Share

CHAPTER 3: BLYTHE

"MAGIC LOTION"

FREEZING IN terror— no! She's actually dying in horror. The tiny flame of courage blazing in her chest died down in a splash of fear as Blythe found her now-conscious body lying on the dirty ground of the dark playhouse soaking in this fishy, creamy; and thick maroon liquid. The smell is making her wanna puke!

Why she is lying out there is still a question for Blythe, but the biggest question that's making her head haywire is the blood flowing out of her ripped skin all the way through her veins. God! Imagine the dread clawing around her body as if there's a giant and cold hand that's gripping her to death, making her breathless.

What really happened?

Nanghihina siyang bumangon at mabilis na tumakbo patungo kina Mother Superior para ipakita ang nagdurugo niyang braso at dibdib. Habol-habol niya ang kaniyang numinipis na hininga nang pumasok siya sa bulwagan ng bahay ampunan. Hindi pa siya nakaka-bawi sa kilabot na yumayapos sa kaniya ay muli na namang natulos ang maliliit niyang paa sa lupa nang makita niya ang nagkalat na mga katawan mula roon, o mas tama bang ikonsidera na niyang bangkay?

One of her playmates— Glenn was in the rattan settee— lying with his head dangling and his eyeballs almost out of its socket. Alana has three deep-straight lines of slashes in her neck, habang ang kawawang si Arianna naman na madalas niyang bigyan ng candy ay may naka-tarak na kutsilyo sa bandang dibdib.

No!

The scene is making her remaining sanity to meltdown, Blythe wants to scream for help but her blood-stained throat runs dry. Sa puntong iyon pa lamang niya nadama ang naglalagablab na kirot sa nagdurugo niyang dibdib. But it doesn't come from the outer cut, it's in the inner— in her heart which is starting to throb at a painful pace.

Despite the fear that consuming her Blythe continued running, she went upstairs to where mother's superior's office is located. Nangangatal pa siya nang pihitin niya ang noo'y bukas namang pinto, ang bawat langitngit nang kinakalawang na bisagra ay nagdadala ng kilabot sa kaniyang katawan.

"Claudia?" she half-whispered in awe.

Nahigit pa niyang lalo ang kaniyang hininga nang matagpuan niya ang kaniyang malapit na kaibigang paulit-ulit na tinitikman ang masaganang dugo na umaagos sa bukas na leeg ng madre. Sa kamay nito ay ang maliit na balaraw na kinilala ni Blythe na kaniyang kwintas; wirdo ang disenyo no'n ngunit pinaniniwalaan niyang pamana iyon sa kaniya ng tunay niyang mga magulang.

Ngunit bakit na kay Claudia iyon? At tila pa ginamit niya ito kay Mother Superior at sa kanilang mga kalaro?

"Blythe..."

Namilog na tila buwan sa gabing iyon ang mga mata niya nang bigla-bigla ay nasa harapan na niya naka-tayo si Claudia. Ang ngisi sa duguan nitong labi ay nakaka-kilabot lalo pa at sa bawat gilid no'n ay sumilay ang mahahaba at matatalas nitong mga ngipin. Ayaw niyang magpagapi sa takot dahil alam niyang hindi siya sasaktan ng pinaka-matalik niyang kaibigan, mahal niya nito. Subalit dahan-dahan siyang pinanghihinaan ng tuhod at napapa-atras.

"C-Claudia... A-ano i-ito?"

Maraming nais na i-tanong si Blythe sa kaniyang kaibigan ngunit nag-uunahan ang mga iyon sa kaniyang labi, nadala siya ng labis na kaguluhan at nang mag-angat siya ng tingin sa batang kaharap ay mabilis na nagtama ang kanilang mga mata.

May munting ilaw sa magaganda nitong balintataw, tila kay sarap nitong titigan at hindi magawang alisin ni Blythe ang mga mata niya rito. She tried to fight it multiple times, but they seemed to captivate her and it pains her a lot to fight her heart's strong desire.

"Victorina Aurora..." Claudia snapped in her face, her mind was triggered to finally wake up and when it did she just found herself being thrown away with a force which sets her to thump against the hard wall behind her.

Napa-igik siya sa labis na kirot na dumantay sa kaniyang likuran, ilang sandali pa'y tumulo na ang luha sa kaniyang mga mata. Dahan-dahang lumapit sa kaniya si Claudia, pinasa-ere nito ang hawak niyang balaraw na ang tulis ay kumikinang pa sa maliit na liwanag.

What is she going to do? Will she use that for Blythe as well?

Nagsumiksik sa takot si Blythe, masyadong matigas ang dingding na kaniyang sinasandalan para umurong iyon at itago siya. Blythe started to scream so loud, she seeks for help and cried louder.

