Share

IKATLONG KABANATA

NAKITA ko kung paano lumabas si boss para salabungin ang jowa niyang halos suotin na ang laman ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kinang ng mga alahas niya sa katawan. Agaran ang pagligkis ni Ma’am Prim kay boss sabay halik pa, ito namang si boss pokmaru, ahay. Pinagbuksan sila ng dalawang security papasok ng Dining Area, pinaghila pa nga siya ni boss ng upuan bago ito tumungo sa sarili niyang upuan at agad na ibinigay ang bouquet na binili ko.

“This is beautiful, babe! I love it! Kaya I super love you talaga eh.”

Nyeyeyeye, Reyna talaga ng kartehan.

“I love you too, babe. All I want is the best for my best girlfriend.”

Cringe!

Tumayo si Ghurlalu atsaka kumandong kay boss kaya nauwi ‘yon sa paghahalikan nilang dalawa, imaginin n’yo, mga mami! Sa araw–araw na ginawa ng Diyos lagi kong tinitiis ‘tong ka-cheesyhan nila sa isa’t isa. Hustisya sa walang jowa! Hustiya sa aking single!

Matapos ang landian portion nila ay bumalik si Jowa sa upuan at inamoy-amoy ang bulaklak kaya nagsalita na ako ulit.

“Manang, ipasok n’yo na po ‘yong mga pagkain.” Mabilis namang luminya sila Manang Pepita bitbit ang iba’t ibang putahe ng pagkain at pumasok sa dining area.

Ilang minuto silang natahimik na dalawa habang kumakain kaya nakahinga naman ako ng malalim, jusko baka kung ano na naman ang hingin ng babaeng ito at mapalipad kami sa mall ng wala sa oras.

Isipin n’yo, noong third monthsary nila biglang sabi ni Ma’am Prim.

“Babe, may almond ka ba here bigla kasi akong nag-crave.”

E-anak ng tinola! Saan kami kukuha ng almond sa kalagitnaan ng Amusement Park?!

Kaya ayon ako kasama ang driver kumaripas ng takbo para suyurin ang malapit na mga grocery store para makahanap ng pisting almond.

Ito pa, noong anniversary nila, eh sa doon sila nag-celebrate sa gitna ng dagat, nag-yacht ang mag-jowa sabi ba naman ni Ma’am Prim.

“Babe, by any chance ba like you have daishowa jyuni hitoe tissue paper? I’m allergic kasi sa ibang tissue paper. No pressure naman.”

Jusko day!

E-ako nga kung anong tissue paper lang mahablot ko sa grocery ‘yon na ‘yon eh! No pressure siya dyan! Eh halos baliktarin na naming mga staff ni boss ang Yacht para makahanap ng letcheng dishowa jyuni hitoe tissue paper tapos pag-search ko sa g****e most expensive tissue paper pala na iba’t ibang kulay! Anak ng lizard! Anong akala niya sa mga isda tissue paper?!

“Babe, ayaw ko niyang cucumber juice na ‘yan, you make palit na lang ‘yan ng strawberry, pretty please?” Napabalikwas ako sa narinig ko, sumigaw agad ako ng Darna! Joke lang! Hindi Darna.

 “MANANG PEPITA! MAY STRAWBERRY BA TAYO?! AYAW NI MA’AM PRIM NG CUCUMBER JUICE GUSTO NIYA STRAWBERRY JUICE!” hiyaw ko.

“Babe, I thought you want this cucumber juice?” Dinig kong pag-aalo ni boss.

Putrageez!

“STRAWBERRY! JUDY! ANG STRAWBERRY NASA LIKOD!” Paghuhumirintado naman ni Manang Pepita.

“I thought too, babe. Kaso my tummy is so full na kaya strawberry na lang hehe. No worries naman pag-none, I can understand.”

No worries?! I can understand?! Pero ang nguso niya halos humaba na!

Hingal na hingal si Manang Judy na yakap-yakap ang isang bowl ng strawberry at agad nila iyong inilagay sa juicer.

Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na si boss sa kusina at sakto namang nailagay na ni Manang Pepita ang strawberry juice sa babasaging pitsel. Kaya wala man lang imik na kinuha iyon ni boss at mabilis na umalis.

“Jusko! Pinapadali talaga nitong mag-jowa na ito ang buhay ko!” reklamo ni Manang Pepita sa ‘di kalayuan.

Halos tatlong oras ang nakalipas noong nagsabi si Ma’am Prim na gusto niya na raw umuwi kaya agad kong iniligpit ang mga kagamitan ko at dali-daling tumakbo papuntang kotse ni boss. Nakatayo na ako sa harap ng shotgun seat noong inilalayan ni boss si Ma’am Prim na makasakay at umikot siya para tumabi kay Ma’am Prim sa likod. Pagsara na pagsara ni boss ng pinto ay agad kaming sumakay ng driver.

“Manong sa bahay po muna tayo ni Ma’am Prim bago sa kompanya.” Pag-iinform ko sa driver.

Naghaharutan silang dalawa kaya ako, tamang ayos na ng mga papeles na pepermahan ni boss dahil kung iniisip ninyong mamaya pa siya magpeperma pagdating ng kompanya ay nagkakamali kayo, may customized automatic na mini-lamesa ang upuan niya sa likod kaya kahit nasa sasakyan nagpeperma ‘yan, gano’n siya katindi!

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin dahil wala namang halos traffic ang daan patungo sa bahay nila Ma’am Prim. Noong makarating kami ay bumaba ako at ang Driver para pagbuksan si boss at si Ma’am Prim.

Umiikot agad ako sa pinanggalingan ni Ma’am Prim at sumakay bago ko pa makita ang paglalandian ng dalawa, naku! Kung mahina puso mo sa boss ko, kailan pa siguro ako nabaliw. Walang pakundangan maglandian, paano naman akong alaws jowa, boss? I deserve justice!

Anyways, nag-spray agad ako ng air fresherner sa loob para walang reklamo ang bossing nating mana sa jowa sa kaartehan, perfect match nga silang dalawa! Nagkakasundo sila sa kaartehan nila sa katawan.

“Nasaan na ‘yong pepermahan ko?” Nagbago agad mood niya pagpasok ng kotse, pinindot niya ang kung ano doon sa gilid at ayan na ang mini-table niya kaya agad naging alive ang reflexes ko para kunin ang folder na may laman ng mga document na kaninang inaayos ko at binigyan siya ng ballpen.

“Let’s go,” hudyat niya.

Bilang pagsunod ay agad na mabilis na pinaandar ni manong driver ang kotse papuntang kompanya, busy ako kakakulikot sa email ko noong nagsalita si boss.

“Nagkausap ba kayo ni Alex?” Napatingin ako sa kan’ya habang siya naman ay hindi pa rin nawawala ang focus sa mga penepermahan niya.

“Ah, hindi pa po, sir. Medyo nabusy daw po kasi siya, last usap po namin is over the phone last week pa, bakit po may itatanong po ba kayo sa kan’ya?”

Si Ma’am Alex ang bunso sa kanilang tatlo at nag-iisang babae na naging best friend ko na dahil sa tagal kong nagtratrabaho kay boss.

Paano ba naman halos lahat ng party kahit pampamilya pa ‘yan ay bit-bit niya ako para maging alalay. Lakas ‘yan?

“Nothing, I talked to her last night. Akala ko nag-away kayong dalawa kasi she was checking you to me.” Ah? Okay? So? Share niya lang?

“Ah? Gano’n po ba, sir.” Mahina akong tumawa atsaka pinagpatuloy ang ginagawa ko.

“Imagine, you worked for me for the past ten years, tagal na pala.” Ay hindi po, sir! Kahapon nga lang po ‘yong 10 years eh.

“Alex told me that your birthday is coming.” Napakadaldal talaga nitong si Miss Alex.

“Oo nga po, sir,” awkward kong sagot. Hindi ko talaga alam kung paano sasagot sa kan’ya kapag he is initiating small talk kono.

“What’s your plan? P’wede ka mag-day off.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang salitang ‘day off’ may himala yata at pinapa-day off ako nito?

