Share

KABANATA 1

"Sage," mahinang bigkas ko matapos tuldukan ang pangalan ko sa natapos na pinta.

Hindi ko maiwasan ang ngumiti sa bungkos ng puting bulaklak na nakapinta sa canvas.

Someday, on my wedding day, I'm going to hold this bouquet of white roses with an attached peach color.

Mas lumawak ang ngiti ko sa naisip. Nilingon ko pa ang naipinta ko ring off-shoulder wedding gown, maging ang puting sandalyas na may ginto.

"Good job, Sage," mayabang kong papuri sa sarili bago tinakbo ang bintana at sinilip doon si Andres na nagbubunot ng damo.

Napanguso ako at pinagmasdan kung paano siya mabilad sa araw. At kahit malayo, kabisado ko kung paano tumulo ang pawis niya sa noo papunta sa kanyang leeg.

Sumilay ang ngisi sa labi ko sa imaheng nabubuo sa isipan ngunit kusa ring umawang ang aking mga labi nang makita ang abuhing montero sport na pumasok sa puti at matayog naming gate.

Napalunok ako at hindi malaman kung bakit bigla na lamang akong kinabahan. Napatago pa ako sa kurtina nang makita ang paglabas ni Attorney Santiago.

Nawala na sa isip ko ang pawis ni Andres at basta na lang hinubad ang apron kong napuno ng pintura. Mabilis rin akong naghugas ng kamay at naghilamos ng mukha sa banyo. Sakto lang sa pagpasok ni Yaya Nenita.

"Ma'am Sage, pinapatawag po kayo ng Mommy at Daddy ninyo."

Napapikit ako at mas lalong kinabahan. Nanginginig pa ang kamay ko nang suklayin ang lagpas balikat kong buhok.

Pinahiran ko nang rosas na lipstick ang labi ko bago bumaba. Mabibigat ang bawat hakbang ko at hindi matigil sa pagkabog ang puso ko.

"This is the most applicable way, Misis Selma. Isa pa, nasa tamang edad na rin si Sage, graduate na rin. Mahirap ipanalo ang kaso ninyo lalo na't may ebidensya pero kung papakiusapan si Attorney Carancho, possibleng maging malaya pa kayo."

Nangunot ang noo ko at hindi masundan ang usapan nila. Mahina pa iyon at hindi klaro sa tainga ko.

"Hindi ba pwedeng bayaran na lang? You know Sage, she will not easily agree with this. Baka pwedeng bayaran na lang ang abogado?" boses iyon ni Mommy.

"You do know that Attorney Carancho is a big fish as well. He doesn't get lured by money. This is what he wants. Let him marry your daughter in exchange for your freedom. Hindi kayo makukulong, pero hayaan niyo siyang pakasalan ang Unica Hija ninyo."

Nagpantig ang tainga ko roon lalo na sa protesta ni Mommy. Napabilis ang punta ko sa sala at kunot-noong hinarap si Attorney Santiago.

"What did you mean, Attorney? Bakit makukulong si Mommy at Daddy?"

Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. Sa tanang buhay ko ay mahigpit sila Mommy kaya't impossibleng gumawa sila ng krimen.

"Miss Sage, your parents-"

"Don't, Attorney. Hindi na importanteng malaman pa ni Sage."

"Dad! Your life is at risk, and yet you don't want me to meddle with this? Kaya ko naman po sigurong tumulong."

Tumalim man ang tingin ni Daddy ay hindi ako nagpatinag. Binalingan ko si Attorney, hinihintay ang sagot niya.

"As I was saying, your parents were accused of the murder of Amelia and Herman. And now, their son, Daxton Sullivan, has filed a case against your parents."

My lips parted and I had a hard time processing the information. Kailan pa naging mamamatay tao ang mga magulang ko? Ngayon lang?

"Attorney, I think you are wrong-"

"Don't worry, Miss Sage. Pwede pa nating pigilan ang kaso kung papayag kang pakasalan ang abogado ng kabilang kampo."

"Huh? Marriage? I am not for sale-"

"You can decline, but that would only mean your parents would go behind bars. And if ever you'll agree, hindi ka naman lugi, Hija. Isang Delton Carancho naman ang pakakasalan mo."

Binuksan nito ang hawak na case at kinuha mula roon ang isang buong photo paper at nilapag sa mesa.

Dumako roon ang tingin ko at halos matulala sa larawan ng lalaki.

This is Delton Carancho?