The poor girl closed her eyes as she embraced the sharp pain that the dagger might bring to her. She's not aware of the feeling but she felt like it would hurt real bad... halos maihi na siya sa kaniyang palda sa labis na takot.

"Claudia, pleaseee!"

Habol-habol ni Blythe ang kaniyang hininga nang magmulat siya ng mata at muling matagpuan ang silid sa loob ng mansion ni Attorney Vizmanos. Sa itaas ay ang payapang kisame na hindi pa gaanong pamilyar sa kaniya. That causes her to miss the room she has in their old apartment, the glowing stickers of moon and stars that used to calm her down after her scary nightmares.

Tears are starting to form on both sides of her eyes again, but she shakes them off immediately. Crying won't do anything, it would only burden her chest. Blythe has to remind herself that things already changed now and so is she, hindi na siya dapat maging mahina at iyakin. Kailangan niyang magpaka-tatag at maging reponsable.

Hinihilamos pa niya ang sarili niyang mga palad nang bulabugin siya ng ingay sa cellphone niyang naroon sa bedside table kung saan niya iyon iniwan kagabi. Nang matagpuan niya ang caller I.D. ni Addi, ang kaniyang kaibigan ay sabik niya itong sinagot para maki-balita sa kalagayan ng kaniyang Mama Celia.

Subalit sa halip na siya ang magtanong ay siya itong sinalubong at pinaulanan ng mga katanungan ng binata.

"Akala ko ba papasok ka lang ng trabaho riyan pero limang araw na ang nakalilipas ay hindi ka pa rin nakaka-dalaw rito? Paano na lang kapag nagising si Aling Celia?" anito na para bang sumusuka ito ng bala sa kaniyang mga tanong.

"Bakit, Addi? Gising na ba si mama?" The thought brought her some sense of happiness, but it was short-lived because Addison is not yet done with his early nags.

"Hindi pa at hindi ka ba nakikinig sa mga pangungusap ko?"

Pairap na umahon si Blythe sa kaniyang kama, heto na naman ang nerd niyang kaibigan at nagkakalat ng kaniyang ka-wirduhan.

"Addi, sinabi ko na naman sa'yong masungit ang boss ko at hindi ako ganun-ganun na lang makaka-labas lalo kung hindi ko pa off..." Kinagat ni Blythe ang nanunuyo niyang labi para pigilan na ang sariling humabi pa ng maraming kasinungalingan para pagtakpan ang ginagawa niyang kamalian.

Their agreement was just starting yet, Blythe can feel her guilt drowning her to kill. Does she really have to go this far for that Vizmanos money?

"At isa pa, paubos na rin iyong magic lotion na ginagawa mo para sa akin. Alam mo namang allergic ako sa araw, 'di ba?"

Addi made an audible sigh as he calmed himself down. "Alam ko. Katapusan na naman ng buwan, e. Kaya nga't makiusap kana riyan sa boss mo nang makarating ka rito para makuha mo o kung puwede ay ako na lang ang dadalaw riya—"

"Ah! Mas maiging ako na lang," sansala niya sa ideya ng kaniyang kaibigan.

Hell, no! Accepting visitors would only mean violation of the contract and the rules. Wala siyang dapat na pagsabihan sa lokasyon ng bahay ni Attorney Vizmanos. Isa pa'y hindi rin naman talaga niya alam ang eksaktong address ng bahay dahil naka-tulugan ni Blythe ang byahe at nagising na lamang siyang naka-higa sa malambot niyang kama.

"Pero paano kung hindi ka payagan at bigla kang ma-utusang lumabas?"

That will be a huge problem.

Kailangang-kailangan na talagang maka-labas ni Blythe sa bahay na iyon sa lalong madaling panahon, miss na miss na niya ang kaniyang Mama Celia. Simula nang ma-aksidente ito at mapalayas sila sa kanilang tahanan ay mas dumadalas ang kaniyang mga bangungot at sa tuwing gigising naman siya'y wala ang ginang para yakapin siya at pakalmahin...

Matapos na maligo ay nagpalit si Blythe ng damit niyang pang-alis, isang pares ng pantalon at pink na t-shirt na kalauna’y pinatungan niya ng itim at makapal na hooded jacket. Sandali niyang sinuklay ang kaniyang basang buhok pagkatapos ay nag-spray na rin siya ng paborito niyang pabango bago tuluyang lumabas ng kaniyang silid para hanapin si Attorney Vizmanos sa kung saang parte man ng palasyo siya nito naroon.

Walking along the long hallway of the mansion, amazement is starting to wrap around her being again for the nth time. Hindi niya ma-iwasang purihin ang nagtataasang pader sa kaniyang harapan na pupusta siyang mas mahal pa sa kaniyang buhay. Ang bawat muwebles ay mayroong mga arkong base sa kaniyang napag-aralan ay Spanish inspired architectures. Ang mga paintings ay may masasalimuot na kulay na hindi naman ma-unawaan ni Blythe ang kahulugan kaya't dumiretso na lamang siya sa may tanggapan para humanap ng mapagtatanungan.

