Share

KABANATA 2

Ilang araw na nga akong sabog at hindi makatulog kakaisip kung tama ba ang desisyon ko. Mas maganda yatang sumama na lang ako sa kulungan kaysa pakasalan si Attorney. Para ka no'ng sasakalin kung tumingin.

Marahan kong nilapag ang paintbrush sa highstand table at tinitigan ang dalawang wedding ring band na katatapos ko lang kulayan. Kumikinang pa ang pagkaginto ng mga ito at sinisilaw ang mga mata ko. Nalagyan ko na nga ng pangalan ko ang isa. Tapos iyong isa undecided pa ako. Balak ko sana pangalan ni Andres pero alam kong hindi na pwede.

Napasimangot ako bago lumapit sa bintana. Nandoon na naman si Andres at nagbubunot ng damo. Kahit likod niya lang ang kita ko, alam kong mukha siyang maskulado sa suot niyang muscle tee. Ewan ko ba kung bakit nagtitiis siyang maging hardinero gayong pwede naman siyang maghanap ng ibang trabaho.

Hays, Andres. Bakit hindi na lang ikaw si Attorney?

Sinandal ko ang ulo sa bintana at mas tinitigan ito. Namilog nga lang ang mga mata ko nang lumingon ito at bahagya pang kumaway at tingin ko ay mahuhulog ang puso ko sa pagsilay ng ngiti nito. Hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti at kumaway pabalik. Nahinto lang nang pumasok si Yaya Nenita sa kwarto.

"Ma'am Sage, mamaya na raw po darating si Attorney."

"Po? Tapos na po ba ang isang linggo?" Nangunot ang noo ko. Parang kahapon pa nga lang nang umalis iyon dito tapos babalik na agad?

Marahang tumango si Yaya Nenita at alanganing ngumiti, "Opo, Ma'am Sage. Pinapatong po kung saan ninyo gustong magpirmahan. Sa coffee shop, sa resto, sa condo, sa hotel, sa motel, sa in-"

"Yaya! Bakit pa-wild nang pa-wild ang mga choices?!"

Napakurap ito at napakamot sa buhok niyang nakapusod.

"Si Attorney po ang nagbigay ng mga 'yan. Pinapasabi niya rin po na..."

Tumikhim ito nang malalim at sinubukang magboses lalaki.

"...Savvy, don't forget to wear dark red lipstick. I want a wedding picture with you," pagtatapos nito.

Halos mapapikit ako nang mariin sa inis. Ang usapan ay pirmahan, walang picture-an!

Tumikhim ako at pinilit kumalma, "Sa coffee shop na lang po ang sabihin ninyo."

"Sige po, Ma'am Sage. Maghanda na lang po kayo mamaya." Tumalikod ito at lumabas sa kwarto ko.

Mahina kong sinampal ang sarili at ayaw tanggapin na nangyayari nga ito sa buhay ko. Naiinis ko pang inalis ang suot na apron bago nagmartsa palabas ng kwarto.

Dinadagsa ng poot ang puso ko ngunit nang makarating sa malawak na hardin ay kusa iyong tinangay ng hangin matapos masilayan si Andres.

Nakagat ko ang labi at hindi maiwasang titigan ang mga braso nito. Kahit mas matanda siya ng isang taon sa akin ay mukha pa rin siyang bata.

Tinititigan ko na nga nang mabuti si Andres. Mas lalo na ang maliit niyang biloy sa gilid ng kanyang labi sa tuwing ngumingiti.

Humakbang ako palapit kahit na medyo masakit sa balat ang sinag ng araw. Tumigil lang ako nang nasa harap na niya.

"Andres," pagkuha ko sa kanyang atensyon.

Tumigil ito sa pagbunot ng damo. Nagpagpag ng kamay. Tumayo bago ako hinarap.

"Bakit, Ma'am Sage?" Nilagay pa nito ang kamay sa taas ng kanyang kilay, tila nasisilaw sa sinag ng araw.

Napatitig ako lalo sa mukha nito. Kahit hindi maputi ay mala-adonis ito pero mas makisig si Attorney. Yummy, mukhang terror kapag nagalit tapos mukha talagang mananakal-

Napatigil ako sa naisip at kulang na lang ay mamilog ang mga mata ko. Bakit ko ba pinupuri si Attorney?! Hindi niya deserve!

Tumikhim ako, sinubukang ibalik ang sadya ko.

"Uhm. Kung saka-sakali, papayag ka bang maging kabit, Andres?"

Hindi nakatakas sa paningin ko ang gulat sa mga mata niya at pag-awang ng kanyang mga labi.

"Po? Hindi ko po kayo maintindihan, Ma'am Sage. Tinatanong niyo po ba ako kung gusto kong maging kabit?" nalilitong tanong ni Andres.

Napaiwas ako nang tingin at tumawa nang alanganin.

