Share

Chapter 3

Alas singko ng hapon ako umuwi sa mansion.

"Yaya." nakangiting bati ko kay yaya Nessa.

"Van! Ang batang ito, pasulpot-sulpot ka lagi!" Sermon ni yaya. Napatawa naman ako. Si yaya Nessa ang halos nagpalaki sa aming tatlo. Matanda na rin ito.

"Sila Mommy po?"

"Tulog ang Mommy mo, ang iyong Daddy nasa library, kakahatid ko lang ng kape."

"Ah sige po. Puntahan ko muna si Daddy."

"Dito ka ba kakain ng hapunan?" Tanong ni yaya.

"Yes po, pero sa condo ako matutulog."

Agad na akong umakyat sa library. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Dad?"

"Van." agad lumapit si Daddy sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Kamusta ka na?" nakangiting tanong ni Daddy. Magaling magsalita ng tagalog si Daddy. Dito talaga siya lumaki sa Pilipinas.

"I'm doing good Dad, ikaw? Kamusta ang business?" umupo ako sa harap ng table niya.

"Everything is okay naman, maayos ang takbo ng negosyo natin, si kuya Bry mo ang namamahala sa mga shipment."

Hindi perpekto ang pamilya ko. Maraming illegal na negosyo si Daddy at suportado namin ito.

"Si General Cruz, anong balita?" seryosong tanong ni Daddy.

Napangisi akong nakatingin sa kan'ya.

"Don't worry Dad, ang focus ni General ay sa mga sagabal sa mga negosyo niya, hayaan natin muna siya. Sa ngayon si General Fuentebella ang uunahin natin. By the way, hawak ko na ang anak niyang police."

"Van, mag-ingat ka, ayoko pa rin na mapahamak kayong magkakapatid, lalo ka na."

Tumayo ako at umikot sa likuran ni Daddy. Niyakap ko ito.

"Mag-iingat ako lagi. Basta para sa iyo, Dad, gagawin ko." hinalikan ko ang kan'yang ulo.

Handa ko isugal ang lahat para sa pamilya ko.

"Mas madali kung makukuha mo ang loob ng anak ni General Fuentebella, para makalapit ka sa pamilya niya," aniya ni Daddy.

Bumalik ako sa aking inuupuan. Napatingin ako kay Daddy.

"Puwede mo pakasalan ang anak niya."

"May fiancee siya Dad." maiksing saad ko.

"Matalino ka Van, kaya mong paikutin ang lahat."

Napabuntong hininga ako.

Ngumiti akong napatango kay Daddy.

"Magkikita kami mamaya ni Kurt Fuentebella. Mag-uumpisa na ako sa mission ko."

Yes. Lahat na humahadlang sa negosyo ni Daddy, pinapatahimik namin. Si General Fuentebella, gustong-gusto niya talaga mahuli si Daddy. Pero hindi pa rin ito makakita ng butas para maaresto si Daddy.

Napatingin kami sa pinto nang pumasok si Mommy.

"Van!"

Tumayo ako at sinalubong ng yakap si Mommy.

"Missed you, Mom."

"Lagi ka lang nawawala, hindi na tayo nagkikita lagi." nagtatampong saad ni Mommy.

Natatawa naman akong inakbayan ito.

"Mom, nasa US lang ako."

"Hanggang kailan ka dito sa Pilipinas?" tanong ni Mommy.

"Next month aalis ulit ako papuntang US, after ng mission ko, babalik na ulit ako dito."

Tanggap ni Mommy kung ano ako. Dating Assassin si Mommy. Kaya parang ordinaryo rin sa kan'ya ang ganitong pamumuhay namin.

Bumaba na kami parang maghapanun.

"Dito ka na matulog Van," Aniya ni Mommy.

"Mom, may pupuntahan po ako, after ng dinner, aalis din ako."

"Lagi ka na lang walang time sa akin." agtatampong saad ni Mommy.

Napangiti naman ako.

"Don't worry Mommy, baka sa isang araw okay na sched ko."

Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam na agad ako umalis.

"Dad, alis na ako. Huwag mo na problemahin si General Fuentebella, ako na bahala sa kan'ya."

"Mag-ingat ka Van."

Tumango lang ako at lumabas na. Umuwi muna ako sa condo ko. Naligo at nagbihis ng isang maiksing dress.

Tinawagan ko si Kurt at nakipagkita sa Casa bar. Pagkapark ko ng kotse agad na akong bumaba at pumasok sa loob.

"Van."

Napatingin ako kay Kurt Fuentebella. No wonder na maraming babae ang naghahabol dahil sobrang guwapo niya. Kung baga total package na.

"Hi." nang-aakit na bati ko sa kan'ya.

Lumapit ito sa akin na halos magdikit na ang aming katawan.

"Ang ganda mo." mahinang saad niya na nagbabaga ang mga mata.

Nginitian ko lang ito. Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta sa lamesa kung saan nandoon ang mga kasamahan niya.

Halos lahat nakatingin sa akin.

"Alam mo bang ikakasal na si Kurt?" tanong sa akin ng babaeng nakaangkla ang kamay sa isang lalaki.

"Yes." maiksing sagot ko.

"Crissa, stop okay!" aniya ni Kurt na galit itong sinuway si Crissa. "Pagpasensiyahan mo na ang pinsan ko." baling niya sa akin.

