Share

CHAPTER 5 - RECRUITMENT

NAGDESISYON si Nikole na mag-celebrate dahil kahit paano nasimulan na niya ang plano. Magsisimula na siya sa susunod na linggo at tiyak na magiging madali na lang ang lahat kapag lagi silang nagkikita si Cross.

Tinungo niya ang isang kilalang bar sa syudad at taas-noong naglakad. The ambience was nice, hindi gaanong maingay.

“A glass of Bloody Mary, please,” aniya sa bartender.

“Yes, ma’am!” magiliw na wika ng lalaking bartender bago ito nagsimulang haluin ang naturang inumin.

Nilinga ng dalaga ang paligid. Pawang may mga sinabi sa buhay ang mga naroon habang marahang umiindak mula sa slow rock band na nagpe-perform sa stage. Ang iba naman ay mga grupo ng mga kabataan na nagsasaya.

Nikole heaved a sigh. Malaki ang potensyal na makakuha siya rito ng lalaking maaaring pumayag na maging miyembro ng kanyang harem. At a right price, of course. Wala naman siyang problema pagdating sa pera. She never bragged about her unlimited balance. Bukod sa pera ng daddy niya, marami rin siyang mga investments sa stock market at pati na rin savings galing sa mga high end paintings niya.

Ibinigay ng bartender ang inumin.

“Thanks,” she lightly nodded. Malikot pa rin ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang mga lalaking naayon sa kanyang panlasa. Lihim siyang napasimangot dahil halos lahat yata ng naroon ay mayroong kapareha at sweet sa isa’t-isa.

Walang forever!

Ibinalik niya ang atensyon sa inumin at lumagok nang kaunti. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang alcohol. Somehow, it made her feel relaxed.

“Hi, miss! You’re alone?” swabeng tanong ng isang lalaki.

Awtomatikong umangat ang isang kilay ng dalaga. “Isn’t obvious?”

“Whoa, I like your attitude.” He winked.

Lalong nalukot ang mukha ni Nikole. But come to think of it, the man looked presentable. Mukhang alaga naman nito sa gym ang katawan at kapansin-pansin na matangkad ito. Makinis din ang mukha, it seemed he had some mixed ethnicity, singkit kasi ito at namumula ang kutis.

“I came here because you look sad.” Muling tumingin ang lalaki at ngumiti. Sandaling itinuon nito ang atensyon sa bartender at nag-order ng inumin, “Two shots of Blow Job, please.”

“Thanks, but I don’t need a companion,” mataray niyang wika.

“How about we spend this night... somewhere?” Tinungga nito ang alak at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nag-angat uli ito ng tingin at napadako sa malulusog niyang dibdib na halos lumuwa na dahil sa suot niyang plunging neckline na bestida.

Akmang sasagutin sana niya ito nang pabalang pero bigla niyang naisip na baka puwede niya itong daanin sa matinong usapan. Mukha kasing tipsy na ito. Kung itsura lang din ang pagbabasehan, pasok ito sa kanyang criteria. Kaunting background check na lang ang gagawin niya.

She cleared her throat. “What do you mean somewhere?”

Nahigit niya ang paghinga sa maaring sagot nito. Inaasahan na niyang kung saang private place ang sasabihin nito.

“Somewhere to catch some fresh air. This place is suffocating.”

“A private place, perhaps?”

Makahulugang ngumiti ang lalaki. “If that’s what you prefer, it would be an honor.”

Nikole giggled. “No. I didn’t come here to get laid,” prangkang pahayag niya.

“Oh?” tila hindi kumbisidong anas ng lalaki. Muli itong tumungga ng alak mula sa bartender.

“Well, to be honest, I came here searching for good hot men.” She emphasized the word ‘hot’ dahil iyon naman talaga ng number one sa kanyang qualifications.

“Good men? You should go to church instead.” The guy chuckled and added, “If you came here with that skimpy outfit but didn’t want to get laid, why would you look for hot men?”

Nikole smiled wickedly. Uminom muna siya ng alak bago sinagot ang lalaki, “I’m building a harem.”

Nabitin sa ere ang baso ng lalaking katabi. “Excuse me, a what?”

“Harem. You heard it. I’ll probably start with three…or maybe five? What do you think?”

Nakakalokong tumawa ang lalaki. “You have a weird fetish, lady.”

“Don’t get me wrong. I’m still a virgin. Funny isn’t?” Nagkibit siya ng balikat.

“You’re kidding, right?”

“Of course not! My boyfriend cheated on me because I didn’t sleep with him. So, I decided to enhance my sexuality. There’s this guy that I like. But he doesn’t have a penchant for virgins.”

Nagseryoso ang lalaki at nagbuntong-hininga. “Same for me, I caught my fiancée with another man—two men actually. They’re enjoying a menage a trois.” Mariin itong napailing.

“Oh, threesome. Sorry to hear that.” Muli niyang itinuon ang atensyon sa inumin. Mukhang pareho silang sawi. Kung pagbabasehan niya ang gut instinct, mukhang mabait naman ang lalaki. Pero hindi ibig sabihin ay magtitiwala na siya agad. Isa itong estranghero, kaya hindi siya nagdalawang isip na sabihin ang kanyang iniisip. Tutal naman hindi na sila magkikita pa at hindi rin siya interesadong kilalanin ito.