"Oh! Gising na pala ang señorita?" bati ng isa sa mga serbidora nang makita siya nitong bumababa sa grandiyosong hagdanan.

"Mabuti naman," anang isa pa na mayroong taglay na matalas na tinig. Naka-arko ang kilay nito habang pinanonood ang paglapit ni Blythe sa kanila. "Sa daming gawain dito sa bahay ay tanghali pa kung gumising. Akala 'ata prinsesa na rin siya."

Hearing their remarks to her, Blythe can see that her life in this palace will never be easy. Hindi rin naman niya inisip na magbubuhay prinsesa siya sa piling ni Attorney Vizmanos lalo't alam niya sa umpisa pang nais lang siyang gamitin ng binata para sa personal nitong mga plano at narito lang siya para sa kanilang kasunduan.

Hindi para magbuhay prinsesa!

Despite their early bitchery, Blythe manages to act as calm and normally as she can. She shows no expression with the two house servants but her voice remains sweet.

"Magandang umaga. Magtatanong lang sana ako kung nasaan si Attorney Vizmanos ngayon? May sasabihin lang sana ako. Alam ba ninyo?"

"Bakit? Hihingian mo na naman ng pera?" sugod pa ng isang katulong na noo'y nagpupunas ng bintana subalit lumapit ito para lang awayin si Blythe. "Naku! Style mo rin, 'no? Mukhang anghel pero may sungay na naka-tago. Baka mamaya niyan ikaw pa ang sumira sa magandang imahe ni attoney? Mga kabataan talaga ngayon!"

"Magpapaalam lang sana ako kung puwede akong lumabas ngayon para dalawin ang mama ko. May pamasahe naman ako patungo roon at pabalik dito," aniya sa medyo sarkastikong paraan. "Pero kung bibigyan niya ako ay bakit hindi ko tatanggapin? Masamang tumanggi sa grasya, hindi ba?"

Mas lalo pang tumulis ang pagkaka-arko ng kilay ng mga kasambahay sa kaniyang harapan. "Asawa mo na iyon, hindi ba? Bakit sa amin mo hahanapin?"

As much as Blythe wants to pull the housemaid's brow and scream her answer in her face, she holds on to her dear sanity and never lets the evil in herself dominate. Hindi siya dapat gumawa ng gulo kung nais niyang matagal sa bahay na iyon.

"Anong kaguluhan ito?" isang makapal na boses ang nakapagpalingon kina Blythe at sa mga usiserang katulong na naka-paligid sa kaniya. Isang matandang babae ang palapit at gaya ng mga kasambahay ay naka-uniporme rin ito ng navy blue. "Anong dahilan ng pagtitipon dito?"

Pare-parehong itinuro ng mga kasambahay si Blythe. Nanigas naman kaagad ang dalaga nang matuon sa kaniya ang malalim at abuhing mga mata ng matanda sa ilalim ng makapal nitong salamin. Para bang kay laki ng nagawa niyang kasalanan at gano'n na lamang siya titigan ng matanda.

"Ano't ina-antala mo ang mga gawain dito, señorita? May kailangan ka ba?"

"H-hinahanap ko po k-kasi si attorney," na-uutal niyang tugon. Hindi niya ma-ipaliwanag ang nararamdamang intimidasyon para sa matanda. "Magpapaalam lang po sana ako."

Dahan-dahan itong tumango pagkatapos ay muling binalingan ang mga kasambahay na animo'y mga sundalong mabibilis na nagsibalik sa kani-kanilang gawain.

"May isa ba sa inyong nakaka-alam kung nasaan si señorito sa mga oras na ito?" anang matanda sa buong tinig.

Isa sa mga ito ang humarap para sagutin ang matanda. "Lumabas po siya kagabi pagkatapos ng seremonyas at hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-balik. Mukhang naroon na naman kay Miss. Antonette—"

"Elianna!" biglang hiyaw ng matanda rito na siyang nakapagpa-tungo sa dalaga. "Gusto mo bang maputulan ng dila?"

Mabilis itong umiling at bumalik sa kaniyang gawain. Curiosity about the name that Elianna has mentioned arouses Blythe but in fear of her tongue being cut also, she just bit her questions back.

"Mukhang wala pa si señorito. Kung ano man ang nais mong ipagpaalam sa kaniya ay maaaring ipagpaliban na lamang."

"Pero po kasi..." hindi na niya na-ituloy pa ang kaniyang sasabihin nang may isa pang kasambahay ang lumapit sa matanda at inimbitahan niya itong lumabas para sa kung ano...

Just great…

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status