Nginitian ko lang ito.

"By the way. What's your name?" mataray na tanong niya sa akin.

"Savannah Samonte." nakangiting sagot ko.

"Work?" tanong niya ulit sa akin.

"Ahmm.. waitress."

Nagtawanan ang mga kasamahan niyang babae.

"So cheap!" nang-uuyam na saad niya.

Bigla namang tumayo si Kurt at inalalayan ako patayo.

"Sa counter tayo." bulong niya sa akin.

Agad naman ako nagpahila sa kan'ya. Doon kami umupo sa dulo at madilim ito ng kaunti.

Kumuha muna ito ng dalawang baso at isang boteng wine.

"Here." inabot niya sa akin ang baso na nilagyan niya ito ng alak.

Agad ko naman ito tinungga. Naramdaman ko ang init ng alak na dumadaloy sa ugat ko. Hinila ako ni Kurt paupo sa kan'yang hita. Naramdaman ko ang matigas na bagay sa bahaging gitna ng kan'yang hita. Napangisi na lang ako.

"Kurt." mahinang saad ko sa kan'ya.

Panay ang halik niya sa aking leeg at ang isang kamay nasa hita ko at panay ang haplos. Napapitlag ako nang naramdaman ko na ang isang daliri niya nasa loob na ito ng underwear ko at hinahaplos ang gitnang hiwa ko.

"You soak wet already." paos na boses na saad niya. "Can we do it here," aniya pa.

"What you mean," napaliyad ako nang ipinasok nito ang isang daliri sa aking kaloob-looban. Hinugot niya ang kan'yang daliri at walang sabi-sabi na isinubo sa kan'yang bibig.

"So fucking sweet." gad niya akong hinalikan ng mariin. Nakasaklang ako paharap sa kan'ya. Hindi naman masyado kita ang puwesto namin dahil madilim ito.

"Van, quicky tayo." anas niya na ibinaba ang underwear ko. Tumayo ito at ibinaba ang kan'yang pantalon at brief na hanggang tuhod lang. Itinalikod niya ako at agad ipinasok ang kan'yang s*****a sa akin.

"Ahhh!" napaungol ako dahil may kirot akong nararamdaman.

"Yeah..baby! Ahhh!" ungol niya na mabilis itong bumabayo sa aking likuran.

Naramdaman ko rin ang dalawang kamay niya na nakahawak sa aking malulusog na dibdib. Napangibit pa ako dahil mariin nitong pinisil ang aking dibdib.

Hinugot niya ang kan'yang s*****a at umupo ito sa upuan.

"Come here." hinila niya akong paupo at ipinasok ang kan'yang s*****a. Inangat niya ang p***t ko, itinaas at pababa.

"Move." utos niya.

"Baka mahulog tayo," saad ko sa kan'ya.

"Akong bahala," aniya.

Rinig na rinig ko ang ingay ng upuan. Maya maya lang tumayo si Kurt at hinayaan niyang nakaupo ako sa upuan.

"Spread your legs wide, baby." Utos niya. Hinila niya ng kaunti ang p***t ko. Agad naman ipinasok ulit ni Kurt ang kan'yang s*****a sa akin.

"Hmmm....!"

Shit! Hindi na ito quicky! Ang tagal niya labasan.

"Ahh..Van..ang sarap mo!" aniya na sobrang bilis at diin ang bawat labas pasok niya sa akin.

Napatigil kami ng tumagilid ang inuupuan ko.

"Shit, nasira ang upuan," natatawang saad ni Kurt.

Agad niya akong binuhat pababa at pinatalikod ulit. Nakaharap na ako sa counter.

"Ahhh! I'm near!"

Rinig na rinig ko ang tunog ng salpukan sa aking likuran.

"Puwede ba sa loob?" tanong niya. Tumango lang ako.

"Ahhhh! Fuck!"

Buti na lang may tissue sa sa counter, kumuha si Kurt at pinunasan ang aking pagkababae.

Dali-dali akong nagbihis at inayos ang aking sarili.

"Kurt ang silya?" saad ko sa kan'ya.

"Babayaran ko na lang." nakangiting saad niya.

Tumango lang ako.

Hinila ko ang isang upuan at umupo.

"Van?"

"Yes?"

"Do you have a boyfriend?"

"Wala, bakit?"

"Then, your mine," aniya.

Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.

"Break up your girlfriend first, at puwede mo na akong angkinin," nakangiting saad ko sa kan'ya.

"W-what?"

"Yes, hangga't may girlfriend ka, hindi mo ako pagmamay-ari."

"P-pag-iisipan ko."

Tumayo na ako.

"Okay, last na ito ang pagkikita natin, kung gusto mo ulit makipagkita sa akin, wala na kayo dapat ng fiancee mo." tumalikod na ako.

Napangisi akong lumabas ng bar.

I feel sorry sa fiancee ni Kurt. Kailangan kong gawin ito, alang-alang sa Daddy ko.

Comments (12)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow ang ganda kaabang abang
goodnovel comment avatar
Mary Jane Gabutero Honcada
thank u miss k...️......
goodnovel comment avatar
Arnel Balaguer
maganda maatos ang pagkakakuwento masarap bashin ,nakakalibang habang walang ginagawa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status