He has those very dark eyes, a dramatic nose, and those one-line lips that look so ravishing and scrumptious. Even his back-combed jet black hair is sinfully appealing.

Wala sa loob na napahawak ako sa short ko sa takot na mahulog iyon. Hindi na masama, baka makalaya na ako at makapunta sa lahat ng art exhibit kapag nagpakasal ako.

"Sage, think about it thoroughly. We need your help, Anak. Papaano na lang ang mga amiga ko kung makukulong ako? My gosh! There's no sossy chitchat inside the jail," bigkas ng Mommy niya na kanyang kinakurap.

Doon lang siya natauhan.

"Mommy, did you really k-illed them?"

"Of course not, Sage! Hindi namin magagawa ng Daddy mo iyon. Kaya lang magaling ang abogadong iyan at baka baliktarin kami sa korte. This is the safest solution we can consider, and I hope you'll help us with this."

Tinikom ko ang mga labi at ayaw na lamang magsalita. Kunot-noo ko pang kinuha ang photo paper sa mesa bago muling umakyat sa itaas.

Kung sa itsura ay oo na ako agad sa kasal, pero kung sa ugali, duda na ako sa mga gwapo. Kung si Andres nga hindi mapansin ang katiting kong paghanga sa kanya, ito pa kayang Attorney na tila galing sa Mount Olympus?

And yeah, it just took me a few minutes to delve into the internet and search for his name. At halos malula ako sa dami ng resulta. Walang background niya bukod sa abogado siya. Ang marami lang ay ang picture niya sa bawat babae.

Is this the man whom they want me to marry? A man who doesn't mind if a girl is lurking around him? May nakita pa nga akong nakahaplos sa dibdib niya kaya't mas lalong tumindi ang disgusto ko sa kanya.

And my hate for him leads me to paint his face. Magdamag ko iyong ginuhit at pininturaan. Balak ko rin iyong sunugin kinabukasan ngunit imbis na posporo ang kunin ko ay puting kumot ang nahablot ko. Nangingisi ko pang tinakluban ang canvas.

"R.I.P, Delton, because you'll be single no more. Say bye bye to your bachelor title."

I've realized he could be a way to escape this princess life. Ang offer lang ay kasal, hindi naman kasali ang pagsasama.

That morning, I already planned to marry him and escape. It's a dream come true to be able to live in the middle of nowhere and earn my own money. I'm going to sell my artwork and put on an exhibition.

Malawak ang ngisi kong tinakbo ang sala nang umaga ngunit kusa ring huminto ang mga paa ko nang magtama ang tingin namin ng lalaking kagabi lang ay pininta ko.

He's there, sitting and leaning against the backrest of the sofa, as if he owned the freaking mansion. Kumibot pa ang labi nito at sinuyod ako ng tingin. Ngayon hindi ko na alam ang sasabihin, at pakiramdam ko gusto ko na lang tumakbo nang gumuhit ang ngisi sa labi nito at titigan ang mga mata ko.

"Did you paint again, Sage? How many times do I have to tell you to stop that nonsense and work on your degree? If you took a business course, then do business and not that kindergarten coloring game," si Daddy na binato ang hawak na diyaryo sa mesa.

Napalunok ako at bahagyang nahiya. Wala sa loob na pinunasan ko pa ang natuyong pintura sa pisngi ko. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng mga pisngi ko sa titig ng lalaki. Pagsulyap ko ay matiim na ang tingin nito at hindi maialis sa mukha ko.

Sinubukan kong tumikhim upang mawala ang bumikig sa lalamunan ko.

"I studied the new designs for the sofa set," I lied just to make them at peace, because I never spent my precious time turning pages for those designs.

"And uhm, I only painted for an hour-"

"And yet your eyes tells otherwise, Miss." Ngumisi ang lalaki at kiniling ang ulo na siyang nagpa-init ng dugo ko.

How dare he meddle in my family conversation? Oh, yeah right, he might think he belongs even though we aren't married yet.

"I'm sorry for the inconvenient and unpleasant morning, Attorney. Okay lang ba magbihis muna si Sage bago natin pag-usap ang arrangement?" si Mommy na alanganin ang ngiti.

"There's no need for that, Mrs. Valencia. For as long as she agrees, everything will be settled," he said that with pride as he wore his subtle smile.

Napamaang ako at gusto na siyang tarayan. Nagawa ko na ngang humakbang ng isang beses para sana masampal siya ngunit natigilan rin ako sa tanong ni Mommy.

"Sage, what's your decision? Please, don't disappoint us," malambing ngunit may awtoridad sa boses ni Mommy.

