Share

IKALAWANG KABANATA  

(12 Hours Ago)

            “KUYA, sa tabi na lang po,” sambit ko sa driver ng taxi pagkarating namin sa tapat ng kilaki-laking gate ng Mansiyon ni bossing.

“Ge.”

Binitbit ko muna ng maayos ang mga dadala-dala ko atsaka inaayos ang sarili ko sabay spray ng pabango at mouth spray. Mahirap na maging mabaho baka ma-bash na naman tayo ng boss kong no doubt, no. 1 basher spotted talaga.

            All set! Kaya nagsimula akong maglakad papasok ng Mansiyon ni boss bit-bit ang mga papel na kailangan kong papermahan at ang bouquet na para naman sa jowa n’ya.

To be honest, ang pagiging secretary ko sa kan’ya requires strength, literal na walang kapaguran bhie, also you need to be creative, kung kailangan mong maging kasing creative ng mga bakla gogora ka kasi pati surprise n’ya sa girlfriend n’ya ako pa ang nag-iisip, if you’re his secretary you should be fast, araw-araw nasa marathon kayo teh, kung gaano siya kabilis maglakad dapat gano’n ka rin kabilis maglakad dahil kahit naglalakad nagsasalita ‘yan ng mga ipapagawa n’ya sa ‘yo kaya kung slow poke ka, jusko! Maagang magtatapos ang career mo.

“Hola! Magandang araw po sa inyo!” bati ko nang mapagbuksan ako ng security guard ng pinto.

Hindi kasi ako dumaan sa main entrance sa halip ay sa gilid ako dumaan na usually kung saan makikita ang mga kasama n’ya sa bahay.

“Meg! Dami nating bit-bit ah?” puna agad ni Manang Pepita ang Mayordoma ni boss.

Kumindat muna ako kay Manang atsaka nagsalita.

“Alam mo naman si boss, Manang. Araw–araw ganado, todo-todo!” sagot kong sabay-sabay na nagpatawa sa aming lahat.

Pinatong ko ang mga dala-dala ko sa mini-table ng kusina n’yang mas malaki pa yata sa buong condo ng pamilya namin.

“Korek ka dyan! Ito nga kay aga-aga hindi kami magkumayaw dahil nag-request ng full course breakfast!” sambit ni Manang Judy na abala na ngang naghuhugas sa lababo ng mga kilaki-laking lutuan.

“Pfft nag-away sila ni Jowa kaya todo effort ang boss natin!” Natatawa ko namang gatong habang naka-upo na sa mesa at sinimulan nang ini-start ang laptop ko na naka-monitor sa dining area ni boss na ngayon ay may mga maids nang nag-aayos at naglalagay ng kung ano-anong bulaklak sa paligid.

“Ay! Kaya naman pala! Bulungan ko nga minsan itong si Miss Prim na ayusin ang--” Hindi na natapos ni Manang Judy ang sasabihin n’ya ng biglang sumulpot si Mr. Estrellas sa kusina, napatayo kaming lahat sabay yuko sa kan’ya.

“Secretary Laxa, na-check mo na ba kung clear ang connection mo sa dining area?” tanong n’ya agad habang naglalakad na sa loob ng kusina.

Dumirertso siya sa mga nakaluto ng pagkain at isa-isang tinikman.

“Yes, sir. Clear na po, ayan na po ‘yong pinabili ninyong bouquet. Nakapatong na po siya sa may Bar Counter, may kailangan pa po ba kayo?” kabado kong tanong.

“Good. I think, nothing so far? Anyways, I’ll update you later, be attentive, baka may sabihin si Prim na hindi natin na ready, get it immediately. She’ll be here soon, you all have 10 minutes left.” Pigil hininga kaming lahat na nakatitig sa kan’yang nakatalikod na’t pabalik na ulit sa dining area.

Tuluyan na siyang nakaalis kaya sabay–sabay kaming napabuntong hininga.

“Diyos ko! Lord! Akala ko papagalitan ako! Bakit ba kasi pasulpot–sulpot ‘yang boss mo, Meg!” bulalas ni Manang Judy sabay punas ng pawis n’ya at agad nang binilisan ang kilos.

Ako naman napangiti ng pilit atsaka bumalik sa ginagawa ko kanina. Bakit parang kasalan ko, manang?

“Good. I think, nothing so far? Anyways, I’ll update you later, be attentive, baka may sabihin si Prim na hindi natin na ready, get it immediately. She’ll be here soon, you all have 10 minutes left,” mahina kong sambit mimicking his voice. Daming ebas, boss! Sana alam mong kumalma kahit minsan lang.

            Kinuha ko ang aking iPad at binuksan ang email ni boss na s-in-end n’ya sa akin after n’yang tumawag kaninang umaga. Tungkol ‘yon sa mga nais n’yang gawin namin sa dining area, bitbit ang iPad ko ay naglakad ako papasok sa dining area at inisa-isa kong ch-in-eck ang plato, kutsara, tinidor, pati ang kutsilyong gagamitin nila, buti na lang wala na siya roon. Sinunod ko ang mga scented candle na nakahilera sa table, ang ayos ng mga bulaklak sa paligid, pati mga alikabok o dumi sa bawat sulok ay ch-in-eck ko na rin dahil napakametikulusa ng jowa ni boss nakakaloka, sobrang arte! Kaya need talaga ng puspusang paghahanda.

Matapos kong ma-check ang kabuoan ng dining area ay agad akong bumalik sa kusina at tinignan ang mga menu.

“Manang Pepita, okay na po ba ‘yong pinaluluto ni boss?” ani ko habang nakatutok sa listahan ng iba’t ibang menu na request n’ya na inilista ko sa iPad.

“Kompleto naman na, Meg. Pinalagay ko na rin sa lalagyan para sa pag-serve mamaya.” Tumango ako.

“Nandiyan na rin po ba ‘yong wine?” Pagsasalita ko habang ch-in-eck ang mga tapos na, inilagay ko kasi sa notes ang email ni boss para wala akong ma-miss na detalye, mahirap na, bibingo na naman kami kapag may mali.

“Nasa bucket na, nilagyan na ni Judy ‘yon ng ice cube kani–kanina lang.” Tumango ako noong matapos kong tignan ang wine na nasa bucket na nga. Nang matapos ako ay naglakad ako pabalik sa mesa kanina.

Sinaksak ko ang airpods sa dalawa kong tenga para marinig ang nangyayari sa dining area, nakatalikod si boss habang nakatanaw sa glass wall n’yang kita ang garden at ang mga taong pumapasok galing sa main gate.

Sa isang monitor naman ay nakikita kong papasok na ang luxury car na sundo ni Ma’am Prim kaya agad akong umayos nang upo at nagsalita.

“Nandito na ang jowa,” hudyat ‘yon sa aming lahat kaya halos hindi na magkanda-ugaga ang mga tao rito sa kusina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status