Share

Kabanata IV.

Kabanata IV.

Nauna akong maglakad kay Pietro at hindi siya pinansin. Kanina pa niya ako kinukulit kung ano ang sinasabi sa ‘kin ni Pierce kanina habang magkasama kami. At kahit anong banggit ko na wala, hindi siya naniniwala.

“Alam mo, kung hindi ka rin maniniwala sa ‘kin, might as well you stop asking. At t’yaka bakit ba ang init ng ulo mo? Lumabas lang naman ako saglit,” pagsisinungaling ko. Sinundan ko ang mga yapak niya dahil hindi ko pa naman kabisado ang mga daan dito.

“Hindi ka lumabas lang, Claudia. Tumakas ka, magkaiba ‘yon. Hindi ka talaga magtitino!”

“Wow, ha. Big word. Bakit matino ka ba? Kung matino kang tao, ay hindi ka pala tao. Kung matino kang alpha, you won’t agree in this marriage na alam mo namang hindi magiging successful,” singhal ko. Akala ba niya siya lang ang marunong? Well, hindi pa niya ako kilala.

“Hangga’t asawa kita, wala kang magagawa!”

Nakarating kami sa kaniyang cabin at doon ako pinatuloy. Hindi na ako nagtanong dahil alam ko na kung bakit. Sermon na naman!

Pagkapasok pa lang namin sa loob, hindi ko maiwasang mamangha sa kaniyang silid. Malaki ito na parang isang buong bahay namin dati. May long settees, king-sized bed, may maliit na furnitures at napakalinis tingnan. Clean freak!

“Sit wherever you want, but not on my bed,” utos niya.

“Sit wherever you want, but not on my bed,” I imitate him.

Nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay, kaya tumigil ako sa pang-aasar ko. Dumiretso siya sa kaniyang closet at nagtagal roon. Pero dahil isa akong hamak na pasaway, hindi ko siya sinunod.

ILANG MINUTO ANG LUMIPAS hindi pa rin lumalabas si Pietro mula sa kaniyang walk-in closet. Humikab ako sa tagal na niya ro’n at makakatulog ako sa ginagawa niya. I found his bed comforting. Parang hinihila ako nito papalapit.

Hindi naman siguro ‘yon magagalit kapag matutulog ako sa kama niya. Dahan-dahan kong ipinatong sa akin ang bedsheet na nagbigay sa akin ng init at niyakap ang sarili.

“Oh my God. Ang sarap,” bulalas ko.

Subalit nagulat na lamang ako nang bumukas ang isang pinto at lumuwa roon si Pietro na naka-bathrobe lang. His chest is exposed and his tone legs screams their veins with perfection. Matatangos na ilong at mapupula at manipis na labi. Okay, I’ll give him that.

Pietro is right. He is indeed a work of art. From the deep-set eyes to every lines of his nose and jaw, that were perfectly sculpted in his face. He dishelved his hair with his towel and glance at me.

“Ano ang ginagawa mo sa kama ko?” Napansin niya na nakahiga na ako. “Alis.” Agad siyang nagsalita sa intercom at nag-utos. Ang arte!

Pero hindi pa rin nawala sa isip ko ang kan’yang itsura ngayon na nasa harapan ko na siya.

“Glad what you were seeing?” He smiled. Sana hindi ko na lang siya tinititigan nang gano’n. Pakiramdam ko tuloy hindi niya ako titigilan sa pang-aasar. I wish I didn’t grin back.

“Wala akong nakita,” pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang pakiramdam ko at tila ilang boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa ‘king sistema. Maging sa aking utak ay naroon ang itsura ni Pietro na parang imahe na hindi na maaalis pa.

Tumawa lamang siya nang mahina pero maging ang tawa niya ay kaysarap pakinggan. Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, Claudia. Maghulos-dili ka. Babae ang gusto natin, hindi lalake! Hindi ko pa ‘to nararamdam no’n kaya sabi ko sa sarili ko baka naninibago lang ako.

“Oh.” Ibinigay niya sa akin ang isang folder na may dalawang papel at isang seal. Amoy na amoy ko ang kan’yang bathsoap.

Umupo ako sa kama niya at binasa ‘yon, pilit inaalis sa sistema ko ang mga nararamdaman ko.

“A marriage agreement? Ano naman ‘tong pakulo mo, Pietro, ha?” reklamo ko sa kan’ya. Binitawan ko ang papel at tiningnan siya… na sana ay ‘di ko na lang ginawa.

Pietro is naked in front of me. I could see his bum, like two pomelos in my hand. His curves and lines on his back were irresistable to touch. He flexed his muscle unconsciously as he pulled down his shirt. And in an instant, he wore pajama.  

I blinked. Not once, not twice. I lost count as to how many did I blink in front of him. Hindi man lang nailang ang kumag. Sa harapan ko pa talaga. And what’s that? Is that his roaring tiger? Ang wild, ah.

“First time seeing a man naked?” tanong niya na may nakakalokong ngiti. “Close your mouth, my hanan.”

