Share

Chapter 22

EVERLEIGH

Pagsapit ng kinaumagahan, dahil magaling na ako ay p'wede na ako muling lumabas ng kwarto.

Pero hanggang dito lang ako sa loob ng mansion.

Hanggang ngayon kasi ay natatakot pa rin akong lumabas-labas matapos ng nangyari.

Ayokong maulit 'yon o may mangyari ulit na mas malala pa roon.

"Labas tayo?" napatingin ako kay Ezra nang sabihin niya iyon.

Napaiwas ako ng tingin. Okay na ang isang beses na lumabas kami para matakot ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Wala ka bang tiwala sa akin?"

Matapos ng mga binitawan mong salita nang kasalukuyan akong nasa impyerno. Maibibigay ko pa rin ba ng buo ang tiwala ko?

Hindi ako sumagot sa kan'yang tanong at doon pa lang ay alam niya na ang naging sagot ko.

Hindi ako nagtitiwala.

Natatakot pa rin ako at hanggang dito lang ako sa mansion.

"Hmm okay. Bibili na lang ako ng pagkain sa labas at dito na lang tayo k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status