“But make sure to check your phone from time to time. I may be needing you.” Just like what I expected, day off pala with phone ang nais niya.

“Ah haha, Noted po, sir,” bulong ko. Tumahimik siya kaya inaliw ko ang sarili ko sa kakatingin sa dinadaanan namin.

Napaka-awkward talaga! Pero nasanay na ako sa ganito.

“By the way, what’s my schedule again?” Nagulat naman ako noong bigla na naman siyang nagsalita, muntikan ko pang  mabitawan ang hawak kong iPad buti na lang hindi, agad kong pinindot ang home at pumunta sa schedule niya.  

“Lunch meeting with Mr. Fernandez, sir. 15:00 will be your meeting with the board. That’s all for today.” Tinignan niya ako ng malalalim bago bumalik sa ginagawa niya kani-kanina lang.

“Good to hear that.”

Actually, gwapo ‘tong si Sir Lennux, pasok sa Mister World gano’n! No doubt naman na ang daming nagkakandarapa sa kan’yang mga empleyado ng kompanya. Hindi kasi nila alam ugali kaya pagbibigyan na lang natin.

“Mabuti may strawberry kanina, ayaw kong mapahiya kay Prim.”

Itong si boss pagsulpot-sulpot kung magsalita gusto yata nitong atakehin ako sa puso dahil sa kaba.

“Buti na lang po merong naitabi sila Manang Pepita, sir.” Tumango siya at sunod na ibinalik sa akin ang folder.

“Mamaya while I’m on my lunch meeting, go to Alex and tell her to come to see me after my afternoon meeting,” utos na naman niya. Uso naman kasi e-text ang kapatid niya, hindi ba?

Lagi talagang nabubuhay sa utos ‘tong si sir parang hindi buo ang araw niya pagwala siyang iniuutos.

“Tagal na pala since you started working for me…”

Hindi ko na narinig ng maayos ang pinagsasabi niya dahil biglang nag-text si Kuya Clifford.

Meganne, ‘yong pinapabiling doll house at tablet ng mga pamangkin mo bilhin mo na mamaya. Nakahihiyang walang tablet ‘yang pamangkin mo tapos ang mga kaklase niya meron. Peram na rin pala ng limang libo, may bibilhin ang ate mong bag. Kawawa naman wala siyang bagong bag tapos ang mga kumare niya meron. Mamaya ko kailangan ang limang libo.

Itong si kuya akala niya siguro bangko niya ako, may pinatago ka sa aking pera, kuya? Maka-demmand akala mo umiiyak ako ng pera kaya re-ne-play-an ko siya.

Wala akong pera, kuya. Alam mo namang marami kaming binayaran ni Ate Aikeen last month.

Napabalik ako sa wisyo noong magsalita si boss.

“Hanggang kailan kaya ako mag-aattend ng meetings? This thing never ends. Ano kayang mas mauunang mawawala sa buhay ko, ang meetings o ikaw bilang Secretary ko, what do you think, Secretary Laxa?”

Hindi pa nga ako nakasagot kay boss ay nag-reply naman si kuya.

Problema ko pa? Kahit unahin mo na lang ‘yong limang libo, kailangan ko ‘yan mamaya.

Sa inis ko kay kuya ay hindi ko namalayang nalakasan ko ang pagsasalita.

“Pagod na po ko. I resign.” Sakto namang tumigil ang sasakyan sa harap ng kompanya kaya naalimpungatan ako.

Pagtingin ko kay boss ay nakatitig siya sa akin na may pagtataka.

“What do you mean by that?” tanong niya.

“Po?” sagot ko naman. Anong what do you mean by that?

“You said, pagod kana and you’ll resign?” Shit?

Nasabi ko pala iyon ng malakas?! Hindi pa nga ako naka-move on ay nakatanggap ulit ako ng text. Confirmation pala ng booking ko sa Maldives, ngumiti ako at taas noong tumingin kay boss. Siguro nga ay oras na rin naman.

“Yes, sir. You need to look for my replacement dahil I resign po.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status