Share

KABANATA 5

Hindi ako makalma sa kaisipang magtatabi kami sa kama. Kung siya si Andres, gora agad. Pero kung si Delton? Delikado. Halik nga ninanakaw niya, puri pa kaya?

I stayed on the sofa the whole day, waiting for his secretary to go home. They spend the whole day together. I guess they are newlyweds. That's why when she's about to go home, I breathe satisfyingly. I even stared boredly at how she finger combed her bouncy, curly hair.

Hindi ko nga maiwasang ikumpara iyon sa buhok kong tuwid at blonde. Tingin ko mas may buhay ang sa kanya.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay hindi ko pinansin si Delton kahit pa nasa akin na ang atensyon niya. Humihikab lang akong umakyat, dumiretso sa master's bedroom pero hindi tuluyang pumasok.

Bakit ba ako susunod sa kanya? May tatlo pang extra na kwarto, pwede naman siguro sa guestroom.

Sa naisip ay mabilis akong pumihit paharap para sana kausapin ito ngunit dibdib na niya ang naharap ko. Nasa tapat ko na ito, nakapamulsa at nakababa sa akin ang tingin. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan lalo na't wala itong ano mang ngiti sa labi, iba kapag tinatawag niya akong "Savvy."

"Uhm. P-wede bang sa guestroom na lang ako? Hindi ko naman kailangan ng malaking kama—"

"No, Savvy. There is no available guestroom for you. If there is, I'll make my things occupy that, so you will stay in my room," malamig niyang tugon.

Napaawang ang mga labi ko, hindi sa kilig kun'di sa inis. Ang yabang niya sa parte na iyon! Hindi ko naman gugustuhing makatabi siya sa kama.

Tumikhim ako at sarkastiko siyang tiningnan. Namumungay pa ang mga tingin niya ngunit hindi ako makukuha roon.

"Attorney," I sexily called out, "Maybe you forgot the law. Didn't you know that you were violating my human rights?"

I arched my brow a little and wanted to at least pull his shirt a bit to make it seductive, but yet, he made me stop by using his deep stare.

Napaatras ako sa lalim ng tingin niya at halos idikit ko ang sarili sa pinto sa takot na kabigin ako nito palapit nang iniumang niya ang kanyang kamay. Ngunit imbis na dumapo iyon sa bewang ko ay sa doorknob iyon napirmi, dahilan upang mas lumapit siya.

"Human rights, huh? I am not violating any rules, Savvy. In fact, I'm letting you experience your rights as my wife. I'm letting you experience and feel what's mine," he whispered as he crouched a little over me, "And one more thing, since you always forget, no married couples sleep in different rooms, Baby." Umayos siya ng tayo at tuluyang binuksan ang pinto.

Nahagip din ng tingin ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya dahilan upang lalong umikot sa katawan ko ang kilabot. Tila kuryente iyong unti-unting kinukuha ang lakas ko.

It was just his hoarse voice, and yet he made me feel so weak.

Halos liyo pa ako sa boses niya at hindi pa ako nakababawi nang higitin niya nang marahan ang palapulsuhan ko at isama ako sa loob ng kwarto. Namilog pa ang mga mata ko matapos marinig ang pag-lock niya sa pinto.

"The fuck, Delton?!" histerya ko at gusto na lang higitin ang kamay ko.

Hindi ako nito pinansin at talagang binitiwan lang noong nasa gitna na ng kwarto. Binalak ko muling magsalita ngunit mabilis na tumalikod matapos makitang huhubarin niya ang suot na puting t-shirt.

"Gago ka ba?! Bakit ka naghuhubad?!"

"Why? Isn't it our honeymoon?" he innocently asked.

I hissed before I bravely turned around and looked at him. He's there, already laying on the bed with one arm as his pillow. Nakatagilid at nakangisi sa akin.

Napalunok ako at mabilis na tumingin sa itaas para lang maiwasang matingnan ang matipuno niyang tiyan. Bilang ko pa sa utak ko ang walong pandesal at ang dibdib na tingin ko ay matigas din.

"Come here, Savvy," he sweetly called out as he tapped three times on the space between the bed and him.

Nanlamig ang tiyan ko at tingin ko ay binalot niyon ang puso ko. Pumikit ako nang mariin at sinubukan alisin sa isipan ko ang imahe niya. Pagmulat ko ay mas malawak na ang ngisi niya.

"We're married not because of love, Attorney. And let me remind you that a honeymoon is for couples who adore one another. We are not counted," malamig kong tugon.

Ngunit wala yata itong konsensya o ano mang lambot sa puso dahil mahina lamang itong tumawa habang naiiling.

"It's okay, though I adore you, Wife. Just ask me whenever-"

"Magtigil ka na nga, Attorney! Kilabutan ka nga! Diyan ka mag-isa sa kama mo, halikan mo 'yang unan mo! Dito ako sa sahig."