"Joke lang iyon, Andres. Pero kung payag ka pwede rin."

Nilingon ko pa ito ngunit talaga yatang hindi niya ako maintindihan dahil nagsasalubong na ang kilay niya.

"Uhm. Sige, magtrabaho ka na. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko."

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa hiya kaya naman tinalikuran ko na siya at nagmadaling umakyat sa kwarto.

Pagulong-gulong sa kama sa kahihiyan tapos dumagdag pa ang kaba ko na makita si Attorney.

Tumayo ako at tinanggal ang kumot sa painting niya. Sinamaan ko iyon ng tingin, masama rin naman ang tingin sa akin. Napag-isip ko na rin na pagkatapos ng pirmahan ay magpapaalam akong uuwi sa bahay niya pero babiyahe na ako pa-Zambales. Bahala na kung ano'ng dadatnan ko roon. Ang importante, makaalis na ako.

Sa naisip ay medyo ginanahan akong mag-ayos para sa pirmahan. Nagulat pa si Yaya Nenita nang makita akong suot na ang puting puffed sleeve squared neck dress at kulay gintong sandalyas. Kinulot ko lang din ang buhok ko at nagsuot ng manipis na kwintas. Malungkot ko ring nilingon ang canvas kung nasaan ang bouquet of white roses.

Sayang at hindi ko iyon kailanman mabibitbit sa paglalakad sa altar. Pinangarap ko pa namang ipasalo iyon kay Yaya Nenita, baka sakaling magka-lovelife din siya.

I sighed and just covered the painting with another white cloth, as well as the wedding gown and wedding band paintings.

Bitbit ang kulay gintong sling bag ay hinanap ko sa sala sila Mommy ngunit wala sila roon. Akala ko pa ay nasa parking na sila ngunit wala rin.

"Ma'am Sage, nasa opisina po si Ma'am Selma at Sir George, may importanteng meeting. Si Attorney Santiago raw po ang sasama sa inyo."

Bumagsak ang balikat ko dahil roon. Naninikip ang dibdib at hindi matanggap na ang mga tanong gusto kong isalba ay sila ring wala sa kasal ko. Kumurap ako upang pigilan ang pagtulo ng aking luha. Pinaskil ko pa ang pekeng ngiti kay Andres na nakatitig lang sa mukha ko.

"Andres, ayaw mo bang sumama?"

"Po? Naku, Ma'am Sage, nakahihiya naman po. Pangit po ng suot ko at baka magalit po ang mapapangasawa ninyo." Nagkamot pa ito sa batok niya.

"Wala namang mali sa suot mo. Isa pa, mas maganda nga iyon, mas magandang magalit si Attorney para umurong na rin siya sa kasal," mahinang bulong ko.

"Ano po, Ma'am Sage? Gusto niyo pong magalit si Attorney Delton?"

Napatikom ako ng bibig at alanganing lumingon sa kanya. Nasilip ko pa ang pagdating ng Montero ni Attorney Santiago kaya't dinagsa ako ng kaba.

"Huh? Wala akong sinabing ganoon, Andres. Sige na, aalis na ako."

Gusto ko sana siyang tapikin sa balikat kaya lang baka bigyan ng malisya ni Attorney Santiago kapag nakita niya kaya kinuyom ko na lang ang kamay ko at lumapit sa sasakyan.

"Ma'am Sage, nasa coffee shop na si Attorney Delton," anito pagkapasok ko sa backseat.

Kumibot ang mga labi ko at pinagpawisan ng kamay. Nanlamig bigla ang tiyan ko sa kaba maging ang puso ko ay gusto na lamang tumigil sa pagtibok. Isipin pa lang ang itsura ni Delton Carancho ay gusto ko nang mangiwi sa takot.

Dala ko iyon nang matanaw ang Sweet Café. Tahimik at walang ibang sasakyan kundi ang isang black Mercedes-Benz. Itim na itim, kasing itim ng mata ni Attorney!

Nawala bigla ang kaba ko nang makitang walang customer ang café. Nagmadali pa akong bumaba at inunahan na si Attorney Santiago sa loob. Nangunot nga lang ang noo ko nang makitang nasa gilid lahat ng upuan at pulang carpet pa sa gitna, daan papunta sa counter kung saan nakatayo ngayon ang isang demonyo, I mean Attorney.

Hindi ko sigurado kung namamalikmata ako o talagang nagmukha siyang anghel sa suot niyang puting three-piece suit. May pulang bulaklak pa sa gilid ng coat niya. Nakahilera din sa gilid niya ang iilang staff ng café.

Napabilis ang hakbang ko at gusto siyang pagalitan. Ang usapan ay pirma lang ngunit ano itong pa-red carpet niya?

Bumilis lalo ang hakbang ko ngunit natigilan nang nasa tapat ng red carpet.