“You look well-off, are you really serious in creating a harem?” tanong ng lalaki matapos ang sandaling katahimikan.

“Do I look joking? I need to get the man I like and give him a night he’d never forget, coming from a virgin goddess,” pilya siyang ngumiti.

Napatango-tango ang lalaki. “I’m Clive.”

Kinuha nito ang wallet at binunot ang isang business card at ibinigay sa kanya. “I’d like to apply for a position in your harem. You can do a background check. I’m a good person.” Kinindatan siya nito.

Alanganing tinanggap ni Nikole ang card. Hindi rin siya nagpakilala dahil baka mapahamak siya. Kilala pa naman ang pangalan niya sa mga society page, mabuti na lang at hindi siya masyadong exposed sa media.

“I’ll think about it.”

“You’re quite interesting. I can sense you have a strong personality. I guess I’ll have fun being in your harem.” Tipid na ngumiti ang lalaki at tiningnan siya, “I’m quite knowledgeable in bed, I could help you. However, since my ex-fiancée left me, I bet I’m not that good at all.”

Napangiti si Nikole. “No offense meant, but I guess I should book a seminar with your ex instead—with ‘threesome’ subject.”

Natawa nang pagak si Clive. “We could do a foursome if you recruited the others.”

Ngumiti si Nikole. “I guess that’s exciting. But I want my man to be my first. The foursome is still for negotiation.”

“Cheers! I hope you’ll hire me. I promise you would not regret it.” Itinaas nito ang baso.

“Cheers!”  Nagpingkian ang kanilang mga baso.

Hindi namalayan ni Nikole ang oras dahil masyado siyang nalibang sa pakikipag-usap kay Clive. He seemed intelligent at may sense kausap.

“I should be going. Thanks for giving me company.” Tumayo na si Nikole mula sa barstool. Inalalayan naman siya ni Clive.

“I enjoyed being with you, though you wouldn’t let me know your name.” Napakamot sa ulo si Clive.

“Maybe soon, don’t worry. I’ll reconsider your application.”

“Ihatid na kita sa garage, uuwi na rin ako.”

Tumango si Nikole.

NASA malawak na garahe na sila nang biglang lumitaw ang sampung kalalakihan at pinalibutan sila. Pawang mga malalaki ang katawan at seryoso ang mga mukha. They looked like they were a member of elite soldiers.

Biglang hinablot ng dalawa si Clive. At awtomatikong itinaas nito ang mga kamay tanda ng pagsuko.

Nanginig sa takot si Nikole. Parang gusto niyang pagsisihan na pinatanggal niya sa ama ang mga bodyguards.

Mabuti na lang at nagsalita ang isa sa mga kalalakihan at mukhang ito ang leader. May nakalagay na earpiece sa isang tainga nito.

“Take it easy, Princess. We are your bodyguards.”

“My what?!” gulat na bulalas ni Nikole.

“We are just securing your safety. Ngayon mo pa lang nakilala ang lalaking ‘yan, at mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan.”

“Oh my god!” natuptop niya ang noo. Lumingon siya sa kinaroonan ni Clive at apologetic na tumingin dito. May tatlong lalaking nakabantay dito na tila hinihintay na pumasok sa sariling sasakyan si Clive.

Tumango naman si Clive at sumenyas na tawagan siya gamit ang kanang kamay nito na inilapit sa tainga. Pinaadar nito ang sasakyan at saka lang nakahinga nang maluwag si Nikole.

“Your father hired my men and me. Although, we should remain concealed as per our agreement. However, that guy might do something nasty. And I will not allow it.”

Nagtangis ang bagang ni Nikole. Akala niya napag-usapan na nila ito ng daddy niya na bibigyan siya ng kalayaan. Pumayag ito na tanggalin ang kanyang sangkaterbang bodyguards. Ngunit heto ngayon at muntik na siyang atakehin sa puso dahil sa takot kanina.

“I’m Julian, I’m pleased to meet you,” seryosong wika ng lalaki at bahagyang yumuko.

She rolled her eyes heavenward. Hindi siya natutuwa sa mga nangyari.

Marahas siyang nagbuga ng hangin. “I’m going.”

“Great, your father is worried. I’ll drive you home.”

Inirapan niya ito. “Fine!”

Mukhang hindi basta-basta ang mga bodyguards niya ngayon. Their leader was well spoken, tiyak na may ibubuga ito.

Walang nagawa si Nikole kundi pasalampak na naupo sa loob ng sasakyan. Naka-convoy sila na halatang VIP ang binabantayan.

Lihim niyang tiningnan nang masama ang driver. Nanggigigil talaga siya. Alam kaya ng daddy niya ang plano niyang mangolekta ng lalaki? Sana naman ay hindi siya ipinahamak ni Kaden. Tapos ngayon heto siya at naisahan siya ng kanyang ama.

Julian looked confident. Paminsan-minsan itong sumusulyap sa kanya sa rear-view mirror. He had a tanned skin and a clean-cut hair, mukhang galing sa military. Prominente ang tangos ng ilong. Nagbibigay ito ng instructions mula sa maliit na satellite radio na nakasukbit sa bulsa ng denim jacket nito.

This is insane! Patuloy ang pagmamarakulyo ni Nikole dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status