Share

Kabanata II.

Kabanata II.

“Gusto mo ba akong ipahiya rito, babae?”

Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang bumulong siya sa aking tainga. Parang tumaas ang presyon ko sa kaniyang ginawa. Nakakapangilabot ang ginawa niyang paghinga sa gitna ng kaniyang pagsasalita.

Doon ko lamang namalayan na ako na nakaharap na pala kami sa isa’t-isa at ako ang mauunang maglalagay ng singsing sa kaniyang daliri. Hindi ako makapaniwalang ikakasal ako sa araw ng pagdating ko. Ano ‘to? Welcome Party? This is not the welcome party I’m expecting.

“I, Claudia Laurel, will take you Prito… Prito.” Hindi ko maipagpatuloy ang sasabihin dahil nakalimutan ko ang apilyedo niya.

Narinig ko silang tumatawa ngunit nang pinasadahan sila ng masamang tingin ng kaharap ko, ay tumahimik ang mga ito. Bumalik ang tingin niya sa akin at bigla akong kinabahan. He gritted his teeth and hissed. Galit ba siya?

“Ginagago mo ba ako, babae? My name’s not Prito. It’s Pietro… Pietro Leicester!” paglilinaw niya. “Ulitin mo.”

“Okay, fine.” Kinuha ko ang aking kamay mula sa kaniyang pagkakahawak dahil hindi ako sanay. Subalit, binawi niya naman ito at mas hinigpitan pa. Nakakangilo sa galit ang kumag na ‘to. Sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala lang sa kan’ya.

“What?” He mouthed at me. “Do it.”

“I, Claudia Laurel, will take you Prito… este Pietro Leicester as my husband until one of us surrenders in pain,” sabi ko na walang kabuhay-buhay.

“I, Pietro Leicester, take you my Claudia Laurel as my woman whom I would cherish for eternity, even if you look so much of a man more than me,” sabi niya na may pang-asar na ngiti. “Fight me?” he mouthed.

This is not a wedding but a pissing off contest. Mauubusan ako ng dugo ng kumag na ‘to.

Pagkatapos ng seremonya, isa-isa niya akong pinakilala sa mga malalaking tao sa mundong ‘to. There were councils kung saan namamahala sa rules sa buong bayan at ang ama ko bilang Senior Council. Ang mga mayayamang pamilya at ang kaagapay sa pamumuno ni Pietro balang araw.

“Hindi ko masisikmura kung gaano kagalit ang Hawthorne ngayon. Congratulations, Laurel. You’ve made your daughter agreed in this allegiance,” anang Lennox na pinakilala bilang academe professor.

Their gaze found mine and I couldn’t help but just smile. Hindi ko alam ganito pala magiging ambag ko sa pamilya. I wonder kung gaano kahirap ang buhay ng tunay na Claudia sa mundong ‘to.

Ngumiti lang ang aking ama sa tinuran nito. “Ito na lang ang magiging ambag niya sa akin, aayaw pa ba siya? Besides, this is the only way I could control her sexuality.”

Nakaramdam ako ng pagkadisgusto sa kaniyang boses. Ngunit wala akong magagawa. If this is the only way I could see him, I’d do it.

“I think Claudia is doing her best to meet your demands, Senior Council. Look at her now. She’s now married with me,” sabi ni Pietro. “I guess, Hawthorne is grinding their asses off right now.”

Nagtatawanan silang lahat sa harapan ko. I want to leave this conversation. Hinanap ko sina Claire dahil marami akong tanong sa kanila. Kaya nagpaalam ako kay Pietro na aalis muna. Gladly, he agreed.

“Claudia!” tawag sa akin ni Jilliane na nakangiti. Kumakaway sila sa akin mula sa kanilang mesa. Pumunta ako sa kanilang puwesto at binigyan ako ni Claire ng alak.