“Hanan?” curious kong tanong.

“Short for ‘my tahanan’. It was written there. Kailangan pa ba na ako ang babasa para sa ‘yo? Read what you need to address me,” utos niya.

Gaya ng sabi niya, sinunod ko. Ngunit nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

“Tanga? As in tanga?” tanong ko.

“It’s ‘Tangi’, Claudia. Fod God’s sake! Tangi stands for tinatangi, minamahal. Seriously, wala ka bang creative juices sa sistema mo?”

“Eew, gross! Look, Pietro. Sa amin, we address our girlfriends and boyfriends as babe, baby, love or baba, and whatsoever na magpapaalala sa amin sa kanila that is two way more romantic than your old soul,” sabi ko. I rounded my eyes when an idea popped into my mind.

“Don’t tell me? Claudia, you stop what you were thinking. That’s gross! Please sto—“

Hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita dahil tinawag ko siya nang may nakakalokong ngiti.

“Bumbum. Bumbum. My bumbum,” bulalas ko habang gumawa ako ng malaking heart gamit ang aking kamay sa aking ulo. And I sway it in front of him. “I’ll call you bumbum and I don’t care what you call me.” Iniba ko ang nasa kontrata gamit ang pluma.

Natatawa ako sa itsura niya na parang hindi maiguhit sa papel. Nasusuka, na natatawa, na namumula ang pisngi.

“Kinikilig ka ba?” tanong ko at hindi pa rin inaalis ang ngisi sa pisngi ko. Paulit-ulit ko siyang inaasar. “Hoy, h’wag kang gan’yan. You might fall for me. Hindi kita kayang saluhin.” Alam kong alam niya ang sinasabi ko kaya inulit ko para alam niya at hindi makalimutan.

Kumunot ang kaniyang noo at nagpatuloy sa pagsasalita, iniba nag pinag-uusapan ngunit nakikita ko pa rin ang pamumula niya.

“Regarding the agreement, as you’ve read...” Tumigil siya at tiyaka dinilatan ako ng mata. “Stop smiling. Then he spoke,  “you only need to be my wife for a hundred days. Until then, you’ll be with me in all of my duties as my spouse. We will tell the public that we’re doing great of our marriage,” sabi niya.

Pero naguguluhan pa rin ako. Maliban sa pagiging asawa niya ay mayroon pa pala akong kailangan gawin. Hindi ko rin maintindihan ‘tong isang-daang araw na pagiging may bahay niya.

“What’s with the hundred day’s with you? Bakit hindi isang araw o isang buwan lang? Bakit tatlo hanggang apat na buwan? Eh, isang araw pa nga tayo magsakasama, hindi na tayo magkakasundo. ‘Yon pa kaya?” reklamo ko.

Sumandal siya sa pader at pinag-krus ang kaniyang braso.

“For a werewolf like me, we are destined to have mates when we reach our twenty first birthday. Pero may iba naman na wala. Sila ang magiging kabiyak namin hanggang sa kahuli-hulihang hininga. But, in my case, I haven’t meet her yet so until my birthday, you’re going to assist me if you want. I won’t force you with the things you’re not familiar with,” paliwanag niya.

“So, is mate like love?” tanong ko, nagiging interesado sa usapan.

Umiling siya. “No. Love is another story. Love is stronger than the Moon Goddess’ decision. May mga werewolves na hindi sumusunod sa itinakda para sa kanila kaya may nangyayaring rejection among the two and there’s a rejection ceremony kapag nangyari ‘yon para maging legal ang lahat. Besides, love is one of the numerous reasons why rejection happens.”

Hindi ko masikmura ang ganitong pamumuhay. Isa akong lesbian but I crave for love, too. Kung walang nakatakda para sa akin, that’s unfair! Sila lang ba ang mahal ng itinakda? Pati pala sa buhay nila may rejection. Akala ko perpekto na ang lahat.

“Eh, paano mo malalaman kung siya talaga ang gusto mo at hindi iri-reject pagdating ng araw? Kasi, ‘di ba, marami ang puwedeng mangyari along that hundred days na hindi mo siya nakikilala. You can meet a lot of people that will make your life worthwhile. At hindi mo rin sigurado kung babae o lalake ba ang gusto mo. Paano ka nakakasiguro na siya talaga?”

Ang hirap ng buhay nila kung maghihintay ka lang sa wala. Kasi, kung walang ibibigay sa ‘yo ang itinakda, wala kang magagawa and you’ll end up being alone in your entire life.

“In my case, wala akong choice kung hindi ang sumunod. I’m an alpha and Evergreen needs an heir to continue the legacy. Sa ayaw ko man at sa gusto, I will comply to the Moon Goddess even if it hurts me inside. Because a leader does not think of himself alone but his people. If I’m incapable, mapapalitan ako. At hindi puwede mangyari ‘yon.

“I’ve been working this position since I was kid so there’s no words in my vocabulary that I’ll get suspended or being replaced. If it’s not me, then no one could.”  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status