Nagmamartsa kong kinuha ang kumot at isang unan. Naiinis ko rin iyong inayos sa sahig. Never in my life have I slept on the floor, not even on a sofa-bed. Tapos ngayon, heto at hinayaan talaga akong matulog sa sahig ng asawa ko kuno! Kainis!

Sa inis ko ay nagtalukbong ako ng kumot. Gusto kong maiyak sa sitwasyon. Ni minsan ay hindi ko naranasan ito sa mansiyon. But if I want to survive, I think I must endure this, especially if I will live alone soon.

Sa naisip ay pinilit kong pinikit ang mga mata upang makatulog. Hindi naman ako nabigo nang maramdaman ang paunti-unting pagbagsak ng mga talukap ko sa mata.

I was even in a dreamy land that night with Andres. In my dream, we were both cutting grass and picking roses in the mansion garden when he suddenly lifted me up and let me sit down on the flat wooden railing of the balcony.

Ang tamis ng ngiti ko at hinapit pa siya sa katawan upang mayakap ang matipuno niya ring katawan.

"You're molesting me," he whispered in my dream.

In my dream, I hummed a little and shook my head at him. Siniksik ko rin ang pisngi ko sa h***d niyang dibdib.

"Woman, this is hard," he lowly groaned.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Masaya akong nasa paniginip ko siya't nayayakap kaya't lalong naging mahimbing ang tulog ko.

"Sleepy head, wake up."

Mahina akong umungol sa narinig, mas lalo na sa marahang tapik nito sa bewang ko. Kahit na marahan kong minumulat ang mga mata ay hinihigpitan ko rin ang yakap ko kay Andres. Not until I realized that Andres was not here. In my dream, he is there, but not in this room.

Namilog ang mga mata ko matapos bumalik ang panaginip ko kagabi. Idagdag pang ramdam ko na ang malambot na kama sa likod ko.

Dumoble ang kaba ko at marahan pang hinagod ang katawan na aking yakap. Nakagat ko ang labi sa tigas at sa hiya nang masalubong ang malalim na namang titig ni Delton.

"You harrased me," he coldly stated, "Panagutan mo ko, Mrs. Carancho."

Nagtagal sa tainga ko ang pagtawag nitong Mrs. Carancho ngayon kaysa sa nakalipas na araw. Tila iyon magandang musika na patuloy na tumutugtog sa isipan ko.

"What have you done, Savvy? I thought you didn't like me? Bakit mo 'ko ginapang, Baby? Sabi ko naman sabihin mo lang kung kailan mo gusto." Ngumisi siya at balak pa yata akong hapitin ulit ngunit mabilis akong humiwalay at bumaba sa kama.

Muli akong binalot ng inis sa akusa niya. Pinaningkitan ko siya ng tingin at niyakap ang sarili nang mahigpit. Baka mamaya siya 'tong may masamang ginawa.

"How could you, Delton?! Isa pa, sino bang nagbuhat sa akin papunta sa kama? Hindi ba ikaw?! Attorney, kung hindi mo kayang igalang ang karapatang pantao ko, igalang mo na lang ang personal space ko!" Umirap ako at mabilis na pinulot ang kumot at unan.

Paglingon ko sa kanya ay nangunguso na ito nang bahagya at sinusupil ang ngiti o ngisi.

"Pwede ba? Wala akong pinipirmahang kasunduan sa ganito—"

"You vowed, "I do," Baby. That means you'll be right beside me through ups and downs. If you can't comply with that, well, I will. Don't mess with my married life, Mrs. Carancho." Salubong ang kilay niyang tumayo at dumiretso sa labas ng kwarto.

Kinunot ko rin ang kilay ko. Hindi niya ako makukuha sa ganoon, ginusto niyang pakasalan ako kaya't damhin niya kung ano lang ang kaya kong ibigay.

Inayos ko ang kwarto kahit pa masama ang loob ko. Hindi rin ako ngumiti nang tawagin niya ako para sa almusal. Nakaluto na siya't nakabihis kahit hindi ko naman siya nakitang bumalik sa kwarto.

"I'll eat before I go to work. I'm certain you don't know how to cook—"

"I do!" gigil kong putol sa sasabihin niya kahit pa totoo namang hindi.

Ano'ng malay ko roon? Pintura at brush lang ang nahahawakan ng kamay ko.

He flashed his undying smirk and even slowly placed the plate with the cooked omelete on the table.

"Don't argue with me on this, Savvy." Bumagsak pa ang tingin niya sa mga kamay kong nakahawak na sa sandalan ng upuan, "Those hands never even held a knife, but a palette. I don't even intend to make them hold a dipper; they are meant to hold my own hands someday."

Natahimik ako at tila pinasukan ng init sa pisngi. Naging awkward ang paligid sa sinabi niya. Hindi ko naman alam na medyo lover boy pala si Attorney.

He cleared his throat when I remained quiet, "Eat, Savvy. I'll go now."

