Share

Chapter 6

Kanina pa si Shan palakad-lakad sa loob ng kanyang kuwarto. Pangatlong araw pa lamang niya sa manor ni Prinsipe Cane ay sobrang nabo-bored na siya. Hindi siya masyadong lumalabas sa kuwarto niya dahil ayaw niyang makadaupang-palad ang ina ni Prinsipe Cane pati na rin si Tamia na mukhang mabait naman ang hitsura ngunit hindi pa rin siya kumbinsido sa kabaitang ipinapakita nito sa kanya.

"Wala man lang mapaglibangan sa mundong ito. Mababaliw ako kung magtatagal pa ako rito," himutok ni Shan. Sa dinami-rami ng puwede niyang mapasukan ay sa loob pa siya ng komiks nakapasok. Masarap lamang basahin ang kuwento ng komiks na pinasukan niya ngunit hindi maganda kung mai-experience niya mismo. Walang cellphone walang internet, kahit ano wala. "Ano ba ang ginagawa ko dati kapag naiinip ako?"

"Nagbuburda po kayo, Binibining Shan. Iyan ang gustong-gusto mong gawin para palipasin ang oras at hindi ka mainip," sagot sa kanya ni Manda.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status