I closed my eyes tightly, and like what I had planned last night, I'll go for it.

"I'll marry him, Parents," buong bigkas ko.

Pagmulat ko ay preskong mukha ni Delton ang nasalubong ng mga mata ko. Ni hindi nga yata ito kumukurap o baka ayaw niyang maniwala?

"But in one condition," I strongly added.

"What is it, Sage? Be wise, Darling," ani pa ni Mommy na akala yata ay yaman ng lalaki ang gusto ko.

Duda nga ako kung talaga bang may pera ito dahil baka gusto lang din niya ang yaman ng pamilya.

Nilingon ko sila Mommy bago binalik ang tingin sa lalaki. He doesn't even mind if I am looking at him dangerously, and that made him a threat.

"I don't want a church wedding nor a civil marriage," sa malamig kong boses.

Napag-isipan ko na iyon. Mas magandang walang pisikal na kasal para walang media at walang balita. Ibig lang sabihin noon, malaya. Malayang tumakbo kung nanaisin. Malayang tumakas kung magbabago ang isip.

"What do you want then, Savvy?" he asked, sweetly.

And fuck his endearment! Walang nakakakilig sa Savvy kahit pa sweet ang boses niya!

Nakagat ko ang labi at pinigilan ang sariling umirap sa pagsira niya sa angas ng pangalan ko.

"Pipirmahan ko lang ang marriage contract. Tapos ang usapan." Ngumisi ako nang magsalubong ang kanyang mga kilay.

Kita ko pang bumagsak ang tingin niya sa daliri ko bago bumalik sa mga labi ko.

"So you don't want a ring, Savvy?" seryoso ngunit kita ko naman ang unti-unting pagsilay ng ngisi niya.

"That's not my dream wedding for you, Sage! Magarbo ang kasal na gusto ko para sa'yo. Lahat ng amiga ko mag-a-attend!" angil ni Mommy ngunit hindi ko iyon pinakinggan.

"I'm already saving you, Parents. Let me do this on my way. I don't want a wedding. Signing of mariage contract will do."

Tuluyang bumagsak ang tingin ko sa labi niya ng tumaas ang gilid niyon.

"Signing of marriage contract?" may halong tawang bigkas niya. Hindi niya yata mapaniwalaan.

"So you don't want to kiss me, Savvy? You don't want that kiss the bride thing, Baby?" dagdag pa niya.

Naningkit ang tingin ko at gusto ko na siyang murahin sa pagkahambog niya. Sino na namang gugustuhing h*****k sa mga labi niyang mukhang marami ng labi ang pinaglapatan? Malamang hindi ako! Labi lang ni Andres ang gusto kong mahalikan pero hindi na pwede! Sayang!

"You are too full of yourself, Mr. Carancho. Not all girls will bow down to you. Not me. If you don't want the deal, then just put my parents in jail-"

"Sage! Pinagsasabi mo?!" histerya ni Mommy.

I looked at them coldly, trying to waken my evil side, but then, I didn't want to see them behind bars, especially if I knew that they were innocent.

I sighed and shot the man in front of me with death glares, "No wedding. Just signing of papers. That's final. And yes, I don't want your lips, Mr. Mukha na kasing laspag." Ngumisi ako at kahit maganda naman talaga ang mga labi niya ay hindi ko aaminin iyon.

Baka pinagsawaan na ng iba kaya i-share niya na lang sa iba.

I saw his jaw move tightly and shoot me squinting glances as he arched his brow a little. He looked offended, and yet he managed to look cool.

"Did you get what I said?" Tinaasan ko siya ng kilay ngunit tumayo lamang siya at inayos ang nagusot niyang abuhing longsleeve.

Nagawa pa niyang kunin ang coat niyang nasa sandalan ng sofa bago ako hinarap. And damn! Gusto ko na lang siyang paupuin ulit sa taas niya. Sa dibdib niya lang yata abot ang ulo ko.

"Fine. I'll bring the marriage contract next week and probably buy you a new lipstick. I hate your pinkish lips. They look childish. Be mature and color it red," he said, and that made me tongue-tied.

Gusto ko nga siyang batuhin ng throw pillow sa inis ang kaso ay humarap pa siya.

"Oh, and I think I would probably buy you a push-up brassiere since I can't see anything of your..." He stopped, then looked at my chest before smirking.

Halos mamula ang mukha ko at gusto na lang siyang murahin dahil doon.

|Y_S|

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lea Angelei Lagrada
Savaaaage haha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status