Iyon lang ang sinabi niya bago kinuha ang coat niyang nasa isang upuan at walang lingong-likod na tumalikod. Doon na ako napapikit nang mariin. Ako pa yata ang nahiya sa sinabi niya, at isa pa, kamay lang ni Andres ang gusto kong hawakan.

I automatically stopped after remembering Andres. Naramdam ko ang pangungulila sa puso ko, hindi lang sa kanya kun'di sa buong mansyon. Ganitong oras ay nasa kwarto ko na si Yaya Nenita o kaya ay rinig ko na ang boses ni Mommy. Pero ngayon? Mag-isa ako sa modernong bahay. Maganda nga wala namang kasama.

I felt my heart getting heavier, and that urged me to escape again.

Isang araw pa lang ngunit gusto ko ng umuwi. Kaya naman pagdating ng hapon, nang walang mahanap na magawa ay madali akong nagbihis. Wallet at cellphone na lang ang binitbit ko, hindi na bagahe.

Pasimple pa akong lumabas sa gate ng bahay, para lang mahinuhang malayo ito sa syudad. May mga puno at malamig ang simoy ng hangin. Hindi ko alam kung saang lugar niya ako dinala pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Ma'am, saan punta?"

Nilingon ko ang sumabay na lalaki. Naka-uniporme itong guwardiya kaya't hindi naman nakakaba.

"Uuwi po."

Napakamot ito sa batok bago tinawag ang isa pang guwardiya.

"Ma'am, malayo po ang Maynila sa Zambales. At saka, magagalit po si Attorney."

Umawang ang mga labi ko. Zambales? Ito sana ang destinasyon ko pagkatapos ay dito rin pala talaga ako dadalhin.

"The fuck with your attorney! Pakialam ko kung magalit iyon!"

Binilisan ko ang lakad ko makalabas lang sa subdivision gate. Ang kaso mabilis din ang lakad ng dalawa.

"Ma'am, hindi po talaga pwede. Kung gusto po ninyo, tawagan natin si Attorney-"

"No need for that. Hindi niya hawak ang buhay ko-"

"Pero hawak po niya ang buhay namin. Ayoko pong humimas ng rehas, Ma'am," medyo alanganing bigkas nito.

I stopped on my track and looked at the two of them. Medyo chubby lang sila at medyo goons ang itsura pero tingin ko mabait naman.

"Fine. Take me to your attorney!"

Wala pang limang minuto ay nakasakay na kami sa mobile nila at wala pang kalahating oras ay nasa building na kami. Tiningala ko pa ang Delton Law Firm nitong pangalan. Hindi iyon sobrang taas kagaya sa lungsod pero my class ang detalye nitong mga salamin.

"Ma'am, huwag niyo na lang pong galitin," ani pa ng guwardiya sa akin.

Tumango ako pero sa totoo lang, binabalot na naman ako ng galit. How dare he cage me?! Hindi ako preso na bawal lumabas!

"Miss, Delton Carancho's office," madali kong bigkas sa receptionist.

The girl looked at me suspiciously before getting the telephone. I didn't have time to wait for her to call him, so I decided to just go straight to the last floor.

"Miss! Busy pa si Attorney at bawal kayo riyan!" sigaw nito ngunit hindi ko pinansin.

Ganoon rin ang sigaw ng tingin ko ay secretary niya rin nang makarating ako sa top floor.

"Abala po sa kaso si Attorney-"

"I don't fucking care! Asawa ako, tumabi ka!"

"Po?" gulat nitong tugon.

Sa inis ko ay hindi ko na siya sinagot at diniretso na lang ng lakad ang pinto ng kanyang opisina. And there, I found him reading a paper with his glasses on. He appeared serious and professional, but that was the least of my concerns.

Mabilis ngunit mabigat ang mga hakbang ko palapit sa kanya na kinaangat niya ng tingin. Mabilis niya ring hinubad ang suot na salamin.

"Ano 'tong hindi ako pwedeng lumabas, Delton?! Hindi ako pwedeng umuwi?! Hindi mo 'ko preso! Hindi ako nasasakdal!" litanya ko.

Nakakainis kasi na kahit hindi niya sabihin ay guwardiyado ako! Bawal pang lumabas sa subdivision!

Hindi siya sumagot ngunit tumayo siya at lumapit sa akin. Hindi ako nagpatinag at tinapatan ang seryoso niyang tingin.

"Where are you planning to go? I'll drive for you-"

"I don't need a driver! I don't need you! Iuwi mo ko sa amin! Mas gusto ko si Andres-"

But all of my words were drowned out when he effortlessly pulled my nape and crashed his lips against mine. He kissed me sensually, as if he had tasted his favorite dessert. I felt weak with that. I was lost when he smoothly entered his tongue inside and abruptly held my waist tightly.

I lost count of my breath when he stopped and slowly moved away before expertly locking my eyes with his. 

"The fact that you married me means you are tied to me already, and there's no room for other boys, Savvy. Remember that. You are Mrs. Carancho, baliktarin mo man ang mundo," he dangerously whispered.

|Y_S|

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status