"Stop right there, Savvy. We'll be having our wedding ceremony," aniya bago pinindot ang laptop sa harap niya at tumutog ang malamyos na musika.

"The fuck-"

Natigil ako nang maramdaman sa tabi ko si Attorney Santiago. Marahan pa nitong nilagay ang kamay ko sa bisig niya bago ako giniyang maglakad.

Gusto ko na talagang magmura at sugurin ang lalaki ngunit hindi ko magawa dahil sa bagal maglakad ni Attorney Santiago. Balak yata nitong tapusin ang kanta.

"Congratulations and best wishes, Ma'am Sage," anito nang makarating at ipasa ang kamay ko kay Delton.

Kusa kong nalunok ang laway ko sa pagdampi sa mainit niyang palad. Bigla, gusto kong bawiin ang kamay ko sa hindi mawaring pakiramdam. Kahit may kagaspangan ang kamay niya ay ramdam ko ang hatid na init niyon sa akin. Sakop niya ang buong palad ko at kahit higitin ko ay malabong mabawi ko.

Napatitig ako sa magka-ugpong naming palad. I don't know, but I felt a bit secure when he squeezed my hand a little. It feels like it wakes up those hidden butterflies in my stomach. Ayaw ko na nga sanang bitiwan kung hindi lang tumigil ang tugtog at pinalitan iyon ng boses ng pari.

Napamaang na ako at marahas na binawi ang kamay ko. Swerte ko lang na seryoso siyang nakikinig sa video ng pari sa laptop kaya't nabawi ko. Ang kaso nawala ang tapang ko nang lingunin niya ako at magsalubong ang kanyang kilay.

"Pirmahan lang ang usapan natin! Walang ganito! Ayoko nito!" mahinang angil ko.

Instead of feeling guilty, he looked at me as if he doesn't fucking care. Sinundan ko pa ang pagbukas ng mga labi niya.

"I will only get married once, Savvy. And I want it to be special. Let me have peace at my wedding ceremony because this is the only time it will happen. Not again. If you don't like it, speak only when you're about to say 'I do.'"

Natameme ako at nahiya. Hindi ko naman alam na sentimal pala siya. Pinirmi ko na lamang ang mga labi at kahit labag sa loob ko ay hinayaan kong matapos ang seremonyas. Sa 'I do' nga lang ako nagsalita at pilit pa.

Nang patayin na ang laptop ay binalak ko siyang sigawan ngunit pagbaling ko sa kanya'y malambot na labi ang sumalubong sa mga labi ko. Napaatras ako't muntikan nang matumba kun'di lang niya nahawakan ang bewang ko at pinirmi roon ang palad niya.

Doon lang rumehistro sa akin ang ginawa niya. Nanlalaki ang mga mata ko habang siya'y nakapikit at ninanamnam ang labi niyang nakalapat sa mga labi ko. Ilang segundo lang ang tinagal niyon ngunit tila nilipad ako't kiniliti ang damdamin ko.

Paghiwalay niya ay nakangisi na siya't proud pa na naisahan niya ako. Maging palad niyang nasa bewang ko ay tila ayaw pang lumayo kun'di lang ako humakbang palayo.

"It's part of the ceremony, Baby. Kissing the bride is the most essential thing," agaran niyang paliwanag nang makitang magsasalita ako.

Tumikhim ako't umiwas ng tingin. Hindi ko rin matingnan ang mga staff sa hiya. Marahan ko na lang pinunasan ang mga labi ko na kinataas ng kanyang kilay.

"Where's the marriage contract? Pipirma na ako." Iwas ko sa pangyayari.

Nilapag ni Attorney Santiago ang marriage contract at ballpen. Ni hindi ko na iyon binasa, basta walang pagdadalawang isip ko iyong pinirmahan upang makaalis agad. Ang kaso ay lumapit siya at naglapag pa ng bond paper sa harap ko.

"And sign that long bond paper as well," he commanded, and that made me annoyed.

"The fuck? Bakit ko kailangang pirmahan 'yan? Bakit? Isang daan ba ang pinakasalan kong Delton Carancho?"

He arched his brow a little before he wore his smirk.

"No, but that is for emergency purposes only. If and only if, it crossed your mind to tear up the marriage contract, I still have your signature to make another one. There's no other way to escape, Savvy. I know what's on your mind."

Naiinis akong umirap at sinimulan na lang na pirmahan ang bond paper. Ang akala ko ay iyon lang ngunit nagsalita pa ito na siyang tuluyan kong kinagalit.

"Tomorrow you'll move in with me-"

"The fuck?! Wala 'yan sa usapan-"

He looked at me dangerously, as if he wanted me to shut my mouth.

"Of course, it is part of marriage. Ano'ng gusto mo, Savvy? Jank en poy? Hide and seek? Run, baby, run? You are my wife, then you should be with me. You'll move in with me. That's it, period."

|Y_S|

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status