“Drink. Hindi naman iyan matapang,” sabi ni Claire. Inilagok ko ‘yon at gumuhit ang matapang na lasa no’n sa lalamunan ko.

“Sira ka! Bakit tumutusok sa lalamunan ko?” reklamo ko sa kanilang dalawa na ngayon ay tawang-tawa sa reaksyon ko.

“Mamaya pa magtutusukan. Ang advance mo naman, Claudia!” Tawang-tawa pa rin ang dalawa.

Ang pasmado ng mga bibig ng mga babaeng ‘to. Thank God, they’re my friends, I mean Claudia’s friends. Kung hindi baka makatikim sila ng halik ko.

Nasa gitna kami ng sayahan pero hindi ko magawang tumawa sa natatamasa ko ngayon. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Ang tahimik kasi ng paligid. Kapag ganito ang pakiramdam ko, hindi maalis sa akin ang kabahan.

Hanggang sa may lumipad na matulis na bagay at dumaplis sa aking balikat. Napasinghap ako sa sakit subalit mas naging alerto ako sa mga sumunod na nagyari.

Sa isang iglap, marami ang nakapalibot sa akin na mga orders—mga pack warriors—na pinoprotektahan ako. Maging ang dalawa kong kasama ay maingat akong niyakap. Ano ba ang nangyayari?

“Rogues are here,” sambit ni Claire.

“Rogues? Do we know them?” asik ko.

“Did the potion messed your memories? Rogues are our adversaries. They are those crazy werewolves who roam around the city to feast on humans like you,” paliwanag ni Jilliane.

Werewolves? Feast on human like me? What on Earth is in place really? Kumakabog ang dibdib ko sa narinig. Kaya pala parang may kakaiba sa kanila. They’re not my kind.

“Protect my wife! Don’t let anyone touches what’s mine!” sigaw ni Pietro na ngayon ay nasa gilid ko na at nakahawak sa aking kamay. Bakit ang bilis niya?

“Eew!” tanging sambit ko sa tinuran niya kanina. Hindi ko alam kung narinig niya ba pero sana malaman niyang nakakadiri ang mga sinasabi niya.

Ang mga orders ay isa-isang nakikipaglaban sa mga rogues na sumalakay sa kasal ko. Kitang-kita mismo ng  aking mga mata kung paano binalian ng buto at ipinaikot ang ulo ng iba. Sinasaksak ng mahahabang kuko nila at ang iba nama’y binabaon ang kanilang ngipin. Ngunit umawang aking aking labi ng nasaksihan ko ang pag-iibang anyo ng mga rogues at naging malalaking aso. They’re indeed real!

May isang nagtangkang lumapit sa kinaroroonan ko subalit hindi pa man siya nakalapit ay lumitaw na siya sa hangin dulot ng pagsakal ni Pietro sa kaniya. Nahihirapan itong huminga at pilit inaalis ang kamay ni Pietro sa kaniyang leeg.

“What makes you think that you can get my wife, huh?” tanong niya rito at nag-iba ang kulay ng kaniyang mata. Black, it becomes black. “Tell your god to stop whatever war he is planning because I won’t hesitate to wipe out your town.”

Agad na itinapon ni Pietro ang lalaki sa malayo nang walang kahirap-hirap. Tumahimik ang paligid at hinayaan ng lahat na makatakas ang iba. May mga namatay sa harapan namin ngunit parang wala lamang ito sa kanila.

Hindi ko maiwasang umatras sa aking nakita. Kumakabog sa kaba ang d*bdib ko at nanginginig ang buo kong katawan. Napansin ni Pietro ang aking reaksyon subalit maging siya ay hindi alam kung paano ako lalapitan. As if my world crumbles down upon witnessing a horrible scene.

They killed people instantly. Hindi rin malayo na mangyari sa akin ang nakita ko kanina.

“Claudia…” sambit niya sa mahinang tono. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o sadyang hindi lang niya alam ang gagawin.

