Share

CHAPTER 17: ZANDRO

"CAN YOU PLEASE, CLOSE HER CHAPTER"

NAGSIMULA ANG araw ni Zandro kinabukasan sa mga pag-iyak at pagmamakaawa ng isa sa mga serbidora ng mansion niyang si Larah. Nagkakape siya sa loob ng kaniyang opisina habang naka-tanaw sa malawak niyang hacienda nang pumasok doon si Mrs. Cooper dala ang salarin sa pananabotaheng naganap kagabi.

Tinitimpla ng binata sa kaniyang dila ang pait na dala ng kaniyang kape habang ang naka-luhod na dalaga'y walang humpay sa pagmamakawa sa kaniyang harapan. Marahan niyang pinunasan ang bakas ng kape sa gilid ng kaniyang labi bago tumayo, pinagapang niya sa bulsa ang pareho niyang mga kamay.

"Señorito, maaawa po kayo sa akin," palahaw nito habang nangangatal pa. "Wala po akong alam tungkol sa pagkaing iyon."

"At wala rin sa job description mong magluto, hindi ba? Isa kang labandera, tiga-laba ng mga damit na marurumi ngunit bakit ka nasa kusina?"

Nahigit nito ang kaniyang hininga nang maka-lapit nang tuluyan dito si Zandro. "K-kasi po iyon ang n-nais ni Se
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status