis na pinangaralan niya. “I’m still enjoying the life of being a billionaire’s daughter.”

“And a spoiled brat.” Dagdag niya sa sinabi nito.

“Whatever. I’ll start building my harem while I’m getting close with Cross. I’m going now.” Tumayo ito at isinukbit sa balikat ang dalang pink na sling bag.

“’ Kay, be careful. Convey my regards to your dad. And good luck on your recruitment to fill your harem,” he smirked.

Inirapan lang siya ni Nikole at tuluyan na itong lumabas ng opisina.

Marahas siyang nagbuga ng hangin nang wala na ito sa kanyang paningin. Akala niya nagbibiro lang ito kahapon sa mga pinagsasabi nito dahil masyado nitong dinamdam ang panloloko ng kasintahan. Pero ngayong umaga, mukhang seryoso nga ito.

Pati siya ay sumakit ang ulo dahil sa mga pinaplano nito. Ayaw niya itong mapahamak pero inilalapit naman nito ang sarili sa peligro.

That hardheaded woman!

Wala sa loob na nahilot niya ang kanyang sentido. Ano na ang gagawin niya kay Nikole para magtino ito? Kahit kailan talaga laging sakit ng ulo ang dala nito. Puwes, hahayaan niya ito sa gustong gawin at nang matuto ito sa sariling pagkakamali.

Harem, my ass.

Ano pa ba ang aasahan niya kay Niki na kahit gaano ka-imposible basta naisipan nito ay talagang gagawin?

Biglang nawala ang konsentrasyon niya sa mga kasong pinag-aaralan niya.

“WHAT a surprise. Did you miss me, sweetheart?” magiliw na salubong ni Vicente sa anak. Tumayo ito mula sa swivel chair at natutuwang nilapitan si Nikole.

“Sorry for coming here unannounced, Dad.” Humalik si Nikole sa pisngi ng ama.

“Is there a problem? You need more funds on your shopping?” malambing itong umakbay sa anak.

Ngayong nasa edad na ang dalaga, hindi na ito kasing-higpit noong kabataan niya. Binigyan na siya nito ng kalayaan na magdesisyon para sa sarili kaya naman talagang ini-enjoy niya. Napatunayan na rin naman niya ang sarili sa ama at pinagkakatiwalaan na siya nito dahil alam nitong namana niya ang talinong taglay nito.

“Oh, come on! Dad naman e, ‘di naman laging pera ang ang dahilan kung bakit kita dinalaw dito sa opisina. Ang hirap mo kayang hulihin dito, lagi kang busy.”

“Sorry about that, sweetheart. I’m building this empire just for you. Aside from real estate business, we’re venturing on new technologies as well.” Iginiya nito ang anak sa leather couch sa loob ng magarbong opisina. Magkaharap silang naupo.

Tumawag si Vicente sa intercom at dali-daling pumasok ang sekretarya nito at inutusan na magtimpla ng kape.

Natigil sila sandali sa pag-uusap nang muling bumalik ang sekretarya dala-dala ang dalawang black coffee. Muli itong nagbigay galang bago umalis.

“Hire me as your personal secretary, Dad. Consider it as my training. Sooner or later, you will hand me your empire,” seryosong anas ni Nikole.

Tila nabitin sa ere ang tasang hawak ng ama at muli iyong nilapag sa mesa. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig.

“Recently, you’re begging to have your free time and enjoy your painting before getting into our business. What happened?” nagdududang tanong ng matanda.

Nikole cleared her throat and averted her gaze. “I need distractions to move on. Alex and I broke up.”

Muli na namang nabitin sa ere ang tasa ng ama. “What? Don’t tell me. You realized now that you don’t love him anymore, and you dropped him like a hot potato? Oh no, not again!”

Taas-noong sinalubong niya ang mata ng ama. “He cheated on me, Dad.”

“He what?!” Dumagundong ang boses nito.

“I caught him sleeping with another girl.” She breathed out. Parte ito ng plano niya, kung tutuusin puwede naman niyang huwag sabihin sa ama ang ginawang panloloko sa kanya ni Alex dahil tiyak na gagawa ang ama ng paraan para maipaghiganti siya.

“What do you want me to do to get your revenge? You’re my only princess, the sole heiress of my empire. Hindi ako makapapayag na saktan ka ng kung sinong Poncio Pilato!” Biglang namula ang mukha ng matanda. Tuluyan na itong humigop ng kape para kalmahin ang sarili.

“It’s his loss, Dad. Too bad, I was madly in love with him, and believe me, I was even planning to settle with him. That bastard!” Nagtangis ang kanyang mga bagang nang maalala ang eksena sa loob ng condo unit nito.

“Do you want me to hire a hitman and bring his head?” prenteng tanong ng ama.

“Dad!” pinalakihan niya ito ng mata. Alam niyang nagbibiro lang ito, pero may kakayahan itong gawin ang sinabi.

“Okay, if you want to be my private secretary. Consider yourself hired. Ayaw mo bang pamahalaan na lang ang isang branch ng Castellaneta Homes?”

“For now, I want to witness firsthand how you work, Dad.” Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Nikole matapos niyang humigop ng kape.

Mukhang mabilis niyang maisasakatuparan ang planong masungkit si Cross.

“Why do I have this feeling that you’re planning something wicked? Are you planning to overthrow me?” Pinag-aralan ni Vicente ang pilyang mukha ng anak. Tiyak na malalaman rin niya kung anong bagong nilulutong kalohokan ng kanyang unica hija.

“Dad, you know I’m always a good girl.”

Her father shrugged. “Okay, you’ll start next week.”

Tagumpay na napangiti. “Thanks, Dad. Love you.”

Nikole’s eyes sparked in mischief.

Cross, here I come!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status