Share

Kabanata III.

Kabanata III.

“Nagustuhan mo ba ang kuwarto mo?”

My room is too spacious for me. Hindi kagaya no’ng dati kong kuwarto na maliit lang pero matatawag kong akin talaga. This one is very old school, with vintage, warm colors and hues. This is not far from my taste pero puwede na.

Hindi ko napansing pumasok pala si Pietro sa silid ko at nagmasid sa ginagawa kong pag-obserba sa loob.

“This is fine. As long as may tutulugan ako, walang problema sa ‘kin,” sagot ko ng walang kabuhay-buhay. Hindi naman ako magtatagal dito. Aalis din ako mamaya.

“I think this is too girly for your taste but this will do. Hindi ka naman siguro pihikan sa mga ganitong bagay since you’re like…” pagsisimula nito ngunit tinaasan ko lang siya ng tingin. Is he going to mock me?

“Iniinsulto mo ba ako?” asik ko sa kaniya. Iba talaga ang may kapangyarihan. They can do whatever they want.

“I really don’t get why someone as pretty as you won’t fall for a man like me. I mean, I’m tall, dark, and dropped gorgeous. You’re wasting your time falling for your kind.”

Lumingon ako sa kan’ya at ginawaran siya ng pinakamatamis kong ngiti pero agad kong binawi ‘yon. The nerve of this man!

“Did you just sell yourself to me or were you boasting your conceitedness?” tanong ko sa kaniya at pinagkrus ang aking mga kamay sa aking d*bdib.

“What did you just say? Boasting my conceitedness? And why would you address your alpha with his first name?” balik na tanong nito sa kaniya. Tinuturo-turo na niya ako dahil hindi siya makapalag.

“I’m your wife so I have the rights to call you any name I want. Right, pup?” asik ko sa kaniya at inaasar ko pa para tumigil. Akala siguro nito maiisahan niya ako. “If you don’t want to taste your own medicine, drop your act.”

His brows furrowed and shock filled his features.

“Pup?” He can’t believe I insulted him down.

“You’re so full of yourself. Kaya ba hindi ka mapakisamahan ng Papa mo dahil sa ugali mong ‘yan? That’s why you don’t have friends. Kung hindi ka lang talaga anak ni Laurel, I would never waste my precious millisecond for you,” said he.

“Nakakarami ka na, Pietro. You don’t know me. Kung ayaw mo sa akin, eh ‘di sana hindi ka pumayag. You’re acting like this is my fault. If this marriage is a thorn in your throat, might as well make everything void.

“Isa pa, why are you even here? Pumunta ka ba rito para asarin ako or hobby mo lang talaga manira ng araw?” Pinanlisikan ko siya ng mata para matakot pero nakalimutan kong ibang nilalang pala ‘tong kaharap ko.

“Well,” panimula niya. Inikot niya ang paligid at hinawakan ang mga figurines sa mga racks. Umupo siya sa bed ko at nagsalitang muli. “Gusto ko lang naman makilala ang asawa ko. And don’t worry, I’m not selling myself. I am here to tell you that I don’t have interest in you so you should lower your ground.”

“As if naman mahuhulog ako sa ‘yo. Excuse me, mas may sense pa kausap ang mga ex ko sa ‘yo. And for your information, kumag ka, I’m not interested in you, too.”

Natigilan siya pero binawi rin niya agad.

“Mabuti na ‘yong nagkakaintindihan tayo. Ayoko ng problema. Besides, tomorrow you’ll be in my cabin,” he told me.

“At bakit?” tanong ko. Ano na naman ang pakana ng kalahi niya?

“Are you acting stupid or you’re really dumb? May nakikita ka bang mag-asawa na magkahiwalay matulog?”

“Meron. It happens in my wor—“ Kamuntikan ko ng masabi buti na lang naalala ko. They know me as Claudia—the senior council’s daughter. Kapag nalaman nilang hindi ako ‘yon, mapapatay ako nang ‘di oras.

Tiningnan niya ako nang diretso naghihintay sa susunod kong sasabihin pero nanatili akong nakatikom, collecting words inside my mind.

Bigla akong kinabahan. Unti-unting lumalakas ang kabog ng puso ko sa maaaring mangyari. Hindi ba siya nagbibiro? Tiningnan ko siyang muli para siguraduhing totoo nga.

“I’m not joking. You don’t have to worry. Sabi ko nga, you’re far from my taste!” Tila umismid pa ang kaniyang labi sa kaniyang sinabi at naningkit ang mata. Kanina ko pa ‘to naramdaman. Palagay ko talaga kalahi ko ‘tong kumag na ‘to. Ayaw ko lang magtanong baka ma-offend.

“Lalo na ako!” tanging sagot ko.

HINDI nagtagal si Pietro sa aking k’warto at umalis din agad. Pumunta lang talaga siya rito upang buwisitin ako sa unang gabi ko. Hindi ko alam kung bakit but I’m glad he did. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pagkabuwisit na nauubos ang energy ko sa isang tao. And it’s quite good.

Habang natutulog ang lahat at konti na lamang ang nagbabantay sa bawat sulok ng mansion, minabuti kong tumakas mula sa kuwarto ko. Kanina pa sana ako nakalabas kung hindi lang bumisita ang kumag na ‘yon. Pinihit ko ang doorknob ng pinto at dahan-dahang tinahak ang pinto ng likod.

Patuloy akong tumatakbo palayo sa mansion at sandali ring tumigil upang tingnan ang likod. Sigurado akong hahanapin ako nina Claire bukas pero bahala na. Nagawa ko na ang silbi ko rito.

Habang naglalakad tila bumabalik ako sa tinakbo ko kanina.

“Nandito na ako kanina, ah.”

Ilang beses kong tinakbo ang masukal na daan subalit gano’n pa rin ang nagyari; bumabalik ako sa pinanggalingan ko. Naiiyak na ako sa frustration kaya napahilamos ako ng mukha. This is not nice, Lord.

“Uy, may magandang dilag!” Tila may bumulong sa aking tainga at tumindig ang balahibo ko.

“Sino ‘yan? H’wag mo akong tinatakot kaya lumabas ka,” sabi ko pero kumakabog na ang puso ko sa kaba.

Lumitaw sa harap ko ang isang rogue base sa itsura niya. Palagay ko isa siyang ligaw na mamamayan na walang gustong magpatuloy.

“Ang bango ng dugo mo. Alam kong hindi ka kagaya ko. Kung sinusuwerte ka nga naman, oh,” ngisi nito habang nagalakad palapit sa akin.

Umatras ako dahil patuloy siya sa pag-abot ng kamay ko. Tinago ko ‘to sa aking likod at nararamdaman ko ng tumutulo ang pawis ko sa aking noo. Wala akong mahingan ng tulog. Malayo ako sa bayan. Is this the end of me?

“H’wag kang lumapit sa akin. Anak ako ng senior council,” banta ko. Sana gumana ‘tong pagpapanggap ko.

Nagpakawala siya ng halakhak na parang nakarinig siya ng hindi kapani-paniwala. Lalong lumakas ang kaba ko nang nag-iba ang kulay ng kaniyang mata. Naghahanap na ako ng makakapitan dahil pakiramdam ko, matutumba ako sa kaba.

Is he going to transform and eat me alive?

“Punta kang bayan, baka bumenta pa ‘yang sinasabi mo,” ngisi niya. Wala talagang matinong nilalang sa mundong ‘to.

“Alam mo, hindi naman talaga ako taga rito kaya hayaan mo na lang ako. Gusto ko ng umuwi. Alis na ako, ah,” paalam ko sa kaniya.

Subalit nang tumalikod na ako mula sa kaniya, bigla niya akong tinalon na parang nag-long jump pa siya para makuha ako. I hear my shirt was torn from the sudden contact and I felt sting on my bare shoulder. Mas naging agresibo ang rogue na kaharap ko ngayon nang maamoy ang aking dugo at nilalasap niya pa ito.

“Ang sarap ng amoy mo, hija,” komento nito at hinigpitan ang hawak niya sa balikat ko.

Pumikit ako nang ibabaon na niya ang kaniyang matutulis na ngipin sa aking balikat subalit may kaluskos akong narinig sa itaas namin. Maging ang rogue ay naramdaman ‘yon kaya parehas kaming nakatingin sa taas.

And there’s a man swinging on the branch of the tree. Kumakain ito ng prutas at nakaukit sa pisngi nito ang ngiti. Parang nasisiyahan pa ‘to sa kaniyang nakikita at patuloy lang sa pagnguya.

“Gusto mo ng tulong, Miss?” tanong nito.

“Kung hindi ka naman busy, baka naman gusto mo? Sira ka ba, tulungan mo ako!” singhal ko sa kaniya pero mas lumapad lang ang ngiti nito.

Sa isang iglap biglang nawala sa harapan ko ang rogue at tumalsik ito sa isang puno. I hear him grunt in pain pero nakabawi rin agad at nakipaglaban sa lalake. Inatake ng rogue ng suntok ito at patuloy lamang ito sa pag-iwas na tila hinahayaan niyang maka-score sa kaniya.

“Ano ka ba naman? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako masuntok?” tanong ng lalake at naghahamon. Base sa kan’yang mga sinasabi parang magkakakilala sila.

“Sinisigurado ko na sa pagkikita nating muli, mapapatay kita, Pierce. At ito ang araw na ‘yon!” sagot naman ng rogue.

Ilang beses na niyang pinaulanan ng suntok ang  lalake subalit hindi man lang ito nakadapo. Kaya no’ng napagod ang rogue ay siya naman ang sumuntok at tumama sa mata nito. Napaatras ang rogue habang hawak-hawak ang mata.

“Papatayin kitang, hayop ka!” Sumugod ulit ang rogue kay Pierce subalit hindi pa man ito nakalahati, ay para na itong tsinelas na lumipad sa kabilang bakod.

Pinagpag ni Pierce ang dumi sa kaniyang kamay at damit at saka tumingin sa akin. Ginawaran niya ako ng ngiti niyang nakakaumay.

“Ano ang ginagawa mo rito, Laurel?” tanong niya na parang kilala ako.

“Kilala mo ako?” tanong ko pabalik.

“Sino ba ang hindi nakakakilala sa anak ng senior council?” ngisi niya. I wanna tell him that his smile isn’t contagious so please stop but I can’t.

Tinulungan niya akong makatayo at hinayaang makasandal sa malapit na puno habang hawak ang aking balikat na may sugat.

Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya kung bakit ako naririto. Nakita kong inayos at ginulo niyang kaniyang buhok at paminsan-minsan ay ngumingisi. Habang tumatagal, parang mas may sanib ‘to sa utak kaysa do’n sa rogue na nakaharap namin.

“Kilala mo ba ‘yong rogue na ‘yon?” Pilit kong tinatakpan ang sugat ko ng aking damit upang hindi dumugo nang malala. It’s still bleeding and I don’t know herbs to ease the pain.

“Ah, ‘yon? Madalas ‘yon nanghaharang ng tao rito sa gubat lalo na kapag nag-iisa. Hindi naman talaga ‘yon masama. Ano lang may sira lang sa utak,” kuwento niya. Umupo siya sa gilid at tila may hinahanap.

“Bakit wala siya sa bahay nila?”

“He’s homeless, Claudia. Aside sa walang umampon kaniya, hindi rin siya tumatagal sa mga shelters na napupuntahan niya. Use this one.” Ibinigay niya sa akin ang isang dahon na ini-extract niya ang laman no’n.

“This is good for your scratch.”

Kinuha ko ‘yon at maingat na inilapat sa sugat ko. I flinched when I put it hard on the wound. Minsan talaga, hindi rin umaayon sa akin ang kamay ko.

Ilang minuto ang lumipas, hindi nagsalita si Pierce. Sinabayan niya lang akong umupo sa isang malaking puno at hindi nagtanong. Akala ko kanina madaldal ‘to pero nagkakamali ako. He’s way more sensible than Pietro. Naalala ko na naman ang kumag!

“Patay na naman ako nito,” he sighs. “Hirap talaga maging guwapo.”

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya pero gano’n na lamang ang gulat ko nang lumuwa ang nakakatakot na awra ni Pietro mula sa madilim na bahagi ng gubat. Kasama niya ay ang mga orders na tila hinihingal pa. Saan ba sila galing? Bakit parang pagod na pagod?

Habang papalapit siya sa aming direksyon ay hindi ko maiwasang kabahan. This is Pietro we’re all talking. Nakita ko na kung paano siya magalit kanina. Kapag nalaman niyang tumakas ako, malalagot ako nito kay Papa.

Nanlilisik ang mga mata niya. His flicker starts revealing its dark color.

“Pierce!” tawag niya sa kasama ko nang dahan-dahan itong tumakas.

Magkakakilala ba sila? Pabaling-baling ang aking mata sa kanilang dalawa hanggang sa nakita ko ang hindi ko napansin kanina. They’re alike. They’re twins, I’m certain. Pietro has straighter and clean cut hair while Pierce has long-curly but dishelved hair kaya hindi ko siya napansin agad.

“Tinulungan ko lang,” sabi ni Pierce na tila naging maamo sa harap ng kapatid niya.

Hindi siya pinansin ni Pietro at bumaling ang tingin nito sa akin.

“Akala ko hindi mo gagawin. Ginawa mo pa rin talaga. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga nasasakupan ko?” singhal nito na ikinabigla ko.

“You’re being selfish!” komento ko sa kaniya habang may namumuong mainit na likido sa aking mata.

Hinapit niya ako sa kaniyang gilid saka sinira ang damit niya upang gawing bandage sa sugat ko.

“Sa susunod, magsabi ka kung aalis ka para masamahan kita. This is not the place you could freely go around at night,” sabi nito pero ramdam ko pa rin ang pagkadismaya niya.

“H’wag mo nang pagalitan. Kasalanan mo naman ‘yan. Ang kupal mo kasi.” Sinukmatan niya ito at umaktong tatahimik si Pierce. May alam ba sila na hindi ko puwedeng malaman?

“Ayoko ng maulit ‘to, Pierce. Lalo ka na, Claudia. Dahil dito malalagay na naman sa alanganin ang mga orders at kasama sa mansion. Alam mo naman kung ano ka sa buong Evergreen,” sermon niya.

Nagsalita si Pierce. “Tinulungan ko lang. Hindi naman aagawin.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status