Umatras ako mula sa kaniya nang pumanhik siya. Kitang-kita ko sa kaniya na mabibigat din ang loob niya. Kung gano’n, bakit parang wala lang para sa akniya ang buhay ng mga ‘yon?

“Claudia, let’s go. Hindi na dapat ka magtagal pa rito,” sabi ni Claire at pareho nila akong kinaladkad palayo.

Ang akala ko ay aalis kami sa loob ng mansion subalit mali ako. Tumungo kami sa isang hallway at pinindot ni Jilliane ang isang button para sa elevator. Pumanhik sa loob at pinindot ulit nila ang Alpha.

Sa dami ng iniisip ko hindi na ako nagtanong pa. Hanggang sa nakarating kami roon at lumuwa sa aking paningin ang engrandeng entrance. Malaki ang espasyo ng alpha, parang dinisenyo ito talaga para sa kaniya dahil pagtapak ko pa lang, everything speaks so much about him. Dark, unforgiving, and dull.

Dumiretso kami sa isang maliit na cabin at doon nila ako pinaupo. Parang nawawalan na ako ng lakas sa mga nangyayari at maging silang dalawa ay naninibago sa akin.

“Hindi ka ba magtatanong, Clau?” tanong ni Claire nang mahina.

“Ano ka ba? Naguguluhan na nga ‘yong tao, dadagdagan mo pa,” suway naman ni Jilliane.

“We’re not that bad, Clau. Alam mo ‘yan. Ginagamit lang namin ang strength namin against those crazy rogues. Kasi kapag hindi kami lumaban, kami naman ang mamamatay,” paliwanag ni Claire.

Tumango si Jilliane bilang pagsang-ayon. “That’s why we’re glad you accept the alpha’s proposal for marriage. That way, we can save the entire Evergreen.”

Doon ako natigilan.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko na naguguluhan.

“It was rumored a decade ago that the Evergreen will fall on its ruins. Five months ago, the other pack held an insurgency meeting and recruiting those homeless rogues to fight for them. As of now, they have the upperhand in the battle,” sabi ni Jilliane. May lungkot sa kaniyang boses.

“Ano ang magagawa ng marriage ko sa war?” tanong ko.

“Actually, your marriage is a form of allegiance. Kapag ang dalawang mayayamang pamilya ng Evergreen ay nagsanib-puwersa, mahihirapan ang kabila para atakihin ito. Lalo na at ang pamilya mo ay nagmamay-ari ng high-tech weaponry.”

Now, this makes sense. Naiintindihan ko na kung bakit kailangan ako ang babaeng magpakasal. This is the only way to stop the war. Pero hindi pa rin ako mapakali.

“If my marriage could stop the prophecy, then why would rogues attacked us again?” tanong ko sa kanila.

Umiling silang dalawa. Maging sila ay hindi alam kung bakit.

I’m not afraid of them actually. Mas masahol pa nga ang mag tao kaysa sa kanila but the fear in me grows insatiably. Nakasal naman na ako rito siguro puwede na akong umalis. Baka dumating ang tunay na Claudia at mapagkamalan pa akong impostora. At ako pa ang mamatay sa mga kamay nila.

“Sana hindi ka matakot sa amin. Hindi ka namin sasaktan,” Claire assures me.

“We do not kill out of curiousity and such. We only protect our territory, Clau.”

“Do I aware of your existence before?” Hindi ko maiwasang magtanong. They spoke to me as if they’ve known me for too long kaya alam kong may makukuha akong sagot sa kanila.

“You didn’t. You’ve been homeschooled since you were a kid and we don’t know why. We got friends because we were neighbors. Five months ago, you accidentally drink a poison that puts your life at stake. And just recently, Claire made a potion and you drank it and voila, you messed up your memories,” kuwento ni Jilliane.

So, that’s how I got into this mess?

“You’re not going anywhere, right?” tanong ni Claire, na naninigurado.

“I’m not.”